Chapter 51: Vulgar
Third Person
After masabi ni Laxy kay SS ang lahat ay tila bumalik sa dati ang lahat, tanging si Laxy, Gina (kasambahay) at Hezell pa lamang ang nakakaalam na nakatakas na si SS.
Sinabi na rin iyon ni Laxy kay Sheekk upang hindi na hanapin pa, lumipas ang mga araw, si Sandro at Troy ay patuloy pa rin sa imbestigasyon sa lima pero mas tinututukan nila ang dalawang si Laxy at Wyte.
Sa headquarter kung saan nandodoon sina Ezekiel, Wyte at Charee, ay bigla na lamang may dumating na namiss ng lahat.
"Good afternoon." Napalingon ang tatlo ng marinig ang boses na iyon.
"Whychael?" Patanong na sabi ni Zekiell.
"Oh parang nakakita kayo ng multo ah."
"Hi hindi, teka kailan ka pa nakauwi?" Tanong ni Wyte sa kapatid.
"Kanina lang kuya, hayy nakakapagod nga ang biyahe. Teka Tita pwede po bang dito muna ako magpahinga?" Tanong ni Whychael kay Charee.
"Oo naman walang problema Chael, kamusta ang bakasyon?"
"Tita hindi naman po iyon bakasyon eh. Nga pala kuya tinatanong ni mommy kung kailan ka daw dadalaw sa kanya?"
"Haisst hayaan mo siya, sabihin mo hindi na ako uuwi kahit kailan."
"Kuya naman minsan na nga lamang ang ganito oh."
"Tigilan mo ako Chael, nagtatrabaho pa kami. Tsaka magpahinga ka na, diba pagod ka?"
"Oo nga, sinabi ko nga." Agad ring pumasok si Whychael sa isang kuwarto at humiga sa kama.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
NIU
Si Troy at Sandro ay patuloy pa rin sa imbestigasyon, na hindi nahahalata ni Wyte.
"Sandro, pagmasdan mong mabuti ito." Napatingin si Sandro kay Troy ng ipakita ni Troy ay video footage sa headquarters before madukot si SS.
Ang videong iyon ay ang video kung saan may lalaking nakasuot ng black leather jacket at sumbrelo, pero may bago silang natuklasan.
Isang birthmark sa kanang kamay ng lalaki, kung nakazoom in ang video ay hindi ito mapapansin pero kapag naman nakazoom out pansin ito ng ayos. Ang isa pang napansin nila ay ang butas sa kaliwang tainga ng lalaki.
"Troy sino sa apat na lalaki sa headquarters ang may butas ang kaliwang tainga? At sino ang may birthmark sa kanang kamay?"
"Si Wyte ang alam ko may butas ang tainga niya sa kaliwang tainga pero nagsara na iyon kaya hindi na siya naghihikaw pa, pero hindi ko napapansin kung may birthmark ba siya sa kamay o wala."
"Teka diba may picture sila ni SS?" Patanong na sabi ni Troy.
"Oo nga pala, wait sandali lang. Hahanapin ko." Habang hinahanap ni Sandro ang picture, si Troy naman ay naghanap din ng litrato ni Wyte.
.
.
.
.
Sa paghahanap nila ng litrato napansin ni Troy ang isang litratong katugma ng lalaking nasa video.
"Si Laxy ba ito?" Tanong ni Troy kay Sandro.
"Patingin nga." Tinitigan niya iyon ng mabuti at hinanap ang kamay at tainga.
Saktong sakto ang hitsura ni Laxy sa hitsura ng dumukot kay SS.
"Troy suntukin mo nga ako."
"Bakit naman?"
"Troy, si si La Laxy. Siya siya nga ang ang suspek."
"Ba bakit siya?"
"Hindi ko rin alam Troy, much better kung kausapin natin siya."
.
.
.
.
.
Third Person
Kinabukasan ay agad ring kinausap nina Troy at Sandro si Laxy about sa ebidensyang nasa sa kanila na ngayon.
"Laxy matanong ko lang, gaano mo na katagal kakilala si SS?" Tanong ni Troy.
"I think this year lang, classmate ko siya before but we're not totally close like today. Why?"
"May birthmark ka pala sa kanang kamay." Sambit ni Sandro.
"Ah oo, gusto niyong makita. Heto oh." Itinaas ni Laxy ang suot niya long sleeve. Ipinakit niya ang birthmark sa dalawa.
"Naghihikaw ka ba?"
"Ah hikaw, hindi. Sadyang may butas lang ang tainga ko, in born ito."
"Ahhh ganun ba."
"Teka katulad na katulad ko ba ang lalaking dumukot kay Sheeria?" Tanong ni Laxy sa dalawa.
