Her suitor

Bởi JoyceBalabs

281 20 21

Naranasan mo na bang isipin na sana...sya ka na lang?? Best friend VS. Love Who will you choose? What will yo... Xem Thêm

Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter Six

Chapter Seven

19 2 0
Bởi JoyceBalabs

Just... Nothing

Kristine's POV

Nagising ako ng maaga kaya naabutan ko si mama na nasa lamesa at mukhang problemado. May mga papel pa na nakakalat sa lamesa, may isa ring hawak si mama na papel. Linapitan ko ito at humalik sa pisngi niya.

" Good morning ma. Ano yan? " Sabi ko at nagtimpla ng gatas.

" Ahh wala ito anak. Mga bayarin lang. Gusto mo bang palamanan kita ng tinapay? " Sabi ni mama at isa-isang niligpit ang mga sobre at kumuha ng tinapay saka ito pinalamanan.

Saka naman ako lumapit sa kanya at binaba ang tasa ng gatas sa mesa saka siya tiningnan ng maigi. Alam kong nanomoblema nanaman siya sa mga bayarin. Gusto kong tumulong pero ayaw niya, magfocus nalang daw ako sa studies ko.

" Ma... Alam mo naman na kaya kitang tulungan na mabayaran yan diba? Hindi mo naman kailangang pagtakpan na nahihirapan na kayo ni kuya " Sabi ko sabay upo. Saka naman ang pagdating ni kuya na nakapangtrabaho, kasalakuyan nitong inaayos ang pulang neck tie. Lumapit ako dito saka tinulungang ayusin ang neck tie.

" Thanks sis. Ma, sa huwebes na nga pala ako makakapagbigay, nadelay kasi ngayon month. May malaking problemang kinakaharap ang company kaya nausog ang pay day " Sabi ni kuya at nagtimpla ng maiinom. Napatingin naman sa kanya si mama na halatang problemado.

" Pero kelangan nang bayaran bukas ang tubig at kuryente, wala ka bang ipon dyan? Pandagdag lang at hindi sapat ang pera ko dito " tanging iling lang ang naisagot ni kuya. Napahilamos naman sa mukha si mama kaya nilapitan ko ito at hinawakan ang magkabilang balikat.

" Ma, lagi mo lang tandaan na andito lang ako, handang tumulong sa inyo. Pamilya tayo eh, kaya dapat nagtutulungan tayo " sabi ko at niyakap si mama, tumugon naman eto pero saglit lang, inilahad na niya sakin ang baon ko at hinalikan ako sa pisngi.

" Ano ka ba anak? Wag ka na ngang mag alala dyan. Ang isipin mo ay ang pag aaral mo. Oh, ito na ang baon mo. Pumasok ka na at baka malate ka pa" Yun lang at nagpaalam na ako kay kuya saka lumabas.

Hindi pa ako tuluyang nakakalabas nang makapagdesisyon na ako.

Tatanggapin ko na ang kondisyon ni Julian.

Para mapanatili ang scholarship ko at makatulong sa bayarin. Kailangan ko lang sundin ang utos niya at makapag hanap ng part time job.

Aja! Kris!

Nang makalabas ako ay nadatnan ko ang kotse ni Ceb, nasa labas na si Ceb nakasandal sa pinto ng backseat at nakatutok sa cellphone. Naagaw ko ang atensyon nito ng lumapit ako at tumigil sa harap niya.

" Good morning Kris! Oh? What's with that face? Aga-aga mukhang problemado ka? " Sabi ni Ceb matapos humalik sa pisngi ko at inangkla ang braso niya sa braso ko. I just gave a half smile at inayang pumasok na sa loob ng sasakyan.

" Good morning kuya Perding " bati ko sa driver ni Ceb na si kuya Perding. Matagal na siyang naninilbihan kila Ceb bilang driver kaya kilala na ko nito at turing namin sa isa't isa ay parang mag ama na.

