Art of Galaxy

Av EcAstrophile

2.2K 132 0

ENJOY READING! Started: August 08, 2019 Ended: November 22, 2019 Mer

AUTHOR's NOTE
548
SIOMAI LOVE
REACTOR
143
SINGSING
PANYO
AEIOU
I'M DEAD, I'M SORRY
PAPER LOVE
ULAN
HIS VOICE
11:11
IKAW AT AKO
PAGPILI
TALK TO STRANGER
DREAM BOY
KEEP ME
WAY BACK TIME
TOO MUCH LOVE WILL KILL YOU
CALLIGRAPHY
REAL OR FAKE
MOTHER'S LOVE
LOVE MAGIC
INDIRECT KISS
PAKOPYA
UNLIKE
MARRIAGE BOOTH
SHADOW MAN
MAKE A WAY IF YOU WANT HIM TO STAY
HE LOVES ME, HE LOVES ME NOT
HALLOWEEN BIRTHDAY GIFT
SABIHIN MO
AIN'T CLEAR SKIN

A LETTER

29 1 0
Av EcAstrophile


"Bes, hali ka" hinila ko sa kamay ang best friend kong si Rhian at lumabas ng classroom. Hindi naman s'ya umangal at nagpahila lang s'ya sa 'kin. Pumunta kaming rooftop kung saan marami na ditong mga estudyante, guro at pulis.

Nakipagsiksikan kaming dalawa sa mga nagkukumpulang tao dito para lang makapunta sa harapan.

Napatakip ako ng bibig sa nakita ko. Gusto kong masuka sa nasaksihan ko. Gusto kong magwala at sumigaw dahil sa nangyayare dito. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa pangamba at takot na nararamdaman ko.

"May namatay na naman" saad ng kaibigan kong si Rhian habang seryusong nakatingin sa wala ng buhay na studyanteng babae. Bumaling ito sa 'kin at niyakap ako ng magsimula na akong umiyak.

Anim na estudyanteng babae na ang namatay sa loob ng isang linggo. Hindi pa namin alam kung sino ang pumapatay at pati ang mga pulis di rin nila alam kung sino ang suspect.
Walang bakas o evidence ang makakaturo sa suspect.
Rinig ko ang iyakan at bulong-bulongan ng mga estudyante. Tinignan ko naman ang mga ito, makikita sa kanilang mukha ang pangamba at takot. Ganon din ako.

Lahat kami ay nangangamba kung ano ang susunod na mangyayare.

"Rhian natatakot ako" naiiyak kong saad habang nakayakap parin ako kay Rhian. Naramdaman ko naman ang paghaplos n'ya sa aking likod.

"Wag kang matakot, Cena, nandito lang ako" Bahagya akong ngumiti dahil sa sinabi ni Rhian. Kahit kailan hindi n'ya inahayaan na matakot ako.
Kumalas ako sa yakap naming dalawa at tinignan s'ya ng seryuso.

"Rhian, hindi ako takot na mawala ako, natatakot akong mawala ka sa 'kin. Kaya 'wag mong pabayaan ang sarili mo. Okay?" napangiti naman s'ya sa sinabi ko.

"Oo naman Cena, Kaya ko ang sarili ko nu. Malakas kaya ako. Haha" natatawang saad nito at pinakita pa sa 'kin ang kanyang braso.

"Oo na malakas kana. Haha" natatawa ko ding saad. Dahil kay Rhian nabawasan ang aking takot at pangamba.
Nagpapasalamat talaga ako dahil meron akong kaibigan na katulad ni Rhian.

"Mahal kita bes, Ayaw kong mawala ka" mahina kong saad at niyakap agad sya. Natatakot akong mawala si Rhian sakin, s'ya na lang ang meron ako, s'ya lang ang tinuring kong pamilya. Hindi ko alam kung ano ang buhay ko kung wala si Rhian.

"Mahal din kita bes, kaya wag ka na magdrama." Tumango ako dahil sa sinabi nya.
"Tara, alis na tayo dito bes," pag-aya sa 'kin ni Rhian.
"Sige," sagot ko din naman.

Aalis na sana kami ng marinig ko ang sinabi ng isang pulis.

"Sir, may letter kaming nakita sa bag n'ya" saad nito.
Napabaling ang tingin ko sa pulis na nagsalita.

