Estrella Cruzada ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮

By Exrineance

165K 7.6K 6.9K

•Highest Ranks• #13 Historical Fiction #1 Rizal #1 Ibarra #1 StarCrossed #4 History #1 NoliM... More

꧁ ρгơƖơɠơ | ʂɬąг ƈгơʂʂєɖ
꧁ ąгƈ ı | ıʄ ʂɧє ɬųгŋʂ ıŋɬơ ą Ɩıє
꧁ ı | ųŋơ
꧁ ıı | ɖơʂ
꧁ ııı | ɬгєʂ
꧁ ıѵ | ƈųąɬгơ
꧁ ѵ | ƈıŋƈơ
꧁ ѵı | ʂєıʂ
꧁ ѵıı | ʂıєɬє
꧁ ѵııı | ơƈɧơ
꧁ ıҳ | ŋųєʋє
꧁ ҳ | ɖıєʑ
꧁ ҳı | ơŋƈє
꧁ ҳıı | ɖơƈє
꧁ ҳııı | ɬгєƈє
꧁ ҳıѵ | ƈąɬơгƈє
꧁ ҳѵ | զųıŋƈє
꧁ ҳѵı | ɖıєƈıʂєıʂ
꧁ ҳѵııı | ɖıєƈıơƈɧơ
꧁ ҳıҳ | ɖıєƈıŋųєʋє
꧁ ҳҳ | ʋıєŋɬє
꧁ ҳҳı | ʋıєŋɬıųŋơ
꧁ ҳҳıı | ʋıєŋɬıɖơʂ
꧁ ҳҳııı | ʋıєŋɬıɬгєʂ
꧁ ҳҳıѵ | ʋıєŋɬıƈųąɬгơ
꧁ ҳҳѵ | ʋıєŋɬıƈıŋƈơ
꧁ ҳҳѵı | ʋıєŋɬıʂєıʂ
꧁ ҳҳѵıı | ʋıєŋɬıʂıєɬє
꧁ ҳҳѵııı | ʋıєŋɬıơƈɧơ
꧁ ҳҳıҳ | ʋıєŋɬıŋųєʋє
꧁ ҳҳҳ | ɬгєıŋɬą
꧁ ҳҳҳı | ɬгєıŋɬą ყ ųŋơ
꧁ αяƈ ıı | нσω нє вєƈσмєѕ тнє тяυтн
꧁ ҳҳҳıı | тяєιηтα у ᴅσѕ
꧁ ɢʟᴏꜱᴀɾɪᴏ | ɢʟᴏꜱꜱᴀɾʏ

꧁ ҳѵıı | ɖıєƈıʂıєɬє

2.2K 144 108
By Exrineance

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

"Humihingi ako ng kapatawaran sa sinapit ng munting paslit at sa pagka-abala sa inyo, Ginoong Albino at sa inyo mga binibini," nakahahabag na paumanhin ng binibini habang nakayuko sa amin.

Tila na-estatwa naman si Albino habang namumula't hindi maalis ang mata sa bagong dating. Gayon din si Crispin at ang halos lahat ng taong malapit sa amin.

Hindi naman kataka-taka ang mga reaksyon nila. Walang halong biro't pangbobola pero napakaganda nga ng binibining kasalukuyang nakayuko pa rin sa amin.

Nasa marilag na dalaga ang buong atensyon ng lahat. Kaya hindi namin napansin ang ginang na kasama niya sa kanyang likuran hanggang sa ito'y magsalita.

"Kumusta ang bata, Maria?" nag-aalala rin nitong tanong.

Hindi na nagawang sagutin pa ng binibini ang itinatanong ng ginang sapagkat tumakbo na palayo ang batang gusgusin. Hindi na rin namin nalaman ang kanyang kalagayan.

"Malakas ang iyong loob upang hilahin ang bata palayo sa rumaragasang kalesa, binibini. Nakakahanga ang iyong taglay na katapangan tulad ng nakabibighani mong mukha," nakangiting papuri sa akin ng ginang nang lapitan niya kami.

Katabi niya ang magandang binibini na mahinhin pa ring nakangiti sa amin.

Hindi ako sanay sa sobrang pagkamahinhin niya at sa kanyang nakakapukaw na kagandahan. Kaya naman ay napatitig na lang ako sa kanya.

Itim na itim ang kulot niyang buhok na nababalutan ng manipis na puting belo. Ang kalahati ng kanyang buhok ay nakatali ng isa samantalang masinsing nakalugay ang natitira nito.

May kakapalan ang kilay na nagpapadagdag sa alindog ng kanyang singkit na mga matang may kulay matapang na kapeng balintataw.

Matangos ang ilong at may katambukan ang kanyang pisngi kahit na tila hugis orasa ang kanyang pangangatawan.

Orasa : Hourglass

Makipot ngunit mapula-pula ang labi niyang tila nahihiyang ipakita ang mapuputing ngipin nakatago rito.

Siguro'y may lahing banyaga ang binibining ito sapagkat naiiba ang ilang katangiang taglay niya sa isang purong Pilipino.