" Oh Kris, magandang umaga rin. Mukhang problemado ah? Anong meron natin anak? " Sabi ni kuya perding at sinimulan nang paganahin ang makina ng kotse. Sinuklian ko lang ito ng ngiti.

Binalewala nalang ito ni kuya Perding dahil alam niyang wala talaga akong balak sabihin. Hindi naman nakaligtas sakin ang mga mapanuring mata ni Ceb.

" I know something's bothering you, Why can't you tell me? Kris? I'm your bestfriend... You can share your thoughts with me, even your problems. That's what bestfriends are right? " Sabi ni ceb at ipinatong ang kamay niya sa kamay ko na nakapatong sa legs ko. Masinsinan niya kong tiningnan pero wala akong magawa kundi manahimik dahil kabilin-bilinan ni Julian na walang pwedeng makaka-alam about sa agreement para sa scholarship ko.

" Ah... Ano kasi... Namomoblema nanaman sila mama sa pera. Paulit-ulit ko namang sinasabi na pwede ko naman silang tulungan, na pwede akong mag part time job, kaya ko namang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral eh. Pero in the end, di parin niya ako pinayagan, magfocus nalang daw ako sa studies ko at sila nang bahala ni kuya sa mga gastusin " salaysay ko kay Ceb. Well, isa rin naman kasi yun sa pinoproblema ko. I'm still thinking of a perfect part time job na aayon sa class schedule ko.

Bigla namang napa-isip si Ceb. Maya-maya lang ay lumiwanag ang mukha nito at napalakpak pa. Taka naman akong napatingin sa kanya, pati si kuya Perding ay nangingiting napatingin kay Ceb.

" Omg! I have a great idea! Why not apply to our restobar as a part time singer?? Isn't it great?? Everyone would love to hear your angelic voice! So? Is that a yes? I'm just gonna tell it to dad then your problem is solved! " Sabi ni Ceb at kinuha ang dalawang kamay ko at masayang iwinawagayway pa. May pag aalinlangan naman akong tumingin sa kanya dahil sa kadahilanang...

" Oh... I forgot. Yeah right, you have a stage fright... But don't worry! I'm sure they'll love you if they hear you singing! Am I right kuya perding? " Sumang-ayon naman si kuya perding.

" Ah... Pag iisipan ko muna. Alam mo namang di ko talaga kayang kumanta sa harap ng maraming tao eh... " Sabi ko at napayuko. I really hate being the center of attention, siguro dahil narin sa natatanggap kong mga pangungutya sa school. Takot akong mahusgahan.

I always cry after every time I've been bullied. Sanay naman na ako pero minsan talaga ay hindi ko mapigilan na maiyak na lang sa mga katanungang... bakit? Bakit nila ako ginaganito? Ano bang masamang ginawa ko sa kanila at ginaganito nila ako?

" Still bothered for what others might say to you? Hays... Kris, how many times should I tell to you that life is unfair? You can't control others mind to love nor like you. All you can do is to be you. Ignore others! That's all you need to do. " Ceb says.

Hayss... I'm still thinking for Ceb's offer if I will grab it or not. Sabagay... Hindi naman lahat ng tao ay pare-pareho. Atsaka, opportunity ko na to para makatulong kila mama at kuya, aayawan ko pa ba?

* * * SCHOOL * * *

Nagpaalam na kami kay kuya perding nang makarating na kami sa A.U.

Habang naglalakad ay naguilty naman ako sa mga sinabi ni Ceb nung nasa sasakyan pa kami. Hays, kung pwede ko lang sabihin sa kanya ang tungkol sa agreement...

Napatingin ako sa kanya at laking gulat ko nang nakatingin rin pala ito sakin. Binigyan niya ako ng isang ngiti at inangkla ang braso niya sa braso ko.

" Still thingking bout my offer? Don't worry. I'll be in your no. 1 fan there! I'll support you no matter what happen, Cause you're my bestfriend and I really love you that much! So please don't be selfish! You can share your thoughts to me every time. " Nahismasmasan naman ako sa mga sinabi niya. I'm really happy to have a bestfriend like her! I love her too very much... She's like a sister to me, she's a part of my life now and I wouldn't be me if I don't her.

