Catching Raindrops (Short Sto...

De chagocx

31.5K 508 220

W A R N I N G: Wag kang mag-papadala sa title nitong libro gaya ng pag-papadala mo sa mga sweet words niya sa... Mais

Raindrop #1
Raindrop #2
Raindrop #3
Raindrop #4
Raindrop #5
Raindrop #6
Raindrop #7
Raindrop #8
Raindrop #10
Epilogue

Raindrop #9

1.5K 37 12
De chagocx


Typhoon Signal #4

"Um, kakatapos ko lang din naman kumain sa bahay kaya kahit wag na, AR." Ngiti ko sa kanya.

"Kung ganoon, I'll prepare you some snacks..nangangayayat ka na. You need to eat more." Iminuwestra niya sakin ang couch kaya naupo ulit ako doon.

Humakbang siya sa pwesto ko kanina at sinulyapan din ang picture frame na hinawakan ko. Napalunok ako.

Baka isipin niyang masyado akong sabik makita ang mga throwback pictures niya!

"A-ah.. Medyo payat ka diyan? Ilang taon ka diyan?" Hilaw akong ngumiti para bawasan ang pag-kapahiya sa sarili.

Nahihiya naman siyang tumawa at napahawak pa sa batok.

Ako? Heto..halos higupin ang laway wag lang tumulo.

"Hmm, 17? Sakristan ako dito." Ngiti niya bago tuluyang humakbang paalis.

Okay.. Okay.. Sakristan! Tama! Wala namang masama sa pagiging sakristan! Bat ba ako masyadong nag-isip ng kung anu-ano!

Maluwag akong nakahinga.

"I am kinda free today. What do you want to do? Watch movies?" Medyo malakas ang boses niyang sinabi dahil nasa kusina na siya.

Hinawakan ko ang dibdib ko at tinapik-tapik ito.

Easy ka lang diyan puso. Don't over think!

Huminga ako nang malalim para mas lalong mapakalma ang sarili. Ngumiti ako bago sumagot sa kanya.

"Okay sakin ang manuod ng movie!"

"Alright, Chyna."

Wooh! Okay na Chyna, ha? Hindi pwedeng pa-petiks petiks ngayon! Ilang buwan na ang lumipas at tingin ko'y perfect timing na ito!

Tama!

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti.

Ilang sandali lang ay narinig ko na ang yapak niya palapit. May dala na siyang bowl ng cookies at dalawang baso ng fresh milk.

Dahil puno ang center table ng bible at ng kung anu-ano pang papeles ay nataranta akong ayusin ito. At nang hawakan ko ito ay bumalik nanaman sa utak ko ang mga pangamba ko kanina!

Chyna! Ano ba?! Kalma lang!

Nanginginig ang kamay ko habang inaayos ang mga iyon. Lumunok ako at humugot ng tapang mula sa kung saan.

"U-uh.. Mahilig k-ka pala sa mag-basa ng ganito?" Pilit ang ngiti kong sinabi.

"Yes. Nakasanayan na..at kailangan din. Pasensya na hindi ko pa naayos."

Okay! Okay! Nakasanayan lang Chyna! Mahilig lang siya sa ganito!

Ngumiti ako at umiling-iling.

"Ayos lang! Hindi naman magulo.." Ngumiti ako. "Ang galing lang.. Bihira lang kasi ako makakilala ng mahilig sa mga ganito."

"Ikaw? You don't read the bible?"

Nag-init ang pisngi ko. Nahiya naman ako doon! Hindi ko tuloy napigilang ngumuso habang nahihiyang umiling.

Yun nga lang ay tumawa siya at tinapik-tapik ang ulo ko.

"It's alright. You can join me sometimes. Let's make time for it."

Bigla akong sumigla. Halos tumalon-talon pa ang puso ko sa saya!

"Okay!"

Kumuha ako ng cookies at dinip iyon sa fresh milk bago niyakap ang throw pillow habang nag-hahanap siya ng movies.

Comedy ang napili naming movie. Minsan ay sinusulyapan ko siya sa tuwing tumawa siya, minsan naman ay ako ang inaasar niya at pinapatawa.

Mag-katabi kami sa mahabang couch  pero may kaunting space sa pagitan. Pero sa tuwing kumukuha ako ng cookies sa bowl ay pasimple akong umuusog hanggang sa tuluyan na akong dumikit sa kanya.