"Ako'y nakikimi sa inyong pagsulyap sa akin, ginoo at mga binibini," nahihiyang sabi ng binibini habang tinatabingan ang kalahati ng kanyang mukha gamit ang suot niyang belo.

Kimi : Blush

"Ah! L-Lubos akong humingi ng tawad sa kapahangasang aking nagawa, Binibining Maria. Ipagpatawad mo," agad na natauhan si Albino at yumuko sa kanila.

Lihim naman akong natatawa sa aking isipan at pinigilang mapa-iling.

Mga maginoo nga naman noong unang panahon. Kung sa makabagong henerasyon ito nangyari paniguradong babanatan na ng lalaki ng mga mabubulaklak na linya ang sinabi ng binibini.

Nakita ko ang ngiti ng ginang nang makitang namumula ang pisngi ni Maria. Nang mapansin niya na nahahalata namin ang kanyang hiya ay mahina siyang tumikhim at bumaling sa akin.

"Tanggapin mo ang ibibigay ko sa iyong ito bilang pasasalamat sa pagliligtas mo sa batang paslit na iyon, binibini. Nawa'y kalugdan ka ng patnubay ng May Kapal at i-adya ka Niya sa masama. Hangad ko ang muli nating pagkikita," puno ng damdaming saad ni Maria.

Marahan niyang kinuha ang aking kanang kamay. Naramdaman ko ang malambot niyang balat nang maglapat ang palad niya sa palad ko. May inilagay siya roon at mahigpit na iniyukom niya ang aking kamao.

Sa sobra niyang ganda ay hindi rumehistro sa akin ang katotohanang hindi ako nagitla sa kanyang paghawak.

Napa-angat ang tingin ko sa kanyang mukha ay nasilayan ko ang makabibighaning ngiti ni Maria. Ang itim niyang buhok na tinernuhan ng puting belo ay nagpapa-mistulang banal na santa sa binibining kaharap ko.

Tila ako'y binasbasan niya ng kaluwalhatian na pinagkaloob ng Diyos. Ako'y napatigalgal kaya naman nakalayo na sila bago ako muling mabalik sa aking sarili.

Aking tinanaw ang sa tingin ko'y mag-ina na nakapasok na pala sa loob ng simbahan. Pagkaraan ng ilang saglit ay ibinaba ko ang aking tingin sa aking nakayukom na kamao. Dahan-dahan ko itong binuksan.

Kulay pulang magulang ang mga alaboryo nito habang kulay pilak naman ang krus.

Alaboryo : Beads

Nang marinig ko ang dupikal ng mga kampanilyang bitbit ng mga sakristan ay nagmadali na akong makahanap ng puwestong mauupuan. Sa dulo na lamang dahil hindi rin naman ako magtatagal.

Dupikal : Chime

Nakinig ako't nagdasal sa misa hanggang sa dumating na ang sermon ng prayle. Halos kalahating minuto rin ang itinagal ko sa misa bago binalikan sina Crispin at Albino.

Natagpuan ko silang nakaupo sa isa sa mga lilim ng puno malapit sa entrada ng simbahan. May bitbit siyang maliit na kustal na telang kumikilansing tuwing ito'y nasasagi.

Kustal : Sack

Kinuwento ni Crispin na bigay iyon ng isang malapit sa kanyang prayle na nagsisilbi sa simbahang ito. Nagalak daw kasi ito nang makitang bumalik na si Crispin sa San Diego.

Kausap naman ni Albino ang isang matangkad, maputi ngunit payat na lalaking prayle. Sa tingin ko'y nasa trenta o higit pa ang edad nito.

"Magandang hapon po, padre," magalang kong pagbati sa prayle nang sila'y lumapit sa amin ni Crispin.

Ayoko namang humawak ng ibang tao kaya aking idinaan na lamang sa pagyuko ang pagmamano ko dapat sa prayle.

"Sadyang napakaganda nga ng hapong kong ito, binibini. Sapagkat nasilayan ko ang isang napakakinang na hiyas na kumikislap sa la luz del sol," mabulaklak na pagbati naman ng prayle.

Ang la luz del sol na binanggit niya ay salitang Espanyol na ang katumbas sa Ingles ay "in the sunlight".

Sandali akong natigilan nang marinig ko ang kanyang tinig. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking laman na para bang ibig kong makalayo sa ginoong ito ngayon din.

Lumakas ang pintig ng puso ko't nagsitayuan ang aking mga balahibo.

Ano 'tong nararamdaman ko? Nakakasuya, nakakadiri't nakakagimbal na hindi ko maintindihan.

"Binibini?" takang tawag sa akin ni Albino nang kanyang mapansin ang aking panginginig.

Ayokong gumawa na naman ng isa pang eksena kaya minabuti kong huminga ng malalim. Saka ako umayos ng tayo upang masilayan ang sanhi ng kakaibang nararamdaman ko ngayon.