"Ahh hindi naman sa ganoon." Pagdadahilan ni Troy.
"Oo nga." Pagsang ayon ni Sandro.
"Huwag niyo ng imbestigahan si Laxy." Napalingon sina Sandro at Troy sa likuran kung saan nanggaling ang boses.
"Para kayong nakakita ng multo ah."
Nakanganga lang ang dalawa habang habol tingin sa papalapit na tao.
"SS, i ikaw ba ba yan?"
"Paanong?"
"Ngayong kaharap ko na kayo, pwede na ulit kayong magtanong ng kahit anu."
Sabay upo sa sofa.
"Si Laxy at at i ikaw."
"Oo si Laxy ang dumukot sa akin noong araw na iyon, see may butas ang tainga pero hindi nagsusuot ng hikaw, then may birthmark din siya."
"SS ba bakit?"
"There is something wrong with your investigation."
"What?"
"Something na hindi niyo nakita."
"What do you mean?"
"If hindi ako dinukot ni Laxy patay na siguro ako ngayon, wala na siguro ako sa harap niyo at hindi niyo na ako kausap ngayon." Napakunot lang ng noo ang dalawa.
"Let me clear, mayroong gustong pumatay sa akin. I don't know who is he/she, thanks to Laxy because he save my life." Hindi pa rin nakasagot ang dalawa sa sinabi ni SS.
"Ang nangyaring sunog ay hindi kasama sa plano ko."
"So meaning hindi ikaw ang may dahilan kung bakit nasunog ang headquarter."
"Hindi ko kayang gawin iyon."
"But?"
"Can you please stop it."
"Bakit kinakampihan mo pa siya?"
"Nagsasabi ako ng totoo Sandro!" Sigaw ni Laxy.
"Laxy calm down."
"Kung nagsasabi ka ng totoo, bakit ngayon niyo lang sinabi?"
"Di ba kakasabi ko lang, hindi pa namin kilala ang gustong pumatay sa akin."
.
.
.
.
.
Sheeria's POV
Buti na lamang at napag-usapan namin ni Laxy ang lahat lahat bago pa dumating ng dalawang lalaking ito.
Plano na talaga naming ibulgar ang lahat pero ang hirap magtiwala sa nakapaligid sa amin.
Lumipas ang ilang oras hindi pa rin makapaniwala ng dalawang lalaking kaharap namin.
"How about Wyte?" Tanong ko sa dalawa.
"What?"
Hindi ko na lamang sinagot ang tanong ng lalaking tinatawag ni Laxy na Sandro.
Pero kanina ko pa napapansin yung kasama niya na Troy ang pangalan, kanina pa siya nakatingin sa akin. Teka may dumi ba ako sa mukha? Anu bang meron at kanina pa siya tingin ng tingin?
"May problema ba?" Agad kong tanong sa kanya.
"Ah wa wala po."
"Kanina ka pa tingin ng tingin, may dumi ba ako sa mukha para tingnan palagi?"
"Wa wala po."
"Kung ayaw ninyong maniwala sa amin bahala kayo. Pero uunahan ko na kayo hindi ako ang kalaban dito."
"Naiintindihan namin Laxy pero hindi kami titigil sa pag iimbetiga."
After no'n ay umalis na rin ang dalawang lalaking iyon.
.
.
.
.
Troy's POV
Ang ganda pala niya, ibang iba siya pagdating sa personal keysa sa picture.
"Troy solve na ang paghahanap kay SS."
"Then?"
"Then may bago tayong kaso."
"Sure ka bang gusto mong malaman kung sino ang gustong pumatay kay SS?"
"100% Troy. Teka hindi mo ba natatandaan ang pinag awayan nina Laxy at Wyte noong nakaraang araw. Nabanggit doon ni Wyte na may malaking mamanahin si SS mula sa tunay niyang magulang which is Rick Lopez."
"Then?" Tanong ni Troy.
"Troy alam ko!"
"Huh?" Tanong ni Troy kay Sandro.
"Nabasa ko iyon, teka wait lang hahanapin ko. Sandali ito na." Agad na hinalungkat ni Sandro ang mga papel na nakakalat sa table niya.
"Nasaan na ba iyon? Teka sandali lang, nandito yun eh." Patuloy pa rin sa paghahanap si Sandro sa kanyang hinahanap.
"Sandro bukas na lamang."
"Ito nakita ko na." Agad na lumapit sa akin si Sandro at iniabot ang isang papel.
"Anu ito?"
"Last will and testament ni Rick Lopez, nakasaad diyan ang mamanahin ni SS at Laxy. Ang sabi diyan if may mangyaring masama kay SS ay mapupunta ang mana sa malapit na kaibigan at kamag anak niya."
"So?"
