Brother's Obsession [EDITING]

By EiseuPalansaek

908K 14K 1.9K

Warning: Mature content. Not suitable for very young readers. What will you do if you found out that your bro... More

BO - Prologue
BO - Chapter 1
BO - Chapter 2
BO - Chapter 3
BO - Chapter 4
BO - Chapter 5
BO - Chapter 6
BO - Chapter 7
BO - Chapter 8
BO - Chapter 9
BO - Chapter 10
BO - Chapter 11
BO - Chapter 12
BO - Chapter 13
BO - Chapter 14
BO - Chapter 15
BO - Chapter 16
BO - Chapter 17
BO - Chapter 18
BO - Chapter 19
BO - Chapter 20
BO - Chapter 21
BO - Chapter 22
BO - Chapter 23
BO - Chapter 24
BO - Chapter 25
BO - Chapter 26
BO - Chapter 27
BO - Chapter 28
BO - Chapter 29
BO - Chapter 30
BO - Chapter 31
BO - Chapter 32
BO - Chapter 33
BO - Chapter 34
BO - Chapter 35
BO - Chapter 36
BO - Chapter 37
BO - Chapter 38
BO - Chapter 39
BO - Chapter 40
BO - Chapter 41
BO - Chapter 42
BO - Chapter 43
BO - Chapter 44
BO - Chapter 46
BO - Chapter 47
BO - Chapter 48
BO - Chapter 49
BO - Chapter 50

BO - Chapter 45

7.2K 119 4
By EiseuPalansaek

CHAPTER 45

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Naramdaman kong may nakayakap sa akin habang inaalis ang mga hibla ng buhok na nasa pisngi ko nang maalimpungatan ako. So, I slowly opened my eyes at bumungad sa akin ang nakangiting mga mata niya dahilan para mapangiti rin ako.

Unti-unting bumaba ang mukha niya papalapit sa akin kaya naman napapikit ako, waiting to be kissed by him.

I felt his lips on my forehead down to my eyes, to my nose, and both of my cheeks. Namiss ko ang pagiging ganito niya sa akin. Hindi ako sanay sa mga pinapakita niya nung mga nakaraang araw.

"Good afternoon, love." He smiled as he greeted me.

At nang marinig ko ang sinabi niya ay nanlaki ang mga mata kong hugis mata ng pusa. "S-si daddy. Ngayong afternoon siya darating, diba?" Natataranta kong tanong. Paano kung makita niya kami sa ganitong ayos?

"Yeah. He's already downstairs. He's been waiting for us to go there. Kakausapin niya daw tayong dalawa." At nang marinig ko ang sinabi niya ay hindi ko maiwasang kabahan.

"W-What?" Hindi maitago ang pagkabalisa sa boses ko.

"Yes, love. Don't worry. Whatever happened, I won't let him ruin us again." Malambing niyang saad at saka hinaplos ang pisngi ko. "Get dressed and we'll wait for you at the living room." At saka niya ako kinintalan ng halik sa tungki ng ilong ko dahilan para mapapikit ako kasabay ng pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.

Napangiti na lang ako.

Pagkatapos niyang isuot ang shirt niya ay nagpaalam na siya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Ako naman ay naiwan dito at hindi ko rin maiwasang mapaisip sa mga sasabihin ni daddy.

Paano kung, paano kung ilayo na niya nang tuluyan sa akin si k̶u̶y̶a̶ Darko? Paano kung hindi na niya hayaang magkita pa kami? Anong gagawin ko?

Four years without him made my life miserable. And I can't take another year na hindi ko siya kasama.

And isa pa, kailangan maisama ko siya papunta sa Singapore pag-alis ko sa makalawa. After one and a half day, I'm off to go back to Singapore. And up until now, hindi ko pa rin siya nakakausap nang maayos tungkol kay Daryl. Nasabi ko na sa kanya pero hindi naman siya naniwala agad dahil iniisip niya na si Luke ang ama at hindi siya. Hindi ko alam kung bakit 'yun ang iniisip niya.

Ano ba kasing nangyari sa kanya for the past four years na magkahiwalay kami?

Nakalimutan na ba niyang bago ako umalis ay pinagbubuntis ko na ang anak namin?

