When the Falls, Fell Into My...

נכתב על ידי Pormecaso26

1.8K 383 23

Former Title : Happy Never After Completed | Rivervalde Series 1 Arturo Fernandez is a gentleman R2F fighter... עוד

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28

CHAPTER 12

81 7 3
נכתב על ידי Pormecaso26

Sinasabi ko na nga ba, dalawang araw matapos manalo ni Arturo ay hindi ko na siya nakita sa rancho.

Wala namang nababanggit si papa sa akin, ayoko rin magtanong dahil baka kung ano pa ang isipin nila.

Kasama ko si Peter ngayon sa rancho, nagpapaligo kami ng mga kabayo nang biglang dumating ang asungot sa lahat. Si Gabriel.

Bakas parin ang pasa sa mukha niya dahil sa ginawang pambubugbog sa kan'ya ni Arturo. Tinanguan niya si Peter, hudyat na iwan niya kami.

Wala namang nagawa si Peter, iniwan niya kaming dalawa. Lakas loob ko namang tiningnan si Gabriel. Ngumisi siya na mas lalo kong kinainis.

"Wala taga-pagtanggol mo ah?" ngising sabi niya. Nangunot naman ang noo ko, ano naman ang ibig sabihin niya?

"Oh ano naman ngayon?" tanong ko, naiinis man ay hindi ko iyon ipinahalata sa aking tono.

"May gusto ka sa kan'ya?" biglang tanong niya at hindi naman ako nagsalita. Karapatan ko ang hindi sumagot sa walang kwentang tanong galing sa kan'ya.

Nang hindi ko siya pansinin ay bahagya niyang hinila ang kamay ko. Hinawakan niya nang mahigpit ang pulsuhan ko.

"Malaman laman ko lang, hindi mo na makikita kahit kailan ang Arturo na iyan. Kaya kong gawin ang lahat, Klare. Hindi mo alam ang kaya kong gawin," pagbabanta niya sa akin.

Tinulak ko siya at binitawan niya ang kamay ko, ngumisi siyang muli. Nakakatawang isipin na muntik na siyang mapatay ni Arturo sa bugbog tapos heto siya, nagbabanta sa buhay ni Arturo.

Hindi ko nalang siya pinansin. Ipinatawag kong muli si Peter para maipagpatuloy na ang ginagawa naming pagpapaligo sa mga kabayo.

Nang matapos kami ay iginala ni Peter sa rancho si Apollo. Ibang kabayo ang sinakyan ko, si Sol. Bago lang siya sa rancho, medyo bata pa, at kulay brown.

Mukhang mabait naman si Sol, dahil mahigit trenta minutos na akong nakasakay sa kan'ya. Nang bigla siyang sumpungin, bigla siyang nagwala.

"TULONG!" sigaw ko dahil sa kaba. Mahigpit akong humawak sa tali niya ngunit patuloy parin siya sa pagpupumiglas. "PETER!" sigaw kong muli.

Ngunit walang saklolo ang dumating. Nakabitaw ako sa tali at bumagsak ang katawan ko sa lupa. Hindi ko maipaliwanag ang sakit, huling naalala ko... May isang lalaki ang lumapit sa akin. Malabo ang kan'yang hitsura. Doon na nagdilim ang buong paligid ko.

Nagising ako na, nakahiga na sa isang malambot na kama. Nakita ko si Aling Clara, alalang-ala ang kan'yang mga mata na tumititig sa akin.

"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo?" tanong niya sa akin. Inalalayan niya akong maupo at sumandal sa headboard ng kama ko.

"Medyo masakit lang po ang katawan," sabi ko.

"Mabuti na lamang at dumating si Arturo. Nasa meeting kasi sila Peter kanina kaya naiwan kang mag-isa sa rancho," paliwanag ni Aling Clara.

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Narito si Arturo?

"Si Arturo? Nasaan po siya?" tanong ko. Hindi naman maiwasan sa boses ko ang tuwa dahil bumalik siya rito sa hacienda.

"Kausap ang papa mo," sabi niya. Tumayo ako at inalalayan akong muli ni Aling Clara.

"Ayos na ho ako, Aling Clara. Huwag niyo na po akong alalayan," sabi ko at bumitaw siya sa akin. Iniwan ko na siya sa loob ng kwarto at saka ako lumabas.

Sa sala, doon ko narinig nag-uusap sila Arturo at papa. Naroon din si mama, nakikinig sa usapan nila.

"Bueno, maraming salamat sa pagliligtas sa aking anak. Babalik ka na sa trabaho mo sa akin?" tanong ni papa.

