10 Steps To Be A Lady

By Khira1112

11.7M 232K 32.6K

First Installment of Steps Series Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish... More

10 STEPS TO BE A LADY
CHAPTER 1 : BET
CHAPTER 2 : HER PUNISHMENT
CHAPTER 3 : THE STEPS
CHAPTER 4 : THE BLACKMAILER
CHAPTER 5 : TRIAL AND ERROR
CHAPTER 6 : DINNER WITH OLD FRIENDS
CHAPTER 7 : THE BEHOLDER
CHAPTER 8 : PIQUE
CHAPTER 9 : CEASEFIRE
CHAPTER 10 : PAST, PRESENT & FUTURE
CHAPTER 11 : THE GENTLEMAN
CHAPTER 12 : THE IMPOSSIBLE SIDE
CHAPTER 13 : STARTING POINT
CHAPTER 14 : ADMISSION AND CONFUSION
CHAPTER 15 : SOURCE OF IRRITATION
CHAPTER 16 : RETURNING BUDDIES
CHAPTER 17 : KILL
CHAPTER 18 : NOT SO GOOD
CHAPTER 19 : NIGHT AND DAY DIFFERENCE
CHAPTER 20 : TONS OF REMINDERS
CHAPTER 21 : NOTES AND LISTS
CHAPTER 22 : WITH HIM
CHAPTER 23 : PILLOW VS PUNCHING BAG
CHAPTER 24 : ENEMIES TO PERFECTION
CHAPTER 25 : THE UNBEATABLE
CHAPTER 26 : MATURITY
CHAPTER 27 : NOT A GOOD JOKE
CHAPTER 28 : WHEN NO ONE IS AROUND
CHAPTER 29 : ASSURE YOU
CHAPTER 30 : TWO IN ONE
CHAPTER 32 : READ BETWEEN THE LINES
CHAPTER 33 : GETTING SERIOUS
CHAPTER 34 : MISMATCH
CHAPTER 35 : THE KISSING MONSTER
CHAPTER 36 : NAUGHTY SIDES
CHAPTER 37 : SECOND TEST
CHAPTER 38 : LAST QUESTION
CHAPTER 39 : RESULT
CHAPTER 40 : LEVEL UP
CHAPTER 41 : WELCOME AND GOODBYE
CHAPTER 42 : STYLE
CHAPTER 43 : WEIRD
CHAPTER 44 : DATE
CHAPTER 45 : THEMESONGS AND UNRECIEVED GIFTS
CHAPTER 46 : HOW TO BE SWEET
CHAPTER 47 : EXTRA LESSON
CHAPTER 48: KEEP YOU AWAY
CHAPTER 49 : COLD TREATMENT
CHAPTER 50 : NOODLES
CHAPTER 51 : FAIR FIGHT AND ELEVEN GIFTS
CHAPTER 52 : THE JUDGES AND THE AUDIENCE
CHAPTER 53 : JUST TELL
CHAPTER 54 : A MINUTE OF BEAUTY , CONFIDENCE AND ELEGANCE
CHAPTER 55 : STEP FOUR
CHAPTER 56 : REST DAY
CHAPTER 57 : DO THIS
CHAPTER 58 : FIND ANOTHER WAY
CHAPTER 59 : FIFTEEN
CHAPTER 60 : SORRY NOT SORRY
CHAPTER 61 : LET ME KNOW YOU
CHAPTER 62 : FORGOT
CHAPTER 63 : CONTINUE THE STEPS
CHAPTER 64 : MOON
CHAPTER 65 : INITIATE
CHAPTER 66 : DONE NOTHING
CHAPTER 67 : KISS MARK
CHAPTER 68 : BITTER
CHAPTER 69 : WAIT
CHAPTER 70 : HEADLIGHTS
CHAPTER 71 : MORE THAN MOST
CHAPTER 72 : RINGTONE
CHAPTER 73 : BARBIE
CHAPTER 74 : HELL IN MY HANDS
CHAPTER 75 : HORROR-ROMANCE
CHAPTER 76 : STEP 6
CHAPTER 77 : LET IT OUT
CHAPTER 78 : INVITATION
CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER
CHAPTER 80 : TWO MONTHS REMAINING
CHAPTER 81 : BREAK
CHAPTER 82 : STEP 7 AND 8
CHAPTER 83 : FIRST TIME WITH YOU
CHAPTER 84 : CHAT
CHAPTER 85 : FINISHED
CHAPTER 86 : PART-TIME JOB
CHAPTER 87 : WORKMATES
CHAPTER 88 : HOW I WISH
CHAPTER 89 : TREASURE AND PRECIOUS
CHAPTER 90 : GIRL OR LADY
LAST CHAPTER : WITNESSED IT ALL
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 31 : BLACK AND WHITE