Nag-init ang pisngi ko nang tingin ko'y mapansin niya iyon! Shit!

"Nangangalay kana ba?" Malambing niyang tanong. "Libre ang balikat ko." Lumitaw ang dimple niya dahil sa ngiting ginawad niya!

Mabilis na tumibok-tibok ang puso ko!

Sasandal na sana ako kung hindi lang may kumatok.

"Tao po? Kuya Ace? Ay sorry po, may bisita po pala kayo. May pinapasabi po kasi kuya eh..kila teacher Thea nalang daw bukas ang bible study."

Sabi ng isang bata lalaking sa bintana lang sumilip.

"Sige Jeremy. Thank you." Sagot ni AR.

"You're welcome po, kuya! God bless po!" Ani Jeremy saka tumakbo paalis.

"Bible Study?" Kunot noo kong tanong kay AR pero nakangiti pa rin syempre!

Pinindot na niyang muli ang play button para sa movie bago sumagot.

"Yup, doon kita isasama sa susunod. So you could read the bible with me." Gwapo siyang ngumiti. Natunaw muli ang puso ko.

Ngumuso naman ako at masayang tumango.

Habang tumatagal ay mas gumagaan ang loob ko at mas nag-kakaroon ako ng lakas para sa gagawin. Lalo pa nang hayaan niya akong sumandal sa kanya!

Hay! Ang bango-bango talaga niya!

Nang makita kong ubos na ang cookies ay kinuha ko ang bowl at tumayo.

"AR, ako na ang kukuha! Sabihin mo lang kung saan." Ngiti ko.

Agad naman siyang tumingin sakin.

"Sigurado ka? Well then, nasa cabinet lang ang mga snacks, pumili ka pa kung may gusto ka doon." Aniya at pinause muli ang movie para sakin.

Nakagat ko ang labi ko...bakit feeling ko, asawa niya ako at pag-sisilbihan ko siya? Hayy Chyna!

"Okay!" Maganda akong ngumiti bago tumungo sa kusina.

Nakita ko kagad ang isang helera ng cabinet doon, agad kong binuksan para hanapin ang cookies. Tama nga si AR, marami pang pagkain doon pero dahil ayokong isipin niyang matakaw ako ay kumuha lang ako ng sapat.

Aalis na sana ako sa kusina nang masulyapan ko ang isang picture na naka-dikit sa matangkad na ref. Lumapit ako para mas matingnan iyon nang mabuti.

Picture iyon ng isang lugar. Walang tao at mismong lugar ang ang kinunan. Kung saan man ito ay siguradong nature lover ang kumuha ng picture dahil panay puno sa paligid. Sa gitna ay isang malaki at makalumang bahay.. Bahay nga ba? Sobrang laki eh..

Naningkit ang mga mata ko nang may makitang mga letra na natatakpan ng banana-magnet. Inusog ko ang magnet para makita ang nakasulat..

'St. Lorenzo Ruiz Seminary'

Bigla akong nawala sa sarili...

"Chyna?"

Nagitla ako! Namalayan ko nalang ay nahulog ko na ang hawak kong bowl ng cookies at biscuits!!!

Agad tumakbo palapit sakin si AR dahil sa nangyari! Hinawakan niya ang mga braso ko upang ilayo ako sa nagkalat na mga bubog.

"A-Are you okay? Sorry! Nagulat ba kita?" Nag-aalalang tanong niya.

Sa gulat ko ay hindi ko na namalayang halos nakayakap na siya sakin!

"Y-yung mga cookies.. S-sorry!" Nahihiya kong sinabi kahit pa halos hindi na ako makahinga sa sobrang lapit niya sakin. Hanggang ngayon ay hawak niya pa rin ang braso ko.

Mataman niya akong tiningnan. Tingin na nakapag-patindig sa balahibo ko.

"Don't worry about it, lilinisan ko nalang." Seryoso niyang sinabi habang patuloy pa rin ang tingin sakin.

Marahan akong tumango.

"Teka.. May sugat ka!" Sambit niya at agad yumuko para pantayan ang paa ko!

Nang tingnan ko iyon ay saka ko lang naramdaman ang hapdi!

"Don't move, kukuha ako ng pang-gamot." Nag-aalala niyang sinabi at mabilis na humakbang patungo sa isang cabinet.

