Luckily Unlucky Fate (Complet...

By aduressa

1.3M 4.6K 751

(COMPLETED, 2022) [formerly Callous Indifference] Did you really think what you believed is the truth? Highes... More

Author's Note
© CC
SYNOPSIS
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
ANNOUNCEMENT
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Epilogue
Ending Note
ANNOUNCEMENT 2
ANNOUNCEMENT 3

Chapter Twenty-two

19.3K 43 2
By aduressa

"Ameer, anong masasabi mo sa dating scandal niyo ni Ms. Cherry Farajes?"

Before I can even answer that question using my magic word 'no comment ' ay hinila na agad ako ng manager ko papasok sa kotse. Mabuti na lang at heavily tinted 'yon kaya hindi nila makikita ang galaw namin sa loob.

"Bakit ka ba labas nang labas? Si Cherry ba 'yung kasama mo roon sa restaurant?" Piolo, my manager asked.

"What? No. That's my sister. Ang layo nga ng itsura ng likod nila sa isa't isa. I don't know why they keep pushing me to that Cherry Fajares." hinanap ko agad ang cellphone ko sa bag ko pero napansin kong wala 'yon doon. "Where's my phone?"

Bumuntong-hininga siya bago niya ito ibinigay sa akin. "Ayan. Tinago ko. Muntikan mo na namang mahulog kanina. Kung hindi ko pa nahulog ang lipstick ko, hindi ko pa makikita."

"Wow, salamat," kinuha ko agad 'yon.

Mabuti na lang at hindi siya gaanong ka-strikto sa akin katulad ng mga ibang manager. Hindi niya kinukuha ang mga gamit ko.

Pagka-open ko ng cellphone ko ay una kong tiningnan ang phone calls at messages ko. Inasahan ko na agad na mangunguna si Wendy sa mga texts and missed calls sa akin pero nagkamali ako. Dalawang messages lang ang sinend niya sa akin.

Wendy 6:06 PM
Kuya nandito ako kila Renzo ha wala aq sa bahay today love u

Wendy 8:22 PM
Kuya aalis din daw si Weylin ngayon ikaw lang yata mag isa sa bahay ngayon if ever na pupunta ka... magjowa ka na kasi hahaha charot ingat ka!!!! 😁😁😘😘😝😝😜❤️❤️

Yoon lang? Wala na? Eh sino 'tong unknown number na 'to?

+639********3 6:23 PM
hoy zyra yunh 10k ko ibalik mo aba naman akala ko ba aftee 5 days babalik mo yon tej mag iisang buwan na aba nanganganak araw mo ah

+639********3 6:23 PM
rereport ko gcash mo sige ka

+639********3 6:31 PM
zyra ano ba sagutin mo tawag ko

+639********3 7:01 PM
grounded ako tapos wala pang pera😭😭 this is so hard i can't

+639********3 7:26 PM
hoy ano na tej

+639********3 8:30 PM
edi wow pakyu

Zyra? Who the fuck is that?

Binlock ko nga.

Inilagay ko 'yon sa bulsa ko at tumingin ako sa bintana para tingnan kung nasaan na kami. Malapit na rin kami sa bahay. Sigurado akong si Khalida na naman ang naghihintay sa akin doon. Hindi ako mapakali. Tingin ako nang tingin sa relo ko.

"Nagmamadali ka?" natatawang tanong ni Piolo.

"No," sagot ko na lang. My phone suddenly rang. Kinuha ko agad 'yon sa bulsa ko.

Unknown number.

+639********8 8:46 PM
Binlock mo pa ko ah

+639********8
marami akong number oi wais to wais

+639********8 8:46 PM
Answer my call and magtutuos tayo

+639********8
U know what? nevermind. Isaksak mo sa baga mo 'yang 10k ko pashneya ka

Sino ba 'to? Baka naman nawrong send lang.

+639********8
isa

+639********8 is calling...

I answered the call.

"Zyra bayaran mo 'yon!" nakakabingi ang lakas ng boses ng nasa kabilang linya kaya agad ko itong napatay.

Jeez. What the hell is that?

"Is that your girlfriend?" Piolo asked.

