FATED TO F*CK YOU✔

TitaAmor07

868K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... Еще

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

Kabanata 8

14.8K 570 103
TitaAmor07

KABANATA 8

“Ikaw na.”

“Ikaw na lang.”

Nagtutulakan sina Green at Grey kung sino ang unang lumapit kay Blue na nakutalala lang buong umaga sa bintana kung saan ito nakaupo. Nakiusap kasi si Red sa dalawa dahil nagbabakasakali siyang pansinin sila nito. Kanina pa kasi sinusuyo ni Red ang kanyang kambal ngunit bigo siyang makausap ito. Kahit sa sasakyan kanina, wala itong imik.

“Ako na nga!” lakas loob na sabi ni Grey.

Nang dumating na si Grey sa kinaroroonan ni Blue, agad itong tinabihan ng binata.

“Okay lang ako. Alis na,” walang ganang sambit ni Blue nang hindi man lang tiningnan ang kaibigan.

“Hindi,” si Grey. Nilingon ito ni Blue at tinitigan nang masama. Itinaas naman ni Grey ang kanyang dalawang kamay senyales ng pagsuko. Tumayo na ito. “Okay. Aalis na ako.”

Bumalik na si Grey sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya. Sobrang kinabahan siya sa nakatitindig balahibong tingin ni Blue. Pakiramdam niya, baka kung magpupumilit siya, bubugbugin siya nito.

“Mukhang ayaw niya talaga muna ng makakausap,” pag-aalalang sabi ni Red.

“Kaya nga. Baka mamaya maging okay na 'yan,” anang Grey. Tiningnan niya si Red. “Kawawa naman ang best friend ko. Hindi ako sanay na makita siyang ganyan.”

“Sinabi mo pa,” pagsang-ayon ni Green. “Si Katleya kaya? Malay niyo naman kakausapin niya iyon. Babae 'yon, knowing Blue, hindi iyon mananapak ng babae.”

“May point ka. W-wait tatawagan ko muna,” pagsang-ayon ni Red.

Agad kinuha ni Red ang phone niya sa bulsa at tinawagan si Katleya. Dahil walang klase ang dalaga, agad niya itong sinagot.

“Hello, Red? Napatawag ka?” bungad ni Katleya.

“Kat? May problema kasi kami sa bahay. Sangkot dito ang kambal ko.”

“Talaga? Ano ang maitutulong ko?”

“Puwede mo ba siyang kausapin? Hindi kasi namin makausap.”

“Sige. Saan ka ngayon?”

“Sa classroom namin.”

“Sige, pupunta ako riyan.”

“Salamat, Kat.”

Pagdating ni Katleya sa classroom nila Red, agad siyang sinalubong nito. Kinuwento nito ang nangyari sa bahay nila kaya makikita mo sa mukha ni Katleya ang pag-aalala sa kaibigang si Blue.

“Sige, gagawin ko ang lahat para makausap siya,” ani Katleya.

“Salamat, Kat.”

Nginitian lang ito ni Katleya at pumunta na sa kinaroroonan ni Blue. Nang dumating ang dalaga, tinabihan niya ito sa bakanteng upuan na nasa gilid ng binata.

“Blue? I will not ask you if you're okay because I know, you're not. Pero gusto ko lang malaman mo na nandito kami na kaibigan mo at nag-aalala kami sa iyo.” Lumipat si Katleya ng upuan sa harapan ni Blue. “Kung gusto mo ng makakausap, nandito lang ako, kami. Mahal ka namin.”

Napatingin si Blue rito at nginitian ang kaibigan kahit ang luha nito ay nagbabadiyang tumulo.

“'Wag ka ng malungkot, Blue. Pumapanget ka tingnan, tapos ang gusot pa ng polo mo.” Inayos ni Katleya ang kuwelyo nito at sinikipan ang kurbata dahil hindi ito nakaayos. “Laban lang.”

“Masama ba akong anak?” mahinang tanong nito.

“Hindi ko alam kasi hindi kita anak,” sagot ni Katleya na nagpangiti kay Blue. “Pero kung ang itatanong mo sa akin, kung mabait kang kaibigan, oo, sobra.”