119K 2.4K 353
By Khira1112

RHEA POV

Lumipas ang ilang araw. Hindi ko namalayan na weekend na pala. Maaga akong nagising dahil may early jog kami ni Delgado. Infairness, nasasanay na ang katawan ko na magising ng maaga.

Sleeveless sweatshirt at cotton boxers ang suot ko. Nasa labahan na lahat ng sweatpants ko dahil iyon ang ginagamit ko sa pagwowork out sa gabi.

Napasimangot ako nang makita si Delgado na nakaupo sa gilid ng kama ko.

"Sabi ko sayo do'n ka na lang sa baba, di ba?"

Ngumisi siya. "Nainip ako, eh."

Inirapan ko na lamang siya. Kinuha ko sa shoe rack ang sneakers ko at nilapag iyon sa sahig. Umupo naman ako sa gilid ng kama para isuot iyon.

"Hayy. Pagong." naiiling na sabi ni Delgado. I glared at him. "5:30 na, oh. Ang usapan natin 5 tayo mag-j-jog."

Jusmiyo naman! 7:00 nga , hirap na hirap pa rin akong bumangon. Pasalamat nga siya na nagising ako ng saktong 5:00.

"Manahimik ka na lang dyan kung ayaw mong sapatusin kita." pinanlakihan ko siya ng mata. Tinawanan niya lamang ako.

Iningusan ko siya at pinagpatuloy ang pagsusuot ng sapatos. Naramdaman ko siyang tumayo at lumipat sa harap ko. Lumuhod siya sa harap ko. Nagulat na lang ako nang hilahin niya ang paa ko.

"Hoy! Ano ba?" iritado kong wika.

"Ako na."

Isinintas niya ang sapatos ko pagtapos ay kinuha niya ang isang paa ko na wala pang suot na sapatos.

"Ano na namang trip mo?"

"Tingin mo nang-t-trip ako?" ngumisi siya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kailan ka ba hindi nang-trip?"

"Hmmm, nung nagtapat ako sayo?"

Automatic akong namula sa sinabi niya. Dinampot ko ang unan sa gilid ko at hinampas iyon sa ulo niya. As usual, tumawa lang ulit siya sabay sabi ng "Amasona ka talaga."

"Ako na nga 'yan!" pinilit kong itaas ang paa ko ngunit hinawakan niya iyon at pinirmi sa baba. "Bitaw o sisipain kita?"

"Masama ba ang gising mo? Tayong dalawa lang naman ngayon pero ba't ang sungit mo?"

Lalo akong namula sa sinabi niya. Bwisit na 'to! Kung anu-ano ang lumalabas sa bibig.

Natawa siya nang hindi ako umimik. Pinapatuloy niya ang paglalagay ng sapatos sa paa ko. Isinisintas niya na 'yon.

"Hindi ako bata. Marunong ako magsintas. Hmp!"

Ngumisi lang siya ulit. "Alam ko. Gusto ko lang ma-feel mo na para kang si Cinderella. Ang pinagkaiba mo lang sa kanya, hindi glass shoes ang iyo. Sneakers." tumawa siya pagtapos niyang sabihin iyon. Hindi ko alam kung huhupa pa ba ang pagkapula ng mukha ko. Walang hiyang, Delgado! Hinampas ko ulit siya ng unan pero isinalag niya ang braso niya. Tatawa-tawa siyang tumayo. Ako naman ay nanatiling nakaupo sa gilid ng kama at nakabusangot.

"Come on." hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo. Binawi ko ang kamay ko at humalukipkip. Natawa siyang lalo kaya mas lalo rin akong nairita. Inakbayan niya ako.

