Dayo

נכתב על ידי helliza

1M 44.2K 9.1K

Dayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masak... עוד

Synopsis
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
kabanata 26
kabanata 27
kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
kabanta 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Wakas

Kabanata 20

19.7K 905 149
נכתב על ידי helliza

     Para ako sinuntok sa sikmura. Literal kasi nawalan ako ng hangin, habang pinagmamasdan ko si Drigo.

     Five months. Limang buwan na hindi ko sya nakita.

     Bakit andito sila? At bakit ganyan ang mga ayos nila?

     My heart beat so fast. Gustong-gusto ko tumakbo yakapin sya. Hawakan ang mga kamay nya. Gusto ko umiyak sa balikat nya habang kinikuwento ang mga pinagdaanan ko ng wala ako sa poder nya.

     Gustong-gusto ko gawin lalo na ng bumaba sya ng kabayo. Baba din sana ako para tumakbo patungo sa kanya ng naglakad sya papunta kalesa. Inalalayan nya bumaba si Sena, pagkatapos ay iyong babae hindi ko kilala.

     Nahinto ako sa pagbaba dahil nakita ko ang pag-alalay nya sa babae, at ang pag hawak ng babae sa braso niya.

     Hindi pwede hawakan ng isa lalaki sa malapit na paraan ang isang babae kung hindi  niya ito kasintahan.

     Ang turo na iyan ni Nanay Geneva ang paulit-ulit sa isip ko. Hindi bumitaw ang babae sa braso ni Drigo at hindi naman iyon inalis ng binata.

      Marahas ako napahinga. Stop it Rayette. Wala ka karapatan sa kanya at hindi ito ang oras para sa mga ganito bagay. Pangaral ni sensible side.

      I steeled my heart. Ginamit ko ang isa sa mga natutunan ko sa pagiging assassin. Ang itago ang totoong nararamdaman.

     "Erick, ikaw ang bumati sa kanila?" Sabi ko sa kasama.

     Taka nya ako tinignan.

      "Kilala nila si Rayette." Mabilis na paliwanag ko. "Hindi nila ako pwede makilala."

     Nagets nya naman kaagad ako.

     Ganon nga ang nangyari. Sya ang nauna bumaba at bumati kina Drigo.

     "Maganda-araw Ginoo...?"

     "Sya si Ginoo Rodrigo." Pakilala ni Pedro. "Inaasahan sya ni Ginoo Hipolito."

     Yumukod naman si Erick, sumunod ako na nasa likod nya. Doon na ako pumuwesto simula ng bumaba kami sa kabayo.

     "Maligaya pagdating Ginoo Rodrigo. Sumunod kayo at dadalhin namin kayo kay Ginoo Hidalgo."

     Nakayuko at naitatago ng sumbrero buri ang buong mukha ko. Palihim ako sumilip.

     Wala ako mabasa sa mukha ni Rodrigo. Tumango lamang sya kay Erick.

     Noon na nasa Liwayway ako, ang lagi ko nakikita suot nya ay tshirt at pantalon na para sa mahihirap. Ngayon ko lang sya nakita nakasuot ng mga damit para sa may mgay kaya sa mundo ito. Malinis at maayos din ang pagkakatali ng kanya buhok. Kung sa simple pananamit his aura speak power and authority, lalo na ngayon. Mukha sya isa suplado anak mayaman na lahat ng sabihin ay sinusunod.

     "Marami salamat sayo." Sabi naman ng babae nakahawak sa kanya. Mahaba ang buhok nya, mahinhin  at babaeng-babae kumilos. Mukha ito heredera. Isang mahinhin at maganda heredera. "Ako si Tanya, at sila ang mga kaibigan namin na si Pedro at Sena, marami salamat sa pagsalubong samin."

     Ang ganda nya. Muli ko pinasadahan ng tingin si Tanya. At mukha mabait pa. Bagay sila ni Drigo.

     Nang ibalik ko ang tingin sa binata nakita ko papunta ang tingin nya sa gawi ko kaya nagpakayuko-yuko ako.

     Hindi naman nya siguro ako makikilala.

      Kahit nakayuko ako ramdam ko ang titig nya, para na tuloy ako aatakihin sa puso.

     Kumalma ka nga, hindi ka nya makikilala. Nakadamit lalaki ka remember. Saka hello, hindi sya interasado sayo nun nakadamit pambabae ka diba. Di mas lalo hindi ka nya mapapansin ngayon ganyan ang ayos mo. Napahinga ako ng malalim. Tama si sensible side. Imposible na mapansin nya ako sa ayos kong ito.

     Dahan-dahan ako sumilip ulit.

     Shit nakatingin pa din sya.

     Magkasalubong ang mga kilay nya habang nakatitig sa akin. Konting-konti na lang malapit ko na masabi na ako si Rayette. Buti nalang inagaw ni Tanya ang pansin nya.

