Destined with the Gangster

Bởi yeeeengmatsu101

51.8K 1.1K 172

Isang simpleng babae na ang gusto lang ay ang tahimik at payapang buhay ngunit aksidente siyang makakakilala... Xem Thêm

Destined with the Gangster
CHAPTER 1: GOING TO MANILA
CHAPTER 2: MEET THE OWNER
CHAPTER 3: MY ANGEL
CHAPTER 4: STRAWBERRY ICE CREAM
CHAPTER 5: MAGNANAKAW SA CONDO?
CHAPTER 6: THE TIGER'S BLOOD GANG
CHAPTER 7: SMALL TALKS
CHAPTER 8: AGAIN AND AGAIN
CHAPTER 9: THE QUEEN OF ALL QUEENS
CHAPTER 10: THE KISS
CHAPTER 11: OUR SECRET
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 13: LOVER'S QUARREL
CHAPTER 14: THE FEELINGS
CHAPTER 15: WORRIED MAX
CHAPTER 16: TROUBLE
CHAPTER 17
CHAPTER 18 JELOUSY
CHAPTER 19: CONFESSION
CHAPTER 20: FRIENDZONED
CHAPTER 21 - THE GIFT

CHAPTER 12: PROBLEMA

2.1K 44 10
Bởi yeeeengmatsu101

Jastine's POV

Napag-usapan na namin ang tungkol sa deal. Pumayag na rin ako, Eh aarte pa ba 'ko? May protection na ako galing sa kanila.

"So we're okay now?" Tanong nya.

"Yah, we're okay. As long as susundin mo ko." Mapilyo ko naman sagot. Habang siya ay inirapan lang ako.

Hilig mang-irap, bakla talaga ang isang 'to eh.

"Whatever."

"What is up! Is anybody here?"  Biglang may sumigaw galing sa salas.

OMG! Nandito ang mga kaibigan niya. What to do?!

"Hey man, can you just shut the fuck up? Nakakabulabog kang ugok ka eh."
Kilala ko ang boses na yon at kay kyle yon. Omg! Pano na ko neto baka ma gang bang ak---- oh jastine! Ano bang iniisip mo? ERASE! ERASE! ERASE!

"I second the motion----"

Nagulat silang lahat ng makita nila ako sa kitchen. Oh no! Anong gagawin ko?!

"H-hi?"

Iyon lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. Habang yung isang lalaking kasama ko ay parang wala lang sakanya! Hindi man lang ako tulungan ng tukmol na 'to!

"JASTINE? ANONG GINAGAWA MO DITO?"

Tanong ni kyle na gulat na gulat.

"A-ah eh----"

"I brought her here." -Max

Parang wala lang ang sagot niya. At kumuha ng beer-in-can sa fridge.

"I knew it, may something sainyo ni Master noh?" Tanong naman ni jiro.

Buti nalang tanda ko pa mga pangalan ng mga 'to.

"No---"

"Yah. She's my girlfriend." Sabat naman ni Max.

Bukod sa pangiirap mahilig din po siyang mang interrupt.

"WHAT???!!!"

Sabay-sabay silang nagulat sa sinabi ni Max.

Hindi ba sila makapaniwalang papatol si Max sa tulad ko? Grabe naman!

"No! Hindi totoo yon fake girlfriend niya lang ako. Hindi totoo, nagpapanggap, ganon!" Paliwanag ko. Pero mukhang di sila naniniwala.

"It's okay. You don't need to explain haha!"
Sabi naman ni Lester. Pero nakita ko siyang nagsmirk.

"We're just wondering... Kung bakit ka niya dinala dito." Sabat naman ni Josh.

"Bukod kasi samin, wala ng may alam sa lugar na 'to even his dad. Unless... You're very important to--- what the fuck?!"

Bigla kasing may lumanding na kamao sa pisngi ni chris.

"So much information idiot." Kay Max pala ang kamaong yon hahaha!

"Ayan, masyado ka kasing tsismosong hayup ka." Kantyaw naman ni Basty.

"She's my girlfriend and that's the only reason why I brought her here." Paliwanag naman ni Max.

At talagang paninindigan niya na real girlfriend niya ko ha!

"Pero---" may sasabihin pa sana si jiro pero pinigilan siya ni Max.

"---and no buts."

"Wait, jas alam na ba 'to ni kat?" Singit ni kyle.