"Letter?" Mahinang sambit ko sa sarili.
Bumaling ako kay Rhian.

"Rhian, sandali lang ha," paalam ko sa kanya. Tumango naman ito sakin kaya ngumiti na lang ako.

Nagtungo ako sa mga pulis. Nag-uusap sila ng mga kasamahan n'yang pulis din. Siguro 'yong tungkol sa letter 'yong pinag-uusapan nila.

Nang makakuha na ako ng pagkakataon ay nagtanong ako sa kanila.

"Excuse me, Sir" magalang kong wika, lumingon naman sila sa 'kin.
"Bakit Ms?" Tanong nung pulis na may hawak na letter.
"Pwede ko po ba Sir malaman kung ano ang nakasulat sa papel na 'yan, kung maaari lang po sana" Tanong ko dito. Tumango naman ito sa 'kin at pinakita ang nakasulat sa papel.

"You will die, flirt" Basa ko sa sulat.

Nagsitayuan naman ang balahibo ko nung mabasa ko ang sulat.

Ang creepy.

"Alam n'yo na po ba Sir kung kanino galing ang sulat na 'yan" Dahil sa curiosity ko tinanong ko ulit yung pulis.
Umiling naman ito na simbolo na hindi nila alam.

"Under Investigation pa po yung kaso" Saad ng pulis. Makikita sa mukha n'ya na nahihirapan din sila. Sino ba namang hindi? sunod-sunod yung patayan, ta's wala pang matibay na ibedensya.
"Sige po Sir, salamat na lang" paalam ko sa kanya at umalis na doon.

Pumunta ako kay Rhian at kumapit sa braso n'ya.
"Tara na bes" saad ko.
"Tara may klase narin tayo, e." sagot nito at naglakad na kami pabalik ng classroom namin.

Pagkadating sa classroom namin ay s'ya namang pagdating ng guro at nagsimula na itong maglecture.
Hindi ako nakikinig sa aming guro dahil ang isip ko ay nasa letter pa din.

'You will die flirt'

Ito'y gumugulo sa 'king isipan. Hindi naman ako nagulat kung ito ang laman ng papel kanina. Dahil lahat na namatay ay nakakatanggap ng letter at pare-parehas din ang nakasulat dito.
Nakakapagtaka lang dahil lahat ng namamatay ay babae.
Siguro malaki ang galit ng killer sa mga malalandi.
Pero bakit kailangan n'yang pumatay?
Lahat kami ay natatakot makatanggap ng letter.

Because once you have it, you will die.

Kung sino man yung killer sana mahuli na s'ya. Napakasama n'ya.

Hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase namin ngayong umaga.

Lunch Break na namin.
Niyaya ako ni Rhian na pumuntang canteen para mag lunch. Halos araw-araw sabay kaming naglalunch ni Rhian.

S'ya yung best friend kong never akong iniwan na never ko din iiwan. It's been 3 years ng makilala ko si Rhian, naging magkaibigan kami kasi pinagtanggol n'ya ako sa nang-aaway sakin, sa dinami kong kaibigan si Rhian lang yung nagstay, s'ya lang ang meron ako at ako lang ang meron s'ya.
Napakaswerte ko kasi may kaibigan akong katulad n'ya.

Nandito na kami sa canteen at nagsimula ng kumain.
Maraming tao dito sa canteen at makikita parin sa mukha nila ang takot. Hinayaan ko nalang sila at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko nga alam kung bakit 'di pa nila sinabi sa publiko ang katotohanang may patayan na nangyayare dito sa school. Ni hindi din muna nila pinahinto ang klase. Siguro takot silang masira ang image ng paaralan namin. Sa sobrang takot nila masira ang image ng school, hinyaan nila ang studyanteng namatay.

Maya-maya lang ay nakarinig na naman ako ng bulong-bulongan.
"Nand'yan na s'ya"
"Wag kayong lumapit sa kaniya"
"Ba't nandito pa s'ya"
"Shh 'wag kayong maingay, baka kayo ang isunod n'yan" mga bulong-bulongan ng mga takot na estudyante dito sa loob ng canteen.

Bumaling ako sa lalaking kapapasok lang ng canteen.
Nang makita ko ito'y nakaramdam din ako ng takot at mas nagulat pa ako ng tumingin ito sa direksyon kung saan ako nakapwesto.

