Between the Stars (RE-WRITING)

Por Rainydusk

12.6K 313 442

[on-going rewrite] Si fanboy, todo push kay celebrity girl palapit sa ka-love team nito. Kulang na lang ipaka... Mais

Overview/Trailer/Teaser
The Past
The Near Future
Between the Stars
Aspiring Star
Fangirl's Kuya
Philly's Secret
Steps and Concerns
The Canon
Lonely Heart
A Glimpse: Chubby Ghelo
Rising Star Yish
Hell Side of Someone's Heaven
Phase
Viral Duet
Hello Sweetheart
Fanboy Ghelo
Concerto
Achilles' Heel
Heartbeat

Fangirl's Happiest Day

569 14 23
Por Rainydusk

Present - Chapter 7 -
Fangirl's Happiest Day

Malalim na ang gabi pero heto si Ghelo at gising pa rin. Nakaupo sa harap ng kaniyang study. Hindi kasi mawala-wala sa isip niya ang performance ng babaeng tinagurian niyang "Canon Girl." Kahit maidlip kasi siya, iyon pa rin ang napanaginipan niya.

Hindi kaya witch ang babaeng iyon? Napangisi siya, natatawang naiiling sa mga pumapasok na kalokohan sa utak niya.

Tutok ang paningin niya sa laptop na nasa harapan. Nangangalumata. Nilulunod ang sarili sa panonood at pakikinig ng sangkaterbang versions ng Canon Rock violin cover online. Baka-sakali mawala ang kahibangan niya sa pagkaumay.

In fairness, nabilib naman siya sa female violinists na napanood niya. Mayroong sumasayaw pa nga habang tumutugtog.

Pero iba pa rin si Canon Girl. There was no awkward movement. She totally rocked the violin. Astig pero sweet. Her music and presence had opposing forces that he found compelling.

Wala siyang katulad. Sayang, hindi ko nagawang i-record iyon.

Natulala kasi siya nang mapanood at mapakinggan ang musika ng dalaga. Na para bang may matagal nang namumuong koneksiyon sa pagitan nila.

Nasapo ni Ghelo ang kaniyang mukha habang iniisip kung ano bang nangyayari sa kaniya. Heto na nga at hindi na mabura sa isipan niya ang dalaga tapos nanghihinayang pa siya na sana na-video record niya ang pagtugtog nito?

Ano ang tawag doon?

Natapik niya ang noo. Napapikit sabay pabagsak na sumandal sa backrest ng inuupuan, trying to block his weird feeling. Dinama niya ang suot na locket habang inaalala ang pangako niya sa sarili.

Haven't I told myself? Until I find her. Until I see my savior's face. It's a rock solid vow.

"Bela..." walang ano-ano ay pabuntonghininga niyang naiusal ang pangalang iyon.

Natigilan siya. Kumurap-kurap na pinipilig pa ang ulo.

No way! sita niya sa sarili. He has no reason to welcome this kind of feeling. This should have no room in his heart.

Dinukot niya ang suot na locket. Tinitigan iyon. "I have to find you first. When I get to see you, nothing's gonna bother me nor sway my loyal feelings toward you. That's right. I will see you," pangako niya sa sarili.

***

Maingat na hinawi ni Ghelo ang blinds sa bintana ng silid kung saan naka-confine si Philly. Maaliwalas ang kalangitan. Tumutugma sa plano niya sa araw na ito.

"Phinas," sabi niya sabay naupo sa gilid ng hospital bed. Kaarawan ngayon ng kapatid at gusto niyang sabihin dito ang espesyal na bagay na matagal na niyang sinarili.

"Do you remember the last time you asked me? Kung wala ba akong taong hinahangaan? Isang taong gustong makasama, makita, makausap. Espesyal na taong nagbibigay-pag-asa sa akin... Well, my answer is: Of course, there is." Dinukot niya ang suot na locket. "This. The girl who owns this necklace is the person I admire. You don't know how much I want to see her, to talk to her. And who knows, maybe this feeling--maybe, I've fallen in love with her..." Natawa siya. "Adik ba?"

Nangiti si Philly. Umiling. "Hindi kaya," sagot nito. "Minsan nga akala ko, in love na ako kay Ram Gonzales. Pero habang tumatagal, natatanggap ko naman na isa lang akong tagahanga at siya ang idol ko. Pero kahit malinaw sa akin 'yon, kinikilig pa rin ako sa kaniya."

"So, sa tingin mo, hindi 'love' ang nararamdaman ko? Paghanga?"

"Depende. Kasi iba naman ang meaning ng 'in love' sa 'love.' Kasi ako, hindi man p'wedeng ma-in love kay Ram pero p'wede ko pa rin siyang i-love."

