The F- Buddies

By LenaBuncaras

2.4M 69.4K 18.1K

Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na s... More

The F- Buddies
1. The Struggle is Real
2. All Out of Love
3. The New Guy
4. The Project
5. Breakup
6. Heart Reacts
7. Akyat-Bahay
8. Maldita
9. The Romance Novelist
10. Walang Poreber
11. Marupok
12. Tamang Hinala Club
13. Job...less
14. The Fan
15. Award
16. Fan Boy
17. House Raid
18. Garden of Peace
19. Gregory Troye
20. #DatingTheIcePrincess lol
21. Loveless Writers
22. Tale of Two Tragedies
23. Missing Peace
24. Character Adjustment
25. Outlines
26. Brainstorming
27. Type. Edit. Delete
28. Warning
29. Lunch Break
30. So Real, So Good
31. Smut
32. Walwalan Time
33. Roller Coaster Ride
34. Conditioned
35. #WalangMagpapaiyakSaBabeKo
SPECIAL PART
36. Buddy-Buddy
37. Disturbance
38. Drafted Love Story
39. The Nightmare
40. Painstaking
41. Fucked-up
42. Messed Up
43. Heart/Break
45. Babe
46. GT's Main Conflict
47. The Falling Action
48. So Much For My Happy Ending
49. Book Review
50. Hello and Good Bye
Officially His
Gregory Troye Excerpt
The F- Buddies (GT version applied)
Gregory Troye

44. Foreshadow

25.8K 1K 385
By LenaBuncaras

I am a fan of plot twists. Twist after twist after twist. It makes the story enticing to read, lalo na kung unexpected ang twist sa plot. I'd had enough fucked-up moments sa loob lang ng isang linggo, and that was too much for a real-life plot twist. Unfortunately, if this is a story that needs creative telling, I must say, the writer of my life is the worst to bring out the worst in me. Ang pangit ng plot development.

Hindi na bagong iyakan si Justin sa araw-araw na ginawa ng Diyos, but the reason now was too much for a twist. Ayoko na lang isipin kasi kada sagi niya sa isipan ko, lalo lang akong nagagalit. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nagagalit ako kay Justin kaso nasasaktan ako sa ibang dahilan at pumapasok si GT sa picture.

Isa pa itong si GT. Ngayon lang ako nagkaroon ng time na pagtuunan siya ng pansin. And after I called Boss Ayen, buong akala niya talaga, sa buong one week na MIA kaming pareho, tinatrabaho namin ang collab project namin. Kasi nga, last time na hinanap ko si GT, wala ring binanggit si Boss Ayen na umalis yung tao. Ang akala ko naman, nag-out of town dahil sa pa-miss na arte niya. Pagkatapos ngayon, malaman-laman ko, nasa bahay lang pala niya.

Tapos na akong makipaglaro sa lahat. Hindi pa ako okay, pero hindi puwedeng hindi ako okay habambuhay. Kahit paano, hindi na namamaga ang mukha ko after kong magbabad sa shower at maghilamos ng yelo.

Isang linggo rin akong broken. Broken pa rin naman ako, pero three days na lang at bookfair na. I know, hindi ako binigyan ng trabaho ni Boss Ayen sa preparation kasi may schedule na ibinigay si GT sa kanya. Pero kasi, nabasa ko sa email na dapat present kami ni GT sa 15, and that's three days from now.

He should be there.

Brittany is a nice place, and compared with our subdivision, bilang lang ang bahay dahil sobrang mahal ng lote. At sa hilera ng street kung nasaan ang residence ni GT, namumukod-tangi ang bahay niya sa gitna ng damuhan.

He owns a masculine, contemporary, two-story townhouse. Metallic colors everywhere, masyadong panlalaki ang bahay. At sobrang tahimik. Akala ko, wala talaga siya sa bahay kung hindi lang ako nakarinig ng mahinang kanta sa second floor.

Sobrang lalayo ng mga bahay, so imposibleng sa ibang bahay 'yon.

"GT!"

No response.

"GT, papasok na ako, ha!"

Wala na namang sagot. Wala akong time makipagtaguan sa kanya. At kung palayasin man niya ako, palayasin niya ako kapag nakita ko na siya.

Hindi naka-lock ang gate. Okay, that was weird. I'd take that as an invitation.