" Ah Ceb... May kelangan akong sabihin sayo... " I finally decide na sabihin na sa kanya ang about sa agreement. Bestfriend's should never keep secrets to each other. Alam kong maiintindihan rin naman niya yun... My secrets are safe to her anyway.

" What is it? Finally decided? " Nakangiting sabi sakin ni Ceb nang mahagip ng aking mga tingin si Julian at ang mga kaibigan niya. Naglalakad sila papunta sa direksyon namin, nasa unahan si Julian at maangas na naglalakad at tingin mo palang ay alam mo nang isa itong bad boy. Nagkekwentuhan naman ang mga kaibigan niya sa kanyang likuran.

Hindi ko maiwasang mahagip ang matatalim niyang tingin sakin.

Nakalagpas na sila samin ng saka ko lang naibalik ang aking wisyo. Napadako ang aking tingin kay Ceb na kanina pa ako tinatanong kung ano daw ba ang sasabihin ko, tanging iling nalang ang aking nasabi at inaya na siyang pumunta na sa kanya-kanya naming klase.

Nakayuko akong pumasok sa room naming napupuno ng iba't ibang ingay. Iniiwasan kong mahagip ang kinaroroonan nila Julian.

" Good morning Kris! " Masiglang bati sakin ni Leo ng makaupo na ako. Nakangiti ko rin siyang binati at kumuha ng maaaring basahin sa bag. This is what I usually do every free time. I always read some books and put on my earphones to ignore the world around me.

" Oy ano yan! Pabasa naman " sabi ni Leo at nakibasa sa libro. Agad naman akong napaiwas dahil sa sobrang paglalapit ng aming mukha nang nakidungaw siya sa libro. Pinamulahan agad ako ng mukha at nagtataka naman napatingin sakin si Leo kaya napaiwas ako sa kanya ng tingin.

" Oh? Nyare sa mukha mo? Okay ka lang ba? Bat namumula ka? " Sabi ni Leo at mas inilapit pa ang mukha sakin para matingnan ako ng maayos. Inilagay niya pa sa noo ko ang likod ng palad niya at takang napatingin sakin ng hawiin ko ito.

" A-ah.. hehe. O-okay lang ako ano ka ba. Masyado lang kasing mainit d-dito sa room. " Sabi ko at kunwaring nagpapaypay ng mukha gamit ang kamay. Bumalik naman na sa ayos ng pagkakaupo si Leo. Hays... Buti naman. Hindi talaga ako sanay sa physical contact lalo na sa lalaki. Ni hindi ko nga matagalang tumitig sa mga mata nila eh.

Napabaling ang atensyon namin sa likuran ng may matumbang upuan. Upuan pala ni Julian, nakatayo ito sa harap ng tumba niyang upuan. Pati ang iba naming mga kaklase na may iba't ibang pinagkakaabalahan ay napatingin sa kanya.

" TSK!! I can't take this anymore. Why is it so hot in this damn room?! I'm outta here! " sabi niya at kinuha ang kanyang bag bago lumabas ng room. Bago pa siya makalabas ng room ay tumigil pa siya sa harapan namin ni Leo at masama kaming tiningnan bago tuluyang lumabas.

Takang-taka naman ang buong klase dahil sa kanyang ginawa, lalo na kami ni Leo dahil sa pagtigil at pagtingin niya saamin kanina.

Humupa narin kalaunan ang ingay ng dumating na ang Prof. Hinanap pa nito si Julian na hindi parin bumabalik simula kanina.

Saan naman kaya nagpunta yung lalaking yun? Hays, wag mo na nga siyang isipin... Sigurado namang ayos lang siya.

* * *

Nandito kami ngayon sa Cafeteria, dala-dala ang isang tray na pinaglalagyan ng aming mga pagkain. Nang makaupo na kami sa isang bakanteng lamesa na may kalayuan konti sa mga estudyante ay tinanong agad ako ni Ceb kung ano nang desisyong ko about sa offer nya kanina.