      "Halika na, Drigo."

     Ano halikan na? Ka landi naman nito babae ito.sikmat ni flirty side na muli na buhay.

     Uy kumusta kana buhay ka pa pala. Pang-aasar na bati sensible side.

     Huminga ako ng malalim ng muli sila magsisakay sa kanya-kanya kabayo.

     "Tara na Erick." Sabi ko. Mula sa akto pagsampa napanhinto si Drigo at napatingin sa akin.

     Shit, nabosesan nya ba ako?

     Syempre hindi. Lalaki kaya ang boses mo, paano ka nya makikilala aber? -sensible side.

     Oo, bukod sa nakaayos panlalaki ako. Wala naghihinala na isa ako babae dahil sa boses ko panlalaki.

     May isa ako misyon na kailangan ko magpanggap na dubber sa isa kilalang istasyon sa mundo namin. Kaya naman pinag-aralan ko kung paano mag-iba-iba ng boses.

     Umiling si Drigo. Pagkatapos ay sumampa na ng tuluyan sa kabayo.

     Sa likod nila ako pumuwesto. Si Erick ang pinauna ko, dahil hindi ko kaya na nasa akin iyong mga mata ni Drigo.

     Kamusta kana?

     Ano nangyari? Bakit tila tumaas ang katayuan mo? Ano ginagawa mo dito?

     Ang grupo ko, na sa poder mo pa ba?

     Naaalala mo man lang ba ako?

     Mga tanong na ibinabato ko habang nakatingin sa tuwid at matikas nya likod.

     Nangilid ang luha sa mga mata ko. I want to hug him. Sabihin sa kanya na miss na miss ko na sya.

     Get a grip girl. Remember may dapat ka gawin dito. And you also need to know kung ano pakay nya?  Kung makakasira ba sya sa mga plano.

     Mabilis na pinaling ko pakanan ang akin tingin ng bigla sya lumingon sa gawi ko. Hindi ko alam kung naramdaman nya iyong bigat ng titig ko.

     Sobra bilis ng tibok ng puso ko, nang hindi nya parin inaalis ang tingin sa akin.

     Huwag naman ganyan Drigo. Kahit na ng ibalik nya ang tingin sa harap hindi nagbago ang tibok ng puso ko.

🦁🌷🦁🌷

     Matagal ako nakatitig sa kisame ng kwarto ko ng gabi iyon.

     Kailangan ko magpahinga ng kahit tatlo oras dahil ako mangunguna sa pagsama sa grupo ni Drigo papunta Talampas Nayon . Ang lugar ng katutubo Haghari.

     Sila ang mga katutubo kailangan ko tulungan. Si Apo Temyo. Ang pinuno nila na nakilala ko sa kulungan ang dahilan kung bakit ako naandito.

     Sapilitan na dinakip si Apo Temyo mula sa Talampas Nayon, na utos narin ni Hipolito.

     Gusto ni Hipolito na makuha ang Talampas Nayon dahil sa minahan na andon. Sinasabi na puno ng dyamante ay ginto ang mga minahan sa Talampasan Nayon. At dahi sa pagiging ganid nag-utos at nagbayad sya ng mga Tagapagparusa para ikulong si Apo Temyo.

     Sa madilim na selda kung saan nagkasama kami ni Apo Temyo at ng ilan pa nya katribo nalaman ko kinuha sa kanila ni Hipolito ang isa kasulatan na may lagda ng ikatlo hari na mula sa unang pamilya.

     Sinasabi sa  kasulatan na iyon na pag-aari na ng Tribo Haghari ang Talampas Nayon. Wala pwede kumuha o umangkin niyon. In short isa iyon titulo, at ang titulo iyon ay nasa opisina ni Hipolito, nasa loob ng vault at syang misyon ko na makuha.

     Ang gumugulo sa isip ko. Ano pakay nila Drigo doon? Isa ba sya sa mga koneksyon ni Hipolito na naghahangad na mapasok ang minahan ng Talampas Nayon?

     Imposible, sa sandali nasa poder ako ng Sandugo hindi ko naramdaman na mga ganid sila, na masasama sila tao.

     Wehh, di kaya nabubulagan ka lang sa nararamdaman mo kay Pinuno.-sensible side.

     Napabangon ako. Hindi ko alam kung ano iisipin.

     Lumabas ako sa aking quarter para magpahangin.

      Suot ko parin ang akin buri hat. Binati ko din ang mga Tagabantay na nakakasalubong ko na duty sa gabing ito.

       Mas dinoble kasi ni Hipolito ang pagbabantay.

     Nakarating na ako sa gilid ng mansyon ng matigilan ako.

     Doon sa isa mga terrace ng malaki mansyon, nakatayo si Drigo. Nakatingin sa malayo habang may hawak na baso ng alak.

