Ladies and gentlemen! Welcome to Hotel Del Cuneta!
And please welcome Miss Ana Velasquez!
Reyana: Good evening everyone!
: Woa Wooooowww!
: We loveyou Miss Ana!
: Sexyyyyy!!
: Hangganda niya talaga.
: Kung wala lang akong asawa aasawahin ko yan.
: Sus di ka type niyan.
Owen: Wag na kayong magtalo ako ang asawa niyan.
: Ikaw? HAHSHAHAHS!
: Lakas mo naman mangarap pare
: HAHAHAH
Owen: HAHAHA akala niyo lang!
Nagpunta si Owen sa backstage.
Owen: Miss.
Kinulbit ni Owen si Mitch.
Mitch: Yes Sir?
Owen: Pwedeng makahiram ng mic?
Mitch: Hoo?? Bakit po?
Owen: Kailangan ni Miss Ana sa stage.
Mitch: Huh? May dala na siya kanina ah?
Owen: Wala, nagpapakuha nga siya dito e.
Mitch: Talaga?
Owen: Oo.
Mitch: Ganun, siya ako na lang po ang mag-aabot.
Owen: Naku wag na ako na lang.
Inagaw ni Owen ang mic kay Mitch.
Stage
Reyana: So kailangan ko ng volunteer kasi duet song ito? So sinong pwede? HAHAHAH.
Owen: Ako po.
Umakyat si Owen sa stage na may hawak na Mic (HAHAHAHA gago talaga)
Reyana: Owen?
Owen: Hi.
Bigla namang tumugtog ang musika.
Owen: Can I sing with you?
Reyana: May choice ba ako? Ikaw talaga! HAHAHAHA
Sampay hampas kay Owen!
Owen: Bakit di magawang limutin ka
Bawat sandali'y ika'y naaalala
Tangi kong dasal sa Maykapal
Makapiling kang muli.
Reyana: Bakit 'di maalis sa isip ko
Ikaw ang laging laman nitong puso ko
Kahit pilitin kong damdamin magbago
Ikaw pa rin ang hinahanap ko.
Nagkatinginan silang dalawa.
Reyana: Hanggang ngayon.
Owen: Hanggang ngayon.
Reyana and Owen:
Ikaw pa rin ang iniibig ko
Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko
Ikaw lamang
Hanggang ngayon
Owen: Ikaw lang ang tunay na minamahal,
Ikaw ang hinintay ko ng kaytagal.
Rekaya: Ikaw ang ligaya,Ang buhay at pag-asa Ikaw lang, wala ng iba kaya't hanggang ngayon.
Reyana and Owen:
Hanggang ngayon, Ikaw pa rin ang iniibig ko
Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko
Ikaw lamang
Hanggang ngayon
: Clap Clap!
: Woaaaaa!
: New love team?
: Imposible!
Reyana: Thank you guys! And goodnight.
Agad ding bumaba si Reyana ng stage.
Owen: Reyana!
Sinundan ni Owen si Reyana.
Mitch: Miss Ana?
Reyana: Bakit nasa stage siya?!
Mitch: E nagpumilit po siya e akala ko iaabot niya lang yung mic hindi ko naman po alam na aakyat siya at kakanta.
Reyana: Buwisit
Nagmamadaling maglakad si Reyana at Mitch.
Mitch: Miss Ana, hinihintay po kayo ni Madam Sharon sa taas.
Reyana: Bakit daw?
Owen: Reyana!
Reyana: Wag kang lilingon, bilisan mo lang maglakad.
Mitch: O-okay po.
Reyana: Sabihin mo kay Ate hindi ko na siya mapupuntahan sa taas. Kailangan ko ng umuwi, gusto ko ng umuwi.
Mitch: Sigurado po kayo?
Reyana: Oo, puntahan mo na si Ate sa taas.
Mitch: Osige po. Mag-ingat po kayo. Mauna na ako.
Reyana: Mitch? Yung susi ng kotse ng Hotel?
Mitch: Nasa akin po, magpapatawag lang po ako ng magdridrive sa inyo.
Reyana: Akin na ang susi, ako na ang magdridrive.
Mitch: Seryoso po kayo? Kaya niyo?
Reyana: Kaya ko, akin na.
Mitch: Ito po.
Inabot ni Mitch ang susi ng kotse ng Hotel.
Mas lalong binilisan ni Reyana ang paglalakad niya hanggang sa umabot na siya sa parking lot.
Hinanap niya ang kotse ng Hotel.
Nang nakita na ni Reyana ang kotse, pinagsisipa niya ito at napahagulgol.
Reyana: WAHHHHHHH!!!
Owen: Reyana!
Niyakap ni Owen si Reyana.
Reyana: Bitawan mo ko! Wag mo kong hawakan!
Owen: Reyana!
Reyana: Pwede ba tigilan mo na ako! Ayaw ko ng maalala kapa hindi mo ba maintindihan yun ha! Hindi mo ba nahahalata?! Wala na akong balak bumalik bilang Reyana mo! Ayaw ko ng makaalala ulit. Kaya pwede ba tantanan mo na ako!?
Owen: Hindi pwede Reyana! Hindi mo ako pwedeng takasan hindi ka pwedeng tumakas ng ganun ganun lang.
Reyana: Hayaan mo na ako Mr. Alcasid. Hayaan mo na akong mabuhay sa ganitong mundo, dahil litong lito na ako! Ang sabi ng puso ko alalahanin ko kung anong meron tayo noon pero ayaw! Ayaw ko dahil natatakot na ako. Natatakot na akong bumalik ang lahat. Ayaw ko na. Tama na!
