"ciar,let's talk"
lungkot saya at excitement ang nararamdaman ko sa mga oras na to
hindi ako nagsalita hinayaan ko lang siyang yakapin ako nang sobrang higpit hindi ako nagsasalita o gumagalaw
"please let's talk"
sabi niya ulit habang nakayakap sakin
"bakit kapa bumalik..."
bigla kung sinabi at bumuhos ang mga luha kong hindi ko inaasahan
"im sorry ciar, natakot ako't lahat kaya nagawa ko yun, sorry"
ramdam ko ang sakit na naramdaman niya pero mas masakit ang naramdaman ko kesa sakanya
"parang gago ka pala e. mag popropose ka tapos iiwan mo lang din naman ako!"
"sorry.... sorry...."
naiiyak niyang sabi, ganun pa din ang sitwasyon namin nakayakap pa din siya sakin habang ako nakatayo lang at umiiyak habang yakap niya
"kasi sana noong una palang sinabi mo na alam mo na hindi tayo magkadugo! alam mo ba naramdaman ko? tuwing magkasama tayo kinakabahan ako dahil baka may makakita sating dalawa! pero ikaw putangina ka alam mo pala na hindi tayo magkadugo kaya pala wala kang pake'alam!"
binuhos ko na ang iyak ko sa dibdib niya lahat ng sakit na naramdaman ko noon,parang ngayon ko lang ulit nalabas ang sama ng loob ko...sobrang sakit pa din pala sobra..
"please don't cry, please....im sorry,im sorry,gagawin ko ang lahat para maging okay ang lahat, please don't cry..."
sabi niya habang hinahaplos ang ulo ko ...
sobrang nakaka satisfied kapag may nag cocomfort sayo ng ganito, kaso nga lang yung nagcocomfort sayo is yung tao din ang dahilan kung bakit ako sobrang nasaktan ngayon
ginawa nila akong tanga! lahat sila pinaglaruan ako, although pinatawad ko na naman sila,pero kasi hindi ko parin ma dedeny na hanggang ngayon masakit pa din
sobrang saya ko at nakita ko ulit siya, sobrang saya ko at ganito kami ngayon pero alam kung makakasira ako ng relasyon kapag sinunod ko na naman ang wala kong kwentang puso
ayokong maulit na naman ulit ang nangyari dati
kaya gagawa ako ng desisyon na tama
"no.wag ka-"
hindi ko na natuloy ang sinabi ko nang biglang humiwalay si nieal sa pagyakap sakin at napansin kung nakatingin siya sa labas ng pinto habang pinupunasan niya ang mga luha sa mata niya
biglang pumasok si mommy at niyakap ako bigla
"baby what happened? umakyat ako dito kasi nang dumaan ako papuntang guest room nakarinig ako na may umiiyak"
pinunasan ko nalang ang mga luha ko at ngumiti kay mommy
"no mom, it's just that there's so many onions,whooooo hahahaha"
tangina halatang plastik ah
"baby iknow there's something wrong,but please stop it,
it will ruined your beauty look at you now,you look like a mess right niel?"
"yes mom"
halatang nagulat si niel sa biglang sabi ni mommy,pero umoo nalang siya dito
"come on,let's go outside"
aya ni mommy sakin,pagkatingin ko sa likod ni mommy wala nang tao nakalabas na ata, nagpupumilit nga akong magbihis pa eh, kaya lang sabi ni mommy wag na daw
kaya ito bumaba kami ngayon at hiyang hiya ako sa mga porma nila,
Well I don't care, this is our house naman kaya no hassle
"ijaaaaaaaaa!"
sigaw kaagad ni tita Josephine at niyakap niya ako nang mahigpit at niyakap ko din siya
"hi po"
bato ko din kay tito mike daddy ni niel
"hello ija, ang laki muna ah,kamusta work?"