I shook my head. "No! I told you already, I don't have a girlfriend. That's just some random girl who keeps calling my number. Maybe she's just mistaken."

Muli akong nakarinig ng tawag kaya mariin akong napapikit. Ano bang problema nito?

Napahinto ako nang makita ko ang pangalan sa screen. Tumatawag si Papa.

Papa is calling...

"Pa? Bakit po?"

Ilang saglit bago ako makarinig ng pagbagsak ng mga babasaging gamit. Narinig ko ang hirap na paghinga sa kabilang linya.

"Pakibilisan po," utos ko roon sa driver.

Why do I feel nervous...

"Pa okay ka lang ba? Bakit ka po tumawag?"

"Come here, Ameer," bulong ni Khalida sa kabilang linya. "We'll be waiting for you."

Pinatay agad niya ang tawag. Mas lalo akong kinabahan kaya maya't maya kong sinasabi sa driver na bilisan ang pagmamaneho.

"Is there something wrong, Ameer?" My manager asked.

"My father," I answered. "Emergency,"

Siya naman ang nagpumilit doon sa driver na bilisan ang pagmamaneho. Nang makarating kami roon sa malaking gate 'di kalayuan sa bahay namin ay bumaba na ako. Walang dapat makaalam ng sikretong 'to.

"Dito ba 'yung bahay niyo, Ameer?" tanong sa akin ni Piolo.

"No, it's my dad's house," wika ko. "I'm sorry but I gotta go. See you next Tuesday." Bumaba na agad ako nang makapaglagay na ako nang matapos kong makuha ang mga gamit ko at nang mailagay ko na ang facemask ko.

Nang masigurado kong wala na sila roon ay naglaho na agad ako papunta sa bahay.

Nakita ko agad si Weylin na nakahiga sa sahig at puro sugat. Inabot ko agad ang kamay ko sa kanya para tulungan siyang tumayo. Mariin pa siyang napapikit nang tuluyan siyang makatayo.

"What happened?" I asked.

"They're fighting again," aniya. "Glad you came, Kuya. Let's help your dad."

Pumunta kami sa kusina. My eyes widened when I saw my dad floating. Kinokontrol na naman siya ni Khalida.

"Pa!" agad akong lumapit doon para pigilan si Khalida. Papatayin niya si papa. "Let him go!"

"R-Rackhie," sabay-sabay kaming napatingin kay Papa nang may nausal siyang salita. "Mendiola... K-Kapatid ni Weylin..."

Sinipa ko si Khalida pero hindi manlang siya naalis sa pwesto niya. Kahit tinutulungan na ako ni Weylin ay hindi pa rin niya pinapakawalan si Papa.

"You're crazy!"

Isang pulang ilaw ang lumabas mula sa katawan ko. Itinapat ko 'yon sa kanya kaya nahinto ang ginagawa niya kay Papa.

"Ameer! My son! You're here!" Nagpihit ng tingin sa akin si Khalida. Kunwari ay gulat pa siya nang makita niya ako.

"My name is West and I'm not your son," I greeted my teeth. "Get the hell out of here. I'll fucking kill you."

Nilapitan niya ako. Pilit niyang kinukuha ang kamay ko pero inilalayo ko 'yon sa kanya. Wala siyang karapatang hawakan ako. Nang huminto siya ay sarkastiko siyang tumawa. "We already talked about this, right? Ridge is our family. They would love to---"

"They're not my family! You are not my family! You fucking disgust me!"

Pumula ang mga mata niya. "We're family, Ameer..." pumihit siya kay Weylin. "Weylin?"

Nagsalita si Papa nang makatayo na siya sa tulong ni Weylin. "Hindi Weylin ang pangalan niya, Ruigi. At kahit kailan, hindi mo kami ginawang pamilya mo. Ginamit mo kami. Ngayon ay gusto mong bumalik kami sa kanila? Alam mong hinding-hindi namin 'yon gagawin, Lyda."

"Mendiola? You mean, uncle Rhei and Siona?"

"Yes." Ako na ang sumagot.

Sa akin naman siya tumingin. "Alam mo, Kuya? Why didn't you tell me?" tiningnan niya lang ako saglit bago siya muling nag-anyong pusa at mabilis na naglaho.

