Pain And Pen

Von ashamelessintrovert

3.7K 283 49

There were two things Hestia was certain she would never experience-being the writer she dreamt of, and meeti... Mehr

PAIN AND PEN
༺ Hiling ng Manunulat ༻
UMPISA
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13

KABANATA 1

253 24 7
Von ashamelessintrovert

With tears in my eyes,
I embraced my fabricated lies.
Is this the price I needed to pay,
For the past I didn't even see?
Do I need to kill the dreamer,
In order to live as a perfect daughter?

This night was one of the night where I couldn't bring myself to sleep. Nakaupo ako sa aking kama habang payapang nakasandal ang aking likuran sa unan. I kept on re-reading the poem that I had written silently. A lonely smile etched on my face when the heaviness on my chest lightened a bit.

The good thing about poetry, you could be a poet in your darkest hours. You could write without the fear of being judged. You could be bold, secretive or mysterious. Your metaphors could be your codes—and only those who really knew you by heart could decipher the message behind.

I gently touched the paper. This poem was actually my 113th poem in this notebook.

"I'm sorry," I whispered in the air.

Huminga ako nang malalim. I carefully hid my notebook under my pillow before I settled in my bed.

"HESTY PANGET, ang tagal-tagal mo! Kanina ka pa nakaharap sa salamin! Kahit pa lunukin mo 'yan ng buo hindi na magbabago ang mukha mo!"

"Bwisit ka! Sabing saglit lang!"

"Papa—este Tito, iyong anak n'yo po minumura ako—!"

"Sipsip!"

"Panget!"

Gigil kong sinuklay ang mahaba kong buhok. Kaunti na lang ihahampas ko na 'to kay Kaeden! Ang malaki niyang bunganga ang gumising sa akin. Sobrang mahapdi pa ang mga mata ko dahil wala akong naging maayos na tulog tapos dumagdag pa ang isang 'to na kung makapagreklamo'y akala mo naman pasan na niya ang buong mundo. 

"Bakit matagal kang nagising ngayon, 'nak?"

Mula sa salamin ay nakita ko si Papa na umiinom ng kape. Nakaupo siya sa maliit naming lamesa sa kusina. Nasa gilid niya naman si Kaeden na kasalukuyang inaayos ang baon ko. Halos hindi na niya maisara ang tupperware dahil sobrang dami ng kanin na nilagay niya. Nang-aasar na naman.

"Kasi, Tito, hindi 'yan nakatulog kagabi kakaisip sa akin."

"Hindi! Gago!" agad kong tanggi.

Pagkatapos kong magsuklay—kung pagsusuklay ba itong matatawag dahil mukhang mas naging pugad na ng ibon ang buhok ko dahil sa aking panggigigil. Bahala na! Ang mahalaga may buhok!

Nilapitan ko si Kaeden. Hawak-hawak na niya ang backpack ko. Hahampasin ko na sana siya pero dahil nakatingin sa akin si Papa ay hindi natuloy ang plano ko. Hinayaan ko na lang siya na isilid ang baon ko sa bag.

"Alis na kami, 'Pa." Kinuha ko kay Kaeden ang backpack.

"Alis na rin kami, 'Pa."

Kinurot ko ang braso niya.

"Feeling anak, dude? Kailan pa kita naging kapatid?" sarkastiko kong tanong.

Magkasabay silang tumawa ni Papa. Nauna akong nagmartsa palabas. Walang gender equality sa bahay. Palagi akong naaapi.

"Galit agad?" Naramdaman ko ang pag-akbay niya. "Pagkatapos kong gumising ng maaga para masundo ka dito, 'yan pa igaganti mo sa akin. I feel so use."

"Kaya mo lang naman ako sinundo kasi magpapagawa ka ng essay! Bwisit ka! Kapag kalokohan ang galing mo pero simpleng essay tungkol sa kalikasan at global warming hindi mo magawa!"

Agad siyang umiwas nang nagtangka akong ihampas ang bag sa kanya.Tumatawa siyang naglakad papunta sa motor na nakaparada. Siguro napagalitan ito ng kuya niya dahil ipinuslit na naman niya ang sasakyan nito. Sabi ko naman kasing motor na lang niya ang gamitin namin kahapon pero nag-inarte pa kasi.

"Kaya nga pornstar ang pangarap ko! Nakakatamad magsulat. Kapag pornstar kasi uungol ka lang—"

"Gago!"

I was laughing hard while slapping his arm. This man! Nakakainis na nakakatawa.

Ilang minuto na lang bago magsimula ang klase nang makarating kami ni Kaeden sa isang private sectarian highschool kung saan kami kasalukuyang grade 12 students. Halos kalahating oras din ang byahe papunta rito mula sa bahay.

Pagkarating sa classroom ay tilian at mga asaran ang sumalubong sa akin. Kapag ganito kaingay ang mga kaklase ko isa lang ang ibig sabihin. Wala ang masungit na madreng principal namin kaya para silang mga asong nakawala sa hawla.

"Shit talaga! Ang pogi ni WordManiac! Mapapamura ka na lang kapag kinindatan ka niya."

"Mas pogi si Silent Cipher. Sana ako na lang ang eyeglass niya. Grabe! Kapag talaga naging mayaman ako... bibilhin ko lahat ng mga libro niya. Silent mah loves."