Kinuha niya ang first aid kit at muling bumalik sa harap ko. Umupo siya at agad hinawakan ang kaliwang paa ko. Nag-aalala niya itong tiningnan.

"Sabihin mo sakin kapag masakit.." Malambing niyang sinabi bago sinimulan ang pag-gamot sa aking sugat.

Pinanood ko siyang gawin iyon.. Marahan at maingat..

Ngunit napalingon rin ako sa litratong nasa sahig. Nahulog din ito dahil hindi ko nabalik ng maayos ang magnet.

May kung anong pait ang nag-hari sa sistema ko. At hindi ko maintindihan kung bakit...kung bakit sa tinagal-tagal ko siyang sinusundan mula sa pila ng dyip hanggang sa maging ganito kami ay ngayon pa may kumalampag sa nararamdaman ko.

Tinatanong kung saan nga ba tutungo ang ginagawa ko. Kung sa dulo ba ay may nag-hihintay sakin na kung ano. Kung tama pa ba...

"AR.. Bakit mo ito ginagawa?" Wala sa sarili kong tanong.

"Malalim ang sugat mo, Chyna.. Hindi pwedeng hindi gamutin." Seryoso niyang sagot habang nakatingin sa ginagawa.

"Hindi yan ang ibig kong sabihin.." Seryoso kong sinabi..nakuha ang atensyon niya.

"Bakit mo ito ginagawa? A-Alam kong hindi ka manhid. At alam kong masyado a-akong halata.. Mula pa nung una.. K-kaya bakit?" Napalunok ako. "I-I mean.. May dahilan ba para gawin mo ito?"

Nag-angat siya ng tingin sakin. Kunot ang noo ngunit nag-aalala ang mga mata.

"Chyna.. H-hindi kita maintindihan.." Napapaos niyang sagot.

"AR gusto kita. Hindi mo ba nararamdaman 'yon?"

Bugso ng damdamin. Hindi ganito ang plano kong pag-amin pero wala na. Walang wala na ako sa sarili ko.

Napayuko siya. Pakiramdam ko ay hindi na siya nagulat sa sinabi ko pero hindi pa rin niya ako kayang tingnan. Nanghihina niyang hinaplos ang paa ko kaya binawi ko iyon mula sa mga kamay niya.

Tumayo ako ng tuwid at inantay siyang mag-angat ng tingin pero hindi niya ginawa. Nakayuko lang siya doon, dahilan para mas lalong manikip ang dibdib ko.

"Sabihin mo nga sakin? N-Nag-kagirlfriend kana ba?"

Naramdaman ko ang buntong hininga niya. Ilang sandali pa ay umiling siya na parang nag-dadalawang isip sa ginagawa.

"Kung ganoon bakit?" Hindi ko alam kung saan ko nahuhugot ang lakas ko. Kung bakit hindi pa ako nabubuwal sa kinatatayuan ko at kung paano ako naging ganito magsalita. Ang alam ko lang ay hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko..na kapag pinigilan ko ito ay sasabog ako.

"Bakit, AR? Bakit hindi pa? 25 ka na di'ba?" Buong tapang kong tanong.

Nag-angat siya ng tingin sakin at marahang tumayo upang pantayan ang mga mata ko. Pagod niya akong pinagmasdan.

"Dahil hindi pwede." Simple niyang sagot.

Umawang ang labi ko. Sa simpleng salitang iyon ay mas napapagtagpi-tagpi ko ang salitang sasaksak sa puso ko. Nahirapan akong lumunok habang nakatingin sa mga mata niyang mapupungay na nakatitig sakin.

"B-bakit hindi p-pwede?" Pabulong kong sinabi pero pumiyok parin ako sa dulo.

Muli siyang nag-iwas ng tingin.

"AR, bakit hindi pwede?!"

Nilagay niya ang magkabila niyang kamay sa gilid ko. Humawak sa cabinet dahilan para makulong ako doon. Kung hindi pa ako binabagabag ng mga naiisip ko ay baka mamatay ako sa kilig pero hindi iyon mangyayari ngayon...dahil ang mga ginagawa niya ay pinapahina lang ako.

"Chyna.." Hirap na hirap niyang sinabi.. Yumuko siya at pinahinga ang kanyang noo sa aking kaliwang balikat.

