Dito Ka Lang (BxB)

By YDOnodera_

8.8K 436 84

Hindi inaasahan ni Enr ang kanilang paglipat sa panibagong lugar kasama ang kanyang pamilya. Sa kanilang pag... More

Una
Pangalawa
Pangatlo
Pang-apat
Panlima
Pang-anim
Pampito
Pangwalo
Pangsampu
Panlabing-isa
Panlabing-dalawa
Panlabing-tatlo
Panlabing-apat
Panlabing-lima
Panlabing-anim
Panlabing-pito
Panlabing-walo
Panlabing-siyam
Pambente

Pangsiyam

315 19 3
By YDOnodera_

ENR

Halos lupaypay na ang katawan ko matapos ang nakakapagod na araw kaya napahilata na lang ako sa kama. Laman pa rin ng isip ko si Kah dahil sa nakita ko sa My Stories  sa Instagram. Nakasaksak sa tenga ko ang earphones. Hindi na rin kami natuloy ni Kuya na manood ng anime dahil pagod na rin siya sa klase niya. Pinili na lang niyang umidlip muna para makabawi muna ng tulog kahit papaano. Mamaya'y magpupuyat na naman 'yon para tapusin ang mga gabundok niyang assignments na nakahanda na sa study table niya.

Pinapakinggan ko ang Kung 'Di Rin Lang Ikaw ng December Avenue at Moira dela Torre na nasa playlist ko. Iyon ang theme song ng estado ng puso kong nasawi dahil sa pagbitaw ni Kah sa relasyon namin. Habang pinagmamasdan ko  ang mga larawan naming dalawa sa gallery ng phone ko no'ng first monthsary namin, napapa-isip ako na kahit ano yata'ng gawin ko para pagsisihan niya ang pag-iwan sa 'kin ay wala talagang mangyayari. 'Sabi nga sa kanta, "kung hindi ikaw ay hindi na lang pipilitin pang umasa pa sa ating dalawa..."  Parang ako lang, na gusto kong pilitin  ang sarili ko na siya lang talaga ang laman ng puso ko. Kahit sino pa ang magtangkang mahalin ako, ay iignorahin ko.

Sinubukan kong lakasan ang loob na i-chat si Kah sa IG para kumustahin siya. Nanginginig ang mga daliri ko sa pag-titipa sa keyboard ng phone habang kino-compose ang pambungad kong mensahe para sa kanya. Marami akong gustong sabihin sa kanya, pero binubura ko at nagi-isip pa kung ano ba talaga ang tamang sasabihin para lang mapansin niya, at hanggang sa isang salita lang ang ang nasabi ko sa kanya.

Kumakabog ang dibdib ko habang papindot sa send button. Hi, pambungad na mensahe ko nang maipadala ko na sa kanya'yon.

Iyon na lang ang nakaya kong sabihin sa kanya. Ni-lock ko ang cellphone ko, at umaasa at naghihintay ng sagot siya pabalik. Limang minuto ang nakalipas, di na nag-vibrate na magsisimbulo na wala akong natatanggap na mensahe mula sa kaya, pero tinignan ko pa rin ang inbox ko, at nakita ko na sineen niya lang ito.

Ipinatong ko ang cellphone ko sa bedside table at lumabas ng kwarto. Tumungo ako sa dalampasigan para palamigin ko ang sarili ko sa mga nangyayari sa 'kin. Parang nagalit ang pagkakataon sa 'kin sa hindi ko alam na dahilan, at tinatanong ko sa sarili ko kung bakit nangyari ang pagkawala niya sa buhay ko. Nagmahal lang ako at wala naman akong ginawang ikasasama ng relasyon namin at ginawa ko naman lahat para maging matibay ang pagsasamahan namin, pero   bumitaw pa rin siya sa huli. Ang bigat pa rin sa puso kahit pinipilit ko na sanayin ang sarili ko na wala na siya at ako na lang mag-isa ang bubuo sa sarili ko.

