My Special Ghost (COMPLETED)

De YMisssika

12.9K 1.6K 439

May mga bagay sa mundo na sadyang hindi maipaliwanag, katulad nalang ng isang dalagang nagising at walang maa... Mai multe

P R O L O G U E
MSG : 1
MSG : 2
MSG : 3
MSG : 4
MSG : 5
MSG : 6
MSG : 7
MSG : 9
MSG : 10
MSG : 11
MSG : 12
MSG : 13
MSG : 14
MSG : 15
MSG : 16
MSG : 17
MSG : 18
MSG : 19
MSG : 20
MSG : 21
MSG : 22
MSG : 23
MSG : 24
MSG : 25
MSG : 26
MSG : 27
MSG : 28
MSG : 29
MSG : 30 ; THE END

MSG : 8

327 61 16
De YMisssika

𝗠𝗦𝗚8 :   



"Third person's POV"

She never thought na makikita niya ang ginang sa simbahan, nagagalak ang puso niya.

"Bakit hindi niyo po kasama si Lorraine? Pero dahil wala siya, sasamahan ko nalang kayo."

Nakangiti siyang umupo sa tabi ng ginang habang pinagmamasdan ito. Maya-maya ay tumayo ang ginang at paalis na ng simbahan. Tinignan ni Momo kung nasaan nakaluhod si Dave.

"Hindi ka naman siguro magagalit Dave kung aalis ako 'diba? Hehehe."

At agad niyang sinundan ang ginang.















"Hindi ko po alam pero sa tuwing pumupunta ako sa bahay niyo may iba akong nararamdaman." Hinaplos ni Momo ang sarili niya.

Binuksan na ng ginang ang pinto at pumasok na sa loob. Hindi ito naupo at dumeretso sa isang kulay blue na pinto.

"Kaninong kwarto 'yan?" Nagtatakang tanong ni Momo. Pumasok siya roon at tumayo sa likod ng ginang na nakaharap sa isang cabinet. May kinuha itong parang album.

"Wow ang cute naman ng baby na 'yan. 'Yan po ba 'yong anak niyo? Napaka cute niya po pala noong baby pa, sayang lang at tulad ko wala na siya..."

Nakangusong sabi ni Momo habang nakaupo sa lapag samantala ang ginang ay nakaupo sa kama habang binubuklat ang photo album.

"Lily... Dapat pa ba akong umasa na babalik ka? Ayokong paniwalaan pero ikaw ba talaga 'yong bangk*y na 'yon? Patawarin mo ako hindi man lang kita naipagtanggol sa gumawa non sayo."

Sa puntong iyon bigla nalang dumapo ang kamay niya sa mukha ng ginang, nais niyang punasan ang luhang tumulo mula sa mga mata nito.

"Wag na po kayo umiyak, pangako po andito lang ako lagi sa tabi niyo. I'm sure naman po kung nasaan ang anak niyo ay masaya na siya. Hayaan niyo po kapag umakyat na ako sa langit kapag nagkita kami sasabihin kong maswerte siya dahil may ina siyang katulad niyo...."

Sandali siyang huminto dahil napagtanto niyang umiiyak na rin siya gaya ng ginang.

"Maswerte siya dahil may naghahanap pa rin sa kaniya..." At suminghot na si Momo.

Niyakap niya ang ginang kahit hindi naman niya nahahawakan. Kahit sa ganitong paraan man lang ay sana mapagaan niya ang loob nito. Ilang saglit pa ay ibinalik na ng ginang ang album pero may nalaglag na isang picture kaya tinignan ito ni Momo. Nanlaki ang mga mata niya nang pinulot ito ng ginang at inilagay sa album pabalik sa cabinet. Hindi siya maaaring magkamali. Kahit hindi niya nakikita ang sarili niya sa salamin, ang itsura niya noong nabubuhay pa ay hindi niya malilimutan.

Bakit siya naroon? 

Biglang kumirot ang puso niya.

Siya ang anak ng ginang! siya ang pinsan ni Lorraine. Siya ang nasa larawang nahulog!

Siya si Lily.















"Ma, lalong lumalala ang kalagayan niya, Please tell me she's not giving up."

"No, ito na lang ang magagawa natin habang nagreresponse pa ang katawan niya."

"Ma, nakakapagtaka lang na doctor ka pero naniniwala ka sa spiritual stuffs."

"Because they do exist. Seing them, it's for the gifted people."

"Ma isang tanong nalang, May pag-asa pa ba siyang mabuhay?"

"Base on my experience sa dami ng pasyente ko na naging ganito, so far wala pa sa kanila ang nakaka-survive dahil in end kusa na silang sumusuko."

"Ma naman 'wag kang manakot. Akala ko ba dapat be positive?"

"Shut up, umalis ka na rito at siguraduhin mong walang makakasunod sayo."

"Yes mom."













"I already know my name pero bakit nananatili pa rin ako rito?"

Bumuntong hininga siya. 'Diba dapat siyang maging masaya? Pero paano si Rhyi? Nangako pa naman siya ritong papasayahin bago mawala.