"Nasaan si Wendy?" Khalida asked.

"You'll never see her again," sagot ko. Mabilis akong naglaho papunta sa kwarto ni Wendy dati para kumuha ng baril. Mabilis akong nakabalik sa pwesto ko kanina. Ikinasa ko 'yon bago ko siya tinutukan ng baril at mabilis kong kinalabit ang trigger nito nang sunod-sunod.

Mabilis akong lumapit kay Papa nang mahulog na ang katawan ni Khalida sa lupa.

"Okay ka lang, Pa?" tanong ko rito.

Tumango lang siya sa akin tsaka tiningnan ang katawan ng dating asawa niya. Dinala ko siya sa kwarto ni Wendy para linisan ang mga sugat niyang pulang-pula. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong 'wag malasing sa amoy na 'yon.

"Ano pong nangyari?" tanong ko habang nililinis 'yon.

"Nak, tandaan mo si Rackhie. Naaalala mo pa ba siya? Kaibigan ni Wendy noon. Manmanan mo ang pamilya niya. Siya naman ang susunod nilang pupuntahan." Imbes na sagutin ang tanong ko ay iyon ang lumabas sa bibig niya.

"They're not our business anymore, pa,"

"Not ours. But they're your business." aniya. Hirap siyang huminga. Bakit parang hindi gumagana ang mahikang gamot na pinainom ko sa kanya?

"I don't want to get involved. They're problematic. I hate problematic people."

"Manmanan mo lang sila. You'll remember everything."

Hindi ko na pinakinggan ang mga susunod na sinasabi niya dahil wala naman akong paki sa ibang tao. Nahinto lang ako nang marinig ko ang pagbigkas niya sa salitang 'please'.

"Why? Why them?" Nagsalubong ang mga kilay ko.

"She's Weylin's sister, W-West,"

"Pa, bakit ganyan ang kulay mo?" Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan niya. Bakit unti-unti iyong nagiging asul at namumutla?

Bago pa man siya magsalita ay may biglang may padabog na nagbukas ng pinto. Si Khalida iyon at nagliliyab sa galit ang mga mata niya habang nakatingin sa aming dalawa.

"Hindi talaga kayo madadaan sa salita,"

Siya naman ang may hawak ng baril ngayon.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa kinalabit niya na ang trigger pero walang lumabas na bala roon. Nabitawan niya rin ang hawak niyang baril nang mapunta sa tabi ko ang tingin niya. Pagkatingin ko sa tabi ko ay doon ko nakita ang walang malay kong ama.

--

"Nakita niyo na ba siya, Kuya?"

I glanced at Wendy when she asked that question. She's not even crying while looking at our father's face in the casket but you can clearly see in her eyes that she's sad.

"We're not finding her anymore,"

"What?" kahit hininaan niya na ang boses niya ay halata pa rin ang galit sa tono niya. "She killed our father and now you're telling me we're not finding her anymore?"

"Wala siya rito," hinipan ko ang sigarilyo bago ko siya tiningnan. "I think she came back to that clan. She even called them 'our family'."

"What are we going to do now?" may bahid pa rin ng galit ang boses niya.

"You have a friend named Rackhie, right?"

Nag-iwas agad siya ng tingin sa akin nang banggitin ko ang pangalang 'yon. Dahan-dahan siyang tumango sa akin. "What about her? I can't see her. We're protecting her."

"Father already told you about what we have to do to that girl before he passed. That's what we're going to do now."

"But that's not possible! I bet she hates me now! Whenever I see her accidentally I even have to get rid of every piece of my shit in her memory. I can't do that, Kuya,"

"Yes we can. Her family made shit too." I pointed at the television. There's a news about her parents and there's a video of them getting arrested. "I'm going to talk to her,"

Bukas pa 'yon mangyayari. Tanging kami kami lang ang nakakakita noong ganoong palabas sa telebisyon.

"What? Are you serious? That'd be dangerous!" Tumingin pa siya sa paligid upang masiguradong walang makakarinig sa usapan namin. "Do whatever that thing you want to do. Mauuna na ako." She rolled her eyes on me before she went outside.

Inupos ko agad ang sigarilyo bago 'yon tinapon sa basurahan.