Nakakahawa ang ngiting nakapaskil sa mukha ng prayle. Halata ang banyagang dugo nito sa kanyang hitsura ngunit siya'y magaling mag-Filipino.

Hindi ko mahanap sa kanya ang paliwanag kung bakit ako nakakaramdam ng pagkasuklam sa prayle. Hindi sa pangangatawan at pisikal niyang hitsura kung hindi sa kanyang boses.

Ang boses na narinig ko kasama ang babae sa kampanaryo.

"Nagagalak akong makilala ka, binibini. Ako si Bernardo Salvi, isang padre at ang kura ng simbahang ito. Marapat na lamang na ako'y iyong tawagin sa ngalang Padre Salvi tulad ng iba, binibining..." pagpapakilala ni Padre Salvi sa kanyang sarili.

Isa na namang pamilyar na pangalan sa nobela ni Rizal. Noong una'y hindi ako makapaniwala't nagugulantang pa sa tuwing nakakakilala ako ng mga tauhan sa kuwento. Ngunit ngayon ay nakakasanayan ko na.

Iniisip ko na nga na baka sa susunod ay makasalubong ko na si Ibarra o hindi naman kaya'y si Maria Clara. Nahihibang na nga yata ako dahil unti-unti na akong naniniwala sa imposible.

"Ako po si Maria Sol Marqueza. Ngunit maaari n'yo po akong tawagin sa palayaw na Marisol. Kasalukuyang nanunuluyan sa familia Marqueza na tubong Santa Cruz sa Maynila. I-Ikinagagalak ko po kayong makilala, Reverencia," pagpapakilala ko sa aking sarili.

Lalong kumurba ang ngiti sa labi ni Padre Salvi nang malaman niya ang aking pangalan.

"Maria. Nababagay na ngalan sa isang birheng katulad mo. Walang itulak kabigin sa inyong dalawa ni Maria Clara," papuri ng prayle matapos ipagdikit ang dalawa niyang palad na para bang siya'y magdarasal.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o mamumuhi sa hindi ko siguradong papuri niya sa akin. Tila may laman ang kanyang tinuran. O marahil ay sadyang ilag lang ako sa kanya dahil sa pagkakakilala ko sa karakter ni Padre Salvi sa Noli Me Tangere.

Ngunit ang pagbanggit ni Padre Salvi sa ngalan ni Maria Clara ang nakapukaw ng atensyon ko.

May totoong Maria Clara talaga? Hindi ba't hango ang karakter niya kay Leonor Rivera?

Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari.

"Kilala niyo ho si Maria Clara?" sinubukan kong kumuha ng impormasyon kay Padre Salvi.

Bumungisngis ito na para bang isang biro ang itinanong ko sa prayle.

"Walang hindi nakakakilala kay Maria Clara sa bayan ng San Diego, Maria. Siya ang pinakamayuming hiyas sa bayang ito na kinahuhumalingan ng lahat," tumigil sa pagsasalita ang prayle at humakbang palapit sa akin, "Ngunit sa tingin ko ay hindi na lang iisa ang magiging hiyas sa bayang ito. Hindi ba, Maria?"

Tumigil si Padre Salvi sa harap ko at hahawakan sana ang aking mga kamay. Hawak-hawak ko pa rin ang rosaryong bigay sa akin noong magandang binibini.

Nabahala ako't kinabahan sa gagawin ng prayle. Ayoko nang may humawak sa akin dahil nanginginig ako.

"Paumanhin, Padre Salvi. Ngunit kailangan na naming lumisan dahil palubog na ang araw. Hindi mabuti para sa isang binibini na abutan ng dilim sa lansangan," ang biglaang pagsingit ni Albino matapos pumagitna sa amin ni Padre Salvi.

Idiniin ni Albino ang salitang "binibini" na tila may nais iparating sa prayle. Ngunit parang hindi ito alintana ni Padre Salvi bagkus ay sandaling pinasadahan ako ng tingin.

Ngumiti ang prayle at umatras na palayo sa akin bago tumingin kay Albino.

"Ibig ko lamang tignan ang dala niyang rosaryo't basbasan. Nang sa gayon ay lagi siyang patnubayan ng mahabaging Diyos," paliwanag ni Padre Salvi na para bang inaakusahan siya ni Albino sa isang pagkakasala.

Agad naman akong nagpaalam sa prayle at mabilis na lumayo sa kanya. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang mawala na siya sa aming paningin.

"Ibig kong pangilagan mo ang prayleng iyon, binibini. O maski ang iba pang instrumento ng Diyos sa simbahan dahil mas masasahol pa sa hayop ang mga prayle rito," babala naman ni Albino matapos niyang makasiguro na walang nakikinig.

Ang siraan ang simbahan ay isang pagtataksil sa bayan at maaaring maparatangan ang nagsabi ng pagiging isang erehe.

Tumango ako kay Albino bilang tugon. Napansin ko naman na ang daang tinutumbok namin ay daan pabalik sa bahay na aming tinutuluyan. Ako'y nagtaka kaya naman napatanong ako kay Albino.

