ZAFIRA: The Princess of Wizar...

Bởi ariathatsme

882K 21.7K 866

STARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vam... Xem Thêm

OLD BOOK COVER
DISCLAIMER
PROLOGUE
Chapter 1: Enrollment Paper
Chapter 2: Wizard Academy
Chapter 3: Prince Flint Stone
Chapter 4: The Lost Princess
Chapter 5: Intruder
Chapter 6: Dark Sorcery
Capter 8: Missing Princess
Chapter 9: Spy
Chapter 10: The Princess Returns Part 1
Chapter 10: The Princess Return Part 2
Chapter 11: Abducted
Chapter 12: Master Haurvat
Chapter 13: Finding the Princess
Chapter 14: Coronation
Chapter 15: Impostor
Chapter 16: Love Story
Chapter 17: Sleeping Dragon
Chapter 18: Goddesses
Chapter 19: Elements
Chapter 20: Confession
Chapter 21.1: First Kiss
Chapter 21.2: Bad Welcome
Chapter 22: In his arms
Chapter 23: Chosen One
Chapter 24: Party or Tragedy
Chapter 25: Distraught
Chapter 26: Guest
Chapter 27: Gone
Chapter 28: Gate of Intelligence
Chapter 29: Sila na?! Kami na! Kayo na!
Chapter 30: Egret
Chpater 31: The Voice
Chapter 32: Seiryuu
Chapter 33: Regrets
Chapter 34: Fire (Suzaku)
Chapter 35: Leaving
Chapter 36: Trap
Chapter 37: Sacrifice
Chapter 38: Fight
Not an Update
Chapter 39: The End
Chapter 40: Last Chapter
EPILOGUE
Author's Note sana basahin niyo
PLUG!PLUG!PLUG!
About the book 2
Special Chaptersssss
Book 2
Special Chapter #1

Chapter 7: The Princess' Birthday Revelation

23.4K 698 22
Bởi ariathatsme

Pagpasok niya sa office ni Master Cervanius ay sumalubong sa kaniya ang iilang guro. Andoon sa loob si Master Levi, isang babae at isang lalaki na hindi pamilyar sa kaniya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Ms. Garcia." Puno ng babala ang boses ni Master Cervanius. Bigla tuloy siyang kinabahan. "Bakit mayroon ka nito?" Inilipag nito sa harap niya ang isang libro at potion na nasa garapon pa.

Puno ng pagtatakang tinignan niya ito. "Po?" Bakit nito itatanong ang isang libro at potion sa kaniya.

Biglang nagsalita ang babaeng katabi ni Master Levi. Kung titignan ay bata pa ito, siguro ay nasa mid20s, hindi katulad ng ibang mga propesor. "Huwag ka ng magsinungaling Ms. Garcia nakuha namin ang book of dark spells at itong potion sa kwarto mo. Lahat ng ito ay para sa dark sorcery."

"Po? Sa kwarto ko? Pero ngayon ko lang po nakita ang mga iyan."

"Mga wizards guard kunin niyo siya at ilagay sa dungeon."

Ang dungeon ay isang maliit na kulungan sa ilalim ng paaralan madalas ay ginagamit ito para magdisiplina ng mga estudyanteng mahilig lumabag sa batas ng paaralan.

"Teka lang Master Cervanius!"Nagpupumiglas siya sa mga may hawak sa kaniya pero masyadong malalakas ang mga ito. "Hindi ko po alam yan Master!" Ngunit hindi siya pinansin nito.

Nagpanic si Lucia ng makitang hawak siya ng mga guard paglabas. Wala si Isabella dahil may klase pa raw ito. Walang makatutulong sa kanila. Nang makarating sa dungeon ay inutusan niya si Lucia na ipaalam kay Isabella ang nangyari. Agad nanang tumalima ang huli.

Napapaisip siya kung saan nila nakuha ang libro at potion dahil nasisiguro niyang walang ganoon sa mga gamit niya. Hindi kaya kagagawan iyon ng lalaking nakita niya isang linggo na ang nakararaan?

KATATAPOS lang ng klase ni Isabella ng masalubong niya ang fairy ni Zafira. May sinasabi ito na hindi niya naman maintindihan.