Agad siyang nagpunta sa University kung saan nag-aaral si Rhyi.

"Hahaha! thank you."

'Yan ang naabutan ni Momo na sinabi ni Lorraine kay Rhyi. Naka upo ang mga ito sa bench. Hindi na lumapit pa si Momo. Gusto lang sanang sabihin kay Rhyi na alam na niya ang kaniyang pangalan. Napailing siya at muling napatingin kung nasaan masayang tumatawa ang pinsan kasama si Rhyi na nakangiti.

Anong dahilan ng pagtawa nila? Ngayon niya lang nakita na masaya ito kasama ibang babae. Bakit parang nakakaramdam siya ng lungkot? Ito naman ang goal niya 'diba? 

"That looks is suspicious you know."

Napatingin siya kay Dave na nasa tabi niya.

"After mo akong iwan sa simbahan heto at titignan mo lang ako?"

"Aw, sorry naman! Hehe, sinundan ko lang kasi yung ginang."

'Should I keep it to him too?' Nawika ni Momo sa sarili. Hindi na muna niya sasabihin.

Makahulugang ngumiti ang lalaki.

Napakunok naman siya. Wag niyang sabihin na alam nito ang iniisip? Bubuka na sana ang bibig niya kaso nauna na magsalita ang kaharap.

"Nagseselos ka ano?"

Sa gulat ay hindi agad siya nakapag salita.

"Hahaha! I knew it! Sa mukha mo palang kanina e pffft---hahaha!"

Napahinga naman siya ng maluwag, akala niya ay kung ano na pero nang marealize ang sinabi ni Dave, biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Ikaw!---Hindi kaya!"

Nagkibit balikat lamang ito,

"Whatever." At umalis na. Napafacepalm siya.

Pero tumingin muli sa gawi nina Rhyi.

"Ipagpatuloy mo lang 'yan Rhyi."

Tumalikod na siya at naglakad paalis, maghihintay nalang sa bahay ni Rhyi. Kailangan niyang makapag isip-isip. Hindi na muna kakausapin si Dave dahil paniguradong mang-uuyam lamang ito.

Pagdating sa bahay ni Rhyi ay lumusot siya sa pinto at naupo sa couch.

"Ano kayang pakiramdam na makahawak ng bagay?"

Naiwika niya mag-isa.

"Ano naman kung alam ko na ang pangalan ko? Bakit hindi pa rin ako nakakaalis rito?"

Medyo naguguluhan na rin siya, bakit tila hindi kasagutan ang pag-alala niya sa pangalan niya?Natigil si Momo sa iniisip  dahil sa biglang pagbukas ng pinto,

"Yes. Bukas... date? Ah oo nakalimutan ko eh. Okay bye."

Pinatay na ni Rhyi ang tawag at gulat na napatingin kay Momo na nakatayo ngayon sa sala na nakatingin din sa kaniya.

"Oh ba't gan'yan ka makatingin?"

Nagtatakang tanong ni Rhyi pero walang reaksyon si Momo. Naiinis siya sa 'di malamang dahilan.

"Bakit ngayon ka lang? Linggo naman ngayon bakit ka pumasok?" Nawirduhan naman si Rhyi,

"Ha? Dapat bang alam mo kung saan at ano ang ginagawa ko?" Sabi ni Rhyi habang paakyat ng hagdan. Natahimik naman si Momo.

Habang nagbibihis si Rhyi ay napa-isip siya kung anong nangyari kay Momo at bakit gano'n ang kinikilos nito. Medyo naguilty siya sa sinabi  kaya napagpasyahan niyang humingi ng tawad kaya nagmadali siyang bumaba.

"Momo?" Pagtawag niya rito.

"Bakit?" Sabi ng boses sa likuran niya.

"Andyan ka pala, may sasabihin sana ako..."

Medyo hindi mapakali si Rhyi. Hihingi siya ng tawad pero bakit parang ang hirap sabihin?

"Ah, hindi mo naman kailangang magpaalam kung saan ka pupunta."

Masiglang sabi ni Momo na nagpakuno't ng noo niya.

"At isa pa, mabuti ngang magdate kayong dalawa eh. May kailangan ka ba? I can help you to choose what to wear."

Biglang nagka-ideya si Rhyi sa kilos ni Momo. Napangiti sya sa loob-loob niya.

Naalala ang kausap sa telepono.

"May meeting tayo bukas." -Simon

"Yes."

"Yung plan para sa outing din." -Simon

"Bukas."

"Yes, pero may meeting daw lahat ng president bawat room." -Simon

"Date?"

"Sa lunes." -Simon

"Ah oo nakalimutan ko eh."

"Matanda ka na pres." -Simon

"Okay bye."

"Ah,' that date' ... Oo nga pala so nagseselos ka?" Naumid si Momo at sayang-saya naman si Rhyi nang makita ang reaksyon ng kaharap.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Sa tingin mo anong magandang isuot? Sige tulungan mo ako bukas. Asahan ko 'yan ha! Bye!" Masiglang lumabas ng pinto si Rhyi habang napakurap-kurap si Momo.