Hindi ko napigilan ang pag-tulo ng luha ko habang pinapakiramdaman siyang ganoon sakin..

Bakit AR? Bakit hindi mo masabi sakin?

Nahihina ko siyang tinulak pero hindi siya nag-patinag.. Mas lalo pa siyang lumapit sakin..

"D-dahil nagpa-Pari ako." Hirap na hirap niyang bulong. Bulong na daig pa ang sigaw sa sobrang sakit sa tainga.

"N-nag Pa-Pari ka?" Nanghihina kong tinanong. Hindi pa yata nadala sa sampal ng salita kanina.

Hindi siya nakasagot.

Buong lakas ko na siyang tinulak ngayon. Dahil sa panghihina ay napaatras din siya sa ginawa ko. Pagod niya akong tiningnan..hinahabol ng kanyang kamay ang akin pero dahil hindi ako nag-papahawak ay sa cabinet siya muli humawak.

"Pero alam mong may gusto ako sa'yo? Ramdam mong may gusto ako sa'yo?" Sarkastiko kong tinanong.

"Chyna.. Please.." Napapaos niyang sinabi. Sa gilid ng mga mata niya ay nakikita ko na ang namumuong luha.

"Alam mo, hindi ba?" Tanong ko sa parehong tono. Pilit kong tinanggal ang kamay niyang nasa gilid ko ngunit nag-matigas siya.

"I-I'm sorry.. I'm sorry.." Sambit niya habang hinahawakan ang braso ko papunta sa bisig niya.

Natigilan ako sa sagot niya...parang binagyo ang damdamin ko at iniwang sirang-sira.

Niyakap niya ako pero panay ang tulak ko sa kanya palayo.

"Bakit hindi mo sinabi??? Bakit ha?? Bakit hindi mo sinabi sakin?!" Hindi ko na napigilang humagulgol habang sinusubukang kumawala sa mahigpit niyang yakap.

"Tingin mo ba hindi ko yan natanong sa sarili ko? Gustong-gusto ko nang sabihin sa'yo pero hindi ko magawa. Chyna, please.. Please let me explain.." Sinabi niya ang huli nang tuluyan na akong nakawala sa kanya.

"Explain? AR...pinapaasa mo ako..a-alam mo ba kung gaano-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil sa hindi mapigilang pag-buhos ng luha. Kung hindi ako pumreno sa pag-sasalita ay baka naubusan na akong ng hangin.

Sinubukan niyang lumapit pero umatras ako.

"Bakit, AR? Masarap ba akong paasahin, ha? Masarap ba akong pag-laruan?! Hindi naman ako tanga eh! Kung alam ko naman lalayo naman ako! Kaso hindi eh! Hindi mo sinabi! Hinayaan mo lang akong mahulog nang mahulog nang mahulog! Ginawa mo akong tanga, AR!"

"Chyna.." Pagod ang mga mata niya akong tiningnan. Kitang-kita ko kung gaano niya kagustong lumapit at aluhin ako pero ayoko na. Ayoko nang masugatan ng mga mabulaklak niyang salita at ngiti na may mga nakatagong tinik. Matatalim at mahahabang tinik!

"AR.. Masakit.. Sobrang sakit.." Sambit ko saka pinalis ang mainit na luhang lumandas sa aking pisngi. "Sana tinanggihan mo nalang ang payong ko noon, mas makakalimutan ko 'yon kesa dito. Ang taas eh.. Ang taas ng hinulugan ko mula sa'yo. Ni yang sorry mo hindi ako masasagip. Hindi ako magagamot niyan kaya sarilinin mo nalang. Hindi ko yan kailangan..."

Tinalikuran ko siya para umalis pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko. Inagaw ko ito mula sa kanya dahil mas lalo lang akong nasasaktan.

"Wag na wag ka nang lalapit sakin ulit. Ayokong mag-kasala kaya please, AR, wag ka nang magpakita sakin."

Ang mga salitang lumabas sakin ay tila malaking bato na bumara sa lalamunan ko. Hirap na hirap kong sinabi, masakit na masakit, sobrang bigat sa kalooban, pero kailangan ilabas.. Paulit-ulit na dinurog ang puso ko habang humahakbang paalis..

At kung sinuswerte ka nga naman, Chyna..

Umulan pa...

Continue lendo

Você também vai gostar

1.2M 51.8K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...
559K 28.6K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...