The Art of Love

By vielmij

225 5 0

when love starts in unexpected way.. More

art of love

225 5 0
By vielmij

by: viel

© copyrights @ 2014

===========================

WARNING:

ang kwentong ito ay dito nyo lamang matutunghayan sa wattpad at sa fb page namin.Anu mang mga eksena o pangalan ng mga karakter sa storyang ito ay nag mula mismo sa nagsulat at nag akda nito.

Nilikha upang mag bigay aliw at inspirasyon,base na rin sa mga nangyayari sa kasalukuyan

,mapa totoo man o kathang isip ito.

(Stop PIRACY,be ORIGINAL)




===========================

INTRODUCTION:

sa love minsan,nagagawa natin ang mga bagay na imposible.Ma pa positibo man o hindi ang bagay na iyon nagagawa lamang natin ito dahil sa pagmamahal na ating nararamdaman.

Mapaglaro at mapag biro ang tadhana,maging ang pagibig ay sadyang ganun din.

Ikaw ba naranasan munang maloko,ipag palit at masaktan??, ano bang dapat nating sundin ang dinidikta ng puso o nang isipan??

===========================

PROLOUGE:

" In the cruel world of love, I ve learned that promises aren t contracts, kisses aren t assurance, sweet words aren t guarantees, big hugs aren t bonds and that nothings permanent in this life."

One day he s mine, the next day he' s gone. Last night he was sweet, the next morning he' s insensitive. Yesterday, I cried, tonight I m sad but tomorrow I ll be strong. I ve tried so hard, it still seems not enough. LIFE is so unfair and definitely....

===========================

I. Bigong Puso

Umalis ako sa aming probinsiya na hindi alam kung saan pupunta, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Ang utak ko ay lumulutang sa kung saan, naglalakad sa daan na luhaan, lumilipad ang diwa na parang lobo na nakawala sa kalangitan.

Nasasaktan ako sa aking nakita na ang pinaka- mamahal mo ay may kasamang iba. Magkasama sa kama at naglalambingan,Bakit ang tanga-tanga ko. Pati pamilya at kaibigan ko iniwan, sinaktan dahil sa lalaking minamahal ko, ginawa ko ang lahat ipinaglaban ang sa tingin ko ay tama,hindi ko sila pinansin kung ano sasabihin nila tungkol sa kanya dahil mahal ko sya.

Nakasakay ako sa isang bus na hindi alam kung saan pamunta basta makaalis lang ako sa lugar namin. Umiyak ako ng umiyak sa bus kahit nakakahiya,Wala akong pakialam basta mailabas ko lang ang lahat ng sakit na aking nararamdaman. Luhaan at nagdurugong puso na sawi sa isang pagmamahal na walang katuturan.

Hanggang sa makarating sa bus station na hindi ko pa rin alam kung anung lugar ako papunta, ni hindi ko alam kung kanino at saan ako magpupunta.

Pumunta ako sa pinaka- malapit na hotel para makapagpahinga man lang kahit sandali, makalimutan ang sakit sa aking puso, doon ko inilibas sa apat na sulok ng kwarto ang sakit, na nararamdaman ko para bukas magiging bagong simula na naman.Pagdating ng gabi, lumabas ako at kumain, namasyal sa park at nagpahangin pero nasasaktan ako sa mga nakikita kong magkapareha na naglalambingan at naghalikan.

Umalis ako dun at pumunta ng

bar para uminom,upang makalimot sa kirot at hapdi ng puso kong nag mahal lamang ng totoo at ibinigay ang lahat.

Maghahatinggabi na nang ako ay nakabalik sa hotel na aking tinutuluyan, dahil sa nakainom ako inalalayan ako ng isang lalaki na makarating at makapasok sa kwarto ko. Agad namang nagpasalamat ako sa kanya,ni hindi ko man lang nasilayan ang kanyang mukha at natanong sa pangalan niya.

Kinabukasan tanghaling tapat na ng ako ay nagising, tumawag nalang para mag- order ng pagkain. Ilang minuto pa ang nakakalipas ay may kumatok sa pinto at binuksan ko na hindi man lang ako nakapagsuklay o nakabihis. Tinanong ako ng lalaki kung okay lang ba ako at sinagot ko naman na ipasok

mo nalang ang pagkain. Saka pumasok ako muli at nahiga, sinabihan ko ang boy na pakilinisan ang CR ng kwarto.