At sino si Mackie? Bakit bigla na lang nagkaroon ng Mackie sa buhay niya nung wala ako? Samantalang ako, hindi ko na nagawa pang makipagrelasyon sa iba dahil sa pangako ko sa kanyang babalikan ko siya.

Kahit na marami din ang mga lalaking nanligaw sa akin, ni isa doon ay hindi ko binigyan ng pansin. Dahil hindi naman sila ang mahal ko. Pero siya? Bakit?

Hindi ko maiwasang maramdaman ang masaktan sa isiping nagawa niyang magkaroon ng iba bukod sa akin.

Hays. Ang daming bumabagabag na tanong sa isip ko pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin naitatanong sa kanya ang mga 'yun.

Basta ang mahalaga ay mahal niya pa rin ako at hindi ko na sasayangin pa 'yun.

Napabuntong-hininga na lang ako at tuluyan nang bumangon mula sa pagkakahiga. Tinapis ko sa sarili ang kumot bago ko isa-isang pinulot ang damit at short ko pati na rin ang underwears. Sinuot ko na lang ang damit at short ko at pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa banyo dala-dala ang underwear ko. Tiniis ko na lang ang hapdi na nararamdaman ko sa kaselanan ko. Pagkapasok ko ay hinubad ko ulit ang mga suot ko at nilagay ang mga ito sa laundry basket. Naghilamos lang ako at naglinis ng katawan. And after that, binalot ko na lang ang sarili ko gamit ang bathrobe. Pagkalabas ko ay saka ako dumiretso sa cabinet. Itim na square pants at white fitted shirt ang sinuot ko.

Pagkatapos ay lumabas na agad ako ng kwarto at saka dumiretso na pababa sa living room kung nasaan si k̶u̶y̶a̶ Darko at si daddy. Ngayong nandito si daddy, hindi pwede ang name basis lang sa amin ni Darko. Dapat may 'kuya' pa rin tho we all know na hindi na magkapatid ang turingan namin ni Darko. I sighed.

Well, may nalaman rin kasi ako nung time na nakausap ko si daddy bago ako umalis four years ago.

Flashback...

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni daddy. "Tumayo ka na diyan." Mahinahon niyang pahayag pero patuloy pa rin ako sa pagluha at umaasang papayag siya sa gusto kong mangyari. "Sige na. Tumayo ka na diyan. Bago pa magbago ang isip ko." Agad naman akong napapunas sa mga luha ko at napatayo pagkarinig ko sa mga sinabi niya.

"Really, daddy? You're allowing me to be with him even for the last time?" Hindi ko maiwasang matuwa dahil pumayag siya at mas lalo pa akong natuwa nang tumango siya.

"Yes. But tomorrow morning, gusto ko pagbalik ko dito sakay ng private helicopter natin ay nakaready ka na sa pagsama sa amin."

Nawala ang ngiti sa mga labi ko pagkarinig ng sinabi niya.

"Y-yes, dad."

Pero bago sila pumunta sa bahay nila tatay Juan kung saan tumutuloy dati si Luke ay pinag-stay ko muna sila para makakain sila ng lunch bago umalis.

I sighed bago ko dampian ng halik sa noo si kuya. At saka ako lumabas ng kwarto. Naabutan ko naman si daddy doon na sumisimsim ng kape at mukhang malalim ang iniisip. Lumapit ako sa kinaroroonan niya.

"D-Dad," Lumingon siya sa akin. "P-Pwede ka po bang.." I sighed. "Pwede ka po bang m-makausap saglit?" At saka marahang tumango bago ilapag ang tasa sa mesa.

Umupo ako sa kaharap niyang upuan. "What is it?" Seryosong tanong niya kaya napababa ang paningin ko.

Humugot ako nang malalim na hininga para magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin 'to.

Pero bago 'yun..

"N-Nasaan po pala si Luke?" Napansin ko kasi na wala siya dito.

"Nasa bathroom, naliligo." Tipid niyang sagot. Napatango-tango naman ako.

Bumuntong hininga siya. "Anak, bakit?" Napaangat ulit ako ng tingin sa kanya.

Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.

