ROLE 38: The Wounded
Week na kaming hindi nagpapansinan. Week! Bahala siya sa buhay niya.
Busy ako sa promotion lalo na't malapit na ang MMFF. May mga appearance din ako sa mga variety shows para sa mga iniindorse kong shampoo at feminine wash. Pag may time naman nagkikita kami ng mga girls. Mostly we were plotting revenge for Anthony or if I'm lucky, we were just partying at the club. Kahit busy ako, gumagaan ang pakiramdam ko pag kasama ko sila.
Si Vince, ganun pa rin. I tried my best to avoid him. Pagmalapit na siya, kunwari busy ako o kaya kakausapin ko si Hannah o si Dino. Pag-uwian naman, niyayaya niya akong ihatid kaso lang always present naman yung van ko kaya may rason para hindi sumakay sa sasakyan niya. Tulad ngayon, niyaya na naman niya ako pero tinanggihan ko siya. Sabi ko pupunta pa ako sa MJ.
Sa MJ naman feel ko talagang lumaki yung building kasi ni anino ni Maj hindi ko nakikita. Todo iwas niya sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ikakainis ko ba na pinagbintangan niya ako o yung pag-iwas niya sa akin. Kahit sa bahay hindi ko nga alam kung umuuwi ba siya.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Tanong ni Wendel sa akin habang break time namin.
"Pagod lang. Bibili muna ako ng soda sa vendo. May ipapabili ka?"
"Wala."
Bumaba na ako sa ground floor kung nasaan ang vending machine. Doon nakita ko rin siya. Talagang kahit ako dapat ang gumagawa niyan as personal maid niya, mas ginusto pa niyang bumaba dito mula sa office niya para siya ang bumili ng softdrinks niya.
Tiningnan ko siya na nagdadalwang isip kung kakausapin ko ba o hindi. Nasaktan niya rin ako sa pagbibintang niya sa akin. I don't want to lower myself for him. But I want for him to talk.
Nakatingin din siya sa akin na may hostility. Naglakad na siya habang binubuksan yung soda in can niya. Papalapit nang papalapit. Nakatingin siya sa akin ng tagustagusan. At nang malapit na siya sa akin, uminom siya sa soda niya saka ako nilampasan.
What the heck?
Napalingon ako sa papaalis na Maj nang nakanganga. Hindi ko akalaing gagawin niya sa akin yun. I knew him as a gentle person but now... a very different Maj Chavez. Parang hindi man lang ako nakita.
<3
Mas nauna akong umuwi sa kaniya. Kung dati sabay kami lagi ngayong isang buong linggo na akong umuuwi ng naka-cab (hindi pwede ang van dahil wala namang nakakaalam sa office na nakatira ako sa bahay ni Maj). Si Thunder at si Manang lang ang lagi kong kausap dito sa bahay. Tulad ngayon, pinapakain ko si Thunder habang nagluluto ng hapunan si Manang.
"Thunder saan ka pupunta?" Tanong ko nang nagmamadaling pumunta si Thunder sa front door kahit hindi pa nauubos ang kinakain niyang dog food.
Susundan ko sana siya kaso lang nang bumukas ang pintuan hindi na ako tumuloy. Kaya pala, nandyan si Maj. Hinayaan ko na lang si Thunder at tinulungan na lang si Manang. Naghihiwa siya ng mga gulay para fresh lumpia na niluluto niya.
"I'll help you." Sabi ko habang sinisimulan nang hiwain ang carrots.
"Manang paabot nga ng coffee." Sabi ni Maj na nasa kusina rin pala.
Nakita kong sumunod si Manang at kinuha yung pitcher ng sa coffee maker na katabi ko lang. Nasa tabi ko lang at si Manang pa talaga ang inutusan.
Gigil na gigil kong hiniwa yung gulay. Talagang galit siya at wala siyang balak mag-sorry at kausapin ko. Kailangan ko lang naman ng explanation kung bakit niya nilabag ang ground rules tapos ako pa ang sasabihang may something kami ni Anthony na ginagawa sa likod niya.
"Mag kaaway kayo ni Sir." Manang said, pointing the obvious.
I rolled my eyes not wanting to answer lalo na't nandyan lang sa dinning table si Maj.
"Kakaiba si Sir ngayon. Last time niyang magkaganyan ay yung iwanan siya ng ex niya. Live in partner na sila noon kahit bata pa sila. Sobrang mahal siya ni Maj pero nang magkaaway sila at umalis dito yung babae, halos isang taong hindi yan ngumigiti at mainitin ang ulo."