     Drigo...

     Huli na para mapigilan ko ang sarili ko. Tinawag ko sya. Buti na lang last second mabilis ako nakapagtago sa dilim.

     Stupid Rayette. Stupid!

     Lumipad ang mga mata nya kung saan ako nakapwesto kanina. There's something in his eyes na hindi ko mabasa. Then he said my name.

     "Rayette,"

     Akala ko nakita nya ako. Pero ng muli sya tumingin sa malayo at ininom ang baso ng alak na hawak. Sigurado ako na hindi niya ako nakita.

      Lungkot at pagkadismaya yan ang nararamdaman ko, na nadagdagan pa ng sakit ng makita ko lumapit sa kanya si Tanya.

     Sa buong hapunan habang nakatayo sa likod nila, napansin ko ang closeness nila dalawa. Lagi nakabantay sa kilos ni Drigo si Tanya ibinibigay kung ano ang kailangan ng binata. Habang ang binata naman hindi man ganon ka showy napansin ko  na pinagbibigyan ang babae sa mga sinasabi nito. Bukod pa sa napapansin ko ang pagseselos ni Sena. Ang mga palihim nya pag-irap kay Tanya.

     "Pumasok kana Drigo. Kailangan mo na magpahinga."

     Drigo lang din ang tawag ni Tanya sa binata. Hindi tulad ni Sena, minsan  ay pinuno padin ang tawag dito.

     Tumango si Drigo. Hinawakan nya sa braso si Sena at inalalayan ito pumasok.

     Hindi kaagad ako umalis pinagtataguan ko. Hinawakan ko ang pisngi ko na basa na ng luha. Pinunasan ko iyon. Napailing bago naglakad pabalik sa kwarto ko. Nang gabi iyon hindi lang pisngi ko ang nabasa, pati ang unan na saksi kung gaano ako nasasaktan.

🦁🌷🦁🌷

     Dalawang araw na pangangabayo, bago dumating sa Talampas Nayon.

      Kasama sina Erick at ang ilan pa Tagasunod ni Hipolito sinamahan namin sina Drigo, Sena, Tanya at Pedro. Dumating din si Ejercito at Benito.

     Kumpeto na sana ang pangunahin miyembro ng Sandugo kung naandito din sina Winona at Trina. Pati narin si Nanay Sena.

     Ngayon malapit na kami sa Talampas Nayon. Nakatakip ng puti tela ang kalahati ng mukha ko.

     Nakasanayan ko na iyon simula ng magpanggap ako lalaki, lalo na kapag umaalis at naglalakbay ako.  Binili nila ang dahilan ko na nagkakasakit ako  kapag nakakalanghap ng sobra alikabok.

     Syempre ang isa pa dahilan, ay para hindi ako makilala nila Drigo.

     Lagi ako sa background sa nakalipas na oras. Hinayaan ko si Erick ang umasikaso sa kanila.

     Wala ako ginawa kundi magmasid sa paligid at palihim na pagmasdan si Drigo. At syempre, patuloy ako nasasaktan sa tuwing magkalapit sila ni Tanya.

     May bantay sa bukana ng Talampas Nayon. Mga mandirigma ng Tribo Haghari. Pinigilan nika kami.

      "Ano ang pakay nyo sa Talampas Nayon?"
Tanong ni Dio. Kilala nya kami ni Erick pero tulad ng sa plano wala dapat na makakaalam na konektado kami sa tribo.

     "Mga Tagasunod kami ni Ginoo Hipolito. Nais makausap ng aming bisita na si Ginoo Rodrigo ang iyon Apo Temyo."

     "Hindi basta-basta nakikipag-usap ang Apo sa kung sino. Kung hindi nyo sasabihin ang pakay nyo sa kanya, hindi namin kayo papasukin."

     Lumapit si Pedro at may binulong kay Dio. Nakita ko ang pamimilog ng mga mata nya bago tumango.

     "Maghintay kayo sandali. Itatanong ko kay Apo kung haharapin kayo."

     Matindi ang seguridad ng Apo simula ng pilit ito dalhin ng mga Tagapagparusa at ikulong, nang maitakas nya ito hindi naman na muli pinag-utos ni Hipolito na kunin ang Apo. Dahil may mas matindi pa ito plano. Iyon ay ang ipapatay ang pinuno ng tribo.

     Kaya naman lalo naghigpit ang mga  mandirigma ng tribo Haghari. Hindi na sila basta-basta nagpapatuloy ng mga tao sa Talampas Nayon.

     Umalis sya at naiwan kami sa tatlo pa Tagabantay.

      Inilibot ko ang tingin sa paligid.

     Mapuno, tahimik at sariwa ang hangin dito sa Talampas Nayon. Isa ang lugar na ito sa nagbigay sa akin ng kapayapaan ng mga panahon na hindi ko alam ang gagawin ko dito sa mundo ito. Nang mga panahon na gustong-gusto ko bumalik kina Drigo.