Pero mas nagulat siya ng hinila siya nito at tumulong pa ang fairy niyang si Olivia. Punong-puno siya ng pagtataka ng makarating sila sa dungeon. Alam niya ang lugar na iyon dahil doon napupunta ang mga pinarurusahang mga estudyante.

Lumapit siya sa bantay at agad nagtanong. "Pwede po bang bumisita? Ako po si Isabella Ambroise." Kilala ang pamilya nila sa paaralan lalo na sa buong Elemental World kaya expected na niya ang pagpayag nito. "Sige pero saglit lang."

Mayroon lamang apat na selda sa loob, walang tao ang mga iyon bukod sa isa. "Zafira!"

NAPATAYO si Zafira agad nang makita si Isabella sa harap ng selda niya.

"Bakit ka nandito?" Naguguluhang tanong nito.

"Hindi ko din alam bigla na lang nila akong pinahuli. May nakita silang book of spells at potion sa kwarto ko pero di naman akin yun."

"Ha? Di kita ma-gets?"

"Ung mga nakita nila pang dark sorcerers."

Napaatras ito dahil sa sinabi niya. Inaakala ba nito na dark sorcerer siya?

"Huwag kang mag-alala hindi ako isang dark sorcerer, okay? Hindi ko alam kung bakit may ganoon sa kwarto ko. Hindi kaya may nagset-up noon?" Naalala niya ang lalalaking nakita niya noong nakaraan, may posibilidad na ito ang naglagay.

"Nakakasiguro ba ako na di mo ako sasaktan?"

"Isabella, sa ilang araw na magkasama tayo alam mong tinuring na kita bilang kaibigan at hindi palabas ang lahat ng ito. Maniwala ka sakin."

"Naniniwala ako." Lumapit ito sa kaniya at hinwakan ang kamay niya. "Anong gusto mong gawin ko? Alam mo ba kung ano ang parusa niyan?" Umiling siya bilang tugon. Wala naman kasing sinabi sa kaniya dahil bigla na lang siyang dinala dito.

"Pwede ka nilang patayin. Galit sila sa anumang anyo ng dark sorcery." Natakot siya para sa buhay niya dahil doon.

"Anong gagawin ko?"

"Ipapaalam ko 'to kay Prince Flint mukhang may matutulong siya."

Paano napasok si Flint sa usapan? Mukhang napansin naman nito ang pagtataka niya. "Nakikita ko kayong laging magkasama. Malaki ang maitutulong niya."

"Huwag mo ng ipaalam sa kaniya, please?"

"Kailangan niya malaman, Zafira" Tumawag ang bantay sa labas at sinabing kailangan ng umalis ni Isabella.

Nagmakaawa pa siya. "Please. Wag na."

"Ok, sige. Hindi ko na sasabihin sa kanya." Anito bago umalis dahil lumapit na ang bantay, hindi na nga siya nakapagpasalamat dito.

Padausdos siyang napaupo sa sahig. "Pa'no ba yan Lucia mukhang oras ko na bukas."

MASAYANG nagkukwentuhan sila Flint at ang mga kaibigan niya sa nakagawian nilang tambayan. Hindi kasi sila magkakaklase sa ibang mga subjects kaya minsan na lang sila makapagkita kapag wala silang klase. At ngayon nga ang isa sa mga oras na walang klase ang bawat isa.

"Oh Flint musta na?" Si Jayson, ang casanova ng grupo. Kaliwa't kanan ang babae nito at kala mo nagpapalit lang ng damit kung magpalit din ng babae. "Ayos, lang, kagaya pa din ng dati."

"Bakit di ko na nakikita ung kasama mong babae noon?" Ani Mark, ang pinakamasayahin sa grupo. Napakalakas kasi ng trip nito sa buhay at mapagbiro.

"Si Zafira ba?" Ito lang naman ang babeng hindi kilala ng tropa niya. "Wala lang busy ata at tsaka diba nasa clinic siya dahil dun sa mga nangyari."

"Guys, selebrasyon ng kaarawan ng prinsesa mamaya. Ano sabay-sabay na tayo?" si John, siya ang pinakamasipag sa grupo at laging updated sa mga balita. Kapag may nakakalimutan sila ay ito ang madalas na magpaalala. Papasa na nga itong president ng student council ayaw lang nitong tumakbo.

