On the Seventh Day of May [Se...

Bởi Red_Raselom

103K 1.8K 91

[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite... Xem Thêm

On the Seventh Day of May
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Epilogue
Make Her Fall in Seven Weeks

Chapter Seven

2.4K 59 1
Bởi Red_Raselom

Kinabukasan, bagaman hindi naman na masyadong umuulan, suspended pa rin ang klase. Kaya naman nagdesisyon silang pito na umuwi na lamang.

"Naloka ako kagabi," wika ni Ruby. "Ang init, grabe." Sakay sila ng kotse ni Josel. Nagpasundo kasi ito at nakisabay sila. Bale, ibababa lang sila sa may highway para sumakay ng jeep o kaya'y bus, depende sa uuwian nila.

"Nainitan ka pa?" hindi makapaniwalang sagot ni Michelle na katabi niya. Pinandilatan pa siya nito ng mga mata. "Ang ginaw kaya. Akala mo, naka-aircon ka pa rin."

"Oo, mainit," pagsang-ayon ni MJ kay Ruby. "Naka-brief lang kaya ako natulog kagabi. Kita tuloy 'yung b**b** ko, ay."

"Anu ba 'yan!" hirit ni Josel na nakaupo sa tabi ng driver na papa nito.

Samantalang, binatukan ni RJ ang kakambal. "T*** i** mo, Miguelito Juan. 'Yung bunganga mo nga."

Gumanti naman ito. "T*** i** mo rin! Mas matindi ka sa akin! Mali***!"

"Mas malala ka sa akin! Tandaan mo, ako, mali*** lang. Ikaw, pinakamali*** sa ating tatlo!"

"Hindi kaya! Ganito iyan. Mali***," tinuro nito ang sarili, "mas mali***," tinuro nito si RJ, "pinakamali***!" Tinuro nito si Kenneth na tahimik na naghe-head phone sa likod ng van.

"Ah, ikaw daw ang pinakamalibog sa atin, Kenneth, oh?" hirit ni RJ. "Payag ka do'n?"

"Pakisabi, pakyu kamo, hard," sabi lang nito saka kinalikot ang cell phone. "Nananahimik ako dito, ha?"

Natahimik naman si RJ. Ganoon din si MJ.

"Iyan kasi, bwinisit n'yo 'yung tao," natatawa na lang na sabi ni Josel. "Ano kayo ngayon?"

Wala nang nagsalita sa kanila hanggang sa makarating sila sa highway.

"Thank you po!" sabay-sabay nilang sabi sa papa ni Josel. Nagpaalam din sila kay Josel bago nila sinara ang pintuan.

Sakto rin namang mayroon nang Bataan Transit na papuntang Mariveles kaya nakasakay sila ka agad.

Taga-Pilar ang kambal habang si Ruby at Kenneth ay sa Limay tumutuloy. Of course, taga-Mariveles si Michelle kaya ito ang huling bababa.

Pinili ni Ruby na tumabi kay Kenneth para makaupo siya sa tabi ng bintana. Hindi kasi papayag sa ganoon si Michelle dahil doon din ang gusto nitong upuan. Ayaw naman niyang katabi ang isa sa kambal dahil sobrang kulit ng mga ito.

"Kenneth, d'yan ako sa may bintana, okay lang?" pigil niya rito nang uupo na sana ito sa gusto niyang pwesto.

"Ah, sige." Muli itong tumayo sa aisle para paraanin siya.

"Thanks."

Binigyan na sila ng ticket ng kundoktor. As usual, sixty pesos lang dahil estudyante sila.

Walang imikan sina Ruby at Kenneth habang bumibiyahe. Abala kasi sa paghe-head phone ang huli.

Siniko ni Ruby si Kenneth. "Uy, hindi ba malo-lowbat 'yung cell phone mo kaka-MP3?"

"Lowbat na nga ako, eh," tumawa si Kenneth saka niligpit ang head phone.

"Iyan, kasi," sambit ni Ruby, na umiling-iling.

"Okay lang, may power bank naman ako saka may generator kami sa bahay."

"'Di ikaw na." Ngumuso si Ruby. May kaya rin naman ang pamilya niya dahil parehong doktor ang parents nito pero ni minsan ay hindi naisip ng mga ito na bumili ng generator. Hindi naman daw kasi kailangan dahil madalas namang walang tao sa bahay nila.

"Nga pala, Kenneth, may tanong ako sa iyo," sabi ulit ni Ruby.

"Ano 'yun?"

Saktong nasa may Pilar na sila kaya nagpaalam na sa kanila ang kambal.

"Ano, 'di ba rich kid ka?" tanong ni Ruby kay Kenneth. "Milyonaryo nga kayo, eh."

"Oh? Bakit?"

"Curious lang, bakit sa Bataan pa rin kayo nakatira? I mean, I know, marami kayong bahay pero bakit sa Bataan ang main house n'yo? 'Di ba sa QC ang main office ng company n'yo?"