I went inside. Sobrang weird talaga ng feeling ko pagtapak ko sa loob. Nagtitindigan ang balahibo ko. Bago lang naman itong bahay pero bakit feeling ko, para akong nasa haunted house? Sobrang creepy. Ang tahimik.

"GT?" Even the front door was left unlocked. I know, may security din naman sa Brittany, pero bakit naman parang welcome na welcome ang kahit sino sa bahay niya?

Sinilip ko pa ang loob. Nasa tamang bahay ba ako? Pero I know, nasa tamang bahay ako. I smelled GT all over the place. Nakabalot ng tela ang mga furniture sa sala, gaya ng sa mga lumang bahay na hindi nabibisita.

Kinakabahan ako. Klase ng kaba na feeling ko talaga, may gugulat sa akin any time. Kung gulatin man ako ni GT, masasapak ko talaga siya.

Patay ang ilaw sa sala kaya kaunting liwanag lang ang pumapasok dahil sa venetian blinds na nakabukas at white curtains. Nasa left side ang living room, nasa right side naman ang kitchen and dining area. Hindi sobrang laki ng bahay compared kina Daddy. Hindi rin naman sobrang liit compared sa bahay ko. Tama lang sa dalawa o tatlong tao. Malaki para sa isa.

Para talaga akong nasa horror movie. Yung vibes, parang may halimaw na lalapa sa akin anumang oras. I could write horror stories here. Lumilibot ang kilabot ko sa katawan. Bahay ba talaga niya ito? Sa sobrang bubbly ng personality niya, grabe naman sa pagka-sinister ang bahay niya. Sana hindi ako trespassing.

May nakita akong wedding picture sa sala, nakasabit sa may hagdan. Tinitigan ko pa nang maigi. Ang ganda ng babaeng naka-gown tapos may lalaking . . . mataba. Triple ang laki sa girl. Oh—kay? That was weird. Bahay ba talaga 'to ni GT? Sasapakin ko talaga siya kapag hindi.

"Tapos na ang paghihintay, nandito ka na't

oras ay naiinip . . ."

Okay, nasa itaas siya.

Umakyat ako dahil mukhang balak talaga niyang makipagtaguan sa akin. Hindi na nakakatuwa. Masyado na akong emotionally exhausted para makipaglaro pa. Tama nang sakit ng ulo ang ex ko, huwag na siyang dumagdag.

Pagtapak ko sa hallway ng second floor, bumungad agad ang malaking bookshelf sa kaliwa na sobrang daming libro.

Nasa bahay nina Daddy, doon sa dati kong kuwarto, ang bookshelf ko, at ang floor-to-ceiling bookshelf niya . . . parang gusto ko rin. Kainggit.

May isang pinto sa right side, at sa dulo n'on ay may malaking free space na malalaki ang bintana. Nakita ko roon si GT na nakahiga . . . sa sahig.

"Hoy, GT."

Lumapit ako sa kanya at napahinto ako sa dulo ng hallway pagkakita ko sa paligid niya.

"No shit, bruh."

Wala siyang ibang suot kundi jeans lang. Sobrang gulo ng buhok niya, pero parang wala namang kaso 'yon dahil sa mukha niya. Katabi niya ang laptop, nakabukas ang document naming dalawa. Pinalilibutan siya ng bote ng red na C2, empty packs ng tsitsirya, at ang daming upos ng yosi.

"Naninigarilyo ka ba?" tanong ko agad. Okay, that was a major turn off.

I appreciate that part of the house na blank lang 'tapos malaking bintana lang ang nakikita at tanaw ang clock tower ng Brittany, pero hindi ko na-appreciate ang view sa sahig.

"I told you to not go, babe," he said in his tired-as-fuck husky voice.

I . . . I just couldn't believe this.

"What about the love-yourself-find-yourself shiz, huh, GT? Ito na ba 'yon? Is this how you find yourself?" sarcastic remark ko kasi mas mukha pa siyang sirang-sira kaysa sa akin.

"Babe."

"Bumangon ka nga! Mukha kang broken!" sermon ko at saka sinipa ang mga kalat sa paligid niya para itabi.

Naiirita ako. Makalat din naman sa kitchen counter ko, pero kitchen counter ko 'yon! Malinis naman ang kabuoan ng bahay ko!

