Flipped

由 NissinWafer

556 5 5

"Some people you love while they’re there, and some people you love forever, whether they’re there or not." 更多

Simula
1
3
4
5
6
Wakas

2

66 2 0
由 NissinWafer

Sugal

 

 

 

Ang pag-ibig ay parang isang sugal, kung hindi ka tataya paano mo malalaman ang kalalabasan? Kahit manalo man o matalo, alam mo naman sa sarili mo na sapat na yung ginawa mong move at sa huli wala kang pagsisisihan kasi naging matapang ka para harapin kung anuman ang pwedeng mangyari.

Kung manalo ka edi masaya! Lahat ng kaba at pagaalinlangan na nararamdaman mo mawawala at mapapalitan lahat ng tuwa, Pero kung kabaliktaran, e ano naman at least may mapupulot kang lesson para next time hindi ka na umulit sa mga pagkakamali mo. Hindi ka manghihinayang kasi alam mo sa sarili mo na natalo mo yung takot mo. Hindi mo masasabi sa sarili mo na dapat ganito o ganyan yung ginawa ko, walang mga “What if’s” Kasi kung sumugal ka at natalo, lilipas din yan at pag dating ng panahon na maalala mo ulit yan tatawanan mo nalang, sasabihin mo sa sarili mo I take the risk, and I lose but I gain something.

Pagkauwi ko sa bahay, agad kong binagsak ang katawan ko sa kama at tumingin sa kisame.

Paano ko gagawin yun? Aamin na ba agad ako? Hindi ba parang ang bilis naman?

Kinuha ko yung ipad sa may lamesa katabi ng kama ko.

Scroll

Scroll

Marcelo Santos III: “Habang may buhay may pag-asa, kaya go fight lang para maging masaya.”

Arg, ano nang gagawin ko. Naguguluhan parin ako e. Ang hirap sumugal, lalo na sa nararamdaman. Walang kasiguraduhan kung anong kahahantungan ng kahibangan kong ito, kahibangan nga ba?

Gusto ko siya—ay hindi mahal ko na nga ata siya e, pero saan nga ba ako dadalhin ng pagmamahal ko sa kanya?

Isang tanong, isang sagot Gelo, mahal mo ba? OO pinapahalagahan mo ba? OO. Pero sapat na bang dahilan yun? Sapat na ba itong nararamdaman ko para ipaglaban ko siya? Paano kung mauwi lang sa wala ang lahat? Arg, ang nega-nega ko nakaka-frustrate, hindi ko alam kung anong pwede kong gawin.

Paano ka magsisimula kung umpisa palang naduduwag ka na?

Pumasok ako na antok na antok, 3am na ako nakatulog dahil sa pag-iisip. Sa huli wala rin naman akong naisip na paraan kaya tinulog ko na. Feeling ko kasi kung nagaalinlangan ako hindi pa ganun kasobrang kalalim yung nararamdaman ko sa kanya, o baka talagang naguguluhan lang ako? Hindi ko na alam, But I will surely figure it out.

Natapos ang first subject namin at recess na, lumabas na ako sa room at pumasok sa room nila. Bigla akong napahinto sa pintuan, pero nabawi ko naman agad kasi pumasok ako ng mabilis. Alam kong nakita ni Jerry yun pero hindi nalang siya umiik alam ko ring nakita ni Yannie yun, pero hindi ko nalang sila pinansin. Pumunta ako kay Zai at kay Dannielle para akbayan sila, tss. Naiinis ako, Naiinis ako sa sarili ko. Napaka masokista ko talaga.

 

 

Nakita ko kasi si Hannah na katabi at tinuturuan si Nyle. Ang saya-saya nila tss, tinignan ko si Hannah. Kahit nakaakbay ako kay Zai at Dannielle pinilig ko yung ulo ko para masulyapan ko siya. I know that look and smile, kasi ayun din yung klase ng tingin at ngiti ang binibigay niya sa akin 2 years ago.