Bahagya akong napatalon nang may humawak sa akin. Si Ravenne pala.

"Condolence, par," tinapik niya ang balikat ko.

Tinanguan ko na lang siya.

Magkasama silang dalawa ni Lester na prenteng nakaupo lang 'di kalayuan sa pwesto namin. Nginitian pa ako nito nang mahanap ko ang mukha niya.

I'm not used seeing them act serious.

Ngumisi pa si Lester sa akin. Hula ko ay binasa niya pa ang nasa utak ko ngayon. Isa 'yon sa mga talento niya.

"Condolence, pre," aniya gamit ang isip.

Ngumiti na lang din ako sa kanya bago ako lumabas.

"What am I supposed to do without you, pa, ma? Si Wendy na lang ang meron ako ngayon." nakataas ang tingin ko sa kalangitan na nagbabadya na ng ulan. "You finally met. I wish I could go there too."

"Not yet man,"

My eyes went to Lycus who sat beside me.

"Hey," bati ko.

Tumaas din ang tingin niya sa kalangitan. "Rest in peace, Papa fer! Mamimiss ka namin."

"What are you doing here?" I asked.

He yawned. "Bakit? Bawal ba 'kong makiramay?"

"Gago," I just laughed at him. He's one jerk. "Akala ko ba maghahanap ka ng asawa ngayon? Sabi mo sa 'kin kaninang umaga. Kaya ako nagtatanong kasi akala ko hindi ka makakapunta."

"Iniwan niyo nga ako! Naghanap daw kayo ni Lester!"

"Ulol! Anong naghanap? Tatanggalan ako ng ulo ng kumander ko kapag narinig niya 'yan." tumabi naman sa kabilang gilid ko si Lester. "Lintek tol napagkamalan pa 'ata akong rapist noong babae roon. Ikaw kasi eh! Kung saan saan ka nagpupunta!"

Ngumisi ako. "Nagpapalamig lang."

"Kwento mo sa lelang mo," ngumisi siya pabalik.

"Bilis nating tumanda..." wika ni Lycus. "Ang bilis ng panahon."

"Right?" Lester agreed. "I want to marry Ravenne someday. I hope you guys found the right woman for you two."

"No thanks," I scoffed.

"Bakit? Dahil nakilala mo na?" Ngingiti-ngiting tanong ni Lester sa akin.

"Si Celine ba? She looks nice... and she's hella pretty man. Who wouldn't like her?" Lycus smiled.

"Why man? You like her? You like every woman in this world. Hindi na nga kita ma-imagine na magseseryoso sa relasyon eh." Natatawang sabi ko rito. "Celine looks good and yeah... she's kind. I wonder why I don't have that feeling they're talking about. Butterflies--rr, does that exist? Nonsense. She's just like a sister to me. The same feeling when I'm with Wendy."

"Kaya nga maghintay ka pre, 'wag ka muna sumama sa tatay mo." Lycus shrieked. "Ayoko sa mga babae, mga cheater silang lahat."

"Basta si Ravenne ko hindi siya ganoon," depensa naman agad ni Lester sa girlfriend niya. "Move on ka na rin pre, five years ago na 'yun. Wag mo silang lahatin. Kakainin mo rin 'yang mga sinasabi mo sige ka."

"Whatever Lester," Lycus rolled his eyes.

"What? I'm telling the truth."

"That's bullshit. Nakilala mo lang kasi si Ravenne noong bata pa kayo tapos hindi na kayo naghiwalay kaya hindi ka makarelate sa nararamdaman ko. Kapag nagbreak kayo---"

"Wops! Hindi kami magb-break. Sorry ka na lang. Bestfriend ni Papa G ang puso ko kaya hindi niya kakalimutang i-charge ang puso namin ng mahal ko."

"Yuck! Lason!" Inis na sabi ni Lycus kaya napahalakhak si Lester. Maging ako ay natawa na rin sa kanilang dalawa.

"I agree with you, Lester. Not all women cheat. Cheating is a choice. If they cheat then it's fine because atleast you found out already before you guys even got married. Your children would be upset if they see you fight because one side cheated--or maybe both side----"

"Woah woah woah, West, calm down man. We're just talking about cheating here. Not children or somewhat. You're being too serious."