"How are you feeling?" tanong niya, at hindi ako sanay sa tono niyang parang pagod na pagod siya.

Lumuhod ako sa kaliwang tabi niya para abutin ang laptop sa kabilang panig.

"GT, umayos ka nga!"

Naiinis ako kasi broken ako ngayon 'tapos makikita ko siyang ganitong mas mukha pa siyang broken kaysa sa akin.

Ano? May competition kami ng kung sino'ng mas broken, gano'n? Matatalo pa niya ako, hello?

"Hoy, Vincent Gregorio, ano'ng nangyari sa 'yo?"

Hindi siya sumagot. Nagtakip lang ng mata gamit ang braso.

"GT!"

"Go home, babe."

"Go home mo mukha mo!" Dalawang kamay pa ang ginamit ko para lang alisin ang isang braso sa mukha niya. "Ano'ng nangyari, hmm?"

I waited for his response.

Naiinis ako pero unti-unting nawawala habang nakatitig ako sa kanya. Mukha siyang pagod. Mukha siyang puyat. May eyebags na siya 'tapos tinutubuan na siya ng balbas at bigote. I was exhausted from a week of crying, yet he appeared more damaged than I was. At hindi ako sanay.

"GT . . . what happened?" I said in my sincerest tone.

Sobrang positive na tao ni GT, and I—I'm not used to seeing him as messed up as this. Kung may messed-up sa 'ming dalawa, dapat ako 'yon.

Bumangon siya at umupo sa tabi ko. Balisa lang siya. Nakakainis kasi mas kailangan ko ngayon ng kausap kasi broken ako, pero bakit parang mas kailangan niya ng kausap kaysa sa akin?

"I want to apologize," bulong niya.

"Apologize for what?"

Tiningnan niya ang laptop. Napatingin tuloy ako roon.

"You have the right to get mad at me, babe."

"Mad for what?"

Iniabot niya sa akin ang laptop at isinara ang document file.

Bumungad sa akin ang Messenger tab, Gregory Troye's account talking to Myra San Miguel. And the last conversation was last night saying:

"Thank you for your cooperation. I just want my girl to get done with this man's shit."

Akala ko, matatapos na ang lahat ng Bakit ko kay Justin, hindi pa pala. Pagtingin ko sa kanya, panibagong tanong na naman sa buhay ang nanggaling sa akin.

"GT . . . bakit?"

"I'm sorry for the pain, babe."

And I really didn't know what to feel anymore. I'd had enough plot twists in my life.


♥♥♥


I tried to be considerate. I mean, I accidentally slash intentionally kicked GT earlier. Sinampal ko rin siya. At . . . sinapak ko. And I wasn't sorry about it, but I tried naman to be considerate.

And compared to Justin, he had his own version of the "Let me explain" line. He just said, "I'll let you know what you needed and wanted to know, babe, just give me time to do so."

At writer nga ang kupal, pinaandaran ako ng writing prowess niya. Yung three words lang, nagawa pa niyang nineteen.

Pareho kaming broken, and he let me read the whole conversation kahit na naiinis ako sa kanya. At kung gusto ko ng sagot, kailangan kong maging open-minded at hayaan akong makita ang lahat ng sagot sa tanong ko.

His dining area was gloomy, at doon lang niya nabuksan ang ilaw para makapag-usap kaming dalawa at malaman ko ang dapat kong malaman. I sat on the last chair of his six-seater wooden dining table, and he sat across from me. At talagang sinimulan ko sa umpisang-umpisa ang chat convo nila ng Myra na 'yon habang ini-interrogate siya.

Sige, nagkagaguhan kami ni Justin last time sa usapan namin pero hinayaan ko siyang mag-explain. Bakit hindi ko pagbibigyan si GT i-explain ang side niya?


Gregory Troye

Hi, are you Rara Bhiie?

Myra San Miguel

Hello. Yes y??


"Did you track her sa ipinakita kong post sa 'yo?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

Uminom lang ng C2 si GT at nagkibit-balikat. Ang tino naman niyang kausap ngayon.


Gregory Troye

You know Eunice Riodova?

Myra San Miguel

Yes y??


Then GT sent some photos. Photos na halos hindi ko matingnan kasi . . .