“Sobra mo mukha mo,” anito.

Natapos iyon masabi ni Katleya, tumulo na ng tuluyan ang luha ni Blue. Masakit para sa kanya na ibang tao ang nakakakita sa kabutihan ng puso niya. Pero sarili niyang mga magulang, kabaliktaran lagi ang tingin sa kanya.

Napatayo si Katleya at niyakap ang kaibigan. “Hoy! Para kang bata. Tahan na.”

“Salamat kasi nandiyan kayo. Salamat dahil mahal niyo ako.”

Hinawakan ni Katleya ang buong mukha nito. “Sayang ang kaguwapuhan mo, oh. Ang panget mong umiyak.”

“Ang sakit kaya ng ginawa ni, Dad. Kagabi nakadalawang suntok ako mula kay Red, tapos kanina sinampal ako ni Dad ng dalawang beses plus isa pang suntok. Hindi man lang niya inisip na masasaktan ako.”

“Sinuntok ka ni Red?” gulat na tanong ni Katleya.

Tumango ito. “Nag-away kasi kami kagabi. Pero okay lang iyon kasi ako naman ang nagsimula. Pero sila Dad,  sumusobra na sila. Kahit ako iyong may pasa, ako pa ang tinanong kung ano ang ginawa ko kay Red.”

Niyakap ito ni Katleya nang sobrang higpit. Naawa siya sa kaibigan niya. “Nandito lang ako, tandaan mo ’yan.”

“Dumikit, Kat.”

Humihiwalay agad sa pagyakap si Katleya at hinampas ang umiiyak na kaibigan.

“Aray! Sinabi ko lang naman, e. Totoo naman, e. Tss!” 

“Ewan ko sa iyo. Anyway, ipalinis natin 'yang sugat mo.”

“’Wag na. Alam mo, feeling ko tuloy na nasa isang drama ako. Kahit nabugbog ng kalaban, guwapo pa rin. Iyong lalong gwumapo ng may bruises.”

“Isa kang hangal. Tumayo ka na riyan, sasamahan kita sa clinic.”

Nang tumayo si Blue, nakayuko siya dahil nakaramdam siya ng hiya sa mga kaklase niya lalo na sa mga kaibigan niya. Sinalubong ito ni Red at niyakap. Pagkatapos, hinalikan sa pisngi.

Namula naman ang mukha ni Katleya nang masaksihan ang ginawa ng lalaking gusto. Para sa kanya, si Red na talaga ang bukod tangi.

“Sorry,” paghingi ni Red ng paumanhin sa kambal niya.

“Wala ka namang ginawa sa akin, e. Sorry sa mga nasabi ko kagabi.” Humiwalay sa pagyakap si Blue at tiningnan ang mukha ng kanyang kambal. “Pula, sorry kung hindi ako perpektong anak sa mga magulang natin at kapatid sa iyo.”

“Huwag mo na isipin iyon. May mali rin naman sila Mom, naintindihan kita. Sorry kung duwag ako para ipaglaban ka.”

Naluluha si Katleya habang tinitingnan ang dalawa. Masaya lang siyang matuklasan ang pagmamahal ng magkapatid. Sumali na rin sa pagyayakapan sina Grey at Green. Masaya lang sila na kahit papaano, mukhang mabuti na ang pakiramdam ng kaibigan nilang si Blue.

Tiningnan ni Red si Katleya habang nakayakap ito sa kapatid niya.

“Salamat,” anito.

•••

Nasa clinic na sina Katleya at Blue. Hindi nagtagal, dumating na ang nurse na bitbit ang panggamot sa sugat ng binata. Nang makita ni Katleya ang reaksyon ng binata nang dumating ang nurse, nag-boluntaryo itong siya na ang maglinis. Sinang-ayunan naman ito ng nurse kaya umalis na rin ito.

“Bumangon ka riyan, Blue. Umupo ka lang,” maawtoridad na utos ni Katleya.

“Yayay head, Blueblue. Higa lang, Blueblue,” tunog bata nitong sabi.

“Isa!” singhal ni Katleya.