Shocks! Si katrina pala. Nakalimutan ko shit. Baka hinahanap na ko non ngayon!

"Oo nga pala! Kelangan ko na umalis!" Kinuha ko yung gamit ko sa couch and I was about to leave pero may nakalimutan ako-- hehe.

Nakatingin silang lahat sakin, Including Max.

"A-ahm... Max, saan daan palabas?"

Medyo nahiya ako don. Well, alam ko naman ang palabas pero di ko alam ang mga passwords haha!

"Ihahatid na kita." Sabi niya at walang ano-ano ay hinila na naman niya 'ko palabas. Naka poker face pa rin siya.

Masyado na siyang nasisiyahan sa kahihila sakin ha.

After a couple of minute nakarating na kami sa basement pero wala paring kibo ang kasama kong lalaki.

*KRIIIINGGGG KRIIIINGGGG*

Naramdaman ko namang nag ring ang phone ko.

Ghad! Si kat tumatawag!

"Hello bes----" biglang nainterrupt ang sasabihin dahil nag hesterical siya.

|MY GOD JASTINE! WHERE ARE YOU?! KANINA PA KITA HINAHANAP! I'M SO WORRIED ABOUT YOU ALAM MO BA YON?! ASAN KA BA? UMUWI KA NA NGAYON DIN AT MARAMI TAYONG PAGUUSAPAN!|

Medyo nilayo ko yung phone ko sa tainga ko  dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya.

Umandar na naman ang pagka-exaggerated ng bespren ko.

"Bes kumalma ka nga, pauwi na din ako okay? Tsaka... Yung issue dun sa.... sa... Ah basta! Hindi totoo yun lahat ha!"

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Hays!

|What do you mean? Ano ang hindi totoo?|

Hays medyo slow siya ngayon ah.

"Sige mamaya ko nalang sayo sasabihin uuwi na ko. Bye!"
Bago pa man siya makapagsalita, binabaan ko na agad siya ng phone.

Napatingin naman ako sa lalaking kasama ko. Pinaglalaruan niya lang ang susi ng kotse niya habang naka poker face pa rin.

Naku... Wag siyang magemote-emote dyan at hindi ko rin gusto 'tong nangyayari." -___-

"Pst. Uuwi na ko." Paalam ko sa kanya.

"I'll take you home."

Huwaaat? Pakiulit???

"Hey, I said I'll take you home." Ulit nya.

Di ko napansin na natulala pala ako.

Totoo ba? Anong nakain nito at ihahatid ako?

"S-seryoso ka?"

"Why? Do I look joking?" He said sarcastically.

Okay na sana nagsungit pa! Hmp!

"Wag na, kaya ko umuwi magisa." I said and I started to walked.

"Hey, ihahatid na nga kita. You crazy girl."

Sabi niya na parang naglalambing ang tono.
Huminto ako sa paglalakad.

"Is that your way to please your girlfriend?"

Huh! Akala ba niya hindi ko kayang sabayan ang trip niya? Very much wrong my man!

I saw amusement on his face.

"Whatever." Umirap na naman ang bakla--- este si Max.

Tinitigan ko lang siya at binigyan ng 'what-now-look'

"Fine. I insist."

Tsk! Ayun na yon? Hayyy... Pwede na nga yon.

"Tara na nga!" Nauna na ko sa kanya maglakad. Infairness ang gara ng kotse niya. Dagdag pogi points.

Nakatayo ako sa harap ng pinto ng passenger seat. Syempre dalagang pilipina tayo kaya dapat pinagsisilbihan hahaha!

"Oh? Anong tinatayo-tayo mo jan?"
Nagtataka niyang tanong. Hay... Pakamanhid naman!

Nginuso ko yung pinto at doon niya lang nagets kung bakit ako nakatayo. Ang slow!

Binuksan niya ang pinto at pumasok na 'ko.
Narinig ko naman ang sinabi niyang 'pakaarte' wow! Maarte na ba yon? Gusto ko lang naman na pagsilbihan ako ah.

Tss... Walang kwentang boyfriend."

Pumasok na rin siya driver's seat and then he started the engine.

Nabalot kami ng nakakabinging katahimikan. Hanggang siya na ang bumasag nito.

"Hey babe, baka makalimutan mong nagpapanggap lang tayo ha."

Natatawang sabi niya.