Mga photo namin 'yon ni Justin. Yung masaya kami, we were hugging each other, cuddling, smiling. Mga picture na hindi ko mai-post sa wall ko kasi . . . kasi hindi 'yon kayang gawin ni Justin for me. Mga IG post ko.

"Where did you get these photos, huh?" tanong ko habang tinuturo ang screen ng laptop. "Did you stalk me?"

"Babe."

Ah! How could I forget? I remembered him stalking me noong nag-heart react ako sa post niya. Bakit nga ba ako nagtataka?

But reall, I didn't like GT's aura right now. Para siyang manlalapa ng tao. Yung goose bumps ko, talagang hindi nawala, panay ang alon mula balikat hanggang batok 'tapos iikot sa braso hanggang binti. Para siyang binabalot ng undefined depressing vibes na scary pati. Yung tingin niya, matalim na malalim. Sharp and eerie. Nagbasa na lang ulit ako para makaiwas.


Gregory Troye

Are you aware that this guy has a girlfriend? And that's Eunice.

Myra San Miguel

Pake ko

Gregory Troye

What?

Myra San Miguel

d masaya c justin sa kanya,,

ang arte nga raw nia ehh,,

kasalanan ko bang maghanap ng

mas maganda at mas mabait c jus,,


Ay, wow! Ang kapal naman talaga, oo! Buti, hindi ko laptop 'to kundi binasag ko na 'to.

I stopped reading. Ibinalik ko na naman ang tingin ko kay GT na tahimik lang at malalim ang iniisip.

"GT, inisip ko kanina, gawa-gawa mo lang yung—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang sulyapan niya ako.

Akala ko kasi talaga, planado niyang i-frame up si Myra. As in iyon talaga ang inisip ko kaya pinisikal ko siya.

Sobrang weird talaga ng tingin niya. Hindi ako sanay. Ang dark ng aura niya. Though, kanina pa naman dark ang aura niya, pero iba kasi ngayon.

Si GT pa ba itong nasa harap ko?

"Sinubukan mong kausapin siya?" tanong ko na lang. Hininaan ko pa ang boses ko. Para talagang may mali ngayon kay GT.

Hindi siya sumagot. Hindi na lang din ako namilit. Bumalik na naman ako sa pinakaunang date ng convo.

And know what was more surprising? The date of the conversation started noong naglasing ako.

Yes, bitch, and that was eleven days ago.

Ang creepy ni GT sa part na 'to, in all fairness to him. He stalked and confronted somebody else na kahit ako, hindi ko alam na nag-e-exist pala sa buhay ng boyfriend ko. Kailangan ko na bang matakot? Naunahan pa niya akong malaman ang totoo.

Nagbasa pa ako ng conversation.


Gregory Troye

Will you please stop seeing each other?

He's hurting my friend.

Myra San Miguel

cno kaba?? dummy acct ba to??

gusto mong i report kita?

Gregory Troye

I know Justin and his girlfriend personally.

Don't make me do something

you will never like.

Myra San Miguel

pinagtitripan mo ba ko??

Gregory Troye

Please, Miss Myra,

don't hurt my friend.

Myra San Miguel

ewan ko sayo baliw


He warned you so gently, you filthy scum! How dare you call him that? The audacity of you, bitch, you shouldn't even!

The next conversation was last September 7. Ito na yung nalaman kong deactivated si GT.


Gregory Troye

I told you to back off.

I told you to stop seeing Justin.

Myra San Miguel

cno kabang talaga ha??

ano ba tlagang kelangan mo saken??

Gregory Troye

You are stealing my friend's man, miss.

Myra San Miguel

buntis ako ok,,

at c justin ang ama,,

kung my dpat lumayo xa un,,

Gregory Troye

Are you serious?

Myra San Miguel

Myra sent a photo.

nag usap n kmi ni jus abt jan,,


"So you found that out first," bintang ko agad kay GT pagbalik ko ng atensiyon sa kanya. "Na buntis yung Myra. Inutusan mo siyang umamin sa 'kin."

"I told you to free the man, babe. I thought you could sort your feelings out after seeing those warning signs. It was all over the place."

Hindi ko na pinatapos ang convo. Sapat na ang nalaman ko.

"You lied to me, GT." And that was so disappointing. And expected. But still, disappointing. He's a writer, he always lies.