tanong ni tito mike
"well okay lang naman po,minsan nakakapagod"
sabi ko habang nakangiti, sana walang makapansin na galing ako sa iyak kanina
nakaupo na kami ngayon sa sofa at si mommy at tita Josephine nasa dining nag uusap ng mga ewan habang si dad at tito mike nasa pool area umiinom ata
andito lang ako umuupo at nanunood nang TV na boring naman ang lumalabas
nagtingin tingin ako nagbabasakaling makita ko siya pero mukang wala, nauna na sigurong umuwi? well baka hinanap na nang girlfriend niya
napangiti nalang ako nang mapait at hinyaan ko nalang na nakabukas ang tv at aakyat na ulit ako para matulog, well ano pa bang magagawa ko?
nakatayo na ako nang pumasok sina dad at tito mike at tinawag ako
andito na din si mommy at tita Josephine
akala ko umuwi na siya
andito ulit si niel at mukang kasama siya nina daddy at tito mike
"ciarra come here"
tawag sakin ni dad at sinenyasan niya akong maupo sa gilid niya sa sofa
kaya pumunta din ako dun para maupo, sumunod na din si mommy so bale nasa left side ko si mommy at right side si daddy nasa gitna ako thesame din kina tita at tito nasa gitna rin si niel
ano naman to? meeting? tsk
"para saan po to?"
tanong ko na walang ka alam alam sa mga sasabihin nila ngayon kung meron man ...
hindi ko nga natuloy ang sasabihin ko sana kay niel eh
"well baby we made a decision"
well sila naman palagi gumagawa ng decision na yan
"like ano po?"
"ija we talked about your business and also your dad tell us that you are very hard-working and so very passionate about your work"
sabi ni tito mike habang tinitignan ako si mommy at daddy at parang alam na ni niel ang about dito, wala siyang reaksiyon eh, or baka wala lang pake
"baby we are already accepted the proposal of marth co. Companies!!!"
sabi ni dad nakapag pagulat sakin
What!?
"ano po?"
gulat na gulat ako pero hindi ako nagpahalata
"we made this decision anaka para naman maging okay na ang lahat, see? magka partner na tayo! at kayo ni niel! yey!!!!"
sabi ni mommy at mukang ang saya saya nga niya
hindi ko alam kung magiging masaya din ba ako?
kaya nagsalita na ako
"dad? akala ko ba ako na ang nag dedecide dahil ako ang CEO?"
sabi ko, halatang naudlot ang saya ni mommy at nagseseryoso ang muka, nakita ko ring nagulat sa sinabi ko sina tita Josephine at tito mike,pero kailangan ko tong sabihin eh, ayoko ko nang maulit ang dati
"ciarra,what are you talking about? of course you are the CEO and yes you can decide whatever you want, pero ginawa ko din to it's because i want to make you happy"
"but im not happy"
direstosong sabi ko
"ciarra!"
sigaw ni mommy,hindi ko lang siya pinansin at pinagpatuloy ang sasabihin ko
"iknow po na gusto niyo lang akong mapasaya,pero po masaya na ako sa mga achievements ko ngayon,and alam kong alam niyo na ang about sa past namin,pero po hindi makakatulong yung decision niyo ngayon po"
diretsong sabi ko din,habang tinitignan sila isa isal maliban kay niel
walang may nagsasalita
kaya magsasalita ulit ako, this time ayoko nang maulit ang nangyari dati, ayoko makasira ng relasyon
"ayoko po, im sorry mom and dad,also tito and tita, i can't accept this"
sabi ko at umalis, pero bago ako umalis tinignan ko muna siya at kitang kita ko kung paano siya nasaktan sa sinabi ko ..
ayokong magkasama kami sa iisang building,ayoko nun,lalo lang babalik sakin ang mga ala ala na yun, at lalong lalo na ayokong makasira nang relasyon,may girlfriend siya at ayoko kong masaktan ang girlfriend niya
siguro tama to ang decision ko!
tama na pagod na ako sa walang kwentang pag-ibig na yan ..
siguro nga tama tong gagawin ko...
A/n
ano feeling niyo ang ending? hahha hulaan niyo... Please give it a vote if na appreciate niyo story ko leave a comment too if ano feels niyo sa story ko bye bye!