Malakas akong tumikhim dahilan para mapatingin sila sa akin. Napasipol pa si Kaeden sa gilid ko dahil alam kong alam na niya ang sasabihin ko. I raised my eyebrow arrogantly. Nang tahimik na ang lahat ay napangisi ako. Love na love talaga ako nila.

Pabiro akong nag-stretching. Pinatunog ko pa ang mga daliri ko na tila handa nang sumabak sa isang digmaan. Huminga ako ng malalim bago sumigaw.

"Mga hangal! Mas gwapo ang asawa kong si Dark! Understood?!"

"Magbigay pugay, mga kapatid. Nandito na ang lider ng mga ilusyunada." Nag-bow pa si Kaeden at kunwaring binigyan ako ng daan. Napuno ng tawanan ang loob ng silid aralan.

Maingay, kalog at para akong baliw sa paaralan. Kung titingnang mabuti, ako ang tipo ng tao na kayang-kayang sumabay sa kahit anumang kalokohan. Hindi ko rin naman masasabing nagpapanggap lang ako sa aking mga kinikilos. Iyon nga lang, iba ang ugali ko kapag nasa harapan ako ng maraming tao, at iba rin kapag ako lang mag-isa.

Rumampa ako papunta sa aking pwesto with matching flip pa sa buhok kong nagkabuhol-buhol na. Ang mga kaklase ko naman ay tawa lang ng tawa. Ako talaga ang happy pill nila.

"Hestia, nakita mo ba ang mga posts ng mga mahaderang nakadalo sa book signing ng Wordsmitheries?" Lumapit sa akin si Naldy—ang baklang ka-vibes ko sa pagpapantasya sa Wordsmitheries. "They're such a bitch! Nagpapainggit na naman. Akin lang ang abs ni WordManiac!"

"Hindi pa, Aguinaldo. Alam mo namang walang masyadong signal sa bahay. Maganda lang ako pero hindi ako rich."

Kinuha ko ang aking lumang cellphone na matagal nang napag-iwanan ng sibilisasyon. Ka-edad pa ata ito ng mga dinosaurs. Ang hirap maging poor.

"It's Naldy!"

"Ano ba ang chismis, bakla?" Padabog kong inilagay sa armchair ang cellphone nang hindi man lang ako makapasok sa fb lite. Eksahedero kong minasahe ang aking noo.

"Mabuti na lang talaga kahit peke itong cellphone ko at least original naman ang kilay ko."

"Hoy! Below the belt na 'yan!" agad na alma ng kaklase kong busy sa pag-aahit sa kilay niya. Nag-peace sign lang ako. Minsan, parang gusto ko na lang talagang maging ganito ka walang hiya. Pansamantala ko kasing nakakalimutan ang mga kadramahan ko sa buhay. Patawa-tawa lang ako pero mas madrama pa ang kwento ng buhay ko kaysa sa mga isinulat na story ni Son of Shakespeare—isa sa mga miyembro ng Wordsmitheries.

Natahimik din ang classroom nang dumating ang teacher namin. Pasimple kaming nagdadaldalan ni Naldy habang nagdi-discuss si Ma'am. May pagka-demonyo rin ako as a student. Mild nga lang. Hindi katulad ni Kaeden na intense na. Sa gitna pa talaga ng discussion nanliligaw. May pa-lip bite lip bite pa ang gago habang inuuto ang isa kong kaklaseng halimaw pagdating sa math. Paniguradong hindi na naman niya nagawa ang assignment niya. Mga galawang pang-pornstar talaga.

Saglit na nahinto ang discussion nang tila nagkaroon ng komosyon sa labas. Napansin ko ang ilang mga estudyanteng nagtatakbuhan papunta sa iisang direksiyon. May mga naghihilahan pa at nagsisigawan. May relief goods bang pinamimigay? Wala namang baha, ah!

"May Wordsmitheries daw!"

Parang huminto ang aking mundo sa narinig. Dahan-dahang napaawang ang aking mga labi kasabay nang panlalaki ng aking mga mata. Mabilis akong tumayo at wala ng inaksyang oras. Sa kasamaang palad, nadapa ako sa may pinto. Doon lang ako tuluyang nahimasmasan. Naalala kong nasa loob pa pala ng classroom si Ma'am. Mabilis akong tumayo na parang walang nangyari 

I smiled awkwardly while my classmates were now laughing. Hinarap ko si Ma'am at nag-peace sign ako.

"C-can I go out, Ma'am?" para akong isang maamong tuta kung kumilos. Bahagya pa akong nagpa-cute kay Ma'am kahit ang sakit ng tuhod ko.

"Bakit ka lalabas?"

Napanguso ako. Pinagsalubong ko pa ang dalawa kong hintuturo sa aking harapan. Sana tumalab.

"Sabi mo kasi chase your dream noong nakaraang linggo."

"So?"

"Nasha labash po kashi ang pangarap kow." Inipit ko pa sa likod ng tainga ko ang ilang takas na hibla ng buhok.

Natawa si Ma'am. Hinarap niya ang buong klase.

"Maaga ko kayong idi-dismiss since may meeting rin kami ngayon."

"May Wordsmitheries po ba, Ma'am?" 

Nagkibit balikat lang si Ma'am bago lumabas. Kaagad akong nakipagsiksikan sa mga estudyanteng nagtatakbuhan. Narinig ko pa ang sigaw ni Kaeden sa likuran. This is it pancit! Kahit imposible laban lang!

I couldn't explain but I feel like something was about to change right now.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.1M 86.3K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
33.9K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