Always Be His Baby (COMPLETED)

By AtingPotangting

96.1K 1.9K 97

Book 2 na po ito ng 'ALWAYS BE MY BABY' So basahin po muna ang book 1 para maintindihan ang storyang ito. #Ai... More

Always Be His Baby
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Author's Note

Chapter 30

1.3K 39 0
By AtingPotangting

Jozh POV

"Anaaaaaakkkk!!!!" Sigaw ni mama ng mapagbuksan kami ng pinto.

Lumapit ako sa kanya para yakapin siya. Naglakad din siya papalapit kaya lang ay lumagpas ang yakap niya sakin. Paglingon ko ay nakayakap na siya kay Empire. Parang miss na miss niya talaga ha. Eh ako yung anak niya. Tsk!

"Ma nandito ako"

Pinakita ko pa ang kamay ko na naglalahad para mayakap ko siya.

"Sabi ko naman sayo bunsoy eh, maiiuwi mo sa bahay si Sa-sa" Niyakap niya rin ako at hinalik-halikan sa buong mukha na para bang isa akong bata.

"Ma naman!! And as far as i can remember ay hindi mo ako sinabihan, sinigawan mo ako diba?"

"Ahahaha si bunsoy nagtatampo na naman"

Bunsoy again!

"Lucy papasukin mo na ang mga panauhin natin"

Lumabas din si papa kaya napayakap ako. Si Empire naman ay nagmano.

"Magandang gabi po tito" magalang niyang bigkas.

"Magandang gabi din Sa-sa"

"Pasok na kayo. Tamang-tama dahil maghahapunan na kami. May gusto ba kayong kainin? Ipagluluto ko kayo" tanong ni mama habang nakatingin saming dalawa.

"Naku! Wag na po tita. Nakakahiya nga po kasi wala kaming dalang pasalubong"

"Haay naku!! Nakakatampo naman" buntong-hininga pa ni mama.

"Si mama talaga oh. Ang laki-laki niyo na tapos gusto niyo pa ng pasalubong? Ano ba kasing gusto niyo?" saway ko.

"Apo" diretsahang wika ni mama.

"P-po?" Nauutal na untag ni Empire.

"Bigyan niyo kami ng apo. Matagal na naming hinihintay yun"

"Pero Mama, may apo na po kayo kay ate"

"Pero wala pa mula sayo. Haay naku jozh! Kailan mo kami bibigyan ng apo? Yung uugod-ugod na kami at hindi na kami makaalaga sa anak mo? Mabuti na itong maaga para mas lubusan nilang makilala ang mga lolo't lala nila. At hindi narin kayo bumabata, ilang taon na kaya kayo"

Nagsisimula na naman po siya sa kanyang mahabang speech. Ilang taon niya bang pinaghandaan 'to? Tapos bigla pa siyang lumapit kay Empire at hinarap ito.

"Sa-sa ikaw rin ang mahihirapan sa pagbubuntis mo kapag matanda ka nang magdadalang tao"

Tikom ang bibig ni empire at parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ni mama. Panay din ang pagkurap ng mata niya at paglunok.

"Kanina lang kayo umuwi dito sa probinsya?" Thanks god! Biglang nagsalita si papa.

"K-kahapon pa po tito"

"Kahapon pa? Saan kayo tumuloy?"

"Kina Empire. Doon ako natulog" sambit ko.

"Doon ka natulog? So may nangyari na ba?"

Hindi kami nakapagsalita ni Empire sa tanong ni mama. Aish! Ganito ba ka disperada si mama para magkaroon na ng apo mula sakin? Nakakahiya sa baby ko.

"Lucy wag mong ganyanin ang mga bata. Nahihiya pa silang aminin yan"

Akala ko ipagtatanggol kami ni papa, yun pala ay mas nilaglag pa. Aish!Siguro pulang-pula na ang mga mukha namin sa kahihiyan. At ang mga magulang ko ay nakikitaan ko pa ng pagkagiliw sa pang-iinis samin. Nagkatinginan kami ni Empire at napakagat-labi siya.

Pakagat din ako!

Aish! Nagiging bastos na rin yata ako. May pinagmanahan talaga! Hindi na kami kumibo pa at sumunod nalang sa kanila sa hapagkainan. Wala din namang pinagbago ang bahay namin, ganun pa rin. Kulang lang yung mga batang nagtatakbuhan noon, ako at si ate. Hahaha kahit masungit yun ay makulit pa rin naman iyon.

"Kamusta ka na Sa-sa? Anong pinagkakaabalahan mo ngayon? Atsaka ba't hindi ka na dumadayo dito sa lugar natin noong mga nakaraang araw?"