“Isa mo mukha mo!” nakasimangot na sabi ni Blue sabay bangon.

“Good dog!” natatawang sabi ni Katleya.

“Kung i-dog style kaya kita riyan?! Good dog mo mukha mo!”

“Iyang bunganga mo. Sigurado akong isa 'yan sa dahilan kung bakit ka nasampal at nasuntok ng daddy mo.”

“Masyado ka nang maraming nalalaman. Dapat ka ng anohin.” Nahampas ito ni Katleya kaya agad itong nag-react, “Aray! Hindi na ako magsasalita. Simulan mo na.”

“Okay. Huwag kang gumalaw.”

Tumango lang ang binata kaya sinimulan na ni Katleya ang gagawin gamit ang cotton buds na may betadine. Gamit ang hintuturo ng dalaga, ginalaw niya ang ibabang bahagi ng labi ng binata.

Napangiti si Blue nang matitigan malapitan ang dalaga. Agaw atensyon dito ang kulay tsokalateng mga mata, kulay rosas na labi, mahabang pilik-mata, natural na kapal ng kilay, at matangos na ilong.

“Ayaw mo kay Ms. Cruz because?” natatawang sabi ni Katleya.

Napangiti naman si Blue. “Napansin mo pala? Masungit kasi 'yon! Feeling boss. Grrrr!”

Napahalakhak si Katleya kaya aksidente niyang nadiin ang cotton buds sa sugat ng binata.

“Aray! Hahalikan kita ngayon! Nangangati pa naman ang labi ko,” inis na sabi nito.

“Subukan mo. Mawawalan ka ng kaibigan,” pagbabanta ni Katleya. “Tapos na. Kukuha muna ako ng ice pack para riyan sa bruises mo.”

“Okay po.”

Bumalik na si Katleya na bitbit ang ice pack. In-applyan na niya ng cold compress ang mga pasa ni Blue.

“Tatawagan ko muna si Lala,” si Blue.

“Magsusumbong ka na naman because?” natatawang sabi ni Katleya.

“Ang dami mo na talagang nalalaman. Dapat ka na talagang anohin. Tuwad!”

Idiniin ni Katleya ang ice-pack kaya napasigaw ang binata. Napatawa naman siyang tinitingnan ito.

Tinawagan na ni Blue si Rosa, agad naman siya nitong sinagot.

"Baby?" bungad ni Rosa.

Si Rosa Monetenegro, ang lola ng kambal na sobra ang pagmamahal sa mga apo niya, lalo na kay Blue. Kahit hindi man niya sinasabi, alam iyon ng lahat. Hindi naman nakararamdam ng selos si Red dahil alam niyang iyon ang kailangan ng kapatid niya, na hindi mabibigay ng magulang niya.

“La, pinalayas na po ako ni daddy,” pagsusumbong ni Blue. Ngumuso ito habang hinihintay ang sagot ng mahal niyang lola.

“Si Zander talaga.”

“Tapos alam mo, La. Sinampal niya po ako ng dalawang beses sa mukha at isang suntok sa tiyan. Kakatapos ko lang nga po umiyak, La. Namamaga na po ang eyes ko. Para na po akong zombie.”

Hindi mapigilang matawa ni Katleya habang nakikinig sa binata dahil para itong isang bata na wala pang kamuwang-muwang sa mundo na nagsusumbong sa isang magulang.

“Pagsasabihan ko iyon! Tsk!” inis na sabi ni Rosa.

“Pero La, 'wag mo ng pagsasabihan iyon. Baka uminit ang dugo niyon lalo sa akin.”

Nagpakawala nang malalim na hininga si Rosa. “Okay. May bitbit ka bang damit?”

“Wala po. Pero bibili lang ako mamaya ng mga gamit at condom.”

“Batang ito!” sigaw ni Rosa.

Napatawa na lang si Blue dahil alam niyang umusok ang ilong ng Lola niya. “Joke! Pero La, hulugan niyo po ako ng pera sa ATM ko, ah. Bibili po ako ng pantulog mamaya tapos ipapadala ko na lang kay Pula bukas ang mga damit ko na nasa bahay.”

“Sige. Iyong kotse mo? Binawi na naman ba?”