"Amasona ko, di ba pwedeng huwag kang maging moody? Ang aga-aga , oh." hinalikan niya ang sentido ko. Siniko ko siya at nauna akong lumabas ng kwarto. Nadirinig ko ang muntik halakhak. Kuu~! Bwisit talaga. Ano bang nakakatuwa sa akin at wala siyang tigil sa pagtawa? Nakakaimbyerna na, ha!

Umakbay ulit siya sa akin. Sabay kaming lumabas ng bahay. Kwento siya ng kwento ng kung anu-ano. Ako naman medyo lutang pa kaya 'okay' at 'ahh' lang ang nasasagot ko sa kanya. Tulog pa ang mga kasambahay namin. Yung guard lang ang natanawan kong dilat na dilat. Nagbatian pa nga sila ni Delgado.

"Close kayo nung guard namin?"

Ngumisi siya at tumango.

"Ayos ka, ah. Hindi ko nga nakakausap 'yon."

"Kailangan 'yon para pag pumunta ako dito, papapasukan agad ako."

May motibo pala ang loko.

"Hmp. Papasesante ko nga kay Papa 'yang guard na 'yan."

Napahalkhak siya.

Nag-stretching muna ako at hinayaan siyang mamatay sa kakatawa. "Ano? Hindi pa ba tayo tatakbo?"

"Eto na ,boss." nag-stretching na rin siya. Ilang sandali pa ay parehas na kaming tumatakbo.

Mabilis talaga si Delgado sa pagtakbo. Ang haba ba naman ng legs niya kumpara sa legs ko. Sa isang oras na pagtakbo namin , ramdam ko na ang pagod. Nakakasilaw na rin ang sikat ng araw nang magpasya kaming mag-water break. Sa club house kami huminto at bumili ng bottled water sa vendo machine.

Umupo muna kami sa bench at nanuod ng mga naglalaban sa tennis court. Napatingin ako kay Delgado na umiinom ng tubig.

Ilang araw ko na siyang kasama. Sa pag-uwi ko galing school, kapag wala kaming usapan ni Anne, agad niya akong susunduin para mapaaga ang work out session namin. Napapadalas ang pagtambay ko sa bahay nila. Nanunuod kami ng kung anu-ano o kaya naman ay maglalaro ng mga board games. As usual, ako ang laging talo. Hindi man lang niya ako pinanalo kahit isang beses lang. Well, nasasanay naman na ako na lagi siyang panalo. Parang natanggap ko na rin na magaling talaga siya.

Lumingon siya sa akin at ngumiti. Agad akong nag-iwas ng tingin. "Come on. Gusto ko yung tinitignan mo ako ng gano'n. Pakiramdam ko patay na patay ka sa akin." natatawang sabi niya.

"Kapal, ha!"

"Kunwari pa. Totoo naman." kinutusan ko nga. Napaigik siya pero isang segundo lang at tumatawa na ulit. Wirdo! Siya lang ata yung lalaking willing na magpasadista sa isang amasona.

Ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Hinanap ng kamay niya ang kamay ko at mabilis na ipinagsalikop ang mga iyon.

Napabuntong hininga ako. May kailangan nga pala akong sabihin sa kanya.

"Ready ka na for tomorrow?"

Natigilan ako. Tomorrow? Ano namang meron bukas? Nilingon ko siya.

"Ano bang meron?"

Kunot noo siyang napatingin sa akin. "Nakalimutan mo? Di ba may pupuntahan tayo? Sinabi ko sayo yung tungkol sa second step, di ba?"

Natampal ko ng wala sa oras ang aking noo. Oo nga pala! Ba't ko nakalimutan 'yon?

Na-realìze ko na madadagdagan pala ang problema ko.

"Nawala sa isip ko." napakamot ako sa aking kilay. Natawa naman siya.

"Take notes kasi next time. Bibilhan ng kita ng steno para maisusulat mo ang mga schedule mo. Tsk! Napakamakakalimutin naman kasi." biro niya.

Hindi ako makapagsalita. Paano ko ba sasabihin sa kanya na nakapangako na ako na pupunta ako kina Artemis mamaya at bukas?

"Pwede bang i-postone?"

Nilingon ulit ako ni Delgado, mas lumalim ang gatla sa kanyang noo.

"Hindi. Bakit?"

Napakagat ako sa aking labi. Patay ako nito! Hindi ko nasabi sa kanya na may plano rin ako bukas.