Nagkibit-balikat ako. "Atleast I am."

I will find that woman, in God's right time.

--

Kanina pa ako habol nang habol sa Rackhie na 'yon. Ngayon ay nasa isang grocery store naman siya. Nasa harapan ko lang siya kanina pero nang kuhanin ko ang isang water bottle, pagtingin ko sa kanya roon sa pwesto niya kanina ay wala na siya.

Pumunta ako sa isang tindahan 'di kalayuan doon pero wala naman siya roon. Muntik muntikanan pa akong mapunta sa simbahan. Baka pumanaw pa ako nang maaga. Sunod kong pinuntahan ang address niya na nakalagay sa notes ko. Binigay lang sa akin 'yon ni Piolo pero nalaman kong wala pala siya roon.

Minessage ko siya sa main account niya. Madali ko naman siyang nahanap sa Instagram dahil sikat din ang pangalan niya pero mukhang hindi 'yon ang ginagamit niya. Mabuti na lang at lumabas siya sa suggestions ko. May mutuals kami kaya finollow ko agad siya at minessage.

@ameergraye: nasan ka ba pumunta tabgina muntik na ko maligaw

@ameergraye: tangina*

Pati mura ko, itinatama ko na rin.

Seen.

Oh? Naseen niya na pala ang message ko pero hindi siya nagrereply? Ang bilis niya naman. Tatawa-tawa pa ako nang mapagdesisyunan kong magtipa ulit ng mensahe.

@ameergraye: ano magrereply ka ba o sapakan tayo

Todo pigil pa ako ng tawa habang nasa loob ako ng kotse ko. Kung hindi pa bumusina ang sasakyan sa likod ko ay hindi ko pa igigilid ang kotse ko.

@rxckhie: sino ka naman putanginamo ( rin )

Aba. Minura ako pabalik?

Hindi ko namalayan na humahagikhik na pala ako kaya tumikhim ako at nagseryoso ng mukha.

@ameergraye: ang cute mo...

Delete.

@ameergraye: tapang mo ah...

Delete.

Anong sasabihin ko?

T-in-ap ko ang profile niya para tingnan ang itsura niya. Naaalala ko pa naman ang mukha niya pero gusto ko lang makasigurado. May mga picture pa siya pero lahat ay nakatakip ang mukha. Halata namang siya 'yon.

Napatakip ako ng bibig nang maalala kong ang main account ko pala ang gamit ko. Siguro ay maging ang profile ko ngayon ay binibisita nito! Pero bakit hindi manlang niya ako pina-followback? Minsan na nga lang ako magfollow.

@ameergraye: aba
@ameergraye: followback moko

Mabilis niya itong sineen.

@rxckhie: yoko kapal naman ng mukha mo

Nahampas ko pa ang manibela kakatawa. Nakakatuwa naman kausap 'tong babaeng 'to.

@ameergraye: nasan ka ba nandito ako sa bahay niyo pero sabi umalis ka raw

Nagtipa ulit ako. Sasabihin ko sana makapal ang damit ko para ipangsusupalpal sana sa kanya pero nagulat ako nang mapansin kong napalitan ang salitang 'towel' ng 'ilong' dahil sa suggestions ng keyboard. Isesend ko pa sana sa kanya ang picture ng towl kong makapal talaga at may tatak pa ng sikat na brand pero iba pala ang nailagay ko. Halos tanggalin ko na ang manibela sa kaba ng maseen niya 'yon agad.

@ameergraye: btw makapal din ilong ko baka gusto mo i-try

Shit. Shit. What am I supposed to do? I even used my main account to message her. Tapos ang career ko kapag pinost pa niya 'to. Hindi naman siguro siya ganoon 'di ba?

@rxckhie: sorry, 'di ako basta-basta nakikipagkita sa 'di ko kilala. wala rin akong pake kung makapal 'yung ilong mo kaya please lubayan mo na 'tong secret account ko. thanks.

Nagtype ako ulit sabay ngisi.

@ameergraye: di moko kilala? seacut ako.

Nagseen siya agad.

@rxckhie: pakihanap pake ko

@ameergraye: bat ka nagreply kung di ka nakikipag usap sa di mo kilala?