Owen: Hindi nga akoo papayag na mawala kapa ulit sakin hindi mo ba din yun maintindihan?!
Reyana: E anong gusto mo!?
Owen: Gusto kong maalala mo na mahal mo ko, na mahal mo parin ako.
Reyana: Kung ganun lang din naman ang maalala ko. Mas gugustuhin ko na lang na hindi makaalala. Baka nga ipagpasalamat ko pa na nakalimutan ko ang sinasabi mong pagmamahal na namamagitan sa ating dalawa.
Agad ding pumasok si Reyana sa kotse.
Owen: Reyana! Mag-usap tayo. Reyana!
Binilisan ni Reyana ang pagdridrive ng kotse.
Owen: Wala, walang susuko. Hindi ako susuko Reyana hindi. Kahit ilang beses mo ko ipagtabuyan hindi kita susukuan.
Sinundan din naman agad ni Owen si Reyana.
Bahay ni Madam Sharon
Inday: Miss Ana? Ang aga niyo naman pong nakauwi? Kasama niyo po ba si Madam Sharon?
Reyana: Hindi, hindi daw makakauwi si Ate tonight. Inday? May alak ba diyan?
Inday: Alak po? Naku wala, pinatagtag ni Madam Sharon kanina lang. Naghain na po ako ng hapunan kain na po kayo?
Reyana: Ayaw ko wala akong gana.
Naglakad si Reyana patungo sa kaniyang kwarto.
Muli niyang naalala ang nangyare kanina.
Reyana: WAAAAAAAAAAA!!
Hinagis niya ang kaniyang unan.
Habang bumubuhos ang kaniyang luha.
Sinasabayan din siya ng langit sa pag-iyak.
Sobrang lakas ng ulan.
Owen: REYANA! REYANA!
Nagsisigaw si Owen sa labas ng bahay ni Madam Sharon.
Reyana: Owen?
Inday: Miss Ana, Miss Ana. May naghahanap po sa inyo sa baba.
Reyana: Si Owen.
Inday: Pagbubuksan ko po ba siya ng gate? Basang basa na po kasi siya sa baba.
Reyana: Wag, wag mo siyang papapasukin. Ako ng bahala sa kaniya.
Inday: Osige po.
Agad ding bumaba si Reyana
Reyana: Umuwi kana Owen!
Owen: Hindi ako uuwi hangga't hindi kita nakakausap.
Reyana: Umuwi kana! Basang basa kana ng ulan.
Owen: Ulan lang ito, ang mahalaga ay makausap kita.
Reyana: Wala na akong balak makipag-usap sa'yo Owen, umuwi kana! Go home!
Owen: Hindi ako uuwi hangga't hindi kita nakakausap.
Reyana: Pinapahirapan mo lang sarili mo!
Owen: Hindi na mahalaga yun.
Reyana: Mapapagod ka lang.
Owen: Kahit kailan hindi ako mapapagod para sa'yo.
Reyana: Nag-aaksaya ka lang ng oras mo!
Owen: Mas magiging aksaya ang oras ko kung hindi kita kasama.
Reyana: Nagmumukha ka nang tanga!
Owen: Matagal na akong tanga sa'yo. Matagal na akong baliw na baliw sa'yo.
Reyana: Magkakasakit ka sa ginagawa mo!
Owen: Okay lang, basta para sa'yo gagawin ko lahat.
Reyana: Tigilan mo na yan Owen.
Owen: Maghihintay ako Reyana, maghihintay ako.
Reyana: Please Owen! Umuwi kana.
Owen: Hindi!
Reyana: Kung buo na talaga ang desisyon mo diyan sa gusto mong mangyare wala na akong magagawa. Bahala ka.
Owen: Reyana! Reyana!
Tinalikuran ni Reyana si Owen at agad na nagpunta sa kaniyang kwarto.
Reyana's Pov
Kasulukuyang sinasabayan ng langit ang lungkot na nararamdaman namin ni Owen. Natatanaw ko siya muli dito sa bintana ko, nakaluhod siya sa labas ng gate at patuloy na nababasa ng ulan. Ganito siya kapursigido para sakin? Kaya niyang suongin ang bagyo at ang lakas ng hangin para lang makausap ako? Hindi ko alam na kaya pala talaga niyang gawin ito para sakin, halos dati ako ang palaging marupok saming dalawa. I can't believe na nagagawa ko na ito ngayon. Ang tiisin siya at ipagtabuyan ay hindi ko rin kagustuhan pero kailangan. Kailangan kong gawin para wala ng masaktan. Hindi ko namamalayan habang ako'y nakanaw parin kay Owen, humigit 1 oras na din siyang nasa labas ng bahay at hindi tumitigil ang ulan. Nag-aalala na ako sa kaniya baka kung ano pang mangyare sa kaniya. Minabuti kong maghanap muna ng ilang tiwalya para sa kaniya.
Bigla namang may kumatok sa pintuan ni Reyana.
Inday: Miss Ana! Miss Ana, yung lalaki po sa harapan ng bahay nahimatay!
Reyana: Nahimatay!?
Dali daling binuksan ni Reyana ang pintuan.
Reyana: Anong nahimatay?! Anong nangyare sa kaniya?!
Inday: Hindi ko din po alam, pagkatingin ko po sa kaniya bigla na lang siyang bumagsak.
Nagdali daling bumaba si Reyana para puntahan si Owen.