" Finally decided about the offer? Hindi naman kita pinipilit ah? Pero kasi... I just thought na mas magandang nasa puder ka namin dahil kilala mo na kami at mas mapapalagay ako dahil alam ko kung saan at anong oras ka magtatrabaho. I just only care for you. " Ceb says at sincere na tumingin sakin. Napatingin naman samin si Leo na halatang takang-taka sa pinag uusapan namin.

" Did I hear it right? You're gonna get a job kris? " Out of curiosity na tanong ni Leo. Napainom naman ako dahil sa mahabang paliwanagan na mangyayari. Haha.

" Uh yeah... Actually, my family is encountering a financial problems so I think that if I find a suitable part time job that suits my school schedule may help us to solve the problem. Alam ko nan kasing di kakayanin nila mama at kuya na bayaran ang mga gastusin sa bahay, lalo na sa school expenses. Di naman kasi lahat sakop ng scholarship ko. I also need to buy some stuffs and others that affects our budget. Lalo na at malapit nanaman magbigayan ng mga projects. And besides... I also want to save some saving for myself. So yeah, and I think I would be a part time worker to Ceb's Restobar. " Mahabang paliwanag ko pero mas ikinaliwanag ng mukha ni si Ceb ang pagtanggap ko na magtrabaho sa kanila. Mukha namang unti-unti palang na-aabsorb ng utak ni Leo ang lahat ng sinabi ko.

" Hmm, that's really great Kris. You always impress me as ever but... Somethings bothering me. As you've said awhile ago, your mom and your brother helps each other to support the family needs. Then, where's your father by the way? " Namutawi ang katahimikan sa mesa namin dahil sa tanong na yun ni Leo. Tila nawalan ako ng gana kumain at mapait nalang na ngumiti sabay tinitigan ang pagkain ko na parang isa itong napaka importanteng bagay.

" Ahh... Heheh let's just finish eating guys! The lunch time will finally over. " Ceb said, trying to change the atmosphere. And as for Leo. He quickly get that the topic he opened was sensitive, specially for Kris side. So he utter no word and continue eating his food for Ceb's what have said was a half truth.

***Classroom***

" Okay class, today, we will gonna have our sitting arrangements.Every Semester we will gonna change it? The reason? You need to be socially cooperative not just with your seatmates but with the whole class. So please fall in line outside and once I call your names you can go in again and sit to your new place. Got it? Oh by the way, alternate ang boys and girls ok? I'll start with girls then boys naman. Nagkakaintindihan ba tayo? " Mrs. Oliviar said at ibinaba ng kaunti ang kanyang salamin at mataman kaming tiningnan isa-isa. Sabay sabay naman kaming nag " Yesssss ma'am " at inayos na ang mga gamit at isa-isang lumabas.

" Aishhh, sayang! Di na ata tayo magiging magka-seatmate. Banaman kasi si ma'am eh! May naisip pang sitting plan kala mo elementary tinuturuan " inis na saad ni Leo at isinukbit ang bag niya sa kaniyang kaliwang balikat.

" Hahah. Ano ka ba? Okay lang yan. Para namang di tayo magkasama sa iisang room? " Sabi ko nalang habang hinihintay na matawag ang apelyido ko. Ako kasi ang pinakahuli dahil R ako.

" Miss Kristine Reyes! " Napalingon kaming dalawa ni Leo sa loob ng sa wakas ay tinawag na ako ni ma'am. Nagsign ako sa kaniya na mauuna na ako gamit ang mga mata at pumasok na sa loob. Nadaanan ko pa ang grupo nila Julian. Nakasandal lang si Julian sa pader malapit sa pintuan kaya madadaanan ko talaga siya. Napayuko ako nang madaanan ko siya pero sakit naman ang inabot ng mga braso at tuhod ko dahil...