     Naglakad ako papunta sa mga bulaklak, angat na angat ang tatlo dilaw na rosas, na nilalaro ng mga maliliit na paruparo.

     Sa likod ng puti tela, gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.

     Ang ganda.

      Tumaas ang kamay ko at hahaplusin sana ang talulot niyo ng magsalita si Tanya.

     "Tignan mo Drigo, ang ganda ng mga rosas." Napatingin ako sa kanya na nasa kaliwa ko. Nakatingin sya sa mga rosas at si Drigo na kausap nya ay nakatingin sa akin.

       Suot ko padin ang buri hat ko at may takip pa ang aking mukha kaya alam ko na hindi sya naghihinala na ako si Rayette.

     Eh bakit sya ganyan makatingin sa akin? Si flirty side na umaasa.

     Dahil akala nya siguro bubunutin mo  iyan rosas gaga at ibibigay kay Tanya. Asumera ka na naman. Pambabasag ni sensible side.

     Tama naman si sensible side. Hindi talaga ako nakilala ni Drigo.

     Normal na Tagasunod ang trato nya sa akin. Hindi nya ako kinakausap at dinadaan-daanan nya lang. Dahil si Erick ang alam nila namumuno sa lakad namin, ito lang din ang kinakausap ng grupo nya.

     Kaya naman ng lampasan nya ako nang lapitan nya ang bulaklak bumigat ang pakiramdam ko. At nang putulin nya ang isang rosas at iabot iyon kay Tanya, tuluyan ng nanikip ang dibdib ko.

     Umiwas ako ng tingin sa kanila.

     "Maraming salamat Drigo. Iipit ko ito sa akin libro at gagawin pantanda sa pagbabasa." Matamis ang ngiti  ni Tanya. Nahuli ko ang pag-irap ni Sena na mabilis nya itinago.

     Ngumiti si Drigo sa kanya dahilan para talikodan ko sila.

      Damn it. Ang sakit-sakit naman.

     Samantala bumalik si Dio. "Maari na kayo pumasok."

     Mabilis ako lumapit sa kabayo ko para akayin iyon, nang bigla na lang may mga nagdatingan na bandido magnanakaw na gusto din makapasok sa Talampas Nayon at makarating sa minahan.

      Marami sila at madudungis may mga dala armas at pinalibutan kami.

      Tulad ng utos sa amin mabilis namin inukutan ang grupo ni Drigo.  Pumuwesto ako sa harap nya.

     Itinaas ko aking espada.

     "Bantayan ang mga bisita, hindi dapat sila masugatan." Sabi ko.

     "Padaanin nyo kami mga kaibigan. Ang nais lang namin ay makapasok sa minahan. Patuloyin nyo kami at sigurado hindi kayo masasaktan."

     Noon pa lapitin na mg mga bandido, at magnanakaw ang Talampas Nayon. Kaya naman halos lahat ng mga katutubo lalaki ay marunong lumaban. At handa sa ganito mga pagkakataon.

     "Ipagpaumanhin nyo mga ginoo, pero hindi kayo maaari tumuloy." Sabi ni Dio saka sumenyas. Sampu katutubo pa ang  lumabas at may hawak din na mga armas.

     Napamura ako sa isip. Mukhang mapapagitna kami sa isang laban.

     Umatras ako, nabangga kay Drigo. Lumapat ang likod ko sa dibdib nya. Napatuwid ako,  nakaramdam ng kuryente.

      "Paumanhin Ginoo." Nilingon ko sya pero mabilis din tumingin sa harap.

     Shit bakit sobra lapit ko sa kanya?

      Nagtanong ka pa, diba umatras ka ng umatras dahil gusto mo lumapit sa kanya.

     Hindi na ako nakapag-isip pa ng isasagot sa sarili ko dahil sumugod na ang mga bandido. At syempre kasama kami sa mga sinugod.

     Hindi ako umalis sa harap ni Drigo nakipaglaban ako para protekrahan sya. Ito man lang magawa ko para sa kanya.

     Dito man lang maipakita ko mahal ko sya.

...itutuloy

🦁🌷🦁🌷🦁

H/n

Salamat sa pagbabasa. Sino portrayer nyo kay Drigo ay Rayette? Pasend/pm (Facebook, Twitter or Instagram) ng picture na magkasama iyong naiisip si Pinuno at Binibini. Picture guys ha.

Salamat

Helliza Sabida
1152020Gsj

המשך קריאה

You'll Also Like

48.6K 1.9K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
1.8K 135 30
"What do you think you're doing?" she said. "Blocking my way? Mr. whatever-you are." she said again in a serious tone, but deep inside she's mad, bec...
93.3K 4.8K 52
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...
10.1M 500K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...