"I gave you options, babe. You asked for it. I wanted you to narrate everything, and I meant that. I want to see my character in you. I want you to see your character for yourself."

Ah, so plano niya nga. Lahat ng ito, planado niya para sa emotions na ina-narrate ko para sa kanya.

Ibinagsak ko ang palad ko sa mesa at napatayo para sigawan siya. "So, plano mong saktan ako para sa novel mo? Hmm? Kaya ba . . . kaya ba pinipilit mong makipag-cool off ako kay Justin? Kaya . . . kaya pinu-push mo ang pagtambay ko sa Docs? Gano'n ba 'yon, ha? Para ikuwento ko lahat? Para sabihin ko lahat, ha? GT, gano'n ka ba ka-desperado para sa novel mo? Na mananakit ka ng tao para lang makakuha ka ng magandang kuwento? Kung hindi ba ako ang collab partner mo, maninira ka rin ba ng buhay ng iba para lang makapagsulat sila, ha?"

"Babe."

"Ano? Masaya ka na? Masaya ka nang nasaktan na 'ko? Masaya ka nang nakuha mo na ang emosyon na kailangan mo? Masaya ka na ba, ha?"

"You tell me, babe." Lalo ko lang siyang pinakatitigan. He really looked so weary. And disturbing. "Do I look happy to you?"

When we write, we write with a part of ourselves. We write like we mean it. Like it really happened. As if it were true. Like we've been inside it and we've watched it real time. We write because we can't find anything or something na puwedeng paglabasan ng emosyon.

Gregory Troye's novels are bestsellers. It made his non-readers read. It made them feel. It made them realize something in life. Hindi siya nagsusulat ng hindi makaka-relate ang tao.

And in our case, this story has cost too much. The pain has ruined a relationship. It even costs trust to be broken. And we're not done yet. We haven't even properly started.

"You're crazy," and that's all I could say. Lahat ng ito, ang laking kabaliwan. "You ruined my four-year relationship for your novel, GT."

"Did I?" He stood up. At . . . hindi ko talaga gusto ang aura niya ngayon.

Hindi talaga nawala ang kilabot ko mula pa kanina. It felt like I was in a haunted house with a monster in front of me.

Ganito ba siya ngayon dahil may kasalanan siya o . . .

Shit, hindi talaga ako sanay na ganito si GT.

"Ako ba ang nakabuntis?" sabi pa niya, at nanunumbat ang tono niya. "Was I the one who lied to you that we're okay kahit may iba akong kinakama?"

Sobrang lalim ng tingin at boses niya sa akin. Hindi si GT ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ito ang GT na kilala ko.

"All I wanted was for you to realize that your man is a cheater and you don't deserve him. You don't deserve the pain and the heartache. And I am sorry for showing you the truth kahit alam kong masasaktan ka, huwag ka lang magmukhang tanga. Na ginagago ka na, nagsi-stay ka pa."

Napalunok na lang ako. At imbes na magalit dahil ito na naman siya sa mga insulto niya, napahugot na lang ako ng hininga.

Hindi nga naman siya ang nagloko, ano ba'ng kinukuda ko?

Okay, suko na ako. Pinaamin lang niya yung Myra, and we were done with that. Break na kami ni Justin, tapos na kaming dalawa. Case closed. Kahit naman magsumbatan kami, wala naman nang mangyayari.

"GT, broken ako ngayon, okay? Broken pa rin." I nodded and shook my head in disapproval. "But I don't want to see you like this. You're more than this." Nagkibit-balikat ako. "Sige, break na kami ni Justin. Tanggap ko na. Pero bakit ganito ka? Kaya ba hindi ka nagpaparamdam? May pinagdadaanan ka ba? May problema ka ba? Kailan pa 'to?"

"I warned you not to go. You didn't listen. You never listen."

Uhm, okay, I didn't read that part. Did I? Whatever. Kung hindi naman ako pumunta rito, hindi ko pa malalamang ganito pala ang nangyayari sa kanya. Mukha ngang haunted house ang bahay niya! Spine-chilling, gosh.

"You better go," seryoso niyang sinabi. "Or else . . ."

"E di, aalis na! Ito na!" Tumalikod na ako para umalis. "You?" Tinuro ko pa siya. "Fix yourself."

We are done here. I'm done here.