S'ya si Kenhan Santos, gwapo, mayaman, sikat, isang fuckboy sa Campus na 'to at s'ya ang pangunahing tinuturo ng mga estudyante na mamatay tao. Dahil lahat na babaeng namamatay ay naging karelasyon n'ya. Kahit gano'n pa man ay di s'ya hinuli kasi walang matibay na ebedinsya na s'ya talaga ang pumapatay.
Lahat ng tao dito ay takot sa kanya at isa na ako do'n.
Hindi ako sigurado kung s'ya ang killer, pero kapag nakikita ko s'ya nakakaramdam ako ng kakaiba.

Naging crush ko si Kenhan dahil sa katangian nito, pero unti-unti naglaho nung makarinig ako ng pekeng balita na s'ya ang pumapatay. Sana nga hindi na lang s'ya yung killer dahil sayang s'ya.

Hindi ko alam natitig na titig na pala ako sa kanya. Nakatitig din ito sa 'kin na napakaseryuso kaya mabilis akong tumalikod sa kanya. Pailing-iling ako habang sinusubo ang pagkain ko

"Sana hindi ikaw" mahinang sambit ko.
"Bes, may sinasabi ka?" Napatingin naman ako kay Rhian na nasa harap ko lang. Hindi ko alam na narinig n'ya pala.
"Hmm wala bes, tara punta na tayong classroom" pag-aya ko sa kanya. Tumango naman ito at inayos ang mga gamit n'ya.
"Sige, may klase pa pala tayo bes" sagot nito at tumayo na kaming dalawa.
Lumabas na kami ng canteen at naglakad patungo sa classroom.
Napahinto ako sa paglalakad ng may maalala ako na dapat ko palang kunin.
"Bakit bes? May problema ba?" Nag-aalalang tanong nito.
"Eh, kase bes, nalimutan ko palang kunin ang project ko sa locker room, diba kailangan na yun ipasa" Saad ko at nagkamot ako sa batok.
"Oo, gusto mo samahan kita bes" saad nito. Napangiti naman ako, napakabait talaga ng best friend ko.
"Wag na bes, kaya ko naman, e. At saka mauna kana kase baka malate ako ikaw na bahalang magpaliwanag kay ma'am" nakangiti kong sambit.
"Sigurado ka" tanong pa nito. Tumango naman ako
"Oo" nakangiti kong saad.
"Basta mag-iingat ka ha" saad nito.
"Oo naman bes, sige alis na ako magkita nalang tayo sa classroom" paalam ko sa kanya, ngumiti naman s'ya at kumaway.

Nagtungo na ako sa locker room.
Nang makarating sa locker ko ay kinuha ko agad ang aking project naipapasa kay ma'am.
Dahil sa late na ako, patakbo akong lumabas ng locker room at sa hindi inaasahan ay natapilok ako kung kaya'y muntik na akong matumba, mabuti na lang ay naramdaman kung may humawak sa bewang ko para alalayan ako, ngunit sa hindi inaasahan ay si gago ay natumba din kung kaya'y nawalan kami ng balanse at napasalampak kami sa semento at napaibabaw naman ako sakanya.
At sa hindi ko talagang inaasahan na mangyayare ay naglapat ang aming labi sa isa't-isa.

What the heck.

Nanlalaki ang mata ko ng marealized ko kung ano ang nangyare.
"How dare you, why the fucker like you-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng naramdaman kung parang may tumutusok sa bandang tiyan ko. WTH

"Ang bigat mo, pwede bang umalis ka sa ibabaw ko" singhal sa 'kin nitong lalaki. Dahil sa hiya napatayo din naman ako bigla.
Tumayo din ito at inexercise ang kanyang katawan.

"You fucker. You stole my first kiss" Sigaw ko sa kanya at dinuro-duro ko pa s'ya.
Ngumiwi naman ito.
"Hindi naman masarap, e." Pangisi ngisi nitong saad dahil sa sinabi n'ya namulahan ako ng mukha.
"Akala mo din masarap halik mo. Yak ka" sigaw ko sa kanya. Tumawa naman ito. Anong nakakatawa sa sinabi ko.
"So ninamnam mo din pala" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi n'ya ay aba.
"Bastos" Sigaw ko dito.