Hindi na niya ako nireplyan. Nagpatuloy na lamang ako sa paghahanap sa kanya hanggang sa makita ko na lang siya na lumabas sa isang taxi. Hirap na hirap pa siya sa pagbuhat ng mga gamit. Umuulan din kaya kinuha ko ang payong sa passenger seat bago ako lumabas. Nagfacemask din ako para walang makakilala sa akin.

Nakita ko siyang tumatakbo papunta roon sa isang tindahan kaya tumingin ako sa paligid bago ako nagtago roon sa puno at naglaho. Saktong muntikan na siyang mahulog nang dumating ako kaya nasalo ko ang dulo ng damit niya. "Are you okay?" I asked. Maging ako ay kinabahan nang muntikan na siyang madulas.

Nanlalaki pa ang mga mata niya habang nakatingin sa akin."G-Gago,"

"Tayo," utos ko rito.

Baka mamaya ay isipin niya na parang hindi napapagod ang mga kamay ko. Siguradong magtataka 'yan.

"S-salamat." Sabi niya at ngumiti.

Tug tug. Tug tug.

Nanigas ako nang maramdaman ko ang tumitibok na puso sa dibdib ko. Paano 'yon nangyari?

"P-pwede pakialis 'yung kamay mo? Aalis na kasi ako."

Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako at hindi ko pa siya binibitawan. Wala sa sarili kong naitaas ang kilay ko. Nagtaas din siya ng kilay.

"Ayoko." sagot ko.

"Nagkakilala na ba tayo?" tanong niya sa akin.

You still remember me huh...

"Hindi." I lied. "Nandito ka lang pala. Kanina pa ako hanap nang hanap sa 'yo." Pinayungan ko agad siya dahil basang-basa na siya sa ulan. Ayoko ring mabasa ako kaya lumapit ako sa kanya.

Napansin kong nagsitaasan ang mga balahibo niya sa ginawa ko. Palihim tuloy akong napangisi--o hindi? Mukhang napansin niya 'yon. Tumingin na lamang ako sa sahig para hindi niya mapansin ang ngising 'yon. Ang hirap tanggalin.

"Kinakabahan ka ba?"

"F-feeling ko kilala kita eh," halos pabulong niyang sabi. "Tsaka bakit naman ako kakabahan? Sino ka ba?" dagdag pa niya.

Tiningnan ko siya sa mga mata para basahin ang utak niya. Kaya ko rin naman 'yong gawin pero hindi katulad kay Lester na kahit kailan niya gusto ay nagagawa niya. Kailangan ko pang kontrolin ang sarili ko bago ko magawa 'yon.

'Siguro tawang-tawa na ang utak niya sa 'kin. Pero wala akong gusto sa kanya ah! Pero ang pogi niya! Sobrang puti niya pa.'

"Ngayon lang ako nakakita ng mayaman na mas trip magtagalog kesa magsalita ng ingles," natatawa kong sabi sa kanya. "Hindi mo ako kilala. Pero ako, kilalang-kilala kita."

"Huh?"

"My name is Ameer Graye Mendoza." I fucking hate that name.

"H-hindi nga kita kilala," sabi nito at pilit na inalis 'yung kamay lo roon sa hoodie niya kahit basang-basa na ang kamay niya dahil sa ulan.

Pasaway 'to ah.

"Kanina lang magkausap tayo tapos ngayon hindi mo na ako maalala." pinilit kong seryosohin ang mukha ko para hindi siya makahalata sa cringe moment na nangyari kanina. "Sikat ako, hindi mo talaga ako kilala? Aba tangina. Nakakadismaya 'to," umiling-iling pa ako para lang makalusot sa isipan kong gusto ko nang tanggalin.

Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko na mapigilang mapangiti. Bakit ba ako ngumingiti? Para akong tanga.

"I seriously have no idea who the hell are you."

"Have you heard about Giffer Mendoza?"

That's my papa.

Bakit parang hindi niya 'yon kilala? Narinig niya 'yon mula sa bibig ng magulang niya kahapon ah? O baka naman nakalimutan niya lang.

At teka, magka-apelyido pa sila nung Giffer! Sigurado akong kamag-anak niya iyon.