"Nga pala hindi ako matutulog rito, may pupuntahan pa kasi ako. Stay here antayin mo ako!"

Bumalik saglit si Rhyi na may malawak na ngisi sa labi. Natutuwa siyang asarin ang multong ito, naiiling siyang umalis roon na may malawak pa rin na ngiti sa labi.

"Siraulong lalaki." Nasambit ni Momo ng pag-alis ni Rhyi.

"Akala niya naman hindi ako lalabas! Che!" Padabog siyang nagtungo sa pinto at lumusot.

Gagala rin siya!

Sa kakalakad ay napunta siya sa lumang parke ng subdivision. Madahon at masukal na ito, mga sira na rin ang mga palaruan.

"Nakakalungkot naman ang lugar na ito. Bakit hindi nila ipaayos?" Pumunta si Momo roon at naupo sa putol na slide.

"Gusto mo bang ayusin?"

"Ay multo!" 

"S-sino ka? Nakikita mo ako?"

Nagatatakang tanong ni Momo sa kaharap. Parang normal na tao naman ito dahil walang dugo o sugat sa katawan.

Pero nang tumingin siya sa ibaba kung saan makikita ang anino ay wala itong nakita.

Napatayo si Momo.

"M-multo ka?"

Tumawa ang kaharap.

"Oo katulad mo!" Nakangisi ito.

Gusto na ni Momong umalis kaso na curious siya at wala naman sigurong masama kung makikipag-usap siya ng saglit, atleast ngayon may nakakausap na siya bukod kina Dave at Rhyi.

"Anong pangalan mo? ay wait baka hindi mo alam." Tanong ni Momo.

"Lian."

"Bakit ka andito? Dito ka ba namatay?"

Ngumisi ang multo at naupo sa swing na puro kalawang na.

"Yes parang gano'n na nga, nagtataka ka siguro kung bakit ako namatay, wala naman akong sugat at dugo ano?"

Tumango na lang siya.

"Hahahahaha!" Nagtataka siyang tumingin sa babae, nagswing ito na pinagtaka niya rin. Nakakahawak ito ng bagay!

"Natatakot ka sa akin tama ako?"

Tumango muli si Momo.

"Well. Lagi naman, lahat nalang takot sa akin kaya hindi na ako magtataka at ang kinamatay ko ay 'lason' hahahaha!"

Napatulala si Momo sa babaeng nakaupo sa swing na nakaharap sa kaniya. Tumigil ito sa pagduyan.

"Nilason ako ng sarili kong baliw na ina."

"B-bakit?"

Ngumiti ito sa kaniya.

"Gustong-gusto kong magkaroon ng ina noon dahil bata pa lang ako wala na akong ina na nakakasama. Kaya noong makita ko siya palagi na akong tumatakas para lang makasama siya. Pero kaya pala ayaw akong palapitin ng ama ko sa kaniya ay baliw ito."

Medyo nakaramdam naman ng awa si Momo.

"Pero alam mo ang masaklap? Nang marealize niyang napatay niya ako, gumaling siya at hindi ko pinagsisihan iyon. Dati sinisisi ko ang sarili ko dahil baka ako ang dahilan kaya siya nabaliw. Kaya nang gumaling, masaya na ako. Hindi niya pinaalis ang park na ito pero hindi na siya kailan dumadalaw pa rito at nag-ibang bansa na. Hindi ko alam bakit  hinayaang manatili ang lugar na ito pero hindi naman niya pinupuntahan."

"Bakit hindi ka makaalis rito? Ayaw mo na bang mamahinga?" Malungkot na sabi ni Momo.

"Iintayin ko siya... Gusto kong itanong kung naaalala niya pa ba ako." Nakangiting sabi ng Multo.

Nawirduhan naman si Momo.

"Maiba tayo, Nagseselos ka 'diba?"

"Ha?"

"Tsk. Multo ako at hindi na tao. Alam ko kung anong nararamdaman mo."

"Ano. Kasi. Paano ko ba sasabihin ito?"

"Easy. We can be friends but not bestfriend. Pwede kang magkwento sa akin! infact mukhang pareho lang tayong nasaktan."

May kahulugan ito.

Napalunok si Momo at nagsimula ng magkwento.










To be continue...

Continuă lectura

O să-ți placă și

119K 2.5K 55
Is LOVE painful, pointless and obnoxious? [COMPLETED]
137K 2.4K 59
A super hot famous celebrity will be engaged to his troublemaker anti-fan? How was that?
1.4K 144 31
He can see, hear, and feel them, but he acts like he doesn't to avoid them. But the day came when everything changed when he laid his eyes on her. He...
838K 10.8K 71
EATON SERIES 1 Copyrights ©LoveParanoia "You'll be the slave of my love Alexa."-Alexander Drace Eaton Highest rank Vampire: Rank #1 Warewolf: Rank #1...