My 500-Year-Old Boyfriend (M5...

Od nonalita

1.3M 24.2K 3.4K

"May mga babae talaga na ayaw sa kagat." Blink.Blink. HUUUUUWWWWWAAAAATTT?!?!?! *Coming soon in Wattpad* Cred... Více

Prologue
1-Kalabit Day??
2-May Tumutusok
3-Kiligarium
4-Why did you give her the same?
5-Nath's Big Break 1
6-Nath's Big Break 2
7-Si Palaka at ang Mahiwagang Pinto
8-The Bloody Basement
9-Kol Madrigal
10-The Awakening
11-Dreaming of..You??
12-Lesson
13-Mistaken
14-He's Awesome!!
15-No way!!!
16-The Deal
17-So dense! >.<
19-Si Mamang Driver
20-My Love's Burglar
21-Sympathy?
22-The Confrontation
23-Behind the Band-Aid
24-Deadline Beater
25-Who We're Looking For
26-His Big Brother
27-Anong nothing? Big deal iyon!
28-Idiot!
29-Unexpected
30-Miserable Miss
31-New Unitmate
32-The Kiss Quarrel
33-Clumsy Noreen
34-Acceptance
35-First Failed Attempt
36-Second Failed Attempt
37-Why in the world??
38-His Eldest Brother
39-What do I have to do?
40-Accepting my Destiny
41-Siblings Troubles
42-What now?
43-Why is this happening to me? >.<
44-Reunited
45-Question Turned to... Confession??
46-So happy together ^_^
47-Less than an hour relationship faced already with a bomb!!
48-Elijah's punishment
49-That was close!
50-Leaving for training with Master Sungit -_-
51-Em before, Elijah now
52-Run to you
53-Last chance
54-The return and some misconceptions
55-The incident
56-Scratches
57-She Died :(
58-Spooky Hospital!!
59-Unexpected Saviour
60-Klaus the Menace 1
61-Klaus the Menace 2
62-Not Plain Bad ^^
63-The Consequence o.O
64-Quit Thinking Stupid
65-Tenthouse ni Lola
66-Back-up
67-Lost Childhood Memories 1
68-Lost Childhood Memories 2
69-Lost Childhood Memories 3
70-Lost Childhood Memories 4
71-Medyo slow
72-Given
73-Ordeal
74-When Someone Wants What Cannot Be
75-Nagseselos din pala siya..
76-The President's Palace
77-The fall of the head of the state
78-Cool and KnowRin
79-D3H1Nz n4 M4gb4b490
80-Kuweba ni Tatang
81-Transfer
82-Mabisang Pain
Refresher
Usap tayo.
83-Decisons.Decisions.
84-Cavehill Battle
85-After all (LAST CHAPTER)
For the readers ^___^
P U B L I S H E D
Book 2 Prologue is Out!

18-Clumsy Encounters

17.3K 311 21
Od nonalita

Bang!

Aruykopo!

“Ineng..” anang boses ng matanda. “Ineng!!! Mabuti napadaan ka!!”

“Lola!! Mabuti at nakita ko kayo!!” excited na sabi ko.

“Aray ko naman ineng! Baka nakakalimutan mo na sa tanda kong ito ay marupok na ang tainga ko..” angal ng matanda habang hawak ang tainga niya.

“Ay sorry po lola. Carried away lang po.”

“E bakit ka carried away? Wala namang bumubuhat saiyo a,” confused na sabi niya at nagsimulang maglakad. Sinundan ko lang siya.

“A, wala po iyon. Mabilis lang po sana ako rito. Marami po akong gustong malaman at naniniwala akong matutulungan ninyo ako,” direct-to-the-point na pagsasabi ko ng pakay.

“Maaari kong sagutin ang mga tanong mo, pero wala na akong ibang maitutulong,” pag-amin niya sa kakulangan.

Napabuntong-hininga ako. “Kahit na po, lola. Gusto ko lang pong malaman kung anong nangyayari sa akin?”