"Kung maaari po sana, Don Emmanuel," dinig kong sabi ni Arturo.

"Pwedeng pwede, Arturo. Nakakapagtaka lang na malaki na ang napanalunan mo pero narito ka, willing magtrabaho sa akin," paliwanag ni papa.

"Kung hindi po dahil sa inyo ay wala ako sa posisyon na ito. Hindi ko po pwede iwan basta-basta ang trabaho ko sa inyo," paliwanag niya at napangiti naman si papa.

Bumaba na ako sa sala, at nilingon ako ni mama. "Oh? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin at tumango lang ako.

"Klare, mabuti naman at gising kana. Bumalik na si Arturo sa trabaho, saktuhan nga dahil siya ang nakakita sa iyo sa rancho," paliwanag ni papa.

Tumingin ako kay Arturo na ngayon ay nakatingin din pala sa akin. My heart skipped a beat for a while. I just can't speak, I can feel this strange feeling inside my stomach.

Napaiwas naman ako ng tingin, at ganoon din siya. "Lalabas na po muna ako. Magpapahangin lang po," paalam ko.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at lumabas na ako. Dumeretso ako sa garden at naupo roon. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi parin natigil sa pagbilis ng tibok ito.

Bigla na lamang nag-iba ang simoy ng hangin nang mapadpad dito sa harapan ko ang bwisit na si Gabriel.

"Masaya kana? Bumalik na ang prince charming mo," nakangising tanong ni Gabriel sa akin. Tumayo naman ako ngumisi pabalik sa kan'ya.

"Oo naman, sinong hindi matutuwa?" nakangising sabi ko at nabura ang nang-aasar na ngiti sa mukha niya.

"Tingnan natin kung makangisi ka pa ng gan'yan oras na ikasal tayong dalawa," he smirked. Tumalikod na siya sa akin at iniwan akong mag-isa habang sumisipol-sipol pa.

Kumuyom naman ang dalawang kamao ko dahil sa sinabi niyang iyon, sinong may sabi na magpapakasal ako sa'yo?

"Kumusta ang pakiramdam mo?" dinig kong tanong mula sa likuran. Hindi ko alam pero biglang napawi ang inis ko dahil sa tanong niyang iyon.

"Maayos naman na, salamat nga pala." Hinarap ko siya at nakangiti siya sa akin, naroon nanaman ang mapang-akit niyang tingin.

"Please be careful next time. Paano kung wala ako noong oras na iyon? You're so reckless," sabi niya na may bahid ng inis.

"I'm sorry, sanay naman ako mangabayo at hindi ko alam kung bakit biglang ganoon ang nangyari," paliwanag ko at bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Bakit ako nagpapaliwanag sa kan'ya?

"Hayaan mo, mas sasanayin pa kita mangabayo," nakangiting sabi niya sa akin. Wala namang bastos sa sinabi niya, pero ewan ko ba. Nangilabot ako.

Naupo akong muli sa bench, habang siya ay nanatiling nakatayo. Ilang segundo nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, nang dumating si Peter.

"Arturo, nar'yan kana pala. Tara sa rancho, magpapakain tayo ng mga kabayo," yaya ni Peter.

Sumunod naman agad si Arturo kay Peter, at pinanood ko siyang mawala sa paningin ko. Pumikit ako at dinama ang masarap na simoy ng hangin. Amoy na amoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak dito sa hardin.

Wala sa sariling napaisip ako, simula yata ng ipanganak ako ay walang magandang ala-ala sa bahay na ito.

"Mama, card day ko po ngayon."

"I have an appointment, nandyan naman ang yaya mo. Siya nalang ang kukuha."

"Papa."

"No, may meeting ako sa munisipyo."

Kahit sa family day, wala sila. Hanggang sa nagtapos ako ng pag-aaral, kahit isa sa kanilang dalawa ay walang kumuha ng card ko. Napapaisip ako kung mahal ba talaga nila ako.

Tapos ngayon, nagdedesisyon sila sa buhay ko. Nagdedesisyon sila kung sino ba ang dapat kong pakasalan.

"Klare? Tara na sa loob? Naghihintay na sa kusina ang mama at papa mo," pagtawag sa akin ni Alimg Clara. Sumunod naman na ako sa kan'ya sa loob.

As usual, ganoon parin. Tahimik lang sa kusina, may kan'ya-kan'yang mundo. Si mama nag-cecellphone habang kumakain, si papa naman ay busy sa pagbabasa ng dyaryo habang kumakain.