"Anong oras ba ang alis natin bukas?" tanong ko. Susubukan ko na lang makalusot pag kaya kong maghabol ng oras.

"Bago maghapon. Siguro mga 1 or 2 ang program."

"Huh? Program?"

He pinched my cheecks at ngumiti. "Basta."

Nilaro-laro ko ang mga daliri naming magkahugpong. Nagkakandahaba ang nguso ko. Bad timing.

I spent my weekdays with him para mapayagan ako na makasama sina Artemis at Coby sa weekend. Nagkandabuhol-buhol naman ngayon dahil nakalimutan ko yung sinabi ni Delgado.

"I. . .I have plans with Artemis bukas. P-paano 'yan?"

Napatingin siya sa akin. Umangat ang likod niya sa sandalan ng bench. "What?"

"Niyaya akong maki-sleepover sa kanila mamayang gabi tapos bonding bukas."

Nagdikit ang kilay ni Delgado sa sinabi ko. "Pumayag ka?"

Bumuntong hininga ako sabay tango.

"You'll be with Coby too?" tanong niyang muli.

Natigilan ako ng ilang sandali.

"Makakasama mo rin siya, di ba?" naningkit ang mga mata niya.

"Yeah." mahina kong sagot.

Binitiwan niya ang kamay ko. Umusog siya sa kabilang dulo ng bench at humalukipkip.

Tumingin lang ako sa kanya.

"Delgado." tawag ko sa kanya. Hindi siya lumingon. Nakatingin siya sa mga tennis player sa court.

"Hoy." tawag ko ulit. Umingos siya. Hindi niya pa rin ako pinansin! Napanga-nga ako. Nagtampo ba siya?

Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo. "Tara na. Balik na tayo." nauna na siya maglakad. Naguluhan ako sa ikinilos niya. Galit ba 'yon? Pinaalam ko lang naman yung totoo, ah?

Nag-jog kami pabalik. Nauuna siya sa pagtakbo. Nanatili ako sa likod niya. Hindi niya ako nililingon at tinatawag man lang.

Okay. Galit nga ata.

Pagdating namin sa bahay, gising na si Yaya Martha at inaya niya kaming mag-breakfast.

Biglang nagsalita si Delgado. "Hindi na po. Alis na ako."

Walang sabi-sabi. Walang lingon-lingon. Walang paa-paalam. Tumalikod siya at iniwan kaming tulala ni Yaya.

"Nag-away na naman ba kayo?" tanong ni Yaya nang tuluyang umalis si Delgado. Nagkibit balikat na lang ako kahit na-bother ako sa kinilos ni Delgado. Ngumiti ako kay Yaya at naunang naglakad papuntang kusina. "Gutom na ako, Ya. Hayaan mo na siya. Lagi naman kaming nag-aaway no'n."

Pinilit kong kumain kahit nawalan ako ng gana. Nagpaalam agad ako kay Yaya na magpapahinga muna ako. Umakyat ako sa kwarto at naligo. Nang matapos akong maglinis ng katawan, chineck ko ang mga text messages sa phone ko. Tatlo ang nando'n. Isa kay Coby, isa kay Artemis at isang kay Delgado.

Inuna kong binuksan ang kay Delgado.

Bakulaw : Work out before you go.

Yun lang. Walang smileys. Walang pahabol. Walang dagdag. Ang lamig naman ng text message niya. Nag-isip ako ng irereply. Gusto kong itanong kung galit ba siya. Kung matutuloy pa ba kami bukas. Pero sa tuwing buo na ang reply ko sa kanya, buburahin ko rin agad. Sa huli, isang malami na 'K' lang ang nasagot ko.

Napakamot ako sa aking kikay. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng inis para sa aking sarili. Tipong gusto kong pagalitan ang sarili ko pero hindi ko magawa dahil magmumukha akong tanga.

Binuksan ko ang text ng magkapatid.

Artemis : Tuloy tayo later, ha? Do you know how to bake? Bago tayo matulog, pag-b-bake tayo ni Coby ng sweets. Excited na ako. See yah, girl!

Napangiwi ako. Oh, no. Hindi ako mahilig mag-stay sa kusina. Malakas lang akong kumain pero never akong humawak ng kaldero at sandok para i-dare ang sarili ko magluto. I'm surprised. Marunong mag-bake si Coby.