" A-raaay! " Sabi ko ng bumagsak ako sa sahig sa kadahilanan ng pagkakapatid saakin ni Julian. Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko dahil sa nangyaring iyon.

" Kris! Okay ka lang ba?! Medyo masakit ba ang pagkakabagsak mo? Huh? " May bahid ng pag-aalalang saad ni Leo at inalalayan akong makatayo. Masakit parin ang mga tuhod ko pati ang kaliwang brask dahil ito ang itinukod ko nang bumagsak ako sa sahig pero di ko yun ipinahalata kay Leo, lalo na sa ibang nakakakita.

" Haha, o-okay lang anukaba. Konting galos lang to oh. Atsaka, malayo sa bituka " sabi ko nalang kahit ang totoo ay kumikirot na sobra dahil sa pagkabigla ko kaya malakas ang pagkabagsak ko sa sahig. Narinig ko naman ang pag 'TSK' ni Julian sa gilid namin kaya palihim ko naman siyang sinulyapan. Nakasmirk siya habang magkacross ang dalawang braso sa dibdib.

" Tsk, ang lampa-lampa kasi, yan tuloy napapala ng hindi tumitingin sa dinadaanan. Hahaha " sabi niya at nakipag fist bump sa katropa niya at nakipagtawanan sa kanila.

Lumabas si Mrs. Oliviar at tiningnan kung anong kaganapan ang nagaganap sa labas at laking gulat niya ng makita ako na inaalalayan ni Leo.

" What's happening here?! And what happened to your limbs Ms. Reyes? Are you okay? And you all! Stop laughing! Or else I'll send you to detention office! Now tell me who did this to you Ms. Reyes? " Natahimik naman ang mga boys sa likuran namin at magsasalita na sana si Leo ng inunahan ko siya.

" Si jul—" " Ahh wala po ma'am oliviar. Natapilok lang po talaga ako dahil hindi ako tumingin sa dinaanan ko kanina. Medyo okay na po ako ngayon Ma'am, no need to worry. " Sabi ko at yumuko nalang. Sanay naman na ako sa ganitong sakit kaya titiisin ko nalang.

" Is that it? You look like your not okay Kristine. Look at your knees, it has scratches and some have blood on it. You really sure you're just okay? " May bahid ng pag-aalalang sabi ni ma'am kaya napatingin naman ako sa mga tuhod ko at meron nga itong gasgas at may konting dugo pa. Kaya pala makirot.

Iiling na sana ako ng unahan ako magsalita ni Leo.

" I'll take her to the clinic ma'am. As you see, she's not okay. So if you please? " Agad namang pumayag si ma'am at binalik sa ayos ang mga lalaki sa labas.

Umiwas naman ako ng tingin ng saka ko lang napansin na kanina pa pala nakahawak sa bewang ko si Leo para alalayan akong makatayo. Feeling ko pumunta lahat ng dugo ko sa mukha.

Medyo lumayo ako sa kanya para naman magkaroon ng space between us. Hinubad niya ang coat niya at tinali ito sa bewang ko kaya taka ko naman siyang tiningnan ngunit nagulat nalang ako ng buhatin niya ako ng pa-bridal style kaya napahawak naman ako sa leeg niya dahil baka mahulog ako. Geez! Siguradong sigurado na ako na sobrang pula na ng mukha ko.

" A-ah L-leo. K-kaya ko namang m-maglakad. Di mo na ko kelangan b-buhatin pa " sabi ko nalang at itinago ang namumula kong mukha dahil sa hiya. Pero parang di niya ako narinig at sinimulan nang maglakad pero nakakailang hakbang palang kami ay napatigil na ito—or pinatigil.

" She said she can walk " blankong ekspresyon na sambit ni Julian. Matalim lang itong nakatingin sa mata ni Leo. Nasa balikat ni Leo ang kamay nito.

" I know. But she's not okay, and that is because of you. So if you'll excuse us? " Nanlilisik na sabi ni Leo kay Julian at sinimulan na uling maglakad kahit nakakapit pa sa balikat niya ang kamay ni Julian.