"Habang ikaw ay nasa misa, nagpadala ang señora ng isang mensahero upang ipaalam sa atin na nakabalik na siya sa bahay-tuluyan," paliwanag naman ni Albino.

Mukhang kasalanan ko kung bakit hindi kami nakarating sa takdang oras sa bahay ng mga Delos Santos.

Pagdating namin sa bahay ay nahahapo na ako't nagugutom. Kanina pa pala ako hindi kumakain at kanina pa rin kami naglalakad.

Naiwan si Albino sa tarangkahan upang mag-ulat sa gabay ng mga guardia civil na nagbabantay sa paligid ng aming tinitirhan ngayon. Si Crispin naman ay agad na dumiretso sa kusina upang tumulong sa paghahanda.

Samantalang tumuloy naman ako sa sala kung nasaan daw si Doña Soledad ayon sa isa sa mga katulong na aming nakausap.

Naabutan ko nga roon ang doña na abalang nakikipag-usap sa aming mga bisita. Agad akong napansin ng doña dahil nakaharap siya sa aking gawi.

"Mirasol, naririto ka na pala. Halika't samahan mo kami rito," bungad sa akin ni Doña Soledad at iginiya akong samahan sila sa sala kaya naman agad akong tumalima.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ni Doña Concolacion! Bibihira lamang tagpong iyon kaya't nakakahinayang na wala ako roon upang makinood." Malakas na namang saad ni Tinyente Guevarra at tumawa.

Lihim akong napangiwi sa sinabi niya. Nahihiya tuloy ako kay Doña Soledad dahil sa nangyari. Baka nadungisan ko na naman ang apelyido nila.

"Huwag kang mabahala sa pagkat walang pumupuna sa iyong ginawa, binibini," pangungumbinsi naman sa akin ni Don Filipo nang makita niya ang hilatsa ng aking mukha.

Nakaupo sa isang pang-isahang silyang kahoy si Doña Soledad. Detalyado ang disenyong baging at mga bulaklak na nakaukit sa narrang kahoy ng upuan. Sinasapinan ng malalambot na kutson ang mga ito kaya bagamat sa kahoy gawa ang mga upuan ay hindi ito masakit upuan.

Nasa mahabang stipa naman nakaupo sina Tinyente Guevara at Don Filipo. May nakahaing dalawang tasang tsaa sa lamesa at isang malaking mangkok na naglalaman ng lengua de gato.

Iginiya akong umupo ni Doña Soledad sa kanyang tabi kaya naman sumunod ako.

"Natutuwa nga ako't palaban ang dalagang ito tulad ng aking unico hijo. Nakasisigurado rin akong sasang-ayunan ni Juan ang ginawa mo, Mirasol," dagdag pa ng doña.

Ngumiti na lamang ako habang hinahawakan ang bigay na punseras ni Juan Vicente.

"Nga pala, mabalik tayo sa ating paksa. Iminumungkahi kong iyong isama ang binibini sa nalalapit na handaan sa bahay ni Kapitan Tiyago," pagbabalik ni Don Filipo sa paksang kanina pa nila pinag-uusap.

Kumunot ang noo ng doña sa suwesyon ni Don Filipo at mukhang hindi siya pumapayag dito.

"Maraming dadalong insulares at kastila sa piging na iyon, Don Filipo. Maaari pa ngang may banyagang bisita si Don Santiago mula sa Tsina at mga ilustradong galing pa sa Europa. Kilala ninyo si Don Santiago. Maraming kaugnayan sa pamahalaan. Isa pa, iniiwasan kong makahalubilo ni Mirasol ang mga prayle. Maiinit sa mga mata nila ang mayuming tulad niya," mapait na salaysay ni Doña Soledad.

Napapansin ko na Don Santiago ang tawag ni Doña Soledad kay Kapitan Tiyago. Ito'y marahil sa hindi tubong San Diego ang doña kaya hindi ito sanay sa taguring Kapitan Tiyago.

Tumango-tango naman si Don Filipo bilang pagsang-ayon sa dahilan ng pagtanggi ni Doña Soledad sa ideyang sasama ako sa piging.

Mukhang hindi niya magugustuhan ang katotohanang may nakilala na akong prayle rito sa San Diego. Hindi ko mapigilang iyukom ang aking mga kamay.

"Hindi magiging suliranin ang iyong iniisip sapagkat aatasan ko si Albino upang maging bantay ng binibini sa salu-salo. Ito'y naipagbigay-alam ko na sa alperes na mariin naman niyang sinang-ayunan," buwelta naman ni Tinyente Guevarra na mukhang ibig talaga akong dumalo sa handaan.

Hindi na nagsalita si Doña Soledad ngunit bakas sa mukha nito ang mariin pa ring pagtutol.

"Nakapagpasya na po akong huwag dumalo dahil wala rin naman po akong kilala sa piging na iyon, mga ginoo," ako na mismo ang tumanggi para hindi na mag-isip pa ang doña.

Bumaling naman sa akin ang dalawa naming bisita na halatang nanghihinayang sa aking pasya.