Coby : Good morning , my lady. Anong oras kita susunduin?

Napakamot muli ako sa aking ulo. Nangangamote ako. Hindi ko alam kung ano ang irereply ko.

Sa huli, sinabi ko na lang na huwag niya na ako sunduin. Magtataxi na lang ako.

Nanghalukay ako ng mga damit na dadalhin ko. Isang gabi at isang araw lang naman ako sa kanila. Okay na siguro ang isang set ng pajama at t-shirt and pants. I have to be careful. I should act as a normal girl.

Lumipas ang oras. Patingin-tingin ako sa aking phone. Nag-e-expect ng reply ni Delgado. Pero wala namana kong na-tanggap ni tuldok man lang. Sabagay, anong irereply niya sa 'K'?

Nagulat na lang ako nang pagbaba ko, nando'n siya sa salas. Nakabusangot pa rin ang mukha at nakahalukipkip.

"Tatawagin ko na po sana kayo. Kararating lang po ni Sir Ren." sabi ng isa pa naming katulong. Tinanguan ko lamang siya.

Umiwas ng tingin si Ren. Napabuntong hininga ako. Napatingin ako sa wall clock, work out session na namin. Sigurado akong sinusundo niya lang ako.

Nang magkaharap na kami, parehas kami tumikhim at natigilan. Una siyang nagsalita.

"Maaga tayong mag-work out kung aalis ka pa. I hope you don't mind." aniya.

Tumango ako. Nauna siyang lumabas. Sumunod lang ako sa kanya. Sa kotse, wala pa rin kaming imikan. Ang awkward. Tuwing magbubuka akong bibig, umuurong ang dila ko kaya isasara ko na lang muli. Hindi ko talaga kayang itanong sa kanya ang mga nasa isip ko.

Nagsimula at natapos kaming mag-work out na parang walang nangyari. Hindi ako napagod man lang. Magrereklamo na sana ako pero kita kong madilim pa rin ang mukha niya.

Hinayaan ko na lamang.

Bihis na ako at paalis na. Nakita ko siyang nakapamulsa at nakasandal sa stool. Bagong paligo rin siya gaya ko.

Tumikhim ako. "Aalis na ako."

Umiwas siya ng tingin. "Ihahatid kita."

Hindi na ako umangal. Hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya.

Tahimik lang ako buong byahe. Focus naman siya sa pagda-drive. Parang nakalutang ako sa ere. Hindi ko ata dala ang utak ko ngayon. Namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng bahay ng mga Ramirez nang huminto ang kotse. Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumingon sa kanya.

"Salamat."

Tumango lang siya. Huminga ako ng malalim. Naiinis ako sa kanya. Hindi ba niya ako pipigilan? Bubuksan ko na sana ang pintuan pero hinigit niya ang braso ko. Lumingon ako sa kanya at nagulat ako ng bigla niya akong siniil ng halik. Sandali lamang iyon at bigla rin siyang lumayo.

"Don't do anything stupid if you don't want me jealous." mahina niyang sabi. Nahigit ko ang aking paghinga.

Nagmadali akong bumaba ng sasakyan niya. Muntik pa akong sumubsob sa semento sa sobrang pagmamadali. Bumilis ang paghinga ko sa ginawa niya.

Napalunok ako. Natuyuan ata ang lalamunan ko.

Nakaalis na ang sasakyan niya pero nanatili akong nakatayo doon. Nagitla pa ako nang mag-ring ang phone ko. Tumatawag na si Artemis. Sinagot ko 'yon.

"H-hello. . ."

"Rhea! Where art thou? Papasundo ka pa ba namin?" malambing niyang sabi.

"N-no. Hindi na. Nandito na ako sa tapat ng security gate niyo."

"Ohh. Okay! I'll call the guards. Wait lang, ha?" binaba niya ang tawag nang hindi pa ako sumasagot. Napabuntong hininga ako. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Delgado.

Maya-maya pa ay pinapasok na ako ng guards. Sinalubong ako ni Artemis ng yakap.

"I miss you, girl! Buti talaga pumayag ka."

Nginitian ko siya. "Wala 'yon. Nakaka-miss ka rin."

