Pleasure Of Destruction | R-18

由 regnaress

985K 23.2K 4.5K

18+ Arciaga Brothers Series #1: Caspian Vladimir Arciaga - McKenna Ivana Ruellos found herself falling down t... 更多

Pleasure of Destruction
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Extra

Kabanata 17

13.8K 378 49
由 regnaress

Kabanata 17, I'm sorry

Mabilis lumipas ang araw. Kinabukasan ay kinausap ko si Kyla. Ngayon ay may pagkakataon akong umalis.

Ang sabi ko kay Kyla'y samahan muna ako papunta. Pwedeng mag-stay rito si Caspian dahil siya ang mag-aasikaso kay Chester. Sa uwian humingi ako ng tawad dahil mukhang kakailanganing sabay kaming uuwi. Sinabi kong alas otso ang uwi. Pumayag naman siya. Sabi niya'y babalik na lang siya sa bahay ng alas otso. Aasikasuhin na lang daw niya ang kanyang driver's license.

Kaya ngayon ay tapos na akong maligo, at nagsusuot na lang ng tsinelas. Si Kyla naman ay naghihintay na sa labas ng bahay.

"Ivana." Madilim ang wika ni Caspian habang nakatingin sa akin. Nakatayo siya sa hamba ng pintuan habang suot ang madilim niyang ekspresyon.

Nag-iwas ako ng tingin at humugot ng lakas ng loob para makalabas.

"Anong oras ka makakauwi?" Tanong niya.

"Hindi ko sigurado..." kumuyom ang kanyang bagang.

Hinawakan niya ang aking braso sanhi para mapatingin ako roon.

Inabot niya ang isang basag na cellphone sa akin. Isa iyong lumang model. Napatingin ako sa kanya.

"Ano ito? Kanino?" Ngayon ko lang napansing naghawak siya ng cellphone.

"Cellphone. Sa akin." Umusli ang aking labi at pinagtaasan siya ng kilay.

"Para saan?" Hindi naalis ang kanyang tiim bagang ng nagsalita.

"I-text mo si Chester, o si Kyla kung may emergency. Huwag kang magpagabi. Kung may sumusunod sa iyo tumawag ka. Huwag kang pupunta sa madilim. Dumaan ka sa maliwanag at sa maraming tao."

Napalunok ako. "Kaya ko ang sarili ko..."

Sinubukan ko iyong ibalik ngunit sinamaan niya ako ng tingin.

"Kunin mo o hindi ka aalis." Banta niya.

Nalaglag ang aking panga at walang choice ko iyong kinuha bago nagpasalamat. Mabilis akong tumalikod bago pa magbago ang kanyang isip.

Paglabas ko'y naroon na si Kyla. Nakatingin siya sa kanyang relo.

"Tara na?" Aya niya. Nagmamadali naman akong sumunod.

Bumiyahe kami papuntang bayan at binigyan niya rin ako ng tip. Sinabi kong nasa akin ang phone ni Cyprian at itetext ko siya kung may masamang mangyari.

Tumango naman siya at nagustuhan ang ganoong ideya.

Nang makarating kami sa massage spa ay agad akong pumasok. Sinalubong ako ng tingin ng mga babae sa loob.

Karamihan sa kanila'y parang inaaral ang aking bawat galaw. May nakarinig pa akong sumipol noong dumaan ako sa lounge ng mga customer.

Dumiretso ako sa locker room.

Naabutan ko ang ibang babae roong nagbibihis. May ibang humagikgik.

"Ikaw iyong bago hindi ba?" Napalingon ako sa nagtanong noon.

Saktong nagkatinginan kami ng babaeng may mapulang labi gawa ng lipstick. Kita ko ang kapal ng suot niyang make up, ngunit bumagay ito sa kanya. Naka-tali ang kanyang mahabang buhok at parang luluwa na ang kanyang dibdib sa kanyang uniporme.

Parang mas masikip ang kanya kesa sa akin.

"Ako nga pala si Pauline." Aniya.

"Ivana." Maikli kong pakilala.

Gusto ko sanang magpalit ng damit ngunit nahihiya akong nandito siya.

Nang mapansin iyon ay bahagya siyang natawa. "Magpalit ka na, walang hiya-hiya rito."

Nakagat ko ang loob ng aking pisngi bago tumango.

Wala sa loob kong inalis ang aking pang-itaas at nagmamadaling hinagilap ang uniporme.

"Room seven ka hindi ba?" Tanong nito. Tumango ako.

"Ako sa room eight, kung may tanong ka pwede kang pumunta sa akin." Tumango-tango ako bago pilit na ngumiti.

Akala ko'y aalis na siya pagkatapos iyong sabihin ngunit nanatili siya sa aking tabi.

Nang matapos kong suotin lahat ay umayos ako ng tayo. Hinayaan kong nakaladlad ang aking buhok bago siya binalingan.

"Magkano ang mga tip mo?" Aniya noong isarado ko ang pinto ng locker.

Wala sana ang aking sasabihin ngunit naalala ko si Ogs. "Isang libo." Mahina kong wika.

Suminghap ito. "Anong ginawa mo? BJ?"

Umiling ako. "M-masahe lang." Namilog ang kanyang bibig.

"Binigyan ka ng isang libo? Walang happy ending?" Usyoso niya.

Tumango ako. Nakita ko ang inggit sa kanyang tingin. Napalunok ako at hindi na lamang nag-react. Pumasok ako sa room seven at napansing walang nagalaw na gamit doon mula noong nakaraan.

Nang maalala ang nangyari sa matanda'y agad akong nanlumo. No! Huwag mong isipin. Unti-untiin natin ito.

Nang marinig kong tinawag ang numero ay muli akong lumapit sa counter at doon na nagsimula ang aking trabaho.

Buong araw ay puro masahe ang aking ginawa. Nanakit ang aking braso maging ang aking binti kakatayo.

Hindi ako nag-aalok. Ang iba'y maayos. Ang iba'y hindi. Madalas akong mahipuan ngunit pinilit ko iyong lunukin.

Hindi na ako aaktong parang noong nakaraan.

Maging ang luha'y pigil habang pinapanood kong gumapang ang magaspang nilang kamay sa aking balat.

"Thank you." Saad ko at akmang kukunin ang huling tip na binigay sa akin ng isang foreigner. Ngunit imbes na ibigay niya iyon ay mabilis niya itong iniwas.

Tumiim ang aking bagang bago ito tiningala. Nagsusuot na siya ng kanyang damit.

Humalakhak ito. "Just kidding." Aniya.

Akala ko'y iaabot niya ito sa aking kamay ngunit halos mapatalon ako ng isuksok niya ito sa pagitan ng aking dibdib!

Gusto ko sanang mag-react ngunit pinigilan ko ang aking sarili.

May sinabi pa siya ngunit hindi ko na inintindi. Pinanood ko siyang lumabas at mabilis kong kinuha ang pera bago iyon sinuksok sa aking bulsa.

Inayos ko ang kwarto bago lumabas. Tinignan ko ang oras at namataang alas otso na.

Noong nakaraang break ay lumapit ako sa manager upang itanong kung hanggang anong oras ako pwede. Ang sabi niya'y hatian sa oras. Ala una ng umaga hanggang alas otso, pagkatapos ay ang susunod na. Hindi nga ako umabot ng alas otso noong nakaraan...

Agad akong dumiretso sa locker room para magbihis. Kinuha ko lahat ng pera sa aking bulsa bago iyon inilipat sa aking dalang bag.

"Magkano ang natanggap mo ngayon?" Napatalon ako sa gulat ng makarinig ako ng nagsalita!

Napalingon ako roon at namataan si Pauline. Nakatingin siya sa aking hawak na pera. Hindi ko iyon binilang at mabilis na tinanggal ang damit para makauwi.

"Mamaya ko pa bibilangin." Wika ko at sinuot ang T-shirt na ginamit ko kanina.

Ngumuso ito at mabilis na hinawakan ang bag na pinaglagyan ko. Bago ko pa siya mapigilan ay nahugot niya na ito at siya ang nagbilang. Napasinghap ako at imbes na pigilan siya'y sinuot na lang ang aking pantalon. Para deretso na.

Nang matapos ay agad niya akong tinignan. "Naka four-five ka." Aniya tila ba'y hindi makapaniwala.

Hindi ako sumagot at kinuha ang pera sa kanyang kamay. Wala akong oras para kausapin siya.

"Napaka-imposible." Aniya. Tila ba'y sinasabi niya iyon sa kanyang sarili. Inayos ko ang uniporme bago sinarado ang locker.

Mabilis akong tumalikod. Hindi ko nagustuhan ang kanyang ginawa! Ang pagkuha ng gamit ko ay hindi magandang asal!

Nakasunod siya. "Ano ang ginagawa mo?"

Hindi ako umimik. Nang makarating ako sa counter ay agad na inabot ang sweldo ko sa nakaraang dalawang araw. Two fifty pesos.

Nang makuha ay dali-dali na ulit akong lumabas. Paglabas ko'y napaka-dilim na.

Wala sa sarili kong binuksan ang cellphone ni Caspian. May ilang tawag. Hindi ko alam kung ilan dahil basag ang screen kung saan nakalagay ang numero.

Napatingin ako sa inbox at napansing puro iyon text ni Chester, at ng ibang numerong hindi naka-register. Napagpasiyahan kong buksan ang kay Chester at hindi muna pinansin ang ilang nagtetext sa kanya.

Chester:

Nasaan na kayo?

Chester:

Bakit hindi ka nag-rereply?

Chester:

Anong oras na wala ka pa, nasaan ka na?

Mabilis akong napangiwi. Hindi lamang iyon ang nakalagay. Napaka-haba. Hindi na ako magtataka. Si Caspian ito. Mabilis akong nagtipa ng isasagot.

Ako:

Pbvwi na ajo

Nanliit ang aking mata. Napaka-hirap magtipa sa keypad na ito! Bahala na kung hindi niya ito maintindihan.Pumara ako ng trike at naisip na kalikutin ang laman ng kanyang cellphone sa buong biyahe.

Dumiretso ako sa contacts at namataang apat lamang ang contacts niya. Si Chester, Kyla, Riel at Cyprian.

Kumunot ang aking noo. Riel... ito ang babae noong nakaraan hindi ba?

Nanginig ang aking daliri. Pakiramdam ko'y nangangati ang aking kamay buksan iyon! Mariin akong napapikit. Ilang minuto akong nakipagtalo sa aking sarili hanggang sa makarating ako sa palengke.

Sunod ay pumara ako ng jeep. May katagalan akong nakatayo roon ngunit kalaunan ay nakasakay rin.

Muli kong binuksan ang phone ni Caspian at dumiretso ulit sa contacts.

Gusto kong buksan. Tama bang buksan ko iyon? Mali. Pero gusto ko lang makasigurado kung totoo ba ang sinasabi niyang hindi niya nga talaga kasintahan ang babaeng ito. Para malaman ko kung talaga bang pinaglalaruan niya lang ako!

Oo. Para malaman ko. Para habang maaga ay mapigilan ko na siyang lumapit pa. At ang sarili ko...

Pikit mata ko iyong pinindot. Dahan-dahan akong nagmulat. Binasa ko ang nakalagay.

Riel:

Are you okay?

Caspian:

Yes. Take care of yourself.

May kung anong kumurot sa aking puso. Iyon ang unang bungad sa akin. Tinignan ko ang mga mas nauna pa at puro kamustahan lamang iyon. Walang nabanggit na I love you. Pero ramdam kong may laman ang text noong babae.

Kumuyom ang aking panga. Calm down. Wala kang karapatan! Binaba ko ang cellphone, saktong tumunog iyon. Napakurap ako at binasa ang nakalagay

—ester.

Napatingala ako bago iyon sinagot.

"Hello?"

"Nasaan ka?" Ginapangan ako ng kaba ng marinig ang kanyang madilim na boses. Napalunok ako at hindi nagpatalo.

"Pauwi. Nasa jeep na." Saad ko. May sinabi siya pero hindi ko naintindihan. Choppy. Napairap ako at mabilis na pinatay ang tawag. Muli itong nag-ring ngunit ibinulsa ko na ito.

Ilang minuto pa'y malapit na ako. Nasaan na kaya si Kyla... Kalaunan ay mabilis akong pumara at agad na bumaba. Bago ako naglakad ay tinipa ko muna ang pangalan ni Kyla sa cellphone bago ito tinawagan.

Dalawang ring pa lang ay sinagot na niya. "Hello? Ivana?"

Bumuntong hininga ako. "Kakababa ko lang, saan ka?" Saad ko.

"Nasa jeep pa... wait lang malapit na rin." Nag-okay ako at binaba ang tawag. Saglit akong naghintay hanggang sa may tumigil na jeep at doon, bumaba si Kyla. May dalang mga plastic.

Mukhang namalengke siya. Mabuti para hindi siya nainip kakahintay.

Agad ko naman siyang tinulungan. "Buti na lang ay may cellphone ka..." Aniya.

Kinuha ko ang dalawang plastic ng gulay bago kami tumulak pauwi. "Grabe, dinaig pa asawa ni Caspian makatawag hah!"

Natigilan ako. "Habang nasa LTO ako ring nang ring iyong cellphone ko e."

Ngumisi siya sa akin. "Wag mo sanang masamain iyong tanong ko pero..." tinaas baba niya ang kanyang kilay. "Magjowa ba kayo?"

Uminit ang aking pisngi. Buti na lamang ay madilim ang dinadaanan namin kaya hindi niya mapansin.

"Hindi. Bakit mo naman nasabi?" Nakita ko ang pagkislap ng ngipin niya ng dumaan kami sa ilaw.

"Wala lang... akala ko."

Kinagat ko ang loob ng aking pisngi at hindi na lang ulit nagtanong.

"Pero alam mo Ivana..." naging marahan ang kanyang boses. Nang sulyapan ko siya ay nawala ang kanyang ngiti.

"Nagsisisi ako sa inalok kong trabaho sa iyo." Nanginig ang kanyang boses.

Saglit akong napakurap. "Tinuturing na kitang nakababatang kapatid pero wala akong mas naialok na maayos na tra—"

Mabilis ko siyag pinutol. "Ginusto ko ito Kyla, walang problema."

Umiling siya. "Wala akong maibigay na malaki ang sweldo... lalo na't hindi ka pa nakakapagtapos."

"Malaki ang kita ko rito... pwede kitang matulungang magbayad ng bills. Malaki ang utang na loob ko sa inyo ni Caspian."

"Hindi ko kailangan ng bayad sa pagtulong Ivana. Hindi naman kami nadehado noong dumating ka."

Uminit ang puso ko sa kanyang sinabi.

Tuloy-tuloy ang lakad namin.

Malayo pa lang ay kita ko ng nakasandal si Caspian sa hamba ng pinto. Nakahalukipkip ito at seryosong nakatitig sa amin.

"Ivana..." natigilan ako ng tawagin ako ni Kyla. Nauuna siyang maglakad kaya kailangan ko pang magmadali upang magkasabay kami.

"May gusto ako kay Caspian." Mabilis niyang saad na nagpatigil sa akin.

Hah? Matagal pa bago ko naintindihan ang kanyang sinabi. Pero noong pumasok iyon sa aking kokote ay mabilis akong napasinghap! Hindi ko man lang iyon naisip! hindi man lang iyon sumagi sa akin noong nakikita ko silang magkasama!

"Pero alam kong wala akong pag-asa." Bawi niya. Nahimigan ko ang lungkot sa kanyang boses na ngayon ko lang narinig.

Napalunok ako.

"Kung maging kayo man... magiging masaya ako para sa inyo." Hindi ako nakasagot agad.

Hindi ko rin alam kung bakit may kung anong bumara sa aking lalamunan. Gusto kong sabihing hindi, imposible iyon. Pero hindi na rin ako tuluyan pang nakasagot dahil nakarating na kami.

Sinalubong ako ni Caspian ng mapanuring titig. Pasimple kong tinignan si Kyla ngunit muling bumalik ang saya sa kanyang mukha.

Iyong madalas kong nakikita... hindi ko mapigilang mamangha sa kanya. Malakas siya... all this time. Hindi ko man lang siya nakitang magbigay ng motibo na may gusto siya sa lalaking iyon.

Sana ganoon din ako.

Naputol ang aking pagmumuni-muni ng marinig ko ang boses ni Caspian.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Simula niya.

Dinilaan ko ang aking labi bago sumagot. "Hindi buong oras sa cellphone mo ako nakatutok." Mariin ngunit mahina kong saad.

Akmang dadaanan ko siya ng hablutin niya ang aking braso.

Nakaigting ang kanyang panga. Kalaunan ay huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili.

Muling nagtama ang aming tingin. Nawala ang galit sa kanyang tingin. Napalitan ng purong pag-aalala. Kumalabog ang puso ko sanhi para mabilis akong napaiwas.

Goodness Ivana this is not good. Muli akong napatingin kay Kyla ngunit nauna na siya sa loob.

"I'm sorry angel..." Lumambing ang kanyang boses. Kasabay ng pagkagulat ko sa kanyang tinawag sa akin. "You just made me so worried."

繼續閱讀

You'll Also Like

288K 15.6K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
54.8K 1.8K 33
Status: Completed Posted: September 11, 2020 - October 23, 2020 Crescent Filippa Acosta, mainly known as the prim, solemn, reserved, and canny-heade...
404K 10.3K 34
I will do everything to make her stay on my side, forever. 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗛𝗘𝗥𝗢 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #𝟭 𝗘𝗺𝗺𝗮𝗻𝘂𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗵𝗲𝗿𝗼 is the first grandson...
5K 71 23
Two different individuals converged by means of REVENGE... Well, they do have a little something in common, they both live in a fairy tale life. ...