Bumuntong-hininga nalang ako at tinapos na ang pagkain ko. Nagpaalam ako kila mama at papa na pupunta sa Angano falls. Himala nga dahil pumayag si mama.

Dala ko ang wrangler ko papunta sa talon, ayoko muna mangabayo dahil nadala ako sa nangyari sa akin. Isa pa ay nagpapahinga si Apollo sa kwadra niya.

Nang marating ko ang falls, natuwa ako dahil ako lang ang tao rito. Payapa nanaman ang buhay ko mag-isa rito.

Being alone doesn't mean you're sad. Loneliness makes me happy, makes me comfortable, and makes me who I am. I am that someone who's free when I'm alone.

Naupo ako sa batuhan, tinuwid ko ang mga binti ko habang ang dalawang kamay ko ay nakatuon sa bato patalikod.

Pumikit ako at pinakinggan ang pagbagsak ng tubig. Pero minsan, naiisip ko. Ano ba ang pakiramdam ng magmahal?

"You're here again, alone."

Wala sa sariling napangiti ako nang marinig ko ang boses niya. Nanatili akong nakapikit at hinintay ang susunod niya pang sasabihin.

"I want to be alone," sabi ko habang nakapikit parin.

"Then let's be alone together," sambit niya. Nang minulat ko ang mga mata ko ay naestatwa ako. Natutulala ako sa mukha niya na malapit sa mukha ko.

Napalunok ako ngunit ako na ang unang lumayo. Napaiwas ako ng tingin, at ganoon din siya. Bigla na lamang naging abnormal ang tibok ng puso ko.

"What are you doing here? Hindi na ba masakit ang katawan mo?" simpleng tanong niya sa akin, at simpleng tango lang ang sinagot ko.

Naupo siya sa tabi ko at hindi ko siya kayang tingnan. Hindi ko alam ang sarili ko, para bang nahihiya ako na kinakabahan, hindi ko maipaliwanag.

I've never felt anything like this before. Something wonderful and beyond my comprehension. I knew I couldn't close my eyes as I met his gaze again; I couldn't do that because his eyes told me to stare at something my heart couldn't control.

"Why are you doing this to me, Arturo?" tanong ko habang hindi parin ako makatingin. Nakayuko lang ako, gusto kong umiyak.

"Doing what?" inosenteng tanong niya. Ano ba siya, manhid ba siya? Ano ba itong ginagawa niya sa akin? Hindi ko ma-explain. Naguguluhan ako.

"Ito, itong pagiging concern mo. Ayoko ng ganito, gusto ko pabayaan mo, layuan mo ako, at yung mga mata mo. Ayokong makita," sabi ko nang may diin.

"Don't make me. Kahit ano pang sabihin mo, hindi ako lalayo," pagmamatigas niya.

"Bakit?!" hindi ko na naiwasan pa ang mapasigaw. Naiinis ako sa kan'ya. Hindi ko na rin maiwasan pa ang tumingin sa kan'ya.

Ito 'yong iniiwasan ko, ang tumingin sa mga mata niya. This time, I can't look away. Parang bumagal ang daloy ng tubig sa talon, tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pintig ng puso ko.

"I am selfish, Klare. I don't want you to push me away; I want you to look me in the eye like this. I tried to run away, but everything about you is driving me crazy. That's why I'm here; I am willing to be alone with you. I wanted you to have the freedom and happiness that you deserve," paliwanag niya.

Para bang huminto ang puso ko dahil sa sinabi niya. What is this? Is this that something they called love?

Napaawang ang bibig ko ng hawakan niya nang marahan ang batok ko, nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyang paghalik sa akin.

Sabi nila, sa kahit anong panahon at oras ay mayroon kang pagkakataon magmahal. At kapag nagmamahal ka, wala ka dapat sinasayang na oras. Dahil kung kailangan mong iparamdam sa kanila iyon araw-araw, ay gawin mo.

Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang malambot niyang labi. His lips was sweet.

This time, it is a real kiss. A kiss that is passionate and will forever live in my mind. A kiss that is not the cause of some accident like I did for him before; this time, this kiss is something we gave freely to each other.

המשך קריאה

You'll Also Like

1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
106K 3.4K 37
Patricia Bless Ramos is an 18 years old independent woman. She's a loving daughter. A selfless person. A loving friend. But being an 18 years old, sh...
108K 2.4K 59
We all have a crush on someone secretly. Like everything that they do, nahuhulog tayo. The way he walks, the way he talks, the way his mind works, th...
733 201 20
ZERAFI SERIES #1 Sera and Zeji. She got abducted and he's the one who did it.. DATE PUBLISHED: NOVEMBER 28, 2022