Legend of Divine God [Vol 1:...

Από GinoongOso

552K 32.1K 1.6K

Nang makapasok si Finn Doria sa Sacred Dragon Institute, ang tanging gusto niya lang ay malaman ang katotohan... Περισσότερα

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XL
NOTE

Chapter XXXIX

11.8K 740 67
Από GinoongOso

Chapter XXXIX: Admitting Defeat

PLOP!

Napuno nang katahimikan ang buong paligid, tanging ang mga pinapakawalang atake nalang nina Ashe at Ezekias ang maririnig sa buong lugar na 'yon. Lahat ng manonood ay halos lumapat na ang panga sa sahig habang nagpapalit-palit ng tingin kay Finn at Roy.

"Sinipa niya palabas ng entablado si Roy Lilytel..."

"Paanong...nakawala si Finn ng ganoon kadali sa isa sa pinakamalakas at pinakasikat na skill ng Wind Lightning Family..."

"Nananaginip ba ako..."

Halos lahat ay hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan ng kanilang mga mata, o hindi talaga nila gustong paniwalaan ang kanilang nakita. Kahit na hindi naging maganda ang labang iyon, isa pa rin iyong laban sa pagitan ng 9th Level Gold Rank at 2nd Level Scarlet Gold Rank at ang antas nila ay magkalayong-magkalayo. Pero sa huli, si Finn na isang 9th Level Gold Rank ang nagwagi at nagawa niya ito sa isang atake lang.

Nagkatinginan ang mga Elders sa isa't isa.

"Ah..."

Isang Elder ang gustong magsalita ngunit hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Sa huli, hindi na lang siya nagsalita at nanatiling tahimik na lamang.

"Hindi imposibleng makawala si Finn Doria sa pagkakagapos niya sa Lightning Chain ni Roy Lilytel. Iyon ay dahil masyadong napagod si Roy Lilytel sa mga atakeng pinakawalan niya. Ngunit, ang ipinagtataka ko lang ay kung paanong nagawa ito ni Finn ng hindi gumagamit ng soulforce?" wika ni Elder Marcus.

Walang sinuman ang nagsalita sa mga Elders bagkus, lahat sila ay muling malalim na nag-isip.

Naramdaman naman nina Ashe at Ezekias na biglang naging tahimik ang paligid kaya naman huminto rin sila sa kanilang mainit na paglalaban.

"Mn?" nalilitong tiningnan ni Ashe at Ezekias ang mga manonood at nang makita nilang dalawa ang tinititigan ng mga ito, agad rin nila itong tiningnan.

Gumuhit ang gulat at pagtataka sa kanilang mukha ng makita ang pilit na tumatayong si Roy Lilytel mula sa labas ng entablado.

'Natalo ni Finn Doria si Roy Lilytel? Paano?' nagtatakang tanong ni Ashe sa kaniyang isipan.

Habang nagtataka naman ang dalawa, ang mga miyembro ng Wind Lightning Family, kabilang si Lore Lilytel ay may hindi maipintang mukha. Sino ba namang matutuwa kung muli na namang matatalo ang iyong kapwa miyembro? At higit sa isa lang itong mahinang 9th Level Gold Rank!

Sa pangalawang entablado naman, patuloy pa ring nakatingin si Finn kay Roy.

"Finn Doria! Hindi pa tayo tapos!" sigaw ni Roy Lilytel.

Hinawakan niya ang kaniyang interspatial ring at agad na lumitaw ang isang pilak na siba. Pinadaloy ni Roy Lilytel ang kaniyang soulforce patungo sa kaniyang sibat at agad itong nabalutan ng nagngangalit na kuryente.

Tumalon si Roy Lilytel papasok sa entablado at gamit ang kaniyang pilak na sibat, sinugod niya si Finn at pinuntirya ang leeg nito.

"Finn Doria! Katapusan mo na!"

Bago pa man umabot ang talim ng sibat sa leeg ni Finn, isang kamay ng babae ang pumigil sa katawan ng sibat na siya ring nagpahinto sa inilalabas nitong malakas n enerhiya.

"Roy Lilytel! Hindi ka sumunod sa patakaran ng kompetisyong ito! Nahulog kana sa entablado kaya naman malinaw na ng iyong pagkatalo!" sigaw ng babaeng Elder.

"Pe..ro Punishment Hall Elder, naging pabaya lang po ako! Hayaan niyo po akong labanan siya... Isa pa, hindi ko pa po nagagamit ang aking Armament noong naglalaban kami!" nauutal na wika ni Roy Lilytel.