“Alam mo kung anong nangyayari saiyo, ayaw mo lang tanggapin sa sarili mo.”

“Pero lola, hindi ko po ginusto na makakilala ng supernatural beings,” sabi ko. Beings nga ba o beasts? Paano kung bigla na lang akong pag-isipan ng masama ni Kol? Napaka-helpless ko lalo pa at nasa sarili ko na siyang tinitirahan. Napayuko ako.

“Pero iyong isa, nasa tinutuluyan mo?” tanong ni lola at napatango ako bagamat hindi ako makapaniwala na alam niya iyon.

“Paano niyo nalaman, lola?”

“Binalaan na kita tungkol sa masamang pangitain noong araw na iyon, pero hindi mo man lang pinakinggan kung ano ang sasabihin ko. Isa kang origin at nasa panganib ang buhay mo.” Nagtatampo si lola?

“Pasensya na po kayo. May paraan po ba para maiwasan iyon?” Okay na sa akin kahit hindi ko makita sa personal si Edward Cullen o ang the Salvatore brothers. Gusto ko na lang bumalik sa dati ang buhay ko.

“Mayroon.” Iyon naman pala e. “Pero huli na ang lahat.”

“Anong ibig ninyong sabihin, lola?”

“Sa una, may paraan para iwasan ang pagtanggap sa pagiging ganap na origin, pero sa oras na magsimula na ang lahat, hindi na iyon maaaring atrasan.” Lalo akong naguluhan.

“Hindi ko po maintindihan, lola.”

“Oras na gamitin ang dugo mo para buhayin ang isang bampira at matanggap mo rin ang dugo niya, isa ka ng ganap na origin at wala ng maaaring magbago roon. Maliban na lang kung..” Tumigil si lola na parang ayaw ipagpatuloy ang anumang sasabihin.

Lalo akong nagka-interes sa kung anuman ang sasabihin niya. “Maliban na lang po kung ano?”

“Kung mamatay ka.” Bakit ang lupit ng tadhana? Bakit minsan bago mo pa malaman kung ano ang choices mo ay huli na ang lahat?With gentle arms, she embraced me. “Ineng, naniniwala akong kakayanin mo ang lahat. Tatagan mo lang.”

So I guess I have no choice then. “Ano.. Lola, hindi ko po alam kung ano ang papel ko sa pagiging origin. Ano po ba ang ginagawa ng isang origin?”

Pero imbes na sagutin ang mga tanong ko ay nagkwento siya. “Ang ancestors mo ang dahilan kung bakit nabuhay ang Madrigal vampires noong mainit ang mata ng administrasyon sa kanila. Dahil wala na silang lahat, nakasalalay saiyo ang buong bloodline ng mga Madrigal vampires.”

“Lola, kung wala na silang lahat?” nagtatakang tanong ko.

“Hindi mo ba alam na sinadya noon ng administrasyon ang sunog na naging dahilan ng pagkamatay ng mga ninuno mo?” tanong niya.

“Pero akala ko po ay simpleng away-pulitika lang ang dahilan?” Nakita ko siyang umiling at hindi ko na napigilan pa ang mga luha sa pagdaloy sa mga mata ko. “Ngayon naiintindihan ko na po kung bakit nawala ang lahat ng kapamilya ko. Ang hindi ko po maintindihan, bakit ako ginagastusan ng gobyerno mula pagkabata ko?”

“Hindi ko alam, pero mag-ingat ka. Kung gusto mong maging malakas, kailangan mong matipon ang mga Madrigal. Dahil sa sunog noon ay nagsitago at nagkawatak-watak sila. Inuulit ko, hindi iyon aksidente.”

I clenched my fists. “Naiintindihan ko po. Gagawin ko ang makakaya ko.”

“O paano? May itatanong ka pa ba ineng?” tanong ng matanda.

“Meron pa po. May hindi po ako maalala noong isang gabi. Pero naaalala ko na po siya ngayon dahil kay Kol. Pero may hindi po ako maalala kagabi na kahit si Kol ay hindi matukoy kung ano iyon. Ano po ang ibig sabihin noon?”