Sisigawan ko sana ulit to ng marealized kong si Kenhan pala ang kausap ko.

My gash. Baka ako na ang sunod na patayin nito. huhu

"Kung iniisip mong ako ang mamatay tao, nagkakamali ka" seryusong saad nito. Makikita sa kanyang mata ang lungkot at poot na dinadama.
"Kung hindi ikaw, e sino? Ikaw lang naman ang pangunahing suspect e" kahit takot man ay nagawa ko parin sabihin sa kanya yun.
"Hindi ko alam kung sino. Yan yung aalamin ko. S'ya ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko" Nagulantang ako dahil sa sinabi nya. May kapatid s'ya at namatay?
"May kapatid ka?" Tanong ko dito.
"Oo, naalala mo yung unang namatay?" Tanong nito.
Inaalala ko naman kung sino ang unang namatay.
"Si Yasmin bah? Kapatid mo pala si Yasmin, akala ng lahat magjowa kayo" Naguguluhan kong tanong.
"Yasmin is my half sister, kaya humanda ang taong pumatay sa kanya. Marami na s'yang pinatay. Napakasama n'ya" Saad nito at mararamdaman mo talaga ang galit nito sa bawat salita n'ya.
"I'm sorry Kenhan ha, akala ko kasi ikaw yung killer" Paghingi ko dito ng tawad. Tumango naman ito at ngumiti ng kaunti.
"Sige mauna na ako. Late na kase ako" Pagpaalam ko at tumalikod.

Ngunit bago paman ako makaalis ay may sinabi pa ito, na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Mag-iingat ka sa mga nakakasama mo, hindi mo alam kung sino ang nagpapakatotoo" Saad n'ya at nauna ng umalis sa 'kin.

Kinapa ko naman ang aking dibdib.
Nakaramdam ako ng takot.

Hinayaan ko nalang ito at pumunta na sa classroom.

"Bes, are you okay?" Nag-aalala kong tanong kay Rhian. Kanina pa kasi s'yang walang imik, pagkadating ko kanina sa classroom parang wala s'ya sa sarili, at nakatulala lang ito.
Hanggang ngayon palabas na kami sa campus ay hindi parin ito nagsasalita.
Lumapit ako sa kanya at niyugyog ko ito.

"Bes, may problema kaba? Bakit di ka namamansin?" Hindi ko alam kung ano ang nangyare sa kanya. Okay naman kami kanina ah.
"Bes-"
"Okay lang ako" Mahina nitong saad pero kahit ganon pa man alam kong hindi s'ya okay.
"Alam kong hindi ka okay, kaya libre na lang kita sa mall, ano gusto mo yun?" Masayang sabi ko. Ngunit tinignan n'ya lang ako at nagsimula ng maglakad.
Napasimangot naman ako.

"Bes sandali naman" sigaw ko, huminto naman ito.
"Pwede bang hintayin mo ako dito bes? Naiwan ko yata yung libro ko sa classroom. Kukunin ko lang" Saad ko dito. Tumango naman ito kaya bumalik na ako sa paglalakad pabalik sa classroom.

Kahit kailan talaga napaka-malimutin ko.
Tumakbo na ako papuntang classroom nasa 3rd floor kasi yung classroom namin. Ayoko namang maabutan ng gabi dito nu. Nakakatakot kaya.

Binuksan ko ang pintuan ng classroom namin at pumunta agad sa upuan ko kung saan nandun ang libro ko.

Kinuha ko ang libro ko at may nalaglag na papel galing dito.
Nanginginig na ang kamay ko sa pagpulot ng kulay pulang papel. Kung hindi ako nagkakamali ito yung papel na nilalagyan ng letter ng killer..

"Ano ang ibig sabihin nito?" Nanginginig kung hawak ngayon ang papel at pati boses ko ay nanginginig narin.

Ayoko kong buksan ang letter na ito dahil alam ko ang posibleng nakasulat dito.
Bakit ako?
Wala naman akong kasalanan ah?
Baka si Kenhan talaga ang killer at nais n'ya akong patayin ngayon.
Napabaling ang tingin ko sa pinto na may naramdaman akong may nakatayo dito.
Laking gulat ko sa nakita.