Kinuyom ko ang aking mga kamay sa sobrang panggigigil. "Ang unfair naman ng tadhana, hinayaan niyo lang na bumitaw siya sa 'kin," bulalas ko habang nakatingin sa madilim na langit. Pinikit ko ang aking mga mata, at tumatangis ang mga luha. "Bakit kailangan pang humantong sa ganito? Ginawa ko naman lahat para sumaya siya sa piling ko, pero iiwanan niya lang ako," dagdag ko.

Patuloy kong pang ibinulyaw ang iba ko pang  saloobin sa mundo na matagal ko nang gustong ilabas. Para akong nakikipagtalo sa ingay at lakas ng hampas ng alon sa sobrang lakas ng pag-sigaw ng mga hinanakit ko. Pinilit kong magtimpi ng ilang buwan simula noong nawala si Kah sa buhay ko. Marami akong gustong itanong sa sarili ko kung ano ba ang mali at hindi niya kayang pandigan ako kahit malayo ako sa kanya. 'Sabi nga nila, kung mahal niyo ang isa't isa kahit malayo man ang isa sa inyo, gagawa at gagawa  ng paraan para makapag-usap kayo sa kahit anong paraan. Ako na ata ang pinaka-malas na tao sa mundong 'to, dahil ang taong mahal ko ay hindi ako kayang panindigan kahit malayo ako sa kanya. 

May narinig akong boses ng isang lalaki na napakapamilyar sa 'kin. Napalingot ako sa likuran ko, at nakita ko 'y may isang lalaking na hirap mamukhaan dahil sa madilim ang paligid na patungo sa pwesto ko.  Habang papalapit siya nang papalapit, unti-unti kong naaaninag ko ang mukha hanggang makita ko na -- walang iba kundi si Igo lang pala.

Napansin ko na may kinukuha siyang sa kanyang bulsa. "Heto Enr, para naman may punasan mo 'yang luha mo." Alok nito habang ini-aabot ang panyo sa kanya.

Kinuha ko ito at agad pinunasan ang luhang tumutulo sa mata. "Gusto ko na atang sumuko, Igo. Pagod na pagod na 'kong umasa na bumalik siya."

"Kung pagod ka na rin maman umasa, pwede mo naman itigil na," tugon niya. Hinagod-hagod niya ang likod ko. "

"Pero..." napatigil ako saglit nang napasinghap ako sa kakahagulgol. "Ang hirap bumitaw kapag nakasanayan mo nang nandyan siya palagi," pakli ko habang naghahabol ng hininga.

Nang masabi ko 'yon, humagulgol ako  at napayakap kay Igo nang mahigpit. Wala akong mapagsandalan sa iniindang kirot sa puso ko kung wala siya. Buti na lang, may taong mapaglalabasan ako ng sentimyento ko sa buhay.

"Kung hindi mo susubukang bumitaw, hindi mo makikita ang mga iba pang mga bagay na posibleng magpapasaya sa 'yo," seryosong payo niya habang hinahagod niya ang likod ko.

"Natatakot ako at baka hindi na 'ko makakita ng katulad niya," ani ko habang humahagulgol pa rin sa kanyang bisig.

"Naiintindihan kita, Enr. Pero, wala namang mawawala kung hindi mo susubukan," tugon niya.

Unti-unti kong prinoproseso sa utak ko ang payo niyang iyon. Parang ang hirap kasing bitawan ang mga alaala ng nakaraan namin ni Kah. Tumunog ang sentido ko sa sinabi niyang 'yon, it makes sense now.

Nang nakatahan na 'ko, kumalas ako sa pagkakayakap kay Igo. Lumibot kami sa dalampasigan para mahimasmasan

"I will try. Pero can you help me again with this?" pakiusap ko sa kanya.

"Oo naman. Basta, tulungan mo rin ang sarili mo na maka-move on na sa kanya simula ngayon,"

"P-pero.." naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.

"Walang pero-pero. Kung gusto mo siya talagang maka-move on, gagawin mo talaga kahit ano'ng mangyari," diin na sabat ni Igo.

Napa-buntong hininga ako. "Sige na nga, I'll try." maikling tugon ko.

Nang matapos ang usapan tungkol kay Kah, napag-isipan naming maglakad-lakad dahil wala naman kaming pasok kinabukasan. Nabanggit ni Igo ang tungkol kay Blue -- ang ex bf at kababata niyang namayapa na mga dalawang taon na rin ang nakalilipas, dahil nahulog ang kanilang sinasakyan sa bangin. 