"Binibining Mirasol, mahalaga na ikaw ay makadalo sa salu-salong ito upang mabatid nila na nagmula ka sa Bagong Espanya. Nang sa gayon ay hindi ka maliitin ng iba pang mestiza't mestizo na makikilala mo rito," paliwanag pang muli ni Tinyente Guevarra.

Sa totoo lang ay hindi mahalaga sa akin kung makapunta o hindi. Hindi naman ako paladalong tao sa mga handaan noon pang nasa kasalukuyang panahon ako. Tumingin na lamang ako sa doña upang abangan ang magiging sagot niya.

"Makakatulong din ang pagsama mo sa piging sa pag-enganyo kay Kapitan Tiyago sa plantasyon ng inyong lambanog," dagdag pa ni Don Filipo.

"Kung gayon ay pumapayag na akong dumalo sa sinasabi n'yong salu-salo," pagpayag ko sa huli. Ramdam ko ang pag-aalala ni Doña Soledad nang balingan niya ako ng tingin.

Nais kong bumawi sa kanila.

Kung makakatulong ay gagawin ko bilang utang na loob sa pagkupkop nila sa akin mula ng mapunta ako sa panahong ito.

"Mawalang galang na po sa inyo ngunit ipinapatawag ng alperes si Tinyente Guevarra upang makausap," biglang sumulpot si Albino habang kami'y nag-uusap.

Agad namang tumayo't nagpaalam ang tinyente na sinundan din naman ni Don Filipo.

Paglisan nila'y kinausap ako ng doña upang siguraduhing buo na ang aking pasya.

"Sasama po ako, Doña Soledad," nakangiti kong pahayag sa kanya.

Isa rin itong magandang oportunidad upang masulatan si Juan Vicente at ikuwento ang mangyayari sa piging.

"Ikaw ang bahala, Mirasol. Basta't huwag ka lamang lalayo sa akin sa araw na iyon," paalala naman ng doña at saka tumingin sa labas ng bintana, "Madilim na pala. Oras na ng hapunan."

Matapos niyang sabihin iyon ay inutusan na ng doña ang mga katulong upang maghain. Pinagbihis na rin niya ako ng panibagong baro dahil puro dumi na nga ang aking suot.

Marahil ay nagwawari ang doña kung bakit narungisan ang aking baro ngunit masyado itong abala upang usisain pa ang nangyari.

Umakyat na ako sa ikalawang palapag ng bahay at tumuloy sa aking kuwarto. Madali ko naman itong nakita dahil nasa bukana lang ng hagdanan ang silid na nakatalaga sa akin.

Pagpasok ay naabutan ko si Crispin na nakaupo't nakapatong ang ulo sa gilid ng aking kama. Mahimbing itong naiidlip sapagkat hindi siya nagising sa langitngit ng pinto nang ito'y binuksan ko at siyang aking inihiga sa kutson.

Sandali ko siyang pinagmasdan at napangiti. Minsan nakakalimutan kong isang munting bata pa lamang si Crispin. Hindi ko kasi siya nakikitang nakikipaglaro sa kapwa niya mga bata.

Maingat akong naghalughog ng maisusuot sa aparador at nagbihis. Isang mapusyaw na bughaw na bestida na hanggang bukung-bukong ang haba ang napili kong isuot. Ang manggas nito ay puting puntas na anim na pulgada naman ang haba.

Puntas : Lace

Umupo naman ako sa harap ng tokador at ipinatong doon ang rosaryong bigay noong magandang binibini. Napadako naman ang tingin ko sa nakatuping baro't saya na bigay ni Juan Vicente.

Napangiti ako nang maalala ang heneral. Unang araw pa lang namin sa bayan ng San Diego ngunit marami na ang nangyari.

Napababa naman ang aking tingin sa suot kong punseras na galing din sa kanya.

Sinubukan kong ayusin ang mga kakaibang pangyayari mula nang mapunta ako sa panahong ito.

Natagpuan at inaruga ako ng familia Marqueza sa Santa Cruz. Doon ko unang nakilala si Crispin na isang batang babaeng katulong sa pamilya nila. Pagkatapos ay nakita ko ang parehong talaarawan ni Prinsesa Jaeha sa aklatan ng Calle de Creacion na aming pinuntahan noon ni Juan Vicente.

Sumunod ang pagpunta namin sa bayan ng San Diego at ang pagkakakilala namin kina Don Filipo at Tinyente Guevarra.

Naalala ko na sila. Isa rin sila sa mga tauhan sa nobela ngunit hindi ko na matandaan ang kanilang papel sa istorya.

Gayun din ang pagkikilala namin kay Albino at ang mainit na tagpo naming dalawa ni Doña Concolacion hanggang sa pagdating ng Alperes.

Mula nang dumating kami sa bayang ito ay nakasalamuha ko na ang ilan sa maraming tauhan ng kuwento. At wala pa yatang isang araw ang nakakalipas mula ng tumapak kami sa San Diego.