Mayamaya ay may kumatok sa pinto at bumukas iyon. Ang mommy nila. "Ghelo, narito na ang inihanda mo," sabi nito sabay lingon na may sinisenyasan na tumuloy.

"Feliz compleaños, Señorita Philly!" Bumungad ang isang kumpol ng balloons at birthday cake na kapuwa dala ng isang --

Napasinghap si Philly pagkakita sa sumilip na may dala ng mga iyon. Inalalayan siya ni Ghelo na maupo.

"Zorro?" halos magkasabay na nasabi ng magkapatid.

Natawa si Philly na naiiling. Napakamot-ulo naman si Ghelo na todo ang pagkakunot-noo, nakatitig sa naka-Zorro costume na walang iba kundi ang inutusan niyang mag-organisa ng surpresang ito na si Malik. Sumagi sa isip niya ang pag-uusap nila sa opisina:

"Ready na lahat, Sir Ghelo. May maganda na po akong tema para sa surprise birthday throw ninyo sa kapatid ninyo."

"May I know what?"

"Alam ba ninyo, sir, kung sino ang favorite hero ni Philly?"

Bahagya pa niya itong tinaasan ng kilay dahil sa pagtawag sa first name ng kapatid niya na para bang close friends ang mga ito. Tumango siya saka sumagot, "Of course, I know everything about my sis. It's--"

"Zorro," sabay pa nilang sabi.

Tinapunan niya ng nagtatanong na titig ang kausap.

Ngumiti ito na naiilang saka nagpatuloy, "Nag-stalk kasi ako sa Facebook ng kapatid ninyo at nabasa ko na paborito niyang character si Zorro. Kaya ang plano ko, gamitin natin iyon. Since sabi ninyo, sir, na hindi na ninyo gusto ang idea na pakiusapan si Ram, or i-invite natin siya as talent dahil parang kaplastikan kaya..."

Bumalik siya sa kasalukuyan.

Job well done, Malik! naibulong ng isip ni Ghelo habang nakatitig siya sa ngiting-ngiti na si Philly.

"Happy birthday, Phinas," bati niya.

"Happy birthday, 'Nak." Hinalikan ito sa magkabilang pisngi ng mommy nila.

Binitiwan ni Malik -- a.k.a. Zorro -- ang lobo at hinayaan iyong lumipad sa mababang ceiling ng silid na iyon. Sinindihan nito ang kandila sa birthday cake habang kumakanta ang lahat ng "Happy Birthday to You."

"Make a wish, Señorita," sabi ni Malik.

"Una sa lahat, thank you, Kuya Ghelo. Sana 'wag kang mapagod sa pag-aalala mo sa amin ni Mommy. And to you, Zorro. Salamat sa effort."

Pumikit si Philly saka ngumiti. "Thank you, God. Wishing for more happy birthdays with Mommy and Kuya. And, sana i-surprise din ako ng idol kong si Ram tulad ni Zorro. Promise, hindi ako aatakehin sa puso." Nag-blow ng candle.

"Groufie naman tayo para may remembrance sa favorite hero kong si Zorro," sabi ni Philly.

Habang nagkakasiyahan sila, tumunog ang phone ni Ghelo.

Unregistered number. Lumakad sa isang sulok si Ghelo saka iyon sinagot. "Hello? Y-yes. Right! Ito nga. Sure, come in."

May kumatok sa pinto. Sabay-sabay napabaling ang lahat pagkabukas niyon.

"Hi, guys. I'm here for Philipinas Jacob..." bungad ng isang lalaki sabay alis ng suot na baseball cap at face mask.

"Ram?" Pumikit-pikit pa si Philly na tila ba iniisip na panaginip lang ang lahat.

He did actually come... This Ram Gonzales! Hindi makapagsalita si Ghelo... Mula kaninang kausap niya ito sa phone hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala. Napatingin siya kay Philly. Hindi matutumbasan ang kinang sa mga mata at ngiti sa mga labi ng kaniyang kapatid.

Noong isang araw naisip ni Ghelo na ipakuha muli kay Malik ang schedule ni Ram para mabalikan niya ito at kulitin. Ngunit sumagi sa isip niya na baka kapag napapayag niya ang artista, may malaking kapalit. Gaya na lang ng publicity. Iyon bang naka-camera ang gagawin nitong pagdalaw kay Philly at pagkatapos ay ibabalita sa iba't ibang media. The last thing Ghelo wanted was to exploit the happiness of his one and only sister. Kaya ibinasura na niya ang ideya na pakiusapan si Ram Gonzales na surpresahin sa kaarawan niya si Philly.