Sumang-ayon naman silang lima sa gusto nito.

"Uy may sexy chikababe na papunta dito oh." Ani Jayson, umaandar na naman ang pagigig babaero nito.

"Tss." Si Tetsuya iyon, ang pinakatahimik sa kanila. Madalang ito magsalita kaya hindi na lang nila kinukulit.

"Ikaw si Flint diba?" Nagulat siya dahil kilala siya nito samantalang hindi niya naman ito kilala pero madalas niya itong nakikitang kasama ni Zafira nitong nakaraan. Sumipol naman si Jayson.

"Ako nga, bakit?"

"Hi, I'm Isabella Ambroise, Zafira's friend." The Kingdom of Ambroise? "I promised Zafira not to tell you, but I can't let her die either." Naguguluhan siya sa sinasabi ng babae. Zafira? Isn't she asleep?

"What is it with Zafira?" Naguguluhang tanong niya.

"Well, Zafira woke up this morning –"

"What the hell? Why are you telling me this now?!" Kanina pa ito gising? Anong oras na?! He has to see her!

"Can you let me finish first?" Naiinis na turan nito. Okay, that was rude of him. Tumahimik siya kaya nagpatuloy ito. "As I was saying, she woke up but her room was investigated and they found a book and potion related to dark sorcery. Now, she's in the dungeon waiting for her punishment and you have to help her."

"Bakit ko siya kailangan tulungan? You can do it yourself."

"Because you hold more power than me?" Puno ng sarkasmo ang pagkakasabi nito.

"How sure are you that your friend is not a dark sorcerer?" Ani John.

Umirap ang babae bago sumagot."I believe her and I'm not talking to you so shut up." That's rude. Bumaling ito sa kaniya. "So, Mr. Flint Stone, are you helping or not?"

Hindi niya sinagot ang tanong nito. "Isang linggo palang siyang nandito, Ms. Ambroise."

"Looks like you're not helping." Humalukipkip ito. "I have a strong feeling that she's not bad at all. Sinayang ko lang oras ko sa'yo. I shouldn't have broken my promise." Tumalikod na ito at naglakad palayo.

Looking at her back bakit parang gusto niya itong pigilan at sabihing tutulong siya. Sa maikling panahon na nakilala niya si Zafira pakiramdam niya naman mapagkakatiwalaan talaga ito.

PANAY lang ang buntong hininga niya kanina pa. Kinakabahan talaga siya sa kung anong magiging parusa sa kaniya. Napatingin siya sa orasan na nakapatong sa lamesa na nasa gilid ng kaniyang kama. Nakakulong man siya ay mukha paring maayos na kwarto ang kulungan niya. Dalawang minute na lang at sasapit na ang hatinggabi. Malapit na ang kaniyang kaarawan.

"Lucia." Tinawag niya ang pansin ng kaniyang fairy na may kung anong ginagawa, agad naman itong lumapit sa kaniya. "Hindi ka ba magcecelebrate ng kaarawan ng Prinsesa niyo?"

Umiling ito. "Hindi na sasamahan na lang kita." Napangiti siya. "Mabuti naman pala at may kasama ako sa kaarawan ko."

Halatang  nagulat ito sa sinabi niya. Kasabay ng kaarawan niya ang kaarawan ng prinsesa nila. Noong napulot kasi siya ng kaniyang mga magulang ay may nakita itong mamahaling panyo na nakasabit sa leeg niya noong bata pa siya. May nakasulat na "Happy Brithday Princess Zafira!" na may kasamang date. Naisipan ng mga magulang niya na iyon ang gamiting pangalan at araw ng kaarawan niya.

"Happy Birthday Zafira!" Maligayang bati nito.

"Salamat Lucia! Magcountdown tayo?" Tumango naman ito at sabay silang nagbilang.

10...9...8...7...6...5...4...3...2...1

Bahagya niyang tinakpan ang mata ng biglang umilaw ang suot niyang kwintas. Ngayon lang iyon umilaw sa buong buhay niya. Hindi niya kasi ito madalas isuot, nakatago lang ito sa kaniyang taguan ng mga importanteng bagay.

