MY HANKY MAN

Ivezstolenmimz tarafından

5.4K 1.2K 424

Naniniwala ka ba na ang taong magbibigay sayo ng panyo ay siya ring magpapa-iyak sayo? Pano naman kung iyakin... Daha Fazla

MY HANