Scary Stories 5

Bởi Sheree_Mi_Amour

41.4K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... Xem Thêm

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma

270 9 0
Bởi Sheree_Mi_Amour


Ako, si Joy, si Cjay, at si Bev. Papunta kaming Trinoma that time para magpasa ng sample ng floor drain sa ka-deal ni Joy. Medyo traffic kaya nag-aalala kami na baka magsara na yung mall. Kanina pa din naghihintay yung kikitain namin. Nagmamadali kaming pilit. Gutom na din ako. Malalim na ang gabi at uwing-uwi na kami agad.

Bago palang pumasok pa-parking area naaliw na ako sa itsura nito na para bang hindi pa ako nakapunta dito noon. "Joy ang ganda pala ng trinoma no?" Sabi ko sa pinsan ko. "Ha? Baliw ka na ba? Ano sinasabi mo?" Sabay pagtataka. Agad-agad kong kinuha ang camera ko at vinedeo ang buong paligid.

Pagka-park namin. Malikot pa din ang mata ko. Sinita ko pa yung katabing sasakyan na balabag ang pagka-park at sabi ko pa "Bobo naman mag-park nito oh" sabay turo sa kanila. Agad-agad kaming bumaba ni Joy para mahatid na yung sample at makakain na at makauwi na rin. Nauna na kami ni Joy dahil mamimili sila Cjay at Bev.

Kalahati pa lang ang nalalakad namin mula sa sasakyan ng tinanong ako ni Joy at ang sabi ay "Leng, tatawagan ko yung ka-deal ko kung anong floor ba tayo." Lumingon ako at nakita ko ang nakapaskil na L3 sinagot ko sya agad "Joy, 3rd floor." "Sigurado ka?" Sabi nya sabay lingon nya para siguraduhin. Dumeretso lang kami ng lakad hangang sa makapasok na kami sa loob ng mall. Sa dinaraanan namin ay pinapansin ko pa yung Nike, Taco Bell atbp.

Pagdating sa escalator na pagkikitaan nila Joy. Naghantay kami saglit pero wala dun yung ka-meet nya. Tinawagan nya na ulit upang tanungin kung nasaan ba? Ang sabi nito ay nasa escalator ng 3rd floor sya. Tinanong na namin sa guard kung saan yung 3rd floor ang sagot ng guard akyat kayo diyan sa escalator ma'am.

Pagkaabot ng sample at kaunting usapin ay natapos na ang deal nila. Bumaba na kami ulit. Tinawagan ni Joy ang telepono nila Bev pero walang sumasagot para sana dito nalang kami kumain sa mall. Nakailang tawag din pero hindi sinasagot. Kaya napagdesisyunan na namin na pumunta nalang sa sasakyan dahil nandun na din naman ang mga yun malamang kasi nagsasara na ang mall.

Habang pabalik na kami napansin ko ulit yung Taco Bell, Nike at picture ni Cara. Dumaan kami sa guard at nakalabas na din ng parking area.

Sa parking area nagtaka kami na parang nag-iba ito at parang walang masyadong tao samantalang pasara na ang mall. Tuloy lang kami sa paglalakad. Inikot ang buong paligid. Pero wala ang sasakyan. Panay na din ang tawag namin sa kanila pero hindi pa din sinasagot. Baka pinagtripan kami at lumipat ng parking. Tinext namin sila at ang sabi nasa Mindanao parking. Paikot-ikot at nagtataka kung bakit wala sila.

Tutuloy na sana kami sa dulo ng parking lot. Walang kasing dilim. Pero parang ang sarap pumunta dun. Kahit imposibleng nandon yung sasakyan namin. Hahanapin namin dun. nang may lumabas na guard sa likod namin at para kaming nagising sa pagkalutang.

"Kuya, Nasaan ba yung Mindanao parking?" Sabi ni Joy.
"Ay sa baba yun. L2!" Sabi ng guard.
"Tignan mo pinagtripan pa tayo." Sabi ni Joy sakin.
"Kaya nga. Gutom na ko." Sabi ko naman.
"Mag-elevator nalang po kayo dito ma'am" sabi ng guard
At hinatid kami sa elevator.

Sa elevator nakapagtatakang nakalayo samin lahat ng mga nakasakay dito. Samantalang ang luwag-luwag naman. Hindi na namin pinansin. Pero iba ang tingin ng mga sales lady. Hinayaan nalang namin.

Paglabas ng elevator dire-diretso kami na parang lutang. Binusinahan at tinawag kami nila Cjay at Bev. "Oh saan kayo pupunta?." Pasigaw na sinabi ni Cjay at nagtaka kami na nagmula kami sa baba. Paglapit ko sa sasakyan. Nagulat ako nung nandun pa din yung sinita kong nakasalansan na park kanina. "Joy, Tignan mo dito talaga 'to naka-park." Sabi ko kay Joy. Hindi na sya umimik.

Umalis na kami ng walang nagsasalita. Hanggang paglabas ng mall. Ako ang nagsabi. "Kanina pa kami paikot-ikot. Bakit parang nag-iba kayo ng park?". "Kanina nakita namin kayo! Lumingon ka pa nga Leng e nakakatakot yung pagngiti mo. pero di nyo kami pinapansin." Sabi ni Bev "Huh? Lumingon ako? Ni anino ng sasakyan di namin nakita talaga kanina. Hinalughog na namin lahat." Sabi ko. kinilabutan na kami. Ang sabi pa ni Joy "Tumawag ako naka-15 missed calls ako bakit kasi hindi nyo sinasagot?" "Ate Joy, wala kahit isa oh" pinakita nila ang bawat cellphone nila. Kay Joy na may missed call at kay Bev na wala ni isang tawag. "Binubusinahan pa nga namin kayo e. May kasama pa nga kayo eh na babaeng matanda at 2 lalaking may dalang mga plastic. Tsaka saan kayo pupunta bakit nagmula kayo sa baba?" Sabi ni Bev. Kinilabutan na kami. "Babae? Lalaki? Bev wala!". Sabi ni Joy. "Meron Ate Joy kasama nyo pa ngang lumabas ng elevator. Nauuna pa nga sa inyo at parang sasamahan nyo pa e!" Sabi pa nito. Para kaming binuhusan ng kumukulong tubig sa takot. Bigla kong naisipang panoorin ang video at nakita ko may matandang babae Ang nakasakay sa sasakyan. Pagdating namin sa harap nya ay binuksan nya yung salamin ng sasakyan nya. "Bev ito ba?" Tanong ko sa kanya. "Yan nga." Sabi ni Bev.

Umuwi kami at dumiretso sa lola naming manggagamot. Sa tuwing nanggagamot sya ay tinitignan nya ang linya ng palad at hinliliit kapag hindi nagpantay ito. Maaaring naengkanto o lamang lupa ka kung kaliwa o nakulam ka kung kanan. Hindi na ako masyadong sure. Sa kanan ba o kaliwa. Paglapat ng mga daliri hindi ito nagpantay nagpatawas kami at sabi ng lola namin naengkanto kami. Ginamot nya kami at pinayuhan na bumili ng pangontra. Dahil madalas kaming makakita ni Joy ng mga espiritu.

Isa lamang ito sa mga nakakatakot na insidente sa aming buhay. Pero ito pa rin ang hindi ko mapaniwalaan. Huh? Sa Trinoma? Huh sa Manila? May Engkanto? Parang hindi bagay pero totoo.

Makalipas ang ilang araw. Nag-research ako sa internet tungkol sa parking lot ng Trinoma madami na din palang nahulog dito. Ang tanong nahulog ba talaga sila o may nanghulog sa kanila?.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

106K 6.6K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...
46.8K 1.8K 34
Sampung daliri sa kamay. Sampung magkakaibang kuwento ng... Mga daliring mapaghiganti... Sa sampung taong nakatakdang kikitil ng buhay sa iisang lug...
5.1M 58K 106
Kanina may nakita akong DYOSA~ Nung nilapitan ko Naumpog ako.... - Shuteng inerns SALAMIN LANG PALA! - #DyosaProblems #LoveProblems #InCrushProblems...
44.2K 1K 31
Limang kwento ng kababalaghan at katatakutan ang magdurugtung-dugtong dahil sa isang masaklap na massacre na nangyari.