Sinikap ko namang sulyapan si Julian na nakatayo at masama ang tingin saamin, mamaya lang ay nawala na siya sa paningin ko ng lumiko na kami para makapuntang clinic.

***Clinic***

Nang makarating na kami sa clinic ni Leo ay ibinaba na niya ako sa clinic bed.

" Ang bigat mo pala, feeling ko magkakamuscle na ako dahil sa pagbuhat sayo " sabi ni Leo na ikinapula ng mukha ko at hinampas ko siya sa braso na ikinahalakhak niya.

Tingnan mo tong lalaking toh! May gana pang manglait! Eh sino ba kasing nagsabing buhatin niya ako diba? A-atsaka di naman ako mataba noh! Aishh!

" S-sino ba kasing nagsabing buhatin moko ah? A-atsaka di naman ako mataba ah! Mabigat ka dyan... " Sabi ko at umiwas ng tingin. Tuloy pa rin siya sa pagtawa na mas ikinapula ko pa.

" Hahahahahh! Joke lang! Hahahha eto naman hindi mabiro. Ang gaan-gaan mo nga eh. Sa liit ba naman ng katawan mo? Hahahahha " sabi niya at tumawa pa ulit. Di ko nalang siya pinansin at umiwas nalang ng tingin. Mabuti nalang at dumating si Ms. Cruz.

" Oh? You two again? What's the problem now? " Sabi ni Ms. Cruz at lumapit samin. Tinuro naman ni Leo ang mga tuhod ko kaya nagets naman ito ni Ms. Cruz at ibinagay kay Leo ang first aid kit.

" It's just a scratch. But be sure na lilinisin para di narin ma-infect ng bacterias. Oh, care to manage her? May aasikasuhin pa kasi ako eh. Just ask Ms. Lorry there if you need something ok? I'll go now. " Tango lang ang tinugon namin at sinundan ng tingin si Ms. Cruz palabas.

Nang makalabas na ito ay kumuha ng upuan si Leo at itinapat ito sakin, kumuha ng bulak at alcohol at sinimulan nang gamutin ang sugat ko sa tuhod.

Namutawi ang katahimikan sa loob ng clinic dahil ni isa samin ay hindi naimik. Taimtim ko lang siyang pinagmamasdan habang ginagamot nya ang tuhod ko.

" Sabihin mo nga... " Pagbabasag niya ng katahimikan, taka naman akong tumingin sa kanya, tuloy parin siya sa paggamot ng sugat ko.

" What's the real status between you and that Julian? " Tanong niya, nasa tuhod ko parin ang titig. Nabigla naman ako at talagang napaisip.

Ano nga ba kami? All I knew was he was my long time crush and I was just nothing for him... Yeah, and that is the saddest truth to be told. But who I'm I to complain? I am just one of his million girls that has a feelings too for him.

All I can do was to admire him from a far.

" Just forget what I've asked. Let's go? We have class to attend to " sabi niya at inilahad ang kamay niya sakin. Di ko namalayan na tapos na pala siya sa paggamot sa tuhod ko. May pag-aalinlangan pa ako kung kukuhain ko ang kamay niya pero sa huli ay hinatak niya ako sa pagkakaupo sa kama at lumabas na ng clinic.

As our hands touch each other, I suddenly felt a pump of my heart. It's slow but it's really loud and clear. All I can see is our hands, perfectly fits each other...

What's happening to me? Do I have a heart problem?!

To be continued~

A/N

Sorry for the long wait!

Kindly vote and comment your feedbacks *-*

loveluts! *3*

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

37.1K 2.3K 15
الكاتبه : رند السبيعي✍🏼 روايتي الاولى أتمنى تعجبكم واستمتعو...
165K 1K 31
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
102K 3.1K 30
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
50.9K 1.4K 35
„You are the reason why I'm here today." _-_-_-_-_ After the truth about the relationship between Max Verstappen and Kelly Piquet came out, his world...