"Why did you let this happened?" Napalunok ako sa seryosong tanong niya. At bakas sa boses niya ang pinipigilang galit. Kitang-kita ko ang pag-igting ng mga panga niya pero pinilit pa rin niyang maging mahinahon habang kausap ako. "Matalino ka, at ganon din ang kuya mo. Alam niyong mali ito, pero bakit niyo pa rin 'to hinahayaang mangyari?" Napayuko siya habang napapahilot sa magkabilang sentido gamit ang isang kamay at bakas sa mga mata niya ang pagkadismaya sa nangyayari.

"Kung alam ko lang na mangyayari 'to, hindi ko na sana pinayagang bumalik ang kuya mo galing sa New york." Puno ng pagsisisi ang tinig na sambit niya. "Now I know kung bakit gusto niya agad bumalik dito. And that is because of you. Sinabi niyang babalikan niya dito ang babaeng papakasalan niya." Napansin ko ang unti-unting pagkuyom ng kamao niya. "Akala ko pa naman, may girlfriend na rin sa wakas ang kuya mo. At naisip na rin na mag settle down. At ngayon, malalaman kong ikaw pala 'yun, ikaw pala na kapatid niya ang tinutukoy niya?!" Unti-unti na rin tumataas ang boses ni dad kaya hindi ko maiwasang kabahan sa nakikitang galit sa mga mata niya. Tila nandidiri siya na para bang hindi niya masikmura ang meron sa amin ni kuya.

Hindi ko magawang makapagsalita at tila natatameme ako sa mga sinasabi niya.

Hindi ko alam kung bakit pero tama si daddy. Alam ko sa umpisa pa lang na mali na ang nangyayari sa amin ni kuya. Pero nagpadaig pa rin ako sa emosyon ko. Oo. Sinabi ko kay kuya dati na mali ito, pero anong nangyari sa akin ngayon? Bakit ko hinayaang mahulog din ako sa kanya? At ngayon, hindi na ako makaahon mula sa pagkakahulog sa kanya.

At hindi ko alam basta iisa lang ang nasa isip ko. Mahal na mahal namin ang isa't-isa at 'yun ang mahalaga.

At isa pa, may nalaman kasi ako kanina. At 'yun ang kukumpirmahin ko ngayon kay dad. Kahit sa dami ng sinabi ni dad ngayon, tumatatak pa rin sa isip ko ang mga nalaman ko.

I sighed. "D-Dad." Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ulit siya ng paningin sa akin. At bakas pa rin sa mga mata niya ang galit kaya napaiwas ulit ako ng tingin. At binaling na lang sa ibang direksyon ang paningin ko. I sighed again. "I-I heard everything nung k-kausap mo po si Luke kanina." Diretso kong saad at saka ko siya muling tiningnan sa mga mata. Bakas ang pagkataranta sa mga mata niya pagkarinig sa sinabi ko.

Yes. Nung akala nilang tulog pa ako ay narinig ko lahat ng mga sinabi niya kay Luke. Lahat-lahat ng tungkol kay kuya.

At hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko.

"T-Totoo po ba, dad?" Napansin ko ang paglulumikot ng mga mata niya kaya mas lalong nadagdagan ang pagdududa ko. "Dad please. T-tell me. Totoo po ba ang mga s-sinabi mo po kay Luke?" At saka ko siya nagmamakaawang tiningnan bago ko hinawakan ang braso niya.

Umiwas siya ng paningin sa akin at saka tumayo. "Wala akong dapat sabihin sa'yo." Tinalikuran niya ako at maglalakad na sana palayo pero pinigilan ko siya sa braso niya.

"No, dad. M-Meron ka pong dapat sabihin sa akin. Narinig ko ng e-eksakto ang mga pinag-usapan niyo ni Luke." Pinilit kong gawing matatag ang sarili ko. Kailangan kong malaman mismo kay daddy kung totoo ba 'yun. Then I heaved out a deep sighed.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya na tila sumusuko na kaya napabitaw na ako sa braso niya. Muli niya akong hinarap bago magsalita, "Okay. I'll tell you everything you want to know. Pero may kapalit ang mga sasabihin ko sa'yo." Seryoso niyang saad kaya napaangat ulit ang paningin ko sa kanya dahil nga nakatayo siya.