"Ang bagay na iyon ay kasalanan mo kaya naman wala kang puwedeng sisihin kung hindi ang iyong sarili lamang. At dahil nilabag mo ang isang patakaran ng kompetisyong ito, umalis ka sa entabladong ito at tinatanggalan kana namin ng karapatan upang lumaban sa susunod pang laban. Hintayin mo ring matapos ang kompetisyong ito dahil dadalhin kita sa Punishment Hall upang ikaw ay bigyan ng karampatang parusa sa iyong paglabag sa patakaran." galit na wika ni Punishment Hall Elder.

"Ah..." bigla namang pinagpawisan si Roy ng malamig at nakaramdam din siya ng paninigas ng katawan.

Kanina lang ay nawala lang siya sa kaniyang sarili at nadala lang siya ng bugso ng kaniyang damdamin. Namutla siya nang malamang hindi siya makakalahok sa susunod na labanan at hindi lang 'yon, mapaparusahan pa siya.

Nang mawawalan na sana siya ng pag-asa, isang hindi inaasahang binatilyo ang nagsalita para sa kaniya.

"Magandang araw Punishment Hall Elder." bahagyang yumuko si Finn sa Babaeng Elder. Ngumiti ito sa Elder at muling nagwika, "Huwag niyo po sanang tanggalan ng karapatan si Roy Lilytel na lumahok sa susunod na laban. Totoong may nilabag siyang patakaran ngunit sa tingin ko ay nagawa niya lang 'yon dahil sa bugso ng kaniyang damdamin. Isa pa, ipagpaumanhin ninyo ngunit ang akala niya siguro ay patuloy pa rin ang laban dahil hindi siya nakarinig ng anunsiyo mula sa pamunuan ng Cloud Soaring Sect kung sinong nanalo sa laban naming dalawa."

Lahat ay nagulat sa ugaling ipinakita ni Finn Doria. Hindi nila inaasahang ang binatilyong ito pa ang magtatanggol at magsasalita para kay Roy Lilytel.

Kahit ang mga Elders ay nagulat sa sinabi ni Finn Doria. Hindi nila na-ianunsyo ang nanalo sapagkat masyado silang nagulat sa kinatapusan ng paglalaban nina Finn Doria at Roy Lilytel.

Tumingin si Roy Lilytel sa binatilyo. Ang kaniyang mga mata ay punong-puno ng emosyon. Ipinapakita ng kaniyang mga mata ang sobrang pasasalamat sa ginagawa ng binatilyo para sa kaniya, kahit na wala siyang ginawa kung hindi maliitin at inisin ang binatilyo.

Binitawan naman ng babaeng Elder ang sibat ni Roy Lilytel at taimtim na tumitig kay Finn Doria, "Mn. Tama ka, mayroon din kaming pagkakamali sa bagay na ito. Ngunit muntik kana niyang mapatay. Hindi mo ba gustong maparusahan siya?"

Umiling naman si Finn Doria at tumitig sa mata ng babaeng Elder. Numiti siya at magalang na nagwika, "Hindi niya ako mapapatay dahil alam kong hindi niyo hahayaan na mayroong mamatay sa kompetisyong ito. Isa pa, kapwa kami miyembro ng Cloud Soaring Sect at wala akong maisip na dahilan para hingiin na maparusahan siya."

Bumuntong hininga naman ang babaeng Elder at tumingin na lamang sa puwesto ng pamunuan ng Cloud Soaring Sect. Nang makita nitong tumango si Sect Master Noah, muli niyang ibinaling ang kaniyang atensyon kay Finn at nakangiting nagwika, "Dahil sa pangyayaring ito, humahanga na ako sa pag-uugaling mayroon ka Finn Doria."

Matapos itong sabihin ng babaeng Elder, ibinaling naman nito ang kaniyang paningin sa kinakabahang Roy Lilytel, "Dahil hinayaan na ito ng pamunuan ng Cloud Soaring Sect at ang iyong katunggali na rin ang nakiusap upang ikaw ay magpatuloy, hindi ka na namin paparusahan. Pero binabalaan kita Roy Lilytel, sa susunod na gawin mo ito ay siguradong diretso kana sa Punishment Hall, maliwanag ba?!"

Hindi naman mapigilang maging masaya ni Roy Lilytel sa mga salitang sinabi ng babaeng Elder at malalim siyang yumuko at malakas na nagwika, "Maliwanag po Elder! Maraming salamat po sa inyong awa."