Tumatawa rin pala 'tong tukmol na 'to. Actually ngayon ko lang aiyang nakitang nakangiti ng ganito.

"Ako? Hindi noh! Baka ikaw." Sagot ko naman.

"That's impossible."

"Hmm... Impossible-impossible ka dyan. Pag tinamaan ka, tinamaan ka. Wala ka ng magagawa kasi puso mo na ang nagdesisyon." Sabi ko.

"But not all the time you will use your heart, sometimes you need to use also your brain just for your own sake." Paliwanag naman niya.

May pinaghuhugutan ata 'tong lalaking 'to.

"Ang lalim ah." Biro ko sa kanya.

"Basta, don't you dare fall inlove with me..."
Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko.

*Dugdug dugdug*

My heart beats faster as hell. Anong nangyayari sa heart ko? Nagiging abnormal na naman. No! This can't be!

Umiwas ako sa nakakatunaw niyang tinginan.

"T-tumingin ka sa kalsada baka mabangga tayo." Pagiiba ko topic habang nakatingin ng diresto sa dinaraanan namin.

I heard him smirked.

After how many minutes, we already at Kat's condo. Wala parin kaming imik pareho hanggang sa makarating na kami sa tapat ng pod niya. Nagdoorbell ako at sinalubong naman ako ng malakas na tili ni kat.

"OMGGGGGGGGG!!!!!" Napangiwi kami pareho ni Max sa sobrang lakas ng tili niya.

Buti nalang at sound proof ang mga unit dito.

"Uyy bes ano bang nangyayari sayo?" Pagtataka kong tanong.

"So totoo nga?" Sobrang lapad ng ngiti niya halos mapunit na hahaha!

"Ang alin?" Ano bang tinutukoy nito ni Kat.

Pumasok muna kami sa loob.

"Are you now in a relationship?!" Tanong niya. Pero di pa din nawawala ang malapad na ngiti sa kanya.

"H-huh??! N-no---"

"Yes, were in a relationship."

Kinuha niya ang mga kamay ko and he intertwined his fingers to mine. At itinaas niya ito.

Gulat na gulat ang naging reaksyon ni Kat habang nakatitig sa magkahawak naming kamay.

Pinipilit kong tanggalin yung kamay ko sa kamay niya pero masyadong mahigpit.

Kina-career  talaga niya ha!

'di bale, ipapaliwanag ko nalang kay kat mamaya. Sanalang maniwala!

"O....MGGGGGGGGG!!!!!!" Tili na naman ni kat.

Nang ibaba niya na ang mga kamay namin agad ko kaagad tinanggal iyon. Yakkk!

"Umuwi ka na!" Naiirita kong sabi kay Max.

"Sige, Alis na ko." Paalam niya. And then he started to walk. Gusto pa sana ni katrina na pigilan si Max pero inawat ko siya.

Pero bago siya makalabas ng pinto huminto siya at tumingin sakin. Ugh! Bakit nagrereact ng ganito ang katawan ko sa tingin palang ni Max?

"By the way, I'll pick you up tomorrow at 6:00am."

"Huh?!" Nagulat ako. Totoo ba?!

"You heard it right. Wag mo ng ipaulit." At umalis na siya ng tuluyan.

------

"Bes makinig ka sakin, yung about samin ni Max, lahat yon hindi totoo okay? Walang kami." Paliwanag ko sa kanya.

"Asus, it's okay bes you don't need to deny it. It's obvious kaya." Nakangiti niyang sabi and she giggled.

Sabi na nga ba, hindi agad-agad maniniwala 'to eh.

"Ano ba Kat, hindi nga totoo lahat ng yon. Pagpapanggap lang yon okay? Nagpanggap lang kami na KAMI para layuan na siya ni Zachzna. Don't you believe me?" I asked

Habang siya ay nakanganga lang sakin.

"Eh ano yung paholding hands niyo? Yung kiss? Pagpapanggap lang din yon?" Balik na tanong niya sakin.

Kiss? Wala akong maalalang nagkiss kami!

"Anong kiss?"

"Kanina sa field. Viral na kaya yung picture ni Max na nagkiss."

WHAT THE---?! WALANG NAGANAP NA GANON! SHET FAKE NEWS YON!

"Ghad! Walang nangyaring ganon kat."
Depensa ko.

"Wait I think I saved that in my phone."

