Moving Into the Monster's Hou...

Oleh areyaysii

748K 13.1K 968

Forced to live under the same roof with her monster for a mother-in-law, Georgina finds herself stuck amidst... Lebih Banyak

Free again!
Published Book
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Epilogue
Special Chapter: The Office Chronicles - Busted

Chapter 22

10.1K 192 12
Oleh areyaysii

"Dwight, gusto ko ng green mango ice cream," sabi ko kay Dwight habang sinusubukang gisingin siya. It was almost 4 am at hindi ako makatulog ulit dahil sa craving ko.

"Ha?" wala sa sariling sagot ni Dwight. He did not even bother to look at me. Nakapikit pa rin siya at para bang hindi niya naintindihan 'yong sinabi ko sa kanya.

"Gusto ko ng green mango ice cream. 'Yong may bagoong," I repeated, with more conviction this time.

"Saan naman ako makakahanap noon?" halos naiirita nang sagot ni Dwight. Tiningnan niya 'yong orasan sa ibabaw ng bedside table niya at mas lalong nag-iba ang itsura niya nang nakita niyang madaling araw pa lang.

"Hindi ko alam. Basta gusto ko n'on," pagpupumilit ko sa kanya.

After a while, his expression softened at umayos na siya ng upo. He then grabbed his phone and at nagsimula na siyang mag-search sa phone niya.

"G, 11 am pa 'yong bukas ng pinakamalapit sa atin. Wala ka bang ibang gusto? 'Yong nasa easy level lang sana 'yong level of difficulty."

Napasimangot ako dahil sa naging sagot ni Dwight. Alam ko namang mahirap din 'to para sa kanya. It was written all over his face. Halos hindi pa rin siya makadilat nang maayos at parang hilo pa rin siya kung sumagot. Kaya kahit gustuhin ko mang i-insist 'yong gusto ko, hindi ko na ginawa. Alam ko namang wala ring siyang magagawa. So kahit na wala naman talaga akong gustong iba, nagsabi na lang ako ng kung ano sa kanya.

"Hmm. Sige na nga. Vanilla saka chocolate ice cream na nilagyan ng marshmallow at nuts."

Patayo na sana si Dwight mula sa kama no'ng bigla siyang humarap sa akin.

"Teka lang. Hindi ba parang double dutch o rocky road lang 'yon?" tanong niya sa akin which freaked me out. Hindi naman 'yon 'yong sinabi ko, e!

"Hindi! Ayaw ko ng gano'n! Dapat hiwa-hiwalay!" sagot ko sa kanya.

Dahil wala rin namang magawa si Dwight, napakamot na lang siya sa ulo niya at saka siya bumangon sa kama para mag-ayos.

"Kapag may gusto ka pa, tawagan mo lang ako sa cellphone, okay?" bilin sa akin ni Dwight pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo. After noon, umalis na siya para bilhin 'yong gusto ko.

Georgina

Ayaw ko na pala no'ng flavor na 'yon.

Strawberry na lang saka mango.

Thank you, Dwight.

I love you! :*

Dwight

What?! Nabili ko na 'yong vanilla at chocolate.

Sige na nga.

Bibili na lang din ako ng strawberry at mango.

Pasalamat ka talaga at mahal kita!

Georgina

Ingat sa pag-drive. :*

Pinilit kong manatiling gising habang hinihintay na bumalik si Dwight. Kaso, for some reasons, para akong hinehele bigla. Nag-internet na ako. Nanood na ako ng videos. Naglaro na rin ako ng games but to no avail. Pabagsak lang nang pabagsak 'yong mga mata ko. By the time I'm on the third level of the game that I'm playing, natuluyan na ako.

I woke up no'ng bigla kong naramdaman na may malamig sa pisngi ko.

"Ay shutanginers na kalapating baboy!" sigaw ko. Pagtingin ko sa kung sinong may sala, ang laki-laki ng ngiti ni Dwight.

"Leche ka, Dwight!"

Tawa nang tawa si Dwight dahil sa naging reaction ko. Sinamaan ko siya ng tingin at bago pa ako makahablot ng kung anong pwedeng ihampas sa kanya, iniabot na niya sa akin 'yong mga ice cream na pinabili ko.

"Ayan na. Halos lahat ng flavor, binili ko na. Bahala ka nang mamili."

Pagtingin ko sa ecobag na iniabot sa akin ni Dwight, sobrang dami nga ng binili niya. From vanilla to chocolate to strawberry, mango, cheese, ube, at kung ano-ano pa.

"Balak mo bang magtayo ng ice cream shop?"

"Baka kasi magbago na naman 'yong isip mo. At least marami ka nang options ngayon."

Napailing na lang ako dahil sa sagot ni Dwight. After that, inilabas ko na 'yong ube ice cream sa ecobag.

"Tingnan mo! Una, chocolate tapos vanilla tapos strawberry tapos mango. Ang ending pala, ube kakainin mo. Pambihira!"

Binelatan ko na lang si Dwight at nagsimula na akong kumuha ng ice cream. Kaso bigla akong napahinto nang may naalala ako.

"Teka lang—"

Hindi na pinatapos ni Dwight 'yong sinasabi ko. Iniabot na niya agad 'yong isang brown paper bag sa akin. Pagbukas ko sa paper bag, binitawan ko 'yon at niyakap ko agad si Dwight.

"OMG ka! Ikaw na talaga ang bestest husband in the whole universe!"

I felt Dwight hugging me back. Nung kakalas na sana ako sa pagkakayakap ko sa kanya, hinigpitan niya naman bigla 'yong yakap niya sa akin.