"Mn. Huwag ako ang pasalamatan mo, kung hindi dahil sa pakiusap ni Finn, marahil ay hindi magdedesisyon ang pamunuan ng Cloud Soaring Sect na hayaan ka pang magpatuloy sa laban." seryosong wika ng babaeng Elder.

Agad na yumuko si Roy Lilytel sa direksyon ni Finn at magalang na nagwika, "Maraming salamat Finn Doria. Hindi ko makakalimutan ang pabor na ito, sa hinaharap ay sinisigurado kong mababayaran din kita."

Matapos niyang sabihin ito ay agad siyang tumayo ng tuwid at muling ipinasok sa loob ng kaniyang interspatial ring ang kaniyang pilak na sibat. Muli siyang bahagyang yumuko sa dalawa at tumalikod na upang umalis na sa entablado.

"Dahil nahulog si Roy Lilytel sa entablado, si Finn Doria ang nanalo sa labang ito. Pasok na siya sa susunod na laban!" anunsyo ng babaeng Elder.

Mayroong ilang pumalakpak hanggang sa dumami ito ng dumami.

"Finn Doria!"

"Finn Doria!"

"Finn Doria!"

"Simula ngayon, isa na si Finn Doria sa iniidolo ko, hindi lang siya malakas, mabuti pa siyang tao!"

--

Bumaba na rin si Finn Doria matapos ianunsyo ang nanalo sa naganap na laban.

"Dahil hindi na kayang lumaban pa ni Ezekias Sieve, si Ashe Vermillion ang nanalo at pasok na siya sa susunod na labanan!" anunsyo ni Elder Marcus.

Dahil dito, lahat ay napatingin sa unang entablado at nakita lang nila ang isang nakahandusay na binatilyo na nakahawak pa rin sa kaniyang espada. Puno ng galos at sugat ang buong katawan nito.

Sa 'di kalayuan naman ay mapapansin rin ang sugatang pigura ng babaeng may mapulang buhok. Mahigpit nitong hawak ang kaniyang nag-aapoy na espada. Lumingon ito at tumingin kay Finn.

Hindi naman ito pinansin ni Finn at agad siyang nagtungo sa lugar ni Leo at napansin niyang malalim itong nag-iisip kaya naman hindi niya mapigilang tanungin ito, "Ayos ka lang ba Leo?"

"Ah...Oo, Oo. Binabati kita sa iyong pagkapanalo Finn." pilit ngiting wika naman ni Leo.

Nang mapansing hindi siya binigyang pansin ni Finn Doria, muli na namang nakaramdam ng inis si Ashe Vermillion. Ipinasok niya ang kaniyang Armament sa loob ng kaniyang interspatial ring at mayroon ding kinuhang pill dito. Kinain niya ito at agad na bumaba sa entablado.

"Unang entablado, Lan Vermillion laban kay Yasue Silver!"

"Pangalawang entablado, Lore Lilytel laban kay Leo Reeve!" anunsyo ni Elder Marcus mula sa puwesto ng pamunuan ng Cloud Soaring Sect.

Nang marinig ni Finn Doria ang anunsyong ito, doon niya lang napagtanto kung bakit wala sa sarili at malalim na nag-iisip si Leo Reeve.

Iyon ay dahil ang katunggali niya ay ang pinakamalakas na core member, si Lore Lilytel!

Umakyat na ang dalawa sa entablado at agad na naglabas ng kani-kanilang Armament.

Nang makita at maramdaman nila ang aurang inilalabas ng armament ni Leo, gulat at hindi makapaniwalang ekspresyon ang gumuhit sa kanilang mga mukha.

"Isa 'yong Top-Tier Rare Armament! Paanong nagkaroon siya noon? Nagmula lang siya sa isang Aristocrat Clan at ang ganitong kalidad ng armament ay kakaunti lang sa kanilang angkan, tama?"

"Ewan ko. Pero kahit na isang Rare Armament ang gamit niya, siguradong matatalo siya."

Marami ang nakaramdam ng inggit habang pinagmamasdan nila si Leo Reeve at ang kaniyang Top-tier Rare Armament. Pero kung malalaman nilang nanggaling ito kay Finn, siguradong magugulat sila ng sobra-sobra. Isa ito sa ibinigay ni Finn kay First Elder Caesar Reeve bago tuluyang umalis sa Azure Wood Family. Ipinadala naman ito ni Family Head Augustus kay Leo Reeve upang magamit niya.