Nangunot ang noo ko sa narinig. "Kapalit? Ano pong kapalit?"

"Hihiwalayan mo ang kuya mo at huwag ka nang magpapakita pa ulit sa kanya." Sa narinig ay naglaho ang kahit anong emosyon sa mukha ko.

"D-Dad." Hindi ko kaya ang hinihinging kapalit ni daddy.

"Or if you still want to see him, magpakasal ka na lang kay Luke and hahayaan ko pa rin na makita ka niya."

"D-Dad." Tanging pagtawag lang sa kanya ang nagagawa ko. At nararamdaman ko na rin ang pangingilid ng mga luha ko.

"The choice is yours, princess." Walang emosyon ngunit ma-awtoridad niyang saad.

"K-Kusa na lang po ako sasama sa inyo mag migrate sa ibang bansa." Huminga ako nang malalim para mapigilan ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko, at saka siya nagmamakaawang tiningnan sa mga mata. "P-Please, dad. 'Yun lang po ang k-kaya kong gawin."

I heard him smirked. "Okay then." Bumalik siya sa pagkakaupo bago ipinagpatuloy ang mga sasabihin niya. "Sasama ka sa amin ng mommy mo." Then he sighed. Pinatong niya ang dalawang palad niya sa kamay ko at seryoso akong tiningnan. "Listen very carefully, princess. Sasabihin ko sa'yo ang lahat."

And then, he told me everything according to what I heard sa pag-uusap nila ni Luke kanina. At nakinig lang ako sa kanya. Nalaman ko na tinanong pala siya ni Luke patungkol kay kuya kaya nasabi niya rin ang pinaka-sikretong bagay dito. Dahil kahit si Luke ay nagtataka na rin kung bakit namin nararamdaman ni kuya ang bawal na pag-ibig gayong alam namin na magkapatid kami. At ito pala ang dahilan ng lahat.

Si Don Miguel ay kababata ni tito Rolphy (my dad's older brother). And may kapatid din si Don Miguel, ang pangalan ay Lourdes. Ang Lourdes na ito ay isa sa matalik na kaibigan ni mommy. Maaga daw itong nabyuda sa edad na 28 gawa na ang asawa nito ay namatay sa plane crash.

At nung mga panahong 'yun ay 3 years old na ang panganay nitong anak na napag-alaman kong si Dave Durkenson. Habang ang pangalawang anak naman nito ay nasa 1 year old na.

Pagkalipas daw ng halos three months matapos ang nangyaring plane crash, nagmigrate daw patungong California 'yung Lourdes upang doon ipagamot ang panganay na anak nito. Dahil nung mga panahong 'yun ay may psychological problem daw si Dave. Nahuhuli daw nila ito minsan noon na nagsasalita na parang may kinakausap kahit wala naman. At minsan daw ay bigla bigla na lang itong nagtatantrums at nagagalit.

Natakot daw 'yung Lourdes na baka makuha nito ang dating sakit ng yumaong ama nila ni Don Miguel. Nakiusap siya na iwan muna kay Don Miguel ang pangalawang anak nito. Dahil hindi niya rin ito maasikaso habang pinapagamot si Dave.

Naiwan naman kay Don Miguel ang pangalawang anak nung Lourdes, ngunit tahimik lang daw ang bata at hindi mahilig makihalubilo sa ibang mga bata.

Lumipas ang halos isa't kalahating taon na hindi pa bumabalik ang mag-ina mula nang pumunta sa California. Dumating ang time na bumisita si daddy at mommy kina Don Miguel at doon daw nila napansin ang bata na walang kahit sinong kinakausap. Natatandaan pa nila, nandoon din sila nung mga panahong ipinanganak ito dahil ang kapatid daw ni mommy ang nagsilbing midwife sa pagpapaanak doon sa Lourdes. Natakot pa nga daw nun si mommy na mabuntis din dahil nakita niya ang hirap sa mukha ng kaibigan. Pero nang makita daw ni mommy ang sanggol ay tila gumaan ang pakiramdam nila sa bata.

At ayun na nga, nakita daw ulit nila ang bata. Nilapitan daw nila ito at sinubukang kausapin. Pero tila ilag sa kanila ang bata. Halos araw-araw na daw nilang binibisita ang bata sa kwarto nito hanggang sa mag two and a half years old ito.