But then he came. Nasa note na iniwan niya sa staff member na ngayon ang kaarawan ni Philly. Binasa nito iyon. At tumugon ito. Without camera, without pretentions. Ram Gonzales, he could say, deserved his sister's admiration.

***

"Hi, guys. I'm here for Philipinas Jacob."

Parang sirang plaka na paulit-ulit iyon sa isipan ni Philly habang titig na titig sa kaniyang idolong singer-actor.

For the first time in her life, Philly realized that her name was the most angelic-sounded name in the universe. All because of how Ram Gonzales pronounced it.

"Recover fast, okay?"

Parang hinahagod ng malambing na tinig nito ang kaniyang puso. Tumango-tango lang siya. Sa imagination niya ang daming hearts na pumapalibot sa kanila. Alam mo iyong feeling na kayong dalawa lang sa mundo?

"Ehem."

Sabay na napatingin sila ni Ram sa pinanggalingan niyon. Parang bubbles na nag-pop ang mga puso sa paligid. Then Zorro entered the frame.

"Magpapaalam lang ako kay Señorita Philly," sabi nito sa boses na nagpapaka-Zorro pa rin. Inalis nito ang suot na hat saka nag-bow. "Happy birthday, Philly!" Naging normal ang pagsasalita nito saka inalis ang maskara. "Hindi ko na ito kailangan. Nalaos si Zorro kay idol." Natawa ito sabay sulyap kay Ram saka muling tumingin kay Philly. "By the way, I'm Malik. Trainee from Malcom Ad at self-proclaimed protege ni Sir Ghelo." Inilahad nito ang kamay sa kaniya.

Naka-gloves ito. Talagang full-gear costume. "Akala ko professional cosplayer ka. Ang galing mo kaya," may paghanga niyang sabi.

"Well... Exclusively just for you--" Napatikhim ito. Nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ni Ram. "I mean, anything for Boss Junior Ghelo."

"Thank you. You made my day. Hindi ko akalain na alam pala ni Kuya Ghelo na sobrang paborito ko si Zorro--of course aside from Ram na super favorite ko." Sabay kinikilig niyang sulyap sa idolo na nakangiti rin sa kaniya. Bumalik na naman ang heart bubbles sa paligid!

Sabay naglaho ulit. Sumingit kasi ang mukha ni Malik. Naka-wink pose pa.

Cute!

Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa dalawang lalaki. Si Ram, parang taong lumabas mula sa pahina ng K-Pop magazine. Picture perfect! Sa katabi nito, messy hair at wacky version ni Diego dela Vega. Pero cute naman. Bagay sa alter ego ni Zorro.

Nasapo ni Philly ang dibdib. Natatakot siya na baka sa sobrang tuwa na nararamdaman niya ay sumumpong na naman ang kaniyang sakit. Umusal siya ng maikling panalangin. Faith can conquer anything, even the most impossible illness.

"Phinas, okay ka lang?" Lumapit na pala ang Kuya Ghelo niya habang sina Ram at Malik naman ay kausap ng mommy nila.

Nag-angat siya ng tingin, sinalubong ang nag-aalalang tingin ng kaniyang kapatid.

Ngumiti siya. Umiling. "I'm just happy..." naluluha niyang sabi. Paano kasi, kahit gaanong saya pa ang idulot sa kaniya ng isang Ram Gonzales o ng isang Zorro, iisang lalaki lang ang pinakamatimbang sa lahat. Ang Kuya Ghelo niya na alam niyang siya ang dahilan kaya naging espesyal ang kaarawan niyang ito.

"Kuya Ghelo..." bulong niya. "Sino ang may-ari ng necklace na ipinakita mo sa akin?"

Sandaling natigilan ang kuya niya. Umiling na tila may malaking problema. "Well, I have a feeling I'm going to meet her someday. I believe in miracles, Philly." Hinaplos nito ang kaniyang kamay. "Kaya ikaw, magpagaling ka."

Tumango siya at ngumiti. "I need to catch up with so many things about you, Kuya Ghelo. Later, tell me more about her. Will you, Kuya?"

Ngumiti ang kuya niya, lumabas ang dalawang biloy, saka sumagot, "With all my heart."

_____

Thanks for reading and likes! Comments and feedback are very much welcome.

Continuar a ler

Também vai Gostar

716K 25.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
869 51 42
Do you have a dream? Do you want to chase it? Dae wants to chase hers, but she wasn't expecting it meant leaving Pierre. Kate Daesiree Manzano believ...
Let Me Be Por Demigod

Literatura feminina

7.8K 163 32
(First Book of LET Series) Gabrielle Sandoval is a photographer. Photography is her way of showing her creativeness. It is her passion. Kaya hindi ri...