"Hmm, what about Coby? Na-miss mo rin ba siya?" tanong ni Artemis sa akin na may kasamang panunukso. Hindi ko siya sinagot. Ngiti lamang ang nagawa ko. Nakapasok na kami sa bahay nila at wala pa ring tigil si Artemis sa panunukso. Tinatawanan ko na lamang ang mga panunukso niya.

"Nasa kusina si Coby. Tara! Iwan mo muna yung bagpack mo dyan." nilapag ko sa sofa ang dala kong bag bago nagpaakay kay Artemis. Pagdating namin sa kusina, nadatnan ko si Coby na naglalagay ng icing sa cake.

"Brother! Nandito na ang pinakahihintay mong bisita." mabibong sabi ni Artemis. Nag-angat ng tingin si Coby at agad niya kaming nakita ng kapatid niya. Ngumiti siya sa akin. I smiled back at him.

"Hey! Dumating ka na pala."

"Yeah." tumingin ako sa cake na ginagawa niya. Natakam ako bigla. "Wow! Marunong ka pala mag-bake?"

Ngumiti lamang si Coby at tinapos ang paglalagay ng icing do'n.

"Hindi ba niya sinabi sayo? Nag-culinary siya sa Korea at the age of 12." nanlaki ang mata ko. Sinabi rin ni Artemis na scholar si Coby dahil nanalo ito sa isang cooking show for kids. Na hilig daw talaga ng kapatid ang pagluluto.

"Artemis. . ." saway ni Coby sa nakatatandang kapatid ngunit hindi pa rin naaalis ngiti sa labi niya. "Baka naririndi na sayo si Rhea." marahang tumawa si Coby. Nag-pout naman si Artemis. "Pinagmamalaki na nga kita sa kanya, ayaw mo pa?"

Napailing na lamang ako sa magkapatid. Na-miss ko tuloy ang mga kuya ko na nasa ibang bansa.

"Hmm, paano? Maiwan muna kita sa kanya, Rhea. I'll check our room kung nalinis na ni Yaya. Feel at home!" kumaway pa siya bago umalis ng kusina. Marahan akong natawa. Ang daming energy ni Artemis sa katawan.

"Sorry for my sister. She can be annoying sometimes." lumingon ako kay Coby na nagpupunas ng kamay. Tinuro niya ang isang high chair para paupuin ako. Agad naman akong umupo ro'n. Kumuha siya ng saucer at tinidor. Nilapag niya iyon sa harap ko.

"Hindi naman annoying si Artemis. Nakakatuwa nga siya." ngumiti ako. Umupo siya sa tabi ko.

"It's good to see you smile, Rhea." Natigilan ako. Natawa naman siya. He pinched my nose. "Tikman mo 'tong caramelized white chocolate cake ko."

Pabiro kong hinampas ang braso niya. Nagtawanan kaming dalawa. Komportable talaga ako sa kanya. Masaya siyang kasama. Friendly at entertaining. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagagawa sa akin. Tipong hindi ako mag-aalala pag si Coby ang kaharap ko. He's easy to be with. Naiilang lang ako kapag naramdaman ko na hindi na normal ang tibok ng puso ko. Madalas ko iyong maramdaman sa kanya iyon dati. Ngayon, hindi ko masabi kung katulad pa rin iyon ng dati o may nagbago na sa pananaw ko.

Panay ang puri ko sa cake na ginawa niya. Masarap! Para akong kumain sa mamahaling pastry.

"You like it?"

Nag-thumbs up ako. He chuckled. Inayos niya ang mga hibla ng buhok ko at nilagay iyon sa likod ng aking tainga. Natigilan akong muli.

Oh, no. Nagsisimula na naman. Ito na naman ako. Nagiging abnormal na naman ang puso ko. Hindi ko alam kung paano ko ngunguyain at lulunukin ang cake.

"Mukhang gutom ka, ah. You didn't eat your dinner." inalis niya ang icing ng cake sa gilid ng bibig ko.

Nahihiya akong umiling ako sa kanya.

"Dapat pala kumain ka muna ng dinner. Do you want me to cook for you?"

"H-huwag na. Nakakahiya naman. Hindi naman ako sobrang gutom. Masarap lang talaga ang cake mo."