"Buksan mo ang papel na 'yan at basahin" Nanlilisik ang matang saad nito sa 'kin. May hawak itong itak at nakahood ito ngayong kulay pula.

Umiling ako at nagsimula ng tumulo ang aking luha.
"Sabi ko basahin mo" Sigaw nito at inangat ang dala nitong itak.
"Ikaw yung pumapatay?" Nanginginig kong tanong sa kanya.
"Walang iba kundi ako" Nakangisi nitong saad.

"Kaya basahin mo na 'yan, dahil ikaw na ang isusunod ko" Dugtong pa nito. Napahagolgol na ako sa iyak dahil sa nalaman ko.
Bakit s'ya pa ?
Bakit?

"Bes, pakiusap 'wag mong gawin to" Umiiyak ako habang nakatingin kay Rhian, ni hindi ko na kilala kung siya pa ba ang best friend kong si Rhian.
Ang layo sa nakilala ko.

"Wag kang magmakaawa sa 'kin at wala akong bes na malandi" nangangalaiting sigaw nito.
"Bes, bakit mo ba ito ginagawa? Ano bang kasalanan namin sayo? Bes sumuko kana" Sigaw ko din dito.

"Ginagawa ko to kasi ang lalandi n'yo" habang sinasabi niya yun ay siya namang dahan dahang paglapit niya sa 'kin. Kaya napapaatras din ako.

"Gusto ko kayong patayin, salot kayo sa buhay ko" sigaw nito at inambahan ako ng saksak mabuti nalang napaiwas agad ako.
"Bes tama na" Nanghihinang sigaw ko dito ngunit humalakhak lang ito na parang baliw.
"Hindi pa nga tayo nagsisimula, e. Hahaha." Saad nito at inambahan ulit ako ng saksak kaya tumakbo na ako palabas ng classroom.
Putek gabi na pala.

"Takbo Cena, Takbo HAHAHAHA" Natatawang saad nito habang sinusundan ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, tumatakbo lang ako ngayon sa madilim na lugar na 'to.

"Sige takbo pa Cena, Takbo Cena. Because once namaabutan kita. I will kill you, flirt" Dugtong pa nito. Iyak ako ng iyak habang tumatakbo hindi ko inaasahan na madapa ako.
Bakit ngayon pa ako naging tanga.
Tatayo na sana ulit ako nang bigla nito hinila ang buhok ko.

"Aray ko Rhian, tama na ahhh" Ramdam kong parang makukuha na ang buhok ko sa sobrang higpit nitong hawak.
"Masakit ba Cena. HAHAHA. Lasapin mo ang huling hininga mo dahil mamaya patay kana. HAHAHA" nababaliw nitong saad.

"Ahhh bakit mo ba ito ginagawa"
"Dahil malandi ka" sigaw ulit nito.
"Hindi ako malandi Rhian. Alam mo 'yan" sigaw ko din.

"Anong hindi malandi, akala mo ba hindi ko nakita na naghahalikan kayo ni Kenhan." Malakas na sigaw nito na siyang nagpatigil sa 'kin sa pag-iyak.
So, si Kenhan pala ang rason kung bakit nya ginagawa to?
Pinaharap niya ako sa kanya at pinagsasampal.

"Ahhhh"
"Matagal ko ng gusto si Kenhan ngunit hindi n'ya akong makuhang pansinin dahil sa mga nakapaligid sa kanyang malalandi. Kaya kung sino man ang umaaligid sa kanya pinapatay ko. HAHAHA. Ang saya diba at isa ka na dun Cena" Nanlilisik ang mga mata nito ngunit makikita mo parin ang lungkot at pighati na nararamdaman nito.

"Rhian, 'yong nakita mo kanina sa 'min ni Kenhan ay accident lang yun. Hindi ko siya nilalandi, Rhian." mahinahon kong saad kasi hinang-hina na ako.

"HAHAHA. Hindi mo ako maloloko Cena. You are  Flirt" Sigaw nito at sinaksak ako sa tiyan.

"Ahhhhhhhh" Napasigaw ako dahil sa naramdaman kong sakit sa tiyan.
"Masakit ba? Cena?" Mahina nitong saad at hinawakan ako sa baba.
"Baliw kana, Rhian." Ang mga luha ko ay patuloy parin sa pag-agos.