"Troy! Di mo ba nakuha ang sinasabi ko? Kaya may gustong pumatay kay SS ay dahil sa mamanahin niya."
"Teka magkano ba ang makukuha niya?"
"5.1 Million."
"Tama ka nga Sandro malaking pera ang makukuha niya. Teka sino naman?"
"Kaya nga natin iimbestigahan diba."
"Baka si Wyte."
"Hoy Troy huwag ka nga basta basta magbanggit ng pangalan."
"Oh bakit masama ba? Eh totoo naman dahil mukhang guilty siya noong nagsumbatan sila ni Laxy."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sandro's POV
May punto si Troy. Baka nga si Wyte ang nasa likod ng mga ito.
"Uuwi na ako, bukas na lang natin ito ituloy."
Napalingon ako kay Troy ng umalis siya, kanina na namin sinimulan ang pag iimbestiga kay Wyte, pero wala pa kaming makuha sa ngayon.
"Overtime ka ba?" Napalingon ako sa may pinto kung saan may nagsalita.
"Kayo po pala, pasok po."
"Kamusta ang assignment ninyo?"
"Sa ngayon po solve na ang paghahanap kay SS."
"Huh?"
"May bago po kaming project?"
"Mas mahalaga pa ba sa assignment na ibinigay ko sa inyo?"
"Parang ganoon na nga po. It's about the will and testament of Mr. Rick Lopez."
"Anu naman ang kinalaman ng will and testament ni Rick Lopez?"
"Ma'am SS will gonna receive a plenty of money from Mr. Rick Lopez, totoong anak nga ni Rick Lopez si SS."
"Oh anung kinalaman noon sa kasong ibinigay ko sa inyo."
"Si Laxy ang dumukot kay SS."
"What?"
"Yes ma'am, para iligtas si SS sa kapahamakan."
"Ipagpatuloy mo."
"Nakasaad sa will and testament na if may mangyaring masama kay SS I mean if mamatay si SS mapupunta ang mana sa malapit niyang kaibigan at kamag anak. Halos 5 Million ang matatanggap niya."
"So you're saying na isa sa malapit na kaibigan ni SS ang gustong pumatay sa kanya."
"Definitely po director."
"Ipagpatuloy ninyo ni Troy ang trabaho niyo, but remember don't trust easily."
"Yes ma'am." Umalis agad si Director Mabasa matapos ang pag uusap naming iyon.
.
.
.
.
.
Sheeria's POV
Kinakabahan ako sa posibleng mangyari bukas kung sakaling malaman ng mga iba pang kaibigan ko na nakabalik na ako.
Tanggap ko ng ampon ako pero hindi ko tanggap na kapatid ko si Laxy.
"Mukhang may gumugulo sa isipan mo ah?"
"Ah wala po, may iniisip lang para bukas."
"Matulog ka na, baka sunduin ka ulit ni Laxy."
"Sige po."
Agad na rin akong natulog pagkasabi ni Tita.
Kinabukasan
Tama nga ang sinabi ni Tita, sinundo ako ni Laxy mula bahay papunta sa NIU. Pinagsuot niya ako ng sombrelo at sunglasses.
Habang nasa daan ay tahimik akong nakaupo habang nagmamaneho naman si Laxy.
Salamat sa lahat Laxy. Kung hindi dahil sayo wala na sana ako ngayon.
"Ang lalim naman ng iniisip mo." Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya iyon.
"Hindi naman."
"Huwag mag alala mahal ka no'n."
Huh? Anung ibig mong sabihin Laxy?
"Sino naman?"
"Kung sinuman ang nasa isip mo ngayon."
Ikaw nga ang nasa isip ko Laxy. Masaya ako dahil kasama kita, pero malungkot ako dahil magkapatid tayo. Hindi ko alam kung bakit pero sa ilang buwan nating magkakilala ng ayos ngayon ko lang napagtanto na iba na ang nararamdaman ko.
"Okay ka lang."
"Huh? Ah oo."
"Kanina pa kasi kita tinatanong kung gusto mo munang kumain."
"Ah sige kain muna tayo."
Pero kapatid kita, at kailangan ko iyong tanggapin.
.
.
.
.
Laxy's POV
Sino bang iniisip mo Sheeria? Kung sinuman yan sana hindi siya makasagabal sa mga plano ko para sa future natin.
After naming kumain ay dumiretso na kami sa NIU upang alamin ang lahat ng meron sa taong gustong pumatay kay Sheeria.
.
.
.
.
.
.
.
"SS tama nga?"
"Opo."
"I'm Director Mabasa."
"Nice to meet you po."
"Sige aalis na ako."
Agad na rin kaming dumiretso sa office nina Sandro at Troy.
.
.
.
.
.
.