“Hindi niya binawe, La. Pero inihagis ko kay daddy ang susi. Sabi ko, magmaneho ka po ng dalawang sasakyan, dad! Ang galing ko po, La. Yiiiiiii!”

Napakamot na lang sa ulo si Rosa. “Sige na. Susunduin na lang kita mamamayang tanghali. Maghahanap tayo ng sasakyan at bibili tayo ng mga gamit na kailangan mo.”

“Sige po, La. Salamat! I love you! Mwah. Mwah. Mwah!” masayang sabi ni Blue.

“Sige na, baby. May gagawin pa ang Lala. I love you too.”

Nang ibinaba ni Rosa ang tawag. Hindi mapigilang mapasigaw ni Blue sa sobrang saya.

“Ang ingay mo!” pagrereklamo ni Katleya na kasalukuyang pinalalamigan pa rin ang mga pasa ng binata.

“Susunduin kasi ako ni Lala mamaya tapos bibilhan niya ako ng car!”

“Alam ko.”

“Paano?” pagtatakang tanong nito.

“Naka-loudspeaker ka, Blue. Baka nakalimutan mo.”

“Ay!” Kinabig niya ang kamay ni Katleya dahil nalamigan na ito masyado. “Tama na, Kat. Salamat. I love you.” At muli na itong humiga.

Napangiti si Katleya sa sinabi nito. “Blue, dito ka lang ba muna? Malapit na kasi ang klase ko. Mauna na ako.”

“Okay. Salamat muli, Kat. Baka hindi na tayo magkita mamaya kasi susunduin ako ni Lala.”

“Sige. Video call na lang tayo mamayang gabi. Bye!”

•••

Alas sais na ng gabi at kakatapos lang mag-shopping nina Blue at Rosa. Dumating na sila sa mansion ni Rosa at papasok na sila sa pinto. Nabilhan na rin si Blue ng mga kailangan niya pati na rin iyong sasakyan na ipinangako ni Rosa sa kanya.

Pagpasok ng mag-lola sa pinto, naabutan nilang nag-uusap ang mga miyembro ng pamilya; mga tito at tita ni Blue.

“Good eve po,” pagbati ni Blue.

Sa limang tao na nandoon, walang sumagot dito. Parang wala lang nakakita sa kanya.

“Mga bingi ba kayo! Binati kayo ng bata!” inis na sigaw ni Rosa. Nagalit ito sa hindi pagpansin ng mga anak niya sa pinakamamahal niyang apo.

“Bakit nandito 'yan, Mey? Baka gagawa lang 'yan dito ng video,” sagot ni Belinda, ang kambal ni Zander.

“Iyang bibig mo! Pinagsisihan na nga ng bata ang nagawa niya, binabalik mo pa!” inis na sabi ni Rosa.

“Totoo naman ang sinasabi ko, Mey. Ang mali kasi sa inyo lagi niyong bine-baby 'yang si Blue kaya lumalaki ang ulo.”

Hinawakan ni Blue ang balikat ni Rosa. “Hayaan niyo na po sila, La.”

“Pumunta ka na sa kuwarto mo roon sa itaas,” anang Rosa.

Hinalikan ito ni Blue sa pisngi. “Okay po. Mauna na ako.” Tiningnan niya ang mga Tita at Tito niya. “Mauna na po ako.”

Nang nasa itaas na si Blue, naririnig niya ang pagtatalo ni Rosa at ng kanyang mga kamag-anak. Naluluha siya dahil kahit dito sa bahay ng Lola niya, maraming may ayaw sa kanya. Pero kailangan niyang lakasan ang kanyang loob dahil wala na siyang ibang mapupuntahan maliban dito.




~~~

Продолжить чтение

Вам также понравится

Seducing Mr. Irresistible Gracia Bonifacio

Художественная проза

867K 23.8K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
Wreck The Game (COMPLETED) beeyotch

Художественная проза

11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
20K 594 13
THIS IS MY ALL ONE SHOTS STORIES THAT I WRITE BECAUSE OF BOREDOM, AGAIN. Note all of one shots stories are all short so please don't expect. You may...