"Yes bes. Baliw ako HAHAHA" Kahit tumatawa siya hindi nakatakas sa 'kin ang luha niyang tumulo.
"Rhian, alam mong mahal kita at sana naman 'wag mong kalimutan yun" nang hihina na ako.

"My Dear Best friend. Sorry I need to kill you" Saad nito at pinunasan ang luha ko.
Tinaas n'ya na ang kanyang itak na tatama sa puso ko.
Pumikit ako. Siguro hanggang dito na lang ang buhay ko. Masaya ako na nakilala kita Rhian. Isa ka sa taong importante sa 'kin. Mahal na mahal kita best friend.

"Ahhhhhh" Rinig kong sigaw ni Rhian, siguro sasaksakin niya na ako.

*Bang* *Bang* *Bang*

Nang maramdaman kong walang tumama na itak sa aking puso at narinig ko ang tatlong bala ng baril na pumutok ay napamulat agad ako.
"Rhiannnnnnn" Sigaw ko ng makitang natumba ito at maraming dugo ang lumabas sa kanyang katawan.

Gumapang ako papunta kay Rhian na ngayon ay wala ng buhay.

"Rhiannnnn" humagolgol ako sa iyak dahil wala na ang kaibigan ko.
"Bes, gumising ka" Saad ko at niyugyog ang kanyang katawan na sana ay magising s'ya.
"Ma'am tama na po, kailangan n'yo ng dalhin sa hospital marami ng dugo ang nawala sa 'yo" Saad ng pulis sakin.

"Please buhayin n'yo ang best friend ko" Naiiyak kong saad sa kanila.
"Pasensya na po. Ngunit wala na s'ya" Sagot nito na mas lalong kinaiyak ko.
"Cena, I'm sorry. Tara na kailangan mo nang magamot" Napabaling ang tingin ko kay Kenhan ng magsalita ito.

"Wala na ang best friend ko, Kenhan" Naluluha kong saad. Pinunasan niya naman ang luha ko at inalalayan akong makatayo.
"I'm sorry, Cena" rinig kong sabi nito bago ako nawalan ng malay.

Isang buwan na ang nakalipas ng namatay ang kaibigan kong si Rhian. Nalaman ko din na may sakit pala siya sa pag-iisip at naging sanhi ito para maging baliw siya.
Kahit gano'n pa man ay 'di ko sinisisi ang kaibigan ko kung bakit n'ya yun nagawa. Siguro masama ang nagawa n'ya pero alam kung hindi niya rin ginusto yun.
Tumingala ako sa langit. Nag-uumpisa na namang tumulo ang aking luha.
"Bes, kung saan ka man alam kong masaya kana, natupad muna ang pangarap mong makasama ang iyong pamilya, matagal na kitang napatawad bes at tandaan mo kahit kailan ikaw lang ang nag-iisang best friend ko. Mahal na Mahal kita bes" Saad ko at pinunasan ang mga luha sa 'king mukha.

Inayos ko muna ang mga bulaklak at kandila dito sa puntod niya.
Paalam na bes.
Tumayo na ako at huminga ng malalim atsaka ngumiti.

'Kaya ko to'
Nilisan ko na ang lugar na yun na magaan ang pakiramdam.

END.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

Luna Av anya jayvyn

Tonårsromaner

7.4M 327K 47
A bullied girl meets the popular new student. ***** "Still saying that you're perfectly okay?" Max whispers. I'm surprised to hear that his voice is...
29.5K 2.2K 30
« ហឹក អ្ហឹក ៗ ខ្ញុំមិនចង់បានបែបនិងទេ ខ្ញុំចង់ឲ្យប៉ាស្រឡាញ់ខ្ញុំក្នុងនាមស្នេហាមិនមែនរវាងប៉ាកូន » « រវាងយើងទៅមិនរួចទេជុងគុក ប៉ាមិនបានគិតលើឯងលើសពីចំណងប៉...
368K 1.2K 47
🔞🔞🔞 warning sex!! you can cancel if you don't like it.This is only for the guys who have sensitive desire in sex.🔞🔞
2.6K 112 38
Sa pag kamatay nang kapatid ni Aron Fajardo nag simula Ang lahat nang Hindi pangkaraniwang mga pangyayari. Mga pagkamatay, mga misteryosong pangyayar...