"Ah," tumangu-tango si Kenneth. "Si Mommy kasi ay laking Bataan. Saka 'yung kapatid ko kasi, noong bata siya, hikain siya kaya pinili ni Mommy na dito na lang kami tumira para mas malinis yung hangin."

Tumango ito. "Ah, now I know."

"Hindi mo pa pala alam iyon, Ruby?" Sabi ni Kenneth.

"Oh, sorry na."

Wala nang nagsalita sa kanila hanggang sa nakarating sila sa Limay. Sa Townsite bumaba si Ruby habang sa Emerald Village naman si Kenneth.

LUMIPAS ang maghapon ngunit hindi pa rin nagkakuryente. Kung sa bagay, umulan na naman kasi nang malakas at walang tigil iyon.

Siguro, ang maipagpapasalamat na lang ni Ruby ay may may cell phone charging service ang katapat nilang bahay kaya full charged ang cell phone niya.

Bumuntong hininga siya. "Jusko day! Nakaka-bore naman. Wala ba akong magawa, oh?"

Sinubukan niyang matulog pero hindi talaga siya sanay matulog nang hindi natututukan ng electric fan. Tinatamad naman siyang magbasa ng libro at wala naman siyang makausap dahil tulog lahat ng kasama niya sa bahay.

Kaya naman nagdesisyon siyang tingnan na lamang ang mga photo album na nasa book shelf nila sa sala.

Napili niyang magtingin sa sala dahil medyo maliwanag pa roon.

"Mga medical mission pala nila Daddy at Mommy ang album na ito?" tila manghang-mangha pa niyang sabi. "Hindi ko yata alam?"

Of course, hindi niya iyon malalaman dahil ang photo album na kinuha niya ay kakalagay lamang doon. Dati iyong nasa clinic ng mama niya, na isinara na dahil nag-retiro na ito sa edad na 62.

Well, she was actually a menopause baby. Forty-three years old na ang mama niya nang ipanganak siya.

She kept on scanning the album. Kalimitan sa mga tinutulungan ng mga magulang ay mga katutubong Aeta. Kung hindi naman, pumunta rin ang mga ito sa mga charitable institution tulad ng home for the aged at bahay-ampunan.

Speaking of which, bigla niyang naalala na minsan pala'y sinama siya ng mga magulang sa isang bahay-ampunan na naging venue ng medical mission ng mga ito. Hindi nga lang niya matandaan kung saan ang ampunang iyon

"Kumusta na kaya 'yung mga bata sa ampunang iyon?" Natawa siya bigla. "As if, bata pa nga sila. Baka nga mga graduate na sila, ay."

She continued scanning the album, hoping to see a picture or two of that event. Nagtagumpay naman siya.

"Naks, may date. May 7, 2003, pala ang date na iyon," sabi niya. "Bale, eight years old ako no'n— ay, seven pa lang pala kasi August ang birthday ko."

Tiningnan niya ang isang picture na kasama ng mga doktor ang mga bata sa ampunan.

"In fairness, daming mga cute na bata rito," sabi niya ulit habang tinitingnan ang mga batang lalaki. "Nasaan na kaya sila? Gwapo pa rin kaya sila—"

Natigilan na lamang siya saka nanlaki ang mga mata. Inilapit niya sa mukha ang album nang sa gayon ay mas makita ang picture.

"Am I imagining things here?" bulong niya habang paulit-ulit na kumukurap. "Or talagang kamukha ni Kenneth ang isang bata rito?"

MAGKAKASAMANG kumakain ng meryenda ang pamilya ni Kenneth sa sala habang nanonood ng pelikula sa wide flat TV nila.

"Ang sarap talaga ng lugaw mo, Kuya," sabi na lamang ni Jayson, kapatid ni Kenneth. "Pahingi pa nga ako!" Inabot nito ang mangkok sa kanya.

Nilunok muna niya ang ngununguyang manok bago nagsalita. "Oy, bata, nakakalimang mangkok ka na. Tama na 'yan, magiging butanding ka na," biro niya rito. Napakataba kasi ng kapatid niya. Sa edad nitong walo, may timbang itong 54 kilos at nagsusuot ng medium na t-shirt na pang-adult.

"Salbahe ka, Kuya!" atungal nito. "Kuha mo na kasi ako!"

"Bakit ba hindi na lang ikaw ang kumuha?" Ayaw niyang umalis dahil nasa exciting na part na sila ng pelikula.

"May multo sa kusina, ih!" Natural talaga itong matatakutin.

"Bukas naman ang ilaw, ha?"

"Ih! Baka lumabas pa rin si Annabel."

Napakamot siya ng ulo saka nilapag ang mangkok sa coffee table. "Sige na nga, hay..." Kinuha niya ang mangkok nito at nagtungo sa kusina.

Nadatnan niya ang katulong nilang si Manang Rosa na kumakain ng lugaw sa dining table.

"Oh, inutusan ka na naman ni Jayson na ikuha siya ng lugaw?" sabi nito. "Pang-ilan na niya iyan?"