Na-kwento niya ang lahat tungkol sa kanila hanggang sa mamatay ito. Nahirapan siyang tanggapin sa una, pero unti-unti niya na rin niyang tinanggap at nakapag-move on dahil napagtanto niya na hindi naman magiging masaya ang taong mahal niya kung makikita siyang malungkot, at natutunan niyang i-enjoy ang buhay ng hindi kasama si Blue.  Hindi naman daw ibig sabihin ng naka-move on na siya'y kinalimutan na ito, parte na lang siya ng alaala ng nakaraan.

"Kung nakaya kong maka-move on, makakaya mo rin," payo niya. "Malalaman mo na lang na naka-move on ka na kapag nagising ka na na-ibsan na ang sugat na dinulot ng pag-iwan niya sa 'yo, at pag natanggap mo na talaga nang tuluyan na hindi talaga kayo sa isa' t isa," patuloy pa nito.

"Sa bagay..." usal ko.  Inakbayan ko siya't tinapik ang kanyang balikat. "Hanga ako sa 'yo at naka-get over ka kay Blue," dagdag ko.

Ngumiti siya. "Gano'n talaga, kailangan mag-move forward para malaman ko kung ano pa ang posibleng mangyari kung wala siya," aniya.

"Ang deep mo diyan!" Sabay palakpak. sa kanya. "Sa totoo lang, nakaka-proud ka, " papuri ko kay Igo.

"Ano'ng nakaka-proud doon?" tanong niya.

"Na kinaya mong ang lahat para maka-move forward ka sa buhay despite of heartbreaking moment na nangyari sa 'yo," sinseradong sagot ko sa  kanya.

Ginulo niya ang buhok ko. "Sus! Tara na nga, uwi na nga tayo at baka mag-iyakan na naman tayo dito," paanyaya nito.

Pagkatapos ng usapan naming 'yon sa dalampasigan, umuwi na kami agad aming mga bahay, dahil nakakapagod din palang iiyak ang mga saloobing mahirap ilabas na tinatago-tago ko na hindi ko kayang pag-usapan.

Pagkauwi ko, tinignan ko ang aking cellphone at may natanggap akong mensahe mula kay Kah sa IG.

Huwag mo na akong pansinin pa, tapos na tayo at hindi na natin kailangang mag-usap pa, at masaya na 'ko sa bago ko , sabi ni Kah sa mensahe niya.

Nakaka-kirot sa puso nang mabasa ko 'yon. Tama nga si Igo, kailangan ko na talagang bumitaw sa pag-asang babalik pa siya, at ako lang din ang mahihirapan kung aasa pa rin akong maibabalik pa ang dati naming pagmamahalan. Siya naman rin ang unang bumitaw kaya'y uunti-untiin ko ang pagkalas ko sa alaalang binuo naming dalawa na nagkukulong sa 'kin at baka kainin lang ako ng kalungkutan kung ipagpapatuloy ko pang mahalin siya.  Kakayanin ko kahit mahirap at mabigat sa kalooban ko, at papatunayan ko na hindi lang siya ang taong kayang magparamdam ng pagmamahal na pinaramdam niya sa akin ng dalawang taon.

Continue Reading

You'll Also Like

62.8K 2.7K 30
[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys IV~ Sa paglipas ng panahon nasubok ang pagmamahalan nila Luke at Arwin, pero sa bawat pagsubok na dumating ay nagawa nilang...
34.7K 1.5K 33
Sikat si Calvin sa boung Hanbin University dahil sa pag member ito ng swimming team ngunit siya ay binansagang "King of Ice" Dahil sa kabila ng pagig...
4.6K 261 62
MWAM, Major With A Mileage. Famous World-International Teen Band, nagdisband na parang kidlat sa bilis sa isang international Talk Show. Dominic For...
21.9K 195 2
I'M NOT GAY!!! (ONGOING/UNDER REVISION) BY: PLASTICKYUKI Si Kitsume (Kit/Kwatro) Manalo ay isang graduating senior high school student. Siya ang...