"Wala na siya," deklara ko rito.

Her eyes slightly widened. "Huh?"

Ang linaw-linaw, hindi niya narinig?

"Kilala mo ba si Giffer? Baka naman pwede mo akong dalhin sa bahay nila-babayaran kita kahit magkano. Basta dalhin mo lang ako sa bahay nila."

Oh. She forgot I have plenty of those.

"Kahit magkano?" sinabayan ko na lang siya.

Nag-iwas siya ng tingin. "Kahit magkano."

"Sige, deal."

Dadalhin ko ba siya roon? Ewan ko. Wala na ako sa matino kong isipan. Binalikan ko siya nang maalala kong may naiwan pa siya roon.

"Hindi mo kukuhanin 'yang mga binili mo?" Tanong ko sabay turo roon sa mga binili ko kanina. It's everywhere.

"Teka lang," aniya sabay ngiti. Parang nata-tae pa siya sa ngiti niya.

Dumiretso agad ako sa kotse ko para itago ang ilang picture namin ni Wendy. Baka magalit pa 'yun sa 'kin kapag sinabi kong nagkita na talaga kami ng kaibigan niya at ipinaalam ko pa na magkapatid kami.

Wala akong extrang payong kaya hindi ko maibigay sa kanya 'yon. Ayoko ring isipin niyang masyado akong feeling close at baka maalala niya agad si Wendy.

Sumakay ako sa kotse ko at itinapat 'yun malapit sa pwesto niya para hindi na siya gaanong mabasa pa. Tumapat ako roon, palihim kong pine-flex ang sports car ko.

Tinitingnan ko lang siya sa rear view mirror para masigurado kong okay lang siya. Naguilty tuloy ako sa pag-iwan sa kanya roon kaya mas lalo siyang nabasa ngayon. Nagcellphone na lang siya kaya nagfocus na lang ako sa pagddrive pero tinitingnan ko pa rin siya sa rear view mirror.

Nang malapit na kami ay nagsalita na lang ako dahil mukhang wala rin siyang balak magsalita.
"Laman ng balita ang pamilya n'yo,"

Tumango lang siya. Ni hindi manlang niya ako tiningnan. Kinuha ko na lang 'yung towel na nasa tabi ko lang. Ibinigay ko 'yon sa kanya para makapagpunas siya.

"Oh," I glanced while lending her the towel. "Magpunas ka ryan, baka mamatay ka pa rito ako pa sasagot sa gastusin mo."

Sinarado ko na lang 'yung air conditioner kahit hindi naman ako naaapektuhan noon. Ang bastos ng bunganga ko. Masyado ba akong nagiging harsh sa kanya?

"Salamat," nakita ko ang ngiti niya sa salamin.
"Malayo pa ba?" tanong niya makalipas ang ilang minuto. Tumingin pa siya sa labas.

"Malapit na."

"I-Ito 'yung bahay ni Giffer?" tanong niya nang makarating kami sa bahay na 'yon.

I raised my brows. "Dadalhin ba kita rito kung hindi?"

Tingin siya nang tingin dito. Mukhang pamilyar siya rito, a?

Aba, hindi pa siya naniniwala sa akin?

Sarkastiko akong tumawa. "Kung alam mo na niloloko kita, ba't sumama ka agad? Ayos mo. Kung kailan nandito na tayo tsaka ka pa nagreklamo."

"Kilala ko may ari ng bahay na 'to, hindi mo ako maloloko."

Muli kong itinaas ang kilay ko, "Kilala mo? Sino?"

"Basta kilala ko." sagot nito. "Paano ako makasisigurado na ito talaga 'yung bahay niya? Maniniwala na ako kung may ebidensya ka."

"Giffer Mendoza is already dead." walang buhay niyang sabi.

Nanlaki ulit ang mga mata niya na parang ngayon niya lang 'yon narinig at hindi ko 'yon sinabi sa kanya kanina. "Ano?!" gulat na tanong niya. "Eh bakit mo pa 'ko dinala rito?!"

Hays.

"Kasi sabi mo dalhin kita rito." sagot ko.

"Gago ka ba?!" bulyaw nito sa akin.

Aba, minura talaga ako.