Kinuha niya yung phone niya at agad na kinalikot ito.

"Here," pinakita niya sakin ang isang photo at ako yun at si max. Totoo nga para kaming naghahalikan dito pero... Ito yung time na binulongan niya ako! Medyo nakahilig kasi ang ulo niya at nakatalikod pa siya so mapagkakamalan nga talagang naghahalikan kami.

Shit! Sino ang kumuha nito?!

"Told yah." Nakatulala parin ako sa photo.

"Hindi kami naghahalikan dyan bes, may binulong lang siya sakin niyan! Sinong kumuha niyan? Hindi totoo yan!" Paliwanag ko. Mukha namang naconvince ko siya.

"Oh kalma kalma, oo na naniniwala na ko sayo. Pero pano yan ngayon, halos lahat ng students sa mcksford ay naniniwala na kayo. Pano ba naman kase si Max ipagsigawan ba naman na girlfriend ka niya!" She said.

Hay... Pano na to ngayon.

"S-Sa tingin mo... Alam na ng lahat?" Medyo nahihiya kong tanong.

"Of course! Trending na kaya kayo ngayon sa facetwigram."

What?!

"Seriously?" Gulat na gulat ako. Bakit ba ang bilis kumalat ng tsismis?

"Yah, so you must ready yourself tomorrow."

May pangaasar sa tono niya. Habang ako nakatitig lang sa kanya. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko bukas.

Hay bahala na si Batman!

"Osha, kumain ka na ba?" Tanong naman niya. Tumango lang ako.

"Hmm... Magbeauty rest ka na you need that for tomorrow." Paalala niya pero parang nangaasar siya.

Napabuntong hininga lang ako.

Umpisa na ng stress ko bukas. Kelangan ko ng maghanda. Hays..





Pagkatapos kong maligo pumunta na 'kong kwarto. By the way, sa guest room na ang kwarto ko, nahihiya na daw kasi si Kat saakin dahil minsan napupuyat na daw ako dahil sa hilik niya which is hindi naman totoo hahaha!

Nagpatuyo muna ko ng buhok ko. Habang nagpapatuyo ng buhok, naisipan kong magbukas ng social media account ko sa laptop.

Sobrang nagulat ako sa notification ko na halos sumabog na sa dami!

For sure about na naman 'to samin ni Max.

At hindi naman ako nagkamali dahil puro tag, mention at post sa timeline ko ang laman ng notif. Hay... Bakit ba nauso pa ang social media?

Tinry ko buksan yung may isang minention ako at naginit ang ilong ko sa nabasa kong comment ng isang ulikbang babae!

Ate Girl: Ang kapal ng mukha ng bitch na yan na akitin ang fafa Max natin! For sure inakit at ginayuma niya yan! How dare you!

Picture kasi yon na parang naghahalikan kami ni Max. Yung pinakita kanina ni Kat.

Ikaw ang how dare you! Paka judgemental nitong babaeng to! Kung alam lang nila na kinamumuhian ko ang Max nila!

Rereplyan ko sana yung mga judgemental kong mga schoolmates pero wag nalang dagdag gulo lang sila.

Ugghhh! Kasalanan to ni Max lahat eh!

Binuksan ko lahat ng nasa notification ko at sobra talaga kumulo ang dugo ko sa sobrang inis dahil sa nababasa ko sa comments at post. Nakakagigil sila akala nila kilalang kilala nila ako kung makahusga sila. Kung makasabi kasi sila na kesyo malandi daw, bitch, pokpok akala nila alam nila ang takbo ng buhay ko!

At ang malala sabi nila inagaw ko daw si Max kay Zachzna. Wow! Wala kong inaagaw at wala kong balak mangagaw!

Tama na, sobrang toxic na ng mga 'to. Matutulog na nga lang ako dahil sobrang stress na stress na ko.

Bukas ko nalang poproblemahin lahat sila. It's already 12 midnight narin kasi.

For now beauty rest muna at bukas ulit ang panibagong stress. Haysss....


Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

66.2K 1.5K 78
Harry Potter x female reader °。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。 Cedric Diggory has a younger sister named Y/n and she's starting her fourth year at Hogwarts. H...
98.2K 3.1K 30
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
998K 88.6K 39
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
265K 934 10
Her boyfriend messed with the wrong guys. Now she has to 'pay' them back with her body.