Ilang minuto ang lumipas mula ng maglaban si Leo Reeve at Lore Lilytel ngunit agad ring inanunsyo kung sinong nanalo.

"Dahil hindi na kayang lumaban pa ni Leo Reeve, si Lore Lilytel ang nanalo at pasok na siya sa susunod na laban!"

Hindi na nagulat ang lahat ng marinig ang anunsyo ni Elder Marcus. Si Lore Lilytel ay isang 5th Level Scarlet Gold Rank at mayroon din siyang Top-tier Armament.

Hirap na tumayo si Leo sa pagkakahiga at hinawakan niya ang kaniyang interspatial ring, agad na lumitaw sa kaniyang palad ang isang pill at agad niya itong kinain. Unti-unti ay bumuti na ang kaniyang lagay kaya naman agad niyang nilisan ang pangalawang entablado at mabilis na tumungo sa lokasyon ni Finn.

"Hindi man lang ako tumagal ng kalahating oras..." mahinang wika ni Leo.

Ngumiti naman si Finn kay Leo at tinapik ang balikat nito, "Mas malakas siya sa'yo kaya naman madali ka niyang natalo. Bumawi ka nalang sa susunod na laban."

Hindi na sumagot si Leo at tumungo nalang bilang tugon. Magkatabi nilang pinanood ang nagaganap na laban hanggang sa magtapos ito at ianunsyo ang mga nakakuha ng unang panalo.

"Finn Doria, Ashe Vermillion, Lore Lilytel, Lan Vermillion, Kiel Lilytel, Zeno Sieve at Carine Pier. Binabati ko kayo sa pagwawagi niyo sa unang laban. Ngayon, lumapit kayo sa akin upang muling bumunot ng numero. Mayroong isa sa inyo ang makakabunot ng blangko at ang ibig sabihin lang nito ay makakalaban nito si Ezekias Sieve." wika ni Elder Marcus.

Agad namang lumapit sina Finn Doria kay Elder Marcus at kumuha ng kaniya-kaniyang numero.

Tiningnan ni Finn kung anong numero ang kaniyang nabunot at nagulat siya ng malamang ang numero na kaniyang nabunot ay numero uno ulit.

Tiningnan niya ang numerong nabunot ng iba at nakita niya ang numero ni Ashe na talagang itinaas pa nito nang pagkataas-taas habang nakangiti kay Finn Doria.

'Malas!' sa isip ni Finn.

Nasabi niya lang naman ito sa kaniyang isipan dahil pareho sila ng numero ni Ashe. Sa totoo lang, hindi naman natatakot si Finn kay Ashe, ayaw niya lang talagang kalabanin ito dahil iniisip niyang may sira sa ulo ang babaeng ito.

"Vios Vermillion, Roy Lilytel, Leo Reeve, Juvia Wasser, Claus Thunor at Yasue Silver. Mayroon na kayong isang talo kaya naman kailangan niyong manalo sa pagkakataong ito. Lumapit din kayo sa akin upang bumunot ng inyong numero."

--

Matapos makabunot ng numero ng lahat, agad namang inanunsyo na ni Elder Marcus ang mga maglalaban, "Unang entablado, Finn Doria laban kay Ashe Vermillion!"

"Pangalawang entablado, Lore Lilytel laban kay Carine Pier!"

Matapos ianunsyo ni Elder Marcus ang maglalaban mabilis na nagtungo si Ashe Vermillion sa unang entablado at tumingin kay Finn Doria.

Tumingin naman si Finn kay Elder Marcus at magalang na nagwika, "Elder Marcus... Hindi ko kayang talunin si Ashe Vermillion kaya naman sumusuko na ako sa labang ito."

--

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

119K 4.1K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
285K 39.6K 42
Pagkatapos ng isang taong pagsasanay sa Spring of Dreams, sa wakas ay nagbalik na si Finn sa Dark Continent upang maghiganti kay Puppet King Hugo at...
468K 92.1K 102
Armado ng mahahalagang impormasyon at bagay na makatutulong sa kanilang paglalakbay, ipinagpapatuloy ni Finn at ng buong New Order ang kanilang pakik...
142K 2.3K 29
(completed) Si Shiela ay may nakilalang lolo sa pinagvovolunteeran niyang charity program nagging mabait, siya ditto dahil sa pakikitungo nito sa ka...