And one time, nung matapos daw nila itong bisitahin at nang papaalis na sila ay nag-uumiyak daw ang bata at sinasabi, "M-mom. Mo.. Mommy.." Nagulat sila dahil 'yun daw ang unang beses na marinig nila itong magsalita. At ang mas nagpagulat daw sa kanila ay nakatingin kay mommy ang bata habang tinatawag siya nitong mommy. Maging si Don Miguel ay hindi rin inasahan ang mga narinig sa bata.

"S-Stay, m-mommy.." Wala daw silang nagawa kundi lapitan ang bata. Pinipilit pa daw nilang ipaliwanag dito na hindi sila ang parents nito pero nagpupumilit daw ang bata at ayaw tanggapin ang mga sinasabi nila.

At gusto daw nitong sumama sa kanila. Tila hindi nila sinasadyang naiukit sa isip nito na sila ang parents.

Si Don Miguel daw nun ay kinausap sila patungkol sa bata. Nakita ni Don Miguel ang pagiging malapit sa kanila ng bata, at isang solusyon lang daw ang naiisip ni Don Miguel para tuluyang magkaroon ng social life ang bata, ito ay ang ipakupkop sa kanila ito.

Nung una ay nagdadalawang-isip pa daw sila mommy nun dahil baka biglang dumating ang totoong mommy ng bata. Subalit ang tanging nasa isip lang daw ni Don Miguel nun ay ang kapakanan ng pamangkin. Kaya wala daw silang nagawa kundi ang pumayag sa pakiusap nito.

Wala na rin daw nagawa si Don Miguel nun kundi ang pumayag sa kundisyon nila na hindi na nito pwedeng bawiin ang bata at aampunin na nila ito nang tuluyan.

Mahalaga na rin daw sa kanila ang bata at ayaw nilang tuluyang magkulong lang ito sa kwarto nito, ayaw na daw nilang maranasan pa ng bata ang trauma sa pag-iwan dito.

Iniisip lang daw nila ang kapakanan ng bata. Kaya kinupkop nila ito. Ang dating pangalan daw nito na Dash Durkenson ay pinapalitan na nila sa pangalang Darko Sean Norville.

"H-Hindi kami totoong magkapatid ni k-kuya?" Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa mga sinabi ni daddy.

Madidismaya? Dahil inakala kong mali ang namamagitan sa amin ni kuya dahil akala ko, magkapatid talaga kami?

O matutuwa? Dahil hindi kami totoong magkapatid at walang mali sa nararamdaman namin?

Pero naging magkapatid pa rin kami dahil inampon nila si kuya.

Ano ka ba, Dara? Hindi kayo magkadugo kaya huwag ka nang mag-isip pa ng kung ano dyan!

"W-we need to tell him ev–"

"No! 'Yan ang huwag na huwag mong gagawin."

"P-pero.." Napatigil ako nang tumalim ang paningin sa akin ni daddy.

"O-Okay po." I sighed at ganon din siya.

"Now you know everything. At huwag mo munang babanggitin sa mommy mo na nalaman mo na ito." Seryoso niyang sambit. "Tutulungan kita. But you have to help me, too."

Nangunot ang noo ko sa pagtataka. "A-Ano pong ibig niyong sabihin?"

He gently smiled. "Trust me. And everything will be alright. Sa ngayon, kailangan mo munang lumayo sa kuya mo. At 'pag maayos na ang lahat, then, I guess, hahayaan ko na kayo."

And that's a deal.

Flashback ended.

Hmm. Sa mga naalala ay nabawasan ang kaba sa dibdib ko. Sinabi niya 'yun dati. Sinabi noon ni daddy na hahayaan na niya kami ni Darko.

Siguro naman, hindi ako dapat kabahan sa magiging pag-uusap namin ni daddy ngayon, kasama si Darko.

Tuluyan na akong naglakad papunta sa living room kung saan magkausap si daddy at si Darko.

At nang maramdaman nila ang presensya ko ay napatigil sila sa pag-uusap bago ako nilingon.

Nakita ko ang seryoso nilang mga expression kaya hindi ko na naman maiwasang kabahan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.7K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...