“Mas malakas na bampira ang nagpalimot saiyo ineng. Nakikita mo ba ang lahat ng taong nakapaligid sa atin?” tanong niya at lumingon ako sa paligid. “Hindi lahat sa kanila ay ordinaryong tao lang. Kailangan mong piliin ng mabuti ang iyong pagkakatiwalaan. Matututunan mo rin ang lahat sa tamang panahon.” Parang palayo nang palayo ang boses ni lola.

Paglingon ko, wala na siya!! Lola??? Nasaan na iyon?

Hayy. Ngayon, kailangan ko ng umuwi at medyo naliwanagan na ako.

Marami pa sana akong itatanong. Bakit kailangang protektahan ako ni Kol? Bakit nasa panganib ang buhay ko? At sino ang may masamang balak sa akin?

Pero bigla na lang siyang nawala. Sinadya niya sigurong palingunin ako para hindi ko siya mapigilan sa pag-alis. Pero ayos a, libre lang ang ginawa niya.

Blagh!

Aray!! Clumsy ako ngayon a! Sino naman kaya ngayon ang nakabanggaan ko?

"Just the person you’re thinking of." Ano raw? Tss. Sino ba itong tatanga-tangang bumangga sa akin? Nabangga na nga tapos ganoon pa.

As I lifted my head, "Ikaw??"

"You know me?" gulat na sabi niya.

"Hindi, pero parang nakita na kita dati.." Saan ko ba siya nakita? Ang weird. Tanda ko ang pangit at nakakatakot na mukha niya pero hindi ko alam kung saan, kailan, paano at bakit nakita ko na siya. Ang gulo no?

"Imposible."

"Well anyways, may mga tao talaga na magkakamukha. Baka hindi ikaw iyong nakita ko," sabi ko at akmang liliko na sana pero..

pero..

pero..

Sige na nga, pinigilan niya ako.

"Ha? Bakit? May kailangan ka ba sa akin, Mister?" tanong ko sa sobrang pagtataka. Kung hindi ako nagkakamali, pangatlong experience ko na ito na may stranger na humila sa braso ko. Una si lola sa Pen Festival. Pangalawa si Klaus noong kinunan niya ako ng dugo. At ito ang pangatlo.

Masamang pangitain. Naalala ko na naman tuloy.

"Huwag mong sabihing mag-eextract ka rin sa akin ng dugo?" Puccah! Did I just say it out loud?

He smirked. "That was sweet of you. Ulitin mo nga ang sinabi mo."

I shook my head in disagreement. "Forget I said anything."

Kumunot ang noo niya, at akma sanang palapit sa mukha ko ang palad niya while he's looking at me, eye to eye. Pero umiling ulit ako bago tumingin sa baba.

Saka ko lang napansin na nangangatog ang tuhod ko. "Ah, pasensya na, may gagawin pa kasi ako. Sige ha?" pagpapaalam ko.

"Masyado ka naman yatang nagmamadali."

"O-oo, kasi.. basta!!" And just after that, tumakbo na ako ng pagkabilis which resulted to..

"Hoy! Hintay!"

Tss. Lalo ko pang binilisan. Lumiko rin ako ng ilang beses para mailigaw siya.

Hanggang sa paglingon ko..

Nasaan na iyon?

"Uwaahhh!!!" sigaw ko nang may biglang humila sa akin.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

204K 3.7K 21
[ Book 2 of The Vampire's Bride ] . It's hard to be a 3/4 human and a 1/4 vampire . Samahan mo pa nang gwapong werewolf na kaklase ! Ano na ang mang...
3.2M 26.3K 81
Started revision. Expect changes like; scenes, names, etc. Revision will be like an update, maybe once a week or twice. Leave new comments for revise...
162K 5.2K 93
Highest Rank Achieved in Science Fiction: #33 (12/25/16) #24 (02/02/17) #20 (02/05/17) #22 (02/11/17) This story will brings you to the other world o...
647K 10.6K 54
SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014