"Giffer Mendoza is dead but I'm alive, as you can see. Obviously,"

"You have nothing to do with him!"

"I do have a thing to do with him. Especially, to you and your family. I'm his son. Again, in case you forgot, my name is Ameer Graye Mendoza. We own this house so I have something else to do with you." kalmadong paliwanag ko. "Kung wala lang akong utang na loob na anak, I will never do this bullshit with you."

"Kanina ang bait-bait mo tapos ngayon binu-bullshit-bullshit na lang." bulong nito.

Nagkunwari na lang ako na hindi ko narinig 'yon.

"Ano? Papasok ka ba o hindi?"

"Papasok," sagot niya. "Kailangan tulungan niyo kami. Ewan ko kung bakit kayo 'yung minention ng mga magulang ko pero sana naman tulungan niyo kaming maayos lahat ng 'to."

Isinarado ko muna ang gate kaya nauna na siyang pumasok doon.

"May kasama ka ba rito?" Tanong niya ulit.

Ang dami niyang tanong. Buti na lang at hindi pa ako naiinis.

"Wala."

"Ilan kwarto niyo?"

"Apat." Hindi naman namin ginagamit.

"Dito na lang ako matutulog!" sigaw niya.

Napahinto ako. "Hindi pwede."

Baka kung ano pa ang malaman niya rito. Kakawala lang din ni Papa.

"Sige naaa! Magbabayad naman ako, eh,"

"Hindi na ako naniniwala sa 'yo. Ni-hindi ka nga nagbayad kanina. Sabi mo kahit magkano."

"Hindi ka naman nagsabi kung magkano," palusot niya pa.

"Bakit? May pambayad ka?" I raised my brow.

 "Syempre! Kung hindi man ngayon, sa mga susunod na araw. Basta magbabayad ako."

"Ulol," bulong ko.

Nasanay lang talaga akong magmura. I didn't mean to be offensive. I just can't stop saying that word.

"Naririnig kita ah!" Inis niyang sigaw.

I secretly smirked when I saw her glaring at me.

Pagkabukas namin ay nagkalat ang mga kalat sa paligid. Oh man, I forgot about that.

"Hoy tangina, dugyot!" bulaslas niya "Ayoko na. Hindi na pala ako matutulog dito! Hindi ka ba marunong maglinis?" Inilibot niya pa ang tingin ko sa buong bahay.

"Marunong." simpleng sagot ko kahit gusto ko nang magpakain sa lupa sa loob loob ko.

"Eh bakit hindi mo subukang linisin 'tong bahay niyo?"

"Manahimik ka nga kung gusto mong tulungan pa kita."

Sus, gusto mo rin naman. Singit ng utak ko.

"Ayoko. Aalis na 'ko. Tsaka mo na lang ako imbitahan ulit pagnilinis mo na 'tong bahay niyo." sabi nito sabay labas.

"Wala kang matutulugan ngayong gabi," seryosong sabi ko rito. Hindi ko gustong ma-offend siya roon. Talagang nahihiya lang ako sa ginagawa ko. Patong patong na ang hiya sa katawan ko.

"Maghahanap ako. Basta hindi madumi."

Lumabas agad siya at iniwan ako roon sa loob.

"Bahala ka sa buhay mo," sinarado ko nang malakas 'yung pinto. Nang tuluyan ko 'yong maisarado ay mariin akong napapikit.

Tangina, nakakahiya talaga.

Hindi na ako nagdalawang isip na linisin 'yon. Ah, hindi ko siya hahayaang mag-isa roon. Kaibigan pa rin siya ng kapatid ko.

Kahit hindi pa kami magkasundo sa ngayon, magkakasundo rin kami nito.

Continue Reading

You'll Also Like

412K 7.4K 42
Kalia Zeen Valverde, bratty daughter of a known Governor who left home because her parents arranged a pragmatic marriage for her. Will her bratty, b...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
4.6K 1.3K 57
To her, writing is everything. Writer's block was her nightmare. Andy couldn't believe how her life had turned upside down and how her entities shatt...
360K 9.1K 57
Ma. Isabella Marquez, a student who had given a chance to enter a prestigious university of St. Albertus Magnus University. From a province life int...