"A-ano yan?" Ani Lucia, sabay turo sa bagay na umiilaw. Natatakluban kasi ito ng suot niyang uniporme kaya hindi nito nakikita.

"Kwintas na suot ko nang matagpuan ako ng mga magulang ko." Inilabas niya iyon at pinakita dito.

Biglang tumigil ang pag-ilaw noon. "Lucia, bakit?" Tanong niya ng mapansing nakatulala lang ito.

"Hindi ako pwedeng magkamali yan ang kwintas ng mahal na Prinsesa. Hindi yan iilaw basta-basta kung hindi yan suot ng tunay na Prinsesa. Kailangan 'to malaman ni Master Cervianus."

"T-teka Lu--" Ang bilis ng kilos nito kaya hindi niya na ito napigilan ng lumipad ito palabas ng selda niya. Siya? Ang prinsesa ng mga wizards? Sobrang labo noon.

MASAYANG nagkukwentuhan ang bawat isa na naroon. Saglit na lang at sasapit na ang kaarawan ng kanilang prinsesa. Kahit wala ito ay hindi nila nakalilimutan na gunitain ang kaarawan nito dahil lahat ay umaasa pa rin sa pagbabalik nito. Pinasimulan na ang countdown at sabay sabay silang nagbilang kasama ang kani-kanilang fairies.

10...9...8...7...6...5...4...3...2...1

Ikinumpas ng mga Masters ang kaniwalang wand sa langit at lumikha iyon ng iba't ibang ilaw. Sabay sabay na naghiyawan ang bawat isa. "Maligayang Kaarawan Prinsesa!"

Pinagpatuloy ang kasiyahan pagkatapos noon. Nagulat ang lahat ng magsama sama ang mga fairies. Masyado silang madami para hindi mapansin. Muling naghiyawan ang lahat ng bumuo sila ng Dargon's Crest. Iyon ang simbulo ng pamilya ng prinsesa. Nagpalakpakan ang lahat dahil sa magandang palabas. Pero habang tumatagal ay parang nagkakagulo ang mga ito.

Si Flint ang unang nakapansin noon kaya agad siyang lumapit kay Master Cervanius. "Master Cervanius. Kanina pa po sila ganyan mukha pong may gusto silang sabihin."

"Napansin mo rin pala, hijo." Kumumpas si Master Cervanius, tumigil ang mga ito pati na rin ang mga estudyante. Lumapit ang isang fairy kay Master. Lahat ay nakaabang sa mangyayari.

Itinutok ni Master Cervanius ang dulo ng wand sa ulo ng fairy, sa pamamagitan noon ay makikita niya ang gusto nitong sabihin.

"Master Levi." Ani Master Cervanius. "Ang prinsesa, andito siya." Walang nakaintindi sa sinabi ng huli. Maski si Master Cervanius ay hindi maproseso sa utak niya ang nakita.

"Ayusin mo ang sinasabi mo Cervanius, hindi ito magandang biro." Lahat ay napasinghap ng marinig ang tinawag ni Master Levi kay Master Cervanius.

Lahat ay napatigil sa sunod na sinabi ni Master Cervanius. "Si Zafira, siya ang nawawalang prinsesa."

"Sinasabi ko na nga ba. Kaya ang gaan-gaan ng loob ko dun sa batang 'yun e." Ani Master Levi. "Ay! Pasensiya na ako nga pala 'to si King Zander." Binago nito ang aniyo at lumitaw ang hari ng mga wizards, si King Zander.

Habang tulala ang lahat ay nagsalita ito. "Oh ano na? Mauuna na nga ako." Excited na siguro itong makita ang sariling anak na nawalay ng matagal na panahon.

ariathatsme

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

307K 7.4K 49
Isang babae na nag aaral sa isang Academy na nagngangalang Yukio High Destiny ito ang Academy na hindi alam ng karamihan. At hindi din ito isang or...
3.4M 96.6K 86
Book 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016
745K 25K 35
Highest Ranks #1 in Mages as of September 23, 2019 #1 in Mages as of June 28, 2020 #1 in Fantasy-Romance as of June 18, 2020 #2 in fantasy adventure...
132K 7.6K 88
(On-Going)