Is it too late?

Ang sakit pala, na makita mo siyang masaya pero hindi ikaw ang dahilan ng kasiyahan niya. Masaki ding malaman na may iba na siyang ginugusto, na nagbago na ang lahat, wala na yung dating kayo. Na hindi na ikaw, kasi tuluyan nang nalipat yung nararamdaman niya sa iba. Ang sakit pala na harap-harapan makita yung katotohanan, yung katotohanan na marami nang nagbago, na wala na.

Pero mas masakit isipin na nagsisisi ako ngayon, kung bakit ko pa siya pinakawalan noon. Kung sana hindi, kami ba yung nagiging ganyan ngayon? Kami kaya yung masaya?  Ang sakit na yung mahal mo may mahal nang iba pero alam mo naman na hindi to mangyayari kung naging duwag at napili mong sumugal.

Pero shit, handa ako magpakatanga, handa na akong sumugal. Hindi ko kaya, hindi ko kayang masaya siya sa iba habang ako miserableng tinitignan sila. Hindi ko siya kayang tignan ng ganyan, Hindi pwede.Ayoko.

Ang sakit-sakit sa puso. Ang sakit-sakit sa damdamin.

Tanga ako, kasi hahabulin ko siya, I will chase her. Even if it means I’ll get hurt in the end.  I will do my best to take back what’s mine. Simulat sapul akin na siya, at hanggang huli sakin parin ang bagsak niya. Ako lang ulit, ako ang una, ako ang huli, Ako lang.

Iniwas ko na yung tingin ko sa kanila at tinuon ang pansin ko sa dalawa kong katabi, So much thinking.

“Kita ko yon!”  sabi ni Zai sabay apir nila ni Dannielle. Tss -,-

Bigla akong sinundot ni Dannielle sa tagiliran, tinignan ko siya, nakangisi siya at halatang nang-aasar. Great! I have one-hell-of-supportive girl best friend.

“Hannah sa!” Ang ingay talaga nito kahit kalian. Tinignan ko siya ng masama at nag-motion pa siyang sini-zipper yung bibig niya. Good.

Nagkwentuhan nalang kaming tatlo, at ilang sandali pa nag-aya na silang bumaba. Yung gutom ko kanina nawala, tsk. Nawalan ako ng ganang kumain, nakasimangot akong bumaba para samahan sila sa canteen, na-bad trip ako sa nakita ko kanina.

Hindi ko naman maiiwasan magselos e, Sobrang nagseselos ako at sobrang nasasaktan. Para kasi akong naagawan ng atensyon e, yung atensyon na binibigay niya sa akin dati ngayon sa iba na niya binibigay. Ang bigat sa dibdib, yung feeling na wala kang magawa kundi panoorin sila. Hindi naman ako pwedeng gumawa ng eksena doon na susugurin ko silang dalawa tas papagitna sa kanila sabay hihilahin ko si Hannah, napaka absurb nun. Pero putek gusto kong gawin yun e, gusto ko siyang hilahin kanina palayo kay Nyle.

Gusto kong suntukin yung Nyle na yon at sabihing tama na ang pagpapa-asa kay Hannah, pero hindi ko naman magawa. Bakit pa? Sino ba kasi ang unang paasa dito. Natatakot akong masabi ni Hannah sa akin yan, baka hindi ko kayanin mabasag pa ang warak ko nang puso.

Nakita ko siyang nakikipag-usap kay Yannie, tumingin ako kay Jerry at nagkaintidihan na kami. Pasimple akong lumapit sa kanila katabi si Jerry at nagkwentuhan kami. Ayos na muna ito, yung ganitong kalapit. I guess I’ll just be contented with this set-up.

It’s now or never

 

-----------------------------------

Ang lame putspa :(

繼續閱讀

You'll Also Like

625K 39.1K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
28.8M 915K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...