Dalawa ang teoryang nabuo sa aking isipan.

Una, na nakilala ko ang mga totoong tao na hango sa mga karakter ng nobela. Ngunit maraming butas at sumasalungat na iba ukol dito.

Si Padre Salvi ay kinilala bilang si Padre Antonio Piernavieja, ang kinasusuklaman na agustinong prayle sa Cavite na pinatay noong rebolusyon.

At ang dapat na pagkamatay ni Crispin noong pitong gulang pa lamang siya. Hindi pa man napapatunayan ang legalidad ng impormasyong ito ay may mga artikulong nagsasaad na may mga marka ng dugo na sinasabing makikita sa pader ng hagdanan na humahantong sa kampanaryo ng Simbahang Katoliko noon sa Hagonoy, Bulacan noong 1870s.

Sariwa pa ang mga impormasyong ito dahil isa sa mga huling paksa namin sa kolehiyo ang El Filibusterismo at napahapyawan ng bahagya ang nobelang Noli Me Tangere.

Bali-balita sa bayan noon na ang mga marka ng dugo ay mula isang batang lalaki na namatay mula sa malupit na gulpi ng isa sa mga prayle sa simbahan.

Ang mga pahayag na nabanggit ko ang sumasalungat sa unang teoryang aking naisip.

Pangalawa teorya, hindi man katanggap-tanggap sa larangan ng siyensiya ay isinaalang-alang ko na rin ito. Nasa loob ako ng mismong nobela ni Rizal. Ngunit tulad ng nauna ay may mga sumasalungat ding testimonya ito.

Ang Crispin na nakilala ko sa panahong ito ay isang batang babaeng siyam na taong gulang na salungat sa nakasaad sa nobela. Sa Noli Me Tangere ay isang batang lalaki si Crispin na pitong taong gulang.

Wala sa bayan ng San Diego ang bahay ni Kapitan Tiyago kung hindi nasa Kalye Anloague na kasalukuyang kilala bilang Juan Luna street sa Tondo, Manila.

Hindi ko alam kung anong paniniwalaan sa dalawang kuro-kurong aking naiisip. Maaaring isa sa dalawang ito ang malapit sa katotohanan o marahil ay may isa pang teorya na hindi ko pa naiisip.

Ngunit iisa lang ang sigurado ko.

Tumaas ang aking tingin at hinanap ang kuwadernong sanhi kung bakit ako napunta rito.

Nasa Japan pa rin sana ako kasama ang aking kapatid kung hindi nangyari ang gabing iyon.

Kinuha ko mula sa istante ng salaminan ang talaarawan ng aking ninuno.

Inilapag ko ito sa aking harapan at pinagmasdan. Muling nasisinagan ng liwanag ng buwan ang pabalat ng talaarawan kaya tila nagniningning na naman ito sa aking paningin.

Mapusyaw na kape ang kulay ng pabalat na may disenyong dikit-dikit na sulat ngunit hindi ko naman ito mahinuha. Naka-umbok ang pamagat nito pero hindi ko pa rin mahulaan ang titulo.

Ngunit nang ito'y aking matitigan ng napakatagal ay may napagtanto ako. Napasinghap ako habang nanlalaki ang mga mata sa alaalang biglang bumalik sa aking isipan.

One time, nasa filipiniana section ako sa dulong part ng library when I noticed this certain book na nasa ilalim ng bookshelf. It felt magical for an unknown reason kaya kinuha ko ito sa lapag at tinitigan.

Hardbound ang cover nito at may disenyong papel na may sulat sa language na hindi ko maintindihan. Halatang pinaglumaan na ng panahon pero maayos pa ang kondisyon ng libro.

There was a tie of thin layer of leather locked around the book and when I unfastened it, the pages were already brittle and slightly stiff. Kaya hindi ko na pinilit buklatin at baka masira ko pa.

May nakasulat sa unang pahina pero hindi ko ito mahinuha dahil malabo na at may mga buradong letra.

"What the heck...?" hindi ko napigilang bulalas dahil sa naalala ko.

Tama, ito nga rin ang librong nakita ko sa silid aklatan noong una kong nakilala si Yuan tatlong taon na ang nakalilipas— hindi, sandali. Ilang siglo na nga pala ang layo ko sa taong 2013.

Buong akala ko'y ito pa lang ang ikalawang pagkakataon na aking nakita ang talaarawan na ito ngunit hindi pala.

Ano ba 'tong nangyayari sa akin?

Pinakalma ko ang aking sarili dahil kung hindi, maaaring magwala na ako ngayon dito dahil sa kababalaghang napagtatanto ko.

Paano napunta ang librong ito na nasa library ng Ateneo sa Kijin Manor namin sa Japan? Tapos hindi pala ito libro kung hindi talaarawan ng ninunong prinsesa namin.

Mula nang makita ko ito sa kuwarto ni Prinsesa Jaeha ay para bang nawawalan ako ng ulirat tuwing gabi. Hindi ako makatulog hangga't hindi nababasa ang isang pangungusap na laman nito.