"Oo nga po, Manang, ay. Ang dami na kaya. Kaya tumataba, ay." Iiling-iling na lamang siya habang nagsasandok. Kalahating kilong malagkit na kanin ang niluto niya at isang malaking kaldero na iyon pero ang kalahati ay kinain ng kapatid niya.

"At ikaw naman, hijo, masyado mong kinukunsinti ang kapatid mo." Niligpit na ni Manang ang pinagkainan nito saka nilagay sa lababo. "Hindi ka dapat nagpapautos sa kanya. Ay naku, kung ako ang mama n'yo, baka nakurot ko na iyon. Sobrang tamad, grabe."

"Hayaan n'yo na, Manang, bata pa naman po kasi." Tinakpan niya ang kaldero. "Saka kuya naman niya ako kaya ayos lang."

"Napakabait mo talagang kapatid. Kung sino pa talaga ang ampon, siya pa ang pinakamabait."

Natigilan siya sa sinabi nito. Mukha namang napansin iyon ni Manang.

"Ay, sorry, hijo," paumanhin nito. "Mukhang hindi ka yata kumportable sa ganoon. Hindi ko pala dapat sinabi."

Isa sa mga napansin niyang ugali ng katulong ay ang pagkamadaldal nito at matindi sa pagka-taklesa. Para nga raw si Kris Aquino, sabi niya.

"'Di, okay lang po," sabi na lang niya saka nagdesisyon siyang bumalik na sa sala.

Kinuha ni Jayson sa kanya ang mangkok nang hindi man lang nagte-thank you.

Umupo siya sa sofa saka bumuntong hininga.

Well, Manang Rosa was right. He was an adopted child.

His foster parents have been married for ten years when he was adopted. Bale, siyam na taong gulang siya noon. Akala kasi ng mga ito'y hindi na magkakaanak dahil mababa ang sperm count ng ama niya. Dahil sa sobrang desperasyon, nag-ampon na lamang.

Nagkataon namang siya ang pinili dahil napakabibo raw niyang bata noon. Magaling daw siyang sumayaw at napakabulastog pa ng ngiti. Iyon, siya na ang pinili kahit ba ang planong ampunin ay sanggol. Naisip din kasi ng mga ito na baka hindi rin maalagaan ang baby dahil sa pagiging busy sa trabaho.

Well, he never hated the fact that he was adopted. He was actually thankful dahil simula nang ampunin siya, nagbago na ang buhay niya. He used to be a lost child, without a past and no future. He didn't know where he came from and where he was going. He was always teetering on the brink of emptiness and despair—until one day, the Cristobals changed everything. They treated him like their son. Despite their goodness, however, there was always a hollow fragment in his life. And he knew he would never be complete until he came face to face with his biological father.

Anak daw siya ng isang babaeng bayaran at isang banyagang lalaki na kailanman ay hindi niya nakita. He grew up living in a squatter's area. His stepfather abused him physically. Araw-araw siyang sinasaktan nito.

His mother, on the other hand, hated him. Ayon dito, siya raw ang dahilan kung bakit nasira ang diskarte nito. Nang ipagbuntis kasi siya nito, hindi na ito nakapagtrabaho. Wala na ring lalaking gustong rentahan ang katawan nito dahil laspag na raw.

Paano siya nakalayas sa impyerno niyang buhay? Noong minsa'y nag-raid ang mga pulis sa lugar nila. Taga-tulak pala ng droga ang amain niya!

Sinubukan nitong manlaban nang arestuhin hanggang namatay ito sa isang tama ng baril sa ulo.

Ang ina niya? Nagkasakit ito ng AIDS at binawian ng buhay.

Dahil walang malapit na kamag-anak, dinala siya sa DSWD kung saan nanirahan siya ng isang taon. At doon nga siya natagpuan ng kanyang mga adoptive parents.

Mabuti na lang talaga, inampon ako nila mama at papa. At least, nag-improve na ang buhay ko. Hindi ko na naranasan ang pang-aapi sa akin.

However, he still wasn't satisfied. Kahit ano'ng gawin kasi niya, hindi pa rin niya maaalis ang katotohanang anak siya ng prostitute na hindi siya masyadong pinahalagahan. His dark past just kept on haunting him, and no matter what he did, he couldn't escape from it.

He had never told anyone about this because he was too ashamed of his past. When someone would mention it—like what the maid did awhile ago, it always made him sad—for he felt as if it were his fault why he became an adopted child.

He rested his head on the couch and stared blankly, oblivious to his surroundings. His mind was occupied by his turbulent past that he was now trying to forget. But, the more he tried to quash it, the more it haunted him...

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

6.6K 483 33
DEJA VU AU where in, Josh never thought na after ang aksidente, makikilala niya si Hashtin(Justin). He promised me. Nangako siya na hindi niya ako ii...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
489K 9.1K 42
We entered HELL UNIVERSITY kahit anong sabihin nila nakapasok kami sa hell univ oo mahirap makalabas sa hell univ it's hard to forget what happened i...
Project: Yngrid Bởi Alesana Marie

Khoa Học Viễn Tưởng

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]