Napalingon ako kay Maj. Hindi naman niya kami naririnig dahil busy siya sa kape niya at sa pakikipaglaro kay Thunder.
"Kaya tatanungin kita ngayon, anong ginawa mo sa kaniya para magkaganyan?"
Nawindang naman ako sa tanong niya. Gusto ko sanang sagutin siya na kung pinagbibintangan niya rin ako tulad ni Maj pero pinigilan ko ang sarili ko.
I felt like I'm about to cry but I tried my best to hold it back. Ayoko nang sinisisi ako sa hindi ko naman ginawa. Kahit na ba hindi totoo ang mga binibintang nila sa akin, feel ko dapat ko pa ring ika-guilty yun.
"Ouch!" Fudge! I cut myself! And I just can't hold it back... I'm crying.
Ako na nga itong niloko at pinagbintangan, ako pa tuloy ngayon ang may kasalanan. I HATE MAJ CHAVEZ. Aww dumudugo.
"Shit! What happen?" Nabigla na lang akong nasa harap ko na pala si Maj. Hinablot niya ang kamay ko para tingnan ang sugat ko.
Hindi ko naman kinatuwa yun. Hinigit ko pabalik ang kamay ko. Parang bukas na gripong umaagos sa index finger ko ang dugo. Ang lalim ng sugat.
"Emer, let me--"
"Go away from me!"
"Emer, this is not the time to be bratty!" Hinigit niya uli ang kamay ko. Ginawa niyang pantigil ng agos ng dugo ang palad niya hanggang sa magbigay si Manang ng towel. Hinayaan ko lang siya pero naiinis ako lalo sa kaniya ng sabihan niya akong 'bratty'.
"Sir, sa tingin ko dapat nang dalhin sa ospital--"
"No! No hospital!" Pero hindi nila ako pinakinggan. Isinakay nila ako sa kotse kahit ayoko.
"Pagsumisigaw ka, mas lalong lalabas ang dugo." Sabi ni Maj habang nagmamaneho na.
"I don't care! I don't want to go to the hospital! I don't want to be with you! I hate you!" Bulyaw ko sa kaniya. Ayokong pumunta sa hospital dahil naaalala ko si Mommy. At talagang hate ko si Maj. Ayaw niya akong pansinin sa loob ng isang linggo tapos ngayong nasugatan ako saka niya ako papansinin? Kailangan ko pa pala masaktan para pansinin niya ako.
"You hate me?"
"Oo! I hate you for breaking our rules, for ignoring me, for shouting at me and for accusing me things that I didn't do!"
"Accusing you?"
"Pinagbibintangan mo akong may relasyon pa rin kay Anthony kahit wala na. Iyon naman talaga ikinagagalit mo di ba?"
Hindi siya kaagad na sumagot lalo na't nakarating na kami sa tapat ng Emergency Room.
Oh my gosh, not the hospital. Naaalala ko si Mommy at kung pano niya ako alagaan dati. Ako yung pinakasakitin sa amin. Lagi akong naka-confined. Si Mommy lang ang laging nasa tabi ko. Pero wala na siya. Nawala siya. And me going to the hospital without her... I'm scared.
"I'm not going insde the hospital." I protested when he opened the car door for me.
"Emer."
"Ayoko!"
"Okay, when I heard your phone ringing, I wanted to ignore it or to wake you up. But you were sick that time. Nabasa kong si Anthony ang tumatawag. I was tempted. Bakit tumatawag ang lalaking yun sa girlfriend ko? Alam kong may past kayo kaya ako naghihinala. I answered it and heard him saying that he loved you. Kung sino man ang makakarinig noon siguradong maiisip na kayo na uli."
Hindi ko alam kung yung daliri ko ba o yung panga ko ang masakit. Nakanganga lang ako the whole time na umaamin siya ng mga nangyari; kung bakit siya lumabag sa ground rules hanggang sa... "Are you jealous?" I asked.
-------<3
Yung tipong sumasakto sa timeline ng story yung date sa real life. Hahaha!! Malapit na ang MMFF. Anong papanuorin nyo?
Ako, yung movie na ginagawa ni Emer XD La Guardia? Tama ba? Ako nagsulat nakalimutan ko na.
pang #2 tayo sa Chicklit! Congrats sa atin! Read, comment and vote para mag #1 tayo :))