Hanggang sa dumating nga ang nakakatakot na gabing iyon. Ang pagtatangka ni Fujiwara Seiji sa akin at nang mapadpad ako sa kuwarto ng prinsesa. Hindi ko malilimutan na nilamon ako ng apoy ng talaarawan niya.

Tapos mula sa Kijin Manor namin sa taong 2013 ay nakita ko na naman itong kuwarderno sa aklatan sa panahong ito taong 1888.

Ano ang mayroon ang talaarawang ito at palaginh naroon sa mga tagpong hindi ko makakalimutan?

Inalis ko sa pagkakatali ang makapal na telang nakapalibot dito at binuksan ang unang pahina. Tulad din ng dati ay iisang pangungusap lang ang nakapaloob dito.

"Las estrellas de la mentira y de su verdad caerán al principio de sun fin," mahina kong pagbasa sa nilalaman ng unang pahina.

The stars of lie and of its truth will fall at the beginning of their end...

Isinalin ko sa wikang Ingles ang pangungusap na iyon upang aking mas maunawaan.

Naalala ko ang nangyari matapos basahin ang nakaraang nasusulat sa pahinang nasunog. Ang pangungusap na ito ang sumunod na lumitaw sa sulat na tila kawangis ng akin.

Ilang araw noon ay nagtungo kami rito sa San Diego kung saan ko nasaksikan ang kakatwang pangyayari. Ang pagtigil ng oras at pagiging lumang papel ng paligid. At ang hindi ko malilimutang hiyaw ng babae sa kampanaryo.

"Maria, pagmasdan mo ang pagba—"

Ako'y napatayo sa hindi inaasahang pangyayari. Ang silyang inuupuan ko'y nabuwal sa bigla kong pagtayo mula roon.

Nanlalaking mata na pinagmasdan ko ang mga letra sa pahina. Isang pamilyar na eksenang muli ang aking natutunghayan. Ang mga ito ay muling nagliyab. Matapos masunog ng mga letra ay tinupok na mang muli ng apoy ang natitirang pahina.

L̮a̝s͚ ̝̺e̜̖͓s̜̭t͙r̼͎̘e̘͚̞l̙l͔a͙s̲͙ ̥̜͕̲̜̤̘d̦̱͉͍e̲ ̬͔̪͈͈̻̬l̠̣̖̜̟a̠͔̯̲͔̤̝̺ ̣̤͙̥̗m͇̥̮͍̼̦ḛ̣̙n̟t̯̱i̦̥̜r̙̟a̻̭ ̮y͇̹͍ ͉d̞̼e̜̼͇ ̳s̩͖u̬

v͚e̫r̫̫d͕̥a̘̗͉d͎̻̘ ͚̼̙c̭͖̮a͚͍͈e̟r̼̗̖á̰̟̲̹̩n̞̼ ̗̻̦a̳͉̘̹̤l͈̮͍̻͎̙ͅ ̘̠͇̫͇͕͍p̠͕͔̹̖͉̲̼r͖̙͎̩i̹̘̖n̰̜̼͎͙c̤̹̺̱͍̮̥i̦͎̩̗p͍̙̫̱̣̥̘͓i̲̳͉͇̼̬o͈̟̙ ͈̪͚̰̜ͅd͈̠͙e̤̯̥ ̻̳s͈͔̘u̮ͅn͍ ̪̥f̭̱i̗n̬͓


Nang maupos ang ikalawang pahina ay pumailanlang ang mga abong dapat na mahulog sa ilalim. Unti-unti itong naglaho sa hangin habang ako ay natuod sa aking kinatatayuan.

Ilang segundo pa akong natigil dahil sa pagkabigla. At nang makabawi ay dahan-dahan akong humakbang palapit sa tokador.

Isa, dalawa at titigil.

Hihingang malalim at muling hahakbang.

Mabilis ang tibok ng aking puso nang silipin ko ang kinahinatnat ng kuwaderno.

Akala ko ay wala nang mailalaki ang aking mga mata. Ngunit nagkakamali ako nang manlaking muli ang mga ito dahil sa nakita. Sa ikatlong pahina ay nasusulat ang panibagong tala sa sulat na kawangis ng akin.

Gulong gulo ang aking isipan. Sumasakit ito na para bang binibiyak ng palakol.

"Señorita," ang garalgal na boses ni Crispin ang nakapagpa-iktad sa aking kinatatayuan.

"Kuso!" napamura ako sa nihinggo sa pagkagulat.

Nasisindak akong napalingon kay Crispin.

"Ipagpaumanhin po ninyo kung kayo'y aking nabigla," agad namang paghingi ng tawad ng bata matapos itayo ang nabuwal na silya nang dahil sa akin kanina.

Saka ko lamang naalala na natutulog siya rito at nagging lamang nang mabuwal ko ang silya.

May sasabihin pa sana si Crispin sa akin ngunit isang sunud-sunod na katok ang pumigil sa kanya. Ilang segundo lang at nagbukas na ang pinto.