"You sure?" mukhang hindi siya kumbinsido. Sunud-sunod akong tumango.

Nagbangon ako ng topic para mawala ang kaba ko. I'm glad na sinasakyan niya ang mga tanong ko kahit walang ka-sense sense ang iba ro'n. Hanggang sa napunta kami sa isang topic na may kinalaman sa second step. Naisip kong alamin ang opinyon niya. Gusto kong malaman kung anong pananaw niya sa salitang 'maturity' . Minsan niyang sinabi sa akin na gusto niya ng mature na babae. Kaya nga ako na-motivate nung mga panahon na 'yon. Gusto kong malaman kung gano'n pa rin ba ang gusto niya.

"Sabi mo sa akin dati gusto mo ng mga mature girls?"

Tumango-tango siya. "In way of thinking, yes. Gusto ko kasi yung marunong magdala ng relasyon. Hindi childish, immature at insecure."

Napakagat ako sa aking labi. Malabo akong makapasa sa tipo niyang babae. Childish ako. Immature pa rin hanggang ngayon at maraming insecurities sa katawan.

"Ba't mo naitanong? Gusto mo bang maging mature?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Hindi ko masabing 'oo' .

Hinawakan niya ang kamay ko. "Don't think about it. May na-realize kasi ako lately lang." nangingiting sabi niya.

Naguluhan ako bigla. "Don't waste your youth by thinking maturity. Minsan lang naman tayo mapupunta sa ganitong stage. Bata pa naman tayo so why do we need to take life seriously? Yung mga seryoso at mature na tao, madalang tumawa, ngumiti at sumaya. Darating naman yung time na matuto tayo, ba't kailangan nating madaliin, di ba?"

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o sisimangot sa sinabi niya.

"At tungkol do'n sa tipo kong babae, I guess wala naman talagang label pag-in love ka na. Wala ka ng pakialam sa characteristic niya. Mature man o hindi, basta mahal ko, mahal ko. Period."

For the first time in my whole life, pakiramdam ko ay naipit ako sa opinyon ng dalawang tao. Ren has explains maturity in a good way. Coby is against it. Nakuha ko yung mga punto nila pero hindi ko kayang tukuyin kung sino ang mas tama o sino ang mas matimbang. Opposition. Black and White. Damn.

"Kagaya na lang nito." nagulat ako nang lagyan niya ng icing ang pisngi ko. Tawa siya ng tawa.

"You-" dumakot rin ako ng icing at akmang ipupunas sa kanya pero mabilis siyang tumakbo palayo.

The next thing that I knew, nagkalat na ang icing sa kusina at parehas na kaming nanglalagkit.

Hindi ko rin namalayan na nakikitawa na rin ako kasabay niya.

Coby made his point. Now, do I have to consider it or not?

Nagulat si Artemis sa itsura naming dalawa ni Coby. Pinagalitan pa niya ang kapatid niya habang pinaakyat naman niya ako sa kwarto niya para maligo at magbihis. Tinatawanan lang ni Coby si Artemis. Napailing ako. Hindi mabura ang ngiti sa labi ko. Akalain ko bang si Coby Ramirez ay may ganyang side?

Nasa kwarto na pala ang bagpack ko. Agad kong kinuha ang pajama ko ro'n. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone. Agad kong nilabas iyon sa bag.

Nanlaki ang mata ko nang makitang tadtad ng message ni Delgado ang inbox ko. Isa-isa kong binuksan iyon.

Bakulaw : I will fetch you tomorrow.

Bakulaw : I'm mad at you. Nakakainis ka.

Bakulaw : Natotorpe na naman ako.

Bakulaw : Rheaaa, umuwi ka na please.

Bakulaw : Argh! Mamamatay ako sa selos dito!

Napanga-nga ako sa mga messages niya.

Seryoso ba 'to?

>>next update

Continue Reading

You'll Also Like

277K 9.3K 8
Am I Wrong (The Knightless Princess Book 2) By SexyKisser
2.1M 80.2K 37
Great parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are those who shed blood just to achieve a piece...
59K 1.8K 7
I dare you to choose between someone who cherish you the most and the one who hurts you physically and emotionally.
124K 3.9K 108
All my life I thought promises are the only things that were meant to be broken... But what happened? You just left and broke me all of a sudden. Th...