"Ma, dahan-dahan lang naman sa pagtanong"

"Hahaha namiss ko lang kasi ang nobya mo bunsoy"

"Teka nagkakamali po—"

Kaagad kong hinawakan ang kamay ni Empire para putulin ang sasabihin niya at hinarap si mama. Nakita ko rin na napatingin sila mama at papa pati na rin sa Empire sa nakahawak kong kamay sa kanya.

"Oo nga po mama eh. Busy kasi itong girlfriend ko" Naramdaman ko pa ang pagkurot niya sa kamay ko. Alam kong nagtataka siya pero hindi ko na siya hinarap pa.

Sorry baby, baka sipain tayo palabas ni mama kapag nalaman niyang hindi pa tayo nagkabalikan.

"Ganun ba? Sa sususnod dalasan niyo na ang pagdalaw sa amin ha, ayos lang ba yun sayo Sa-sa?"

"O-opo"

"At mabuti na rin itong nagkabalikan kayo. Kailan niyo ba balak magpakasal?"

"P-po?" Talagang nauutal na si Empire sa mga tanong ni mama.

Baby, baka naman mabuko tayo niyan.

"Hahaha Kailan niyo po ba gusto mama?"

"Ba't ako ang tinatanong niyo niyan? Eh kayo naman ang ikakasal. Basta gusto ko malapit na para magkaroon na ako ng apo"

Tsk! Disperada na talaga si mama magkaroon ng apo mula sakin. Baby, ano na?

Parang tood naman si Empire at hindi na gumagalaw, hindi narin siya kumikibo. Affected much baby? Wag kang mag-alala totohanin din naman natin 'to eh.

"Sige na kumain pa kayo. Bunsoy, tulungan mo si Sa-sa sa pagkain"

Napatingin naman ako sa plato ni Empire na konti lang ang laman na pagkain. Lumapit ako sa kanya para bumulong kaya lang umusog din siya na mukhang nagulat pa. Nagsimula na din siyang sumubo.

"Ang konti ng pagkain mo. You want something?"

"N-no it's okay" tipid niyang sagot.



Pagkatapos kumain ay nagyaya pa si mama na lumabas daw kami pero ako na mismo ang umayaw para makapagpahinga na rin. Mukha kasing ilag pa sakin si Empire. Siguro sa mga sinabi ko kanina. I think I have to explain.

"Sige po tita, aalis na po ako"

"Uuwi ka pa iha?"

"Opo tita malapit lang din naman po kasi dito ang bahay namin"

"Naku wag na Sa-sa. Baka mapano ka pa sa daan"

"Wag po kayong mag-alala tita. Dala naman po namin ang kotse ng kuya ko. Atsaka mababait din naman po ang tao dito sa'tin"

"Ayaw mo ba talagang matulog dito sa bahay?" Nagtatampong tanong pa ni mama.

"Hindi po sa ganun. Kaya lang baka magtampo din po si lola na hindi ako natulog doon sa bahay"

"Haaay naku! Wag mo nang alalahanin si lola Minda. Maiintindihan din naman niya. Namiss kaya kita kaya dito ka nalang matulog. Magiging masaya ang nobyo mo, diba bunsoy?"

"Ahmm!! Pagbigyan mo na si mama, baby"

Napabuntong-hininga nalang si Empire na at mukhang galit na talaga sakin. Tumango lang din naman siya pero ang mga mata niya ay nakadiretsa sakin. Patay ako nito!

Pag-akyat namin sa taas ay sumama pa si mama. Balak ko kasing doon patulugin si Empire sa kwarto noon ni ate Reign. Katabi lang din naman kasi sa kwarto ko.

"Oops! Bakit mo bubuksan yan bunsoy?"

"Dito ko po kasi patutulugin si Empire ma"

"Maalikabok yan at ang gulo pa ng kwarto niya. Sige na, sa kwarto mo nalang kayo matulog"

Pinagtulakan pa kami ni mama hanggang sa marating namin ako kwarto ko at si mama na mismo ang bumukas para samin.

"Diyan na kayo matulog dalawa para magkaroon na kaagad ako ng apo"

"Ma!!" Pagbabanta ko sa kanya dahil nakakahiya kay Empire ang sinabi niya.

"Asus! Alam kong hindi pa kayo kasal so mag warm up muna kayo hahaha"

Sinarado na niya ang pinto at napalingon ako kay Empire. Ahmm! Awkward!







~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Anong mangyayari? Anong mangyayariiiiii?????? Hahahahaha

If you like this chapter please consider giving it a vote 😘

Continue Reading

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
228K 7.2K 54
[RedDragon Series #3] "People say me bad but trust me i am the worst" -Chloe Jane Scott -Damon Bruce Cortton
245K 1.3K 200
BEST WATTPAD STORIES TO READ PART 1 Here are some English and Filipino stories that you'll surely like ☆Title ☆Author ☆Status ☆Description ❗PART 2 I...
92.6K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...