Pagdating sa sala, nilingon ko pa siya. Kakaiba talaga ang tingin niya sa akin. Parang gusto niya akong saksakin ng kutsilyo sa mukha.

Hindi naman siya ganiyan kapag magkasama kami before, a?

Nilingon ko pa ang wedding photo sa may hagdan pagtapak ko sa sala. That man is really fat, whoever he is. Kung dati bang owner ng bahay or whatever, who knows.

I went home and faced my pending work. Even after my work, hindi talaga mawala sa isip ko ang itsura ni GT.

Hindi ko alam kung maaawa ako o matatakot. Pero sobrang spooky kasi talaga sa bahay niya. Tapos amoy-GT pa ang bahay. Para siyang sexy psychopath na nagtatago ng maraming bangkay ng mga nakaka-sex niya sa basement.

Okay, that was too much for a description. Wala naman siyang basement at hindi amoy-bangkay ang bahay niya. And if he were some sort of a Christian Grey, I doubt his schedules. Aside from me, wala talaga akong nakitang babaeng umaaligid sa kanya. Na mas weird pa nga kasi mukha naman siyang habulin ng chicks. Ilang araw kaming magkasama at halos ako lang ang kasama niya buong araw. And if by chance, may nakita sana ako sa bahay niya pagpunta ko kaso wala.

He activated his Vincent Gregorio account after I opened my FB. Post agad niya ang una kong nakita.

"Babe"

Posted 34 minutes ago. And as usual, ang dami na namang reactions saying they missed him, where has he been these past few days.

Ewan ko kung bakit sumagi sa isip ko na palagi niyang tinatawag sa real name ang mga babaeng kilala ko na kilala rin niya. And he even called that Myra miss, 'tapos ako lang ang tinatawag niyang babe.

Seryoso ba siya ro'n sa baby girl explanation niya?

Pero ang sabi niya, he called every girl babe. Parang hindi naman. Sinungaling talaga 'tong taong 'to. I still sent him a message. Mukha kasi siyang hindi okay kanina. Ako ang hindi matahimik sa napansin kong itsura niya.

Eu Niz

Mag-dinner ka na, GT. Mukha kang di okay.

Just now • Seen 6:19 PM


At na-seen-zone pa ako. Great! So, hindi talaga siya okay.

Why? Kasi he lied to me?

Nah. Broken siya dahil doon? Tapos na. Malungkot pa rin ako pero tapos na. I even expected that Justin was cheating on me before he came! That fucking hurts, pero . . .

Sige, ito na naman ako at inaalala ko naman. Pero nakakagalit pa rin.


Eu Niz

Don't be sad about my problem, GT. I still don't like it pero break na kami.

It's not your fault.

Just now • Seen 6:22 PM


Seen pa rin. Letse.


Eu Niz

I'm fine na, bruh. You look bad kanina.

Just now • Seen 6:24 PM

Seen na naman.


Eu Niz

I'll bring you food tonight. Yung pang-tao.

And don't smoke, for fuck's sake, GT.

Just now

Vincent Gregorio

Don't bother.

Just now • Sent from Web


Ah! At last, nag-reply din.


Eu Niz

Anong don't bother?

Hoy, GT, mas mukha pang sirang-sira

ang buhay mo kaysa sa 'kin, ha?

Just now

Vincent Gregorio

Babe.

Just now • Sent from Web


Eu Niz

'Wag mo 'kong ma-babe-babe diyan.

Ganda ng façade mo sa labas.

Pagdating sa bahay mo, mukha kang depressed.

Si Edward ka ba?

Just now • Seen 6:27 PM


Oh, shit. I could see that lightbulb above my head.

He's Edward!


Eu Niz

GT, true to life yung The Anthem of Sorrow, di ba?

Just now

Vincent Gregorio

Don't go, babe. Don't make me do something you'll

regret soon. I'm fine.

Just now • Sent from Web

Eu Niz

Fuck that. You're not fine.

I'll go get you some human

food. And stop smoking!

Just now • Seen 6:31 PM


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

10.3M 140K 81
Kung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa p...
133K 4.2K 55
In one's relationship, distance can result into two things: This can either strengthen or end one's love for each other. How will it be for Ricci an...
16.4M 232K 60
Sa kwentong ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nice-looking. Dahil minsan, may mga freak d...
61.1M 944K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...