"Anything for you and our baby," bulong niya sa akin.

When I moved my head back to look at him, he suddenly pressed his lips against mine.

The ice creams? Ayon. 'Yong isa, naubos. 'Yong iba, napabayaan na.

***

Lumipas ang ilang linggo at mas naging okay na ako. Tumigil na 'yong unusual cravings ko. Ayon nga lang, mas napadalas naman 'yong pagbili ko ng kung ano-ano para kay baby. Parang hindi lilipas ang isang araw na hindi ako napapadaan sa mga shop para sa gamit ng baby. Everything just kept on piling up at hindi ko namalayang halos mapupuno na 'yong ilalim ng lamesa ko.

Georgina

Dwiiiiiiight~

DWIGHT!

DWIGHT!!!

DWIGHT ANGELO TANCIANGCO!!!

Dwight

G?

Okay ka lang ba?

Did something happen?

May masakit ba sa 'yo?

Was in a meeting earlier.

Coming there in a while.

Relax, okay?

Love you!

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatawa ako nang malakas no'ng nabasa ko 'yong messages ni Dwight. Based on the speed of his messages, he'll be arriving any minute now.

"G!" rinig kong tawag niya mula sa hallway.

"Here!" sagot ko sa kanya sabay tago ng phone ko sa bag.

"Anong nangyari? Bakit dere-deretso 'yong texts mo?"

"Mas dere-deretso kaya 'yong iyo," pamimilosopo ko sa kanya.

"Tinakot mo ako, e! Ano ba kasing nangyari?" tanong niya sa akin. Instead of answering him, tinuro ko na lang 'yong mga paper bag sa ilalim ng table ko.

"Ano 'yan?" Dwight asked, still clueless about what happened.

"Iuwi na natin," mahina kong sagot sa kanya.

"Bakit? Sa'yo ba—" Hindi na natapos ni Dwight 'yong sinasabi niya. Sa malamang lamang, nag-sink in na sa kanya ang lahat. When he looked at me with his judging eyes, I knew that I was in trouble. "Georgina, what on earth did I tell you regarding the use of credit cards?" tanong niya sa akin.

At that moment, it was as if pinapagalitan ako ng nanay ko dahil nahuli niyang may ginawa akong kalokohan. O kaya naman 'yong tipong naka-supplementary ka lang pala na credit card tapos nakita no'ng nanay mo 'yong total bill no'ng account na naka-allot for you. Shemay. Kailangan ko na bang tumakbo palayo rito?

"Uhh . . . Use it wisely?" sagot ko kay Dwight.

Napailing naman siya. "Ano ba kasi 'tong pinagbibibili mo?"

"Mga gamit ni baby. Ewan ko ba. Nabudol yata ako no'ng mga sales lady at lagi akong may nabibili kapag pumupunta ako sa mall," nakayuko kong sagot kay Dwight. When I looked up at him, para bang pinipigilan niya ang sarili niya na tumawa dahil sa sinabi ko. Napasimangot naman ako dahil doon.

Pagkakita ni Dwight sa naging reaksyon ko, inalalayan niya akong tumayo at niyakap niya ako nang mahigpit. Kahit na natatakot pa rin ako dahil baka pagalitan pa ako lalo ni Dwight, dahan dahan ko na lang ding ipinaikot ang mga braso ko sa kanya.

"Galit ka ba?" mahina kong tanong.

"Hindi. Bakit mo naman naisip na galit ako, ha?"

"E kasi ang gastos ko. Baka sabihin ni Mommy winawaldas ko lang 'yong pera n'yo."

"Hindi 'yon magagalit," sagot ni Dwight na para bang siguradong-sigurado siyang hindi magagalit sa akin si mommy.

"Paano mo nasabi?" hindi ko napigilang itanong.

Dwight then pulled away from our hug and looked straight at my eyes.

"You should have seen the paper bags that she brought home the other night. Mas marami pa kaysa riyan sa binili mo. Hindi pa nga pinapanganak 'yong anak natin, spoiled na spoiled na agad. Mukhang mahihirapan ako nito, ah?"

Napangiti na lang ako dahil doon. I guess hindi ko na kailangang mamoblema sa pamimili ko ngayon.

Pagkatapos naming mag-usap ni Dwight about not buying too much anymore dahil mabilis din namang lumaki ang mga baby and all, we decided to go home na. Binuhat na ni Dwight lahat ng paper bags ko at tuwing sinusubukan kong kumuha kahit dalawa mula sa kanya, inilalayo niya 'yong mga braso niya sa akin. So in the end, hinayaan ko na lang talaga siyang magkargador.

We were on our way home nang biglang kumulo 'yong tiyan ko. Napatigil sa pag-drive si Dwight at tiningnan niya agad ako.

"G . . ."

"Nope. Hindi ako 'yon," agad na pagtatanggi ko.

"Wala pa naman akong sinasabi, ha?" Dwight said and he was smiling playfully.

I felt my cheeks turn hot because of it. Leche. Kahit kailan talaga 'tong tiyan ko, hindi marunong makisama!

"Ha? May sinasabi ka?" I asked, feigning innocence.

"Wala. Sabi ko maganda ka sana kaya lang, bingi."

And just like that, na-revive na 'yong naglaho kong kahihiyan. Thank God for husbands like Dwight!

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

4.8K 387 63
|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that he was forced to take. He has already de...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
312K 16.9K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
6.6K 107 8
When you have all the money in the world, people immediately assume you're always problem-free. But when it comes to love, not even the high society...