"Magandang gabi, Binibining Mirasol. Narito po ako upang ipaalam sa inyong handa na ang hapunan," nakangiting bungad sa akin ni Lucas na tanging mukha lamang ang nakausli sa pintuan.

Agad namang nagpaalam si Crispin upang pumanaog at tulungan silang maghain.

"Bakit ka pa nariyan, Lucas?" taka kong tanong sa kanya nang bumaling ako sa pinto't masilayan siya.

Ngumiti ang binata sa akin at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto upang makita ko ang kanyang hawak.

Isang tangkay ng bulaklak ng banaba na mukhang kakapitas pa lamang mula sa puno nito. Natabas na ang iba pa nitong maliliit na sanga at natira na lamang ang iilang dahong malapit sa bulaklak.

"Para sa akin?" tanong ko kay Lucas habang inilalahad niya sa akin ang bulaklak.

"Ibig ko pong maging isa sa mga dahilan ng inyong pag-ngiti sa araw-araw, binibini. Nawa'y tanggapin mo ang aking paglulugod," matamis na paliwanag ng binatang nasa harapan ko ngayon.

Naiilang man ay napangiti ako sa sinabi niya't napailing na lang. Tinanggap ko iyon at sandaling inikot-ikot upang pagmasdan.

"Ako'y mauuna na pong pumanaog, Binibining Mirasol. Tutulungan ko si Crispin sa kanyang ginagawa," masiglang pamama-alam ni Lucas bago yumuko't isara ang pintuan ng aking silid.

Naghanap ako ng mapaglalagyang plorera sa bulaklak na ito at inilagay sa malapad na bastidor ng bintanang capiz upang masinagan ng buwan at ng araw.

Bastidor : Frame

Naglakad na ako papuntang pintuan ngunit bago pa ako makalapit dito ay nahagip ng mata ko ang talaarawang nakabukas sa aking tokador.

Dagli kong binasa ang laman ng ikatlong pahina at napabungong hininga. Isinara't itinali ko ang talaarawan bago ibalik sa istante. Ipinulupot ko naman ang pulang rosaryo sa aking kanang kamay katabi ng punseras na bigay ni Juan Vicente bago tuluyang lisanin ang silid.

                                                                   
Ang Aking Katotohanan.

Ikaw, na siyang naglalakbay sa nakaraan. Nawa'y ang bawat himala ng santinakpan na nasa iyong kamay ay maging hinggil ng dalisay naming paggiliw.

Ang tala ng kapalaran ay muli na namang pumanig sa binurang wakas ng kanyang nakaraan.

Mataos ang pawang kabulaanan ng buhay sa yaring larawan. Iisa ang sinimulan bagamat naging dalawa ang katapusan.

Ngunit ikaw ang aking katotohanan. Humanda ang lahat ng tinapalan ng labi sapagkat nalalapit na ang iyong mga paa sa lupa ng aming bukang-liwaylay.

Sa iyong himala ay muling hihinga ang bibig na inalisan ng tinig.

Tandaan mo ang aking katotohanan...

La poesia pasada se cantara en el segundo compas del momento.

                                                                   

∙∙·▫▫ ≍ ⋟⋟۵ ⋟⋟۵⋞⋞ ▫≼≽▫ ⋟⋟۵⋞⋞ ۵⋞⋞ ≍ ▫▫·∙∙

Updates will be on indefinite schedule.

May nagpayo sa akin na huwag daw ilagay sa parehas na pangungusap ang kahulugan ng ilang salita. Ito daw ay nakakasira sa kabuuang ideya ng isang pangungusap. Tama naman kaya binago ko na ang paraan ng pagbibigay kahulugan.

And alam n'yo bang malapit na tayo sa gitna ng Arc I? Excited na kasi ako sa Arc II kaya nais ko lang ito ibahagi sa inyo. Di pa kasi nagpapakita ang true male lead natin kaya ang daming mahuhulog sa second lead syndrome. Kailangan ko nang ilabas si Ibarra hahahaha malapit na.

Reverencia Magalang na pagtawag sa may katungkulan o may malaking naiambag sa lipunan.
Cabeza de Barangay Kilala rin bilang Teniente del Barrio sa Espanyol, ay pinuno ng isang barangay Filipinas.
Erehe Taong sumasalungat sa utos ng simbahan.

Ang kuwentong ito ay hindi pulido at maaaring makakita ng wrong spelling of words, wrong grammar in a sentence at typographical errors. Maaari akong itama sa bawat pagkakamaling makikita ninyo. Salamat sa pag-unawa.

Paalala na ang iba ay maaaring taliwas sa katotohanan. Sinasadya iyon ng manunulat dahil sa napakatinding rason.

彡Exrineance

𝘈𝘙𝘊 𝘐╹𝘜𝘯𝘭𝘰𝘤𝘬╻𝘐𝘧 𝘴𝘩𝘦 𝘵𝘶𝘳𝘯𝘴 𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘢 𝘭𝘪𝘦

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 90.3K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
632K 35.3K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.5K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.6M 294K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...