"Sir, may kailangan pa ho ba kayo?" tanong pa nito

"Ahm wala na! Tawagan nalang kita pag meron." sagot ko naman

Hanggang sa isang linggo na akong nakatira sa hotel na pabalik- balik ang aking gawain, matulog buong araw, lumabas

sa gabi at uminom at umuuwing lasing sa hotel. At sa tuwing mangyayari iyon ay may laging tumutulong sa akin,ang Isang hotel boy na sa isang linggo ko ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Hinatid niya ako sa kwarto ko, hinubaran at pinunasan parang nakagawian niya na rin na gawin iyun sa araw- araw kung paglalasing, Hanggang sa makatulog ako ng mahimbing.



II. Makilala ka

kinaumagahan nakahanda na ang almusal ko at nandiyan ang hotel boy sa kwarto ko naglilinis na din.

"Magandang umaga po, sir!" bati nito "Kamusta po ang pakiramdam nyo?" tanong pa niya

"Okay lang naman! Salamat nga pala ha. Ano nga pala pangalan mo, boy?" tugon ko

Hanggang nagkausap kami ng sarilinan tungkol sa aming sarili at pinagmulan.Ngayon ko lang napansin na gwapo pala siya, moreno, matipuno at ang ganda ng mga ngipin niya. Bakit ngayon ko lang to napansin? Hindi ko alam pero isa sa mga fettish ko ang malinis na ngipin.

Bunsong anak si dale sa apat na magkapatid, wala na silang mga magulang,at tanging siya na lamang mag-isa sa bahay nila dahil may kanya-kanyang pamilya na din ang mga kapatid niya. High school graduate lang si dale dahil bata palang siya namatay na ang kanyang Mama sa sakit na TB at ang kanyang Papa naman ay namatay dahil sa pagkahulog sa kahoy at natusok ang buong katawan nito na siyang sanhi ng pagkamatay.

Nalulungkot daw siya sa buhay kasi siya nalang mag-isa kaya nagtatrabaho nalang daw siya sa hotel para sa pang araw-araw nya na kailangan. Kahit sa edad na 18 banat na banat na sa trabaho ang kanyang pangangatawan na matipuno.Marami din siyang pangarap sa buhay tulad ng makabalik man lang sa pag-aaral ng kolehiyo at balang araw makapag-abroad daw siya.Masayahing bata si dale sa nakikita ko, walang bisyo sa buhay.Simpleng namumuhay kahit hindi naman masyado mahirap at hindi naman mayaman.

Kabaliktaran sa buhay na nakagisnan ko sa aming pamilya.Nag-iisang anak na lalaki ako at may tatlong kapatid na babae. Ang isang Ate ko nasa Dubai nanirahan, ang isa naman nagtrabaho sa aming Barangay bilang Kapitan at ang isa bilang Nurse din. Mga magulang ko nalang ang naiwan sa aming bahay dahil kapwa may trabaho na din kami.

Ako si jude, 23 , isang graduate ng BS Biology at nag-aaral ako bilang Doktor .Hindi naman masyadong maganda ang aking pangangatawan pero sapat na din na kung titignan baka kasi sabihin nyo nagyayabang na ako, nasa 5'8 ang tangkad, maputi. Isa akong bi na alam din naman ng pamilya ko at lahat ng gawin ko andiyan sila lagi para suportahan ako.

Mahal kasi nila ako at ako din naman mahal ko pamilya ko. Medyo nagalit lang si Mama at Papa ko dahil sa lalaking minahal ko na sobrang niloloko na nga daw ako, pero nagbulag bulagan ako sa mga naririnig at nakita ko, dahil nga sa mahal ko yung tao. Dahil lahat ng makikita mo ay puro tama para sa mahal mo pero dumating din pala sa punto na kailangan mo din isipin at pahalagahan ang sarili mo at lalong lalo na ang mga taong nagmamahal sayo, ang kaibigan at pamilya mo na laging nagmamalasakit sayo!.

Sabi nga nila, bago ka magmahal ulit mahalin at pahalagan mo muna ang sarili mo para maibigay mo ang pagmamahal sa taong mahalin ka din.After 2 weeks na ako ay nasa hotel bumalik ako sa aming probinsiya, humingi ng tawad sa aking mga magulang at kaibigan,napatawad naman nila ako sa kabila nang lahat.Naging Masaya ako ulit sa piling ng aking mahal sa buhay na laging nakasuporta sa akin.Nasaktan man ako o nasaktan ko man sila pero hindi nagbabago ang lahat. Bumalik ako sa aking pagre- review bilang Doktor, nagstay ako sa Cebu sa condo ko ng apat na buwan, hanggang matapos nga ang pagrereview

ko at naghihintay na lamang sa exam.Dumating ang exam at result nakapasa ako sa wakas isang ganap na Doktor na din ako , napakaligaya ko dahil nagawa

ko na ang gusto ko na maging ako.

III. Panibagong tagpo

Ito na din ang pagkakataon na makatulong ako sa kapwa ko tao lalong lalo na sa mga mahihirap nating kapatid. Nagpaalam ako kina Mama at Papa na magbakasyon muna at pumayag din naman sila sa gusto ko.Bumalik ako kung saan ako napadpad nung nasaktan ako, tinawagan ko ang hotel kung saan nagtrabaho si dale.Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng kabog sa dibdib ko ng marinig ang boses ni dale.Marahil namimiss ko lang siya dahil matagal din kaming nagkakilanlan noong ako'y nanunuluyan pa,noong nasugatan ang puso ko.

Sumakay ako ng Bus papuntang Canla-on City, alas dos ng hapon ako nakasakay, after 3 hours narating ko na din ang Canlaon at excited akong makarating sa hotel. Pagdating ko ng hotel hindi ko man lang nakita si dale doon,wala ni anino nito nakaramdam ako ng lungkot pero biglang may bumulong sa aking isip, baka may ginagawa lang o di kaya'y may hinatid lang na bisita.

Dumating ang gabi wala

pa din si dale, kaya nagtanong ako sa kasama nya kung san pwede puntahan si dale at binigay naman ang address kung nasaan ang bahay ni dale. Sumakay ako ng motorsiklo papunta sa kanila. At nadatnan ko siya noon na nagpapakain sa kanyang mga alagang manok na nakahubad, titig na titig ako sa katawan nya.Rest day nya pala nung araw na iyon, pagkakita ni dale sa akin tinanong nya ko kung bakit daw ako pumunta sa kanila kasi daw ang gulo- gulo ng bahay nya.At halatang halata sa mukha niya ang pagkagulat pero sabi ko ayos lang kasi hindi naman bahay pinunta ko kundi siya. Tawanan nalang kami ng wala

sa oras.

Hinantay ko si dale sa loob ng bahay at nagpaalam na maliligo muna siya. Hindi ako mapalagay sa kinauupoan ko ewan ko kung bakit. After 20 minutes lumabas din si dale galing CR na tuwalya lang ang nakatakip sa katawan, tulalang tulala ako habang nakatitig sa kanya.

"Sir, okay lang po ba kayo? Para kasing nakakita kayo ng multo!" biro nito

"aa...Ah, uhm yeah okay lang ako! Ikaw naman kasi, bat ka nakaganyan." Sabay tawa ko

"Sige jude, bihis lang ako sandali. Baka gusto mo pumasok sa kwarto?." Sabay ngiti nito na nakakaloko



IV. Totoong Nararamdaman



Umalis kami ni dale sa bahay nila at pumunta kami sa bayan ng Canlaon,saka pumunta sa Barefoot Restaurant para maghapunan.Ang saya saya ng araw na iyon habang kumakain kami, nagkwentuhan at pagkatapos naming kumain ay pumasyal kami malapit sa Plaza upang magpahangin.Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko kay dale,pero ang alam ko masaya ako pag kasama ko siya,ligtas ako at walang makakapanakit sa akin.

Hindi ko rin natanong sa kanya kung pareho ba kaming dalawa ng nararamdaman. Basta ang alam ko magkaibigan kami at may kakaibang namamagitan sa amin, hindi ko

lang masasabi kung anu iyon, pagdating ng alas 10 ng gabi hinatid ako ni dale sa hotel at nagpaalam,nang makapasok na ako sa aking kwarto.Nagtext siya sa akin ng Thank You at inanyayahan nya akong mamasyal kami kinabukasan sa batis na malapit sa kanila.

Pumayag na din ako para maenjoy ko ang bakasyon ko habang kasama ko si dale. Pagdating ng umaga, nagmamadali akong maligo at nagbihis para hindi na maghintay pa sa akin si dale .Nang makarating ako sa bahay niya, eksaktong nagluluto na siya ng mga pagkaing babaunin naming dalawa,agad ko siyang tinulungan para matapos na din ayoko kasing nahihirapan siya.

Naglakbay kami ng 3 kilometro mula sa kanila hanggang sa batis at inaalalayan ako na parang kanyang kasintahan.Dumating kami matapos ang isang oras at doon ko lang din nakita kung gaano kaganda at kalinis ang batis na

iyon.Kumain kaming dalawa na parang mag-syota,sinusubuan ko siya, at paminsan minsan nagbibiruan at nagtatawanan.

Ilang saglit pa,doon ko lang tinanong si dale,nag lakas loob ako itanong sa kanya kung may nararamdaman ba siya sa akin.

"jude, hindi ko rin alam eh. Basta ngayon ang alam ko Masaya ako dahil nandito ka at kasama kita. Ako na ang pinakamasayang tao sa ngayon. Sana wag ka magalit sa akin, kasi unang kita ko pa lang sayo noon sa Hotel na-inlove na ata ako sayo eh! Ewan ko kung bakit, basta nainlove ako." seryosong sagot niya

"Bat naman ako magagalit? Wala ka namang ginawa sa akin kundi ang alagaan at mahalin ako ah." muli kong sabi

"hindi kita sasaktan at ipagpapalit katulad ng ginawa sayo ng boyfriend mo. Andito ako lagi para alagaan at mahalin ka bawat araw ng buhay ko." at hinawakan niya ang kamay ko saka tumitig sa mga mata ko "Sana ganun din ang nararamdaman mo para sa akin?" dagdag pa nya.

Parang sasabog ang puso ko ng mga oras na iyon dahil sa aking mga narinig.

"Oo naman! Hindi ako pupunta dito para makasama ka lang kung hindi kita mahal,alam mo naging Masaya ang buhay ko dahil sayo, at dahil din sayo,ikaw ang nagbigay kulay at nagbalik na pwede pa pala akong magmahal. Kahit sa ganoong paraan naging inspirasyon ka din sa akin." dirediretso kong sagot

Matapos ang pagtatapat ng aming nararamdaman ni dale para sa isa't-isa ay naging opisyal na kami bilang mag boyfriend.Isa na ata iyon sa mga araw na pinaka mahalaga para sa amin.

Mula noo'y naging masaya ang bawat tagpo nang aming buhay,nagtulungan kami ni dale na abutin ang aming mga pangarap.

V. Ang pagpapakilala

Tatlong buwan ang nakaraan naglakas loob kami ni dale na ipakilala siya sa aking mga magulang,wala namang kaso sa kanila kung lalake ito,dahil gaya nga ng sabi ko alam naman nila kung ano ang pagkatao ko at tanggap nila ito.

"sigurado kaba?? , nakakahiya sa mga magulang mo wala akong maipag mamalaki sa kanila,bukod pa na mababa lang ang aking pinag aralan mahal ko." pag aalalang sabi ni dale

"mahal hindi importante sa kanila ang estado sa buhay at pinag aralan,gusto ka na rin nilang makilala.Matagal na kasi silang nahihiwagaan sayo." kampante kong sagot

"sa tingin mo tatanggapin kaya nila ako para sayo??" muli pa niyang tanong

"oo naman mahal ko,wag kang mag alala,hindi matapobre sina,mama at papa." sagot ko pa

Makalawa ng gabi,nang sinundo ko si dale sa lugar na pinag usapan namin,para dumeretso sa bahay.Excited na ako,alam kong tatanggapin siya nina mama at papa dahil na din sa nakikita nilang kung ano sa akin.Sa totoo lang sila pa nga ang nagsabing ipakilala ko na si dale sa kanila.Habang papalapit kami ng papalapit sa aming tahanan,napansin kong parang hindi mapakali sa dale at tila kinakabahan ito.

"wag kang mag alala mahal ko,kalma ka lang di kita iiwan pag dating natin akong bahala,isa pa ay sabik na din silang makilala ka." at hinawakan ko ang kaliwang kamay niya

tahimik lamang si dale at bakas sa mukha niya ang agam agam at pag aalala,nanlalamig ang kamay at namumutla.Mukhang kinakabahan parin siya pero di nya lamang pinapahalata sa akin.

Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming sinalubong nina mama at papa.Hinawakan agad ni dale nang mahigpit ang kamay ko,sensyales ng tensyon na nararamdaman niya.

"Good evening mama papa,ah.. Si dale nga po pala...Boyfriend ko" sabay mano ko.

"ahm...G-good evening po tito tita" bati ni dale sabay mano din

Pagkatapos ay pumasok na agad kami ng bahay upang makapag hapunan.Maraming naitanong ang mga magulang ko kay dale tungkol sa buhay nito,magalang namang tumugon si dale sa kanila,kahit na kinakabahan ito.

Halata naman kina mama na gusto nila si dale para sa akin,walang tutol kaya naman matapos ang salu-salo at kwentuhan..

"sana ay masundan pa ito dale,gusto ka pa naming makilala ng maige,dahil alam naming maganda ang intensyon mo para sa aming anak,batid kong tunay na pagmamahal ang nais mo para kay jude,kaya gusto ka namin para sa anak namin." diretsong salita ni papa.

Tila isang musika sa aming pandinig ang mga salitang iyon ni papa.Masayang masaya kami ni dale ng gabing iyon.

Sa ngayong Dalawang taon na kaming nagsasama ni dale, nagiging Masaya ang bawat araw na magkasama kami. Binigay niya lahat para mapasaya lang ako araw araw, hindi nya talaga kinalimutan ang sinabi nya na mamahalin at alagaan niya ako.Hindi na rin nagtrabaho si dale sa hotel dahil may negosyo na kaming tinayo na siya ang namamahala pero magka ganoon man hindi nya pinabayaan o nakaligtaan na ihatid at sunduin ako sa Clinic.Masayang Masaya ako dahil may taong sobrang nagmahal sa akin at mahal ko din.Hindi ko rin pinabayaan ang obligasyon ko sa kanya. Tuwing Sabado pupunta kami ni dale sa bahay namin nuon para makasama sila ni Mama at Papa, at pag Sunday magsisimba din kaming apat. Ito na ang nakagawian naming gawin tuwing week-end.After magsimba, pasyal kami sa Lagoon, Bacolod at dun na magpalipas ng hapon, parang anak na din nila Mama at Papa si dale dahil mabait at sweet na bata, at magalang din naman siya sa mga Parents ko.

Akala ko noon na ang mundo ng pag-ibig ay isang magulo, mapanakit, magpapaluha sayo, pag-ibig na walang panahong makapagpasya kung kailan tayo maging Masaya at masaktan, mga pangakong hindi natin alam kung kelan matatapos.Umiyak ka man ng umiyak ngayon, maghihilom din ang sakit na nararamdaman mo at magsimula sa bagong bukas. Mga taong nagiging mabait at sweet ngayon, bukas mawawala din sila pagkatapos kang masaktan.Iwan at saktan ka man ng mga taong minahal at nagmahal sayo, may mga taong handang magparaya at maghintay para mapagsilbihan, alagaan at mahalin ka ng sobra- sobra.Wag mong isarado ang iyong puso, isipan at damdamin na masaktan dahil sa mundo ng pag-ibig nandiyan lagi ang salitang "SAKIT", "MAKAPANAKIT",

"MAPAGLARO" basta handa kang humarap sa bagong umaga.Dahil ang mga salitang yan ang magbibigay lakas at magpatatag sa puso mo.Life is

so unfair and definitely UNPREDICTABLE.

-WAKAS-

===========================

Sabi nga ni mother theresa ang pag ibig ay dapat yung handa ka mag bigay ng mag bigay kahit nasasaktan kana.

Hindi natin talaga masasabi ang takbo ng ating buhay,marami tayong mga taong nakikilala,mga taong magmamahal sa atin at mga taong dadaan lamang sa buhay natin upang tayo'y saktan

-Viel-

Like us on fb

@ m2m kwentong pagibig

Add/follow me on fb

@ viel mij alcantara

Continue Reading

You'll Also Like

350K 8.4K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...
1M 18.7K 9
" Noon pa man, dapat alam mo na iyon. Hindi ko man sabihin sa 'yo, dapat alam mo na. Hindi kita uuwian gabi gabi kung hindi kita mahal." - Keith Fran...
77K 180 15
SPG
Gapang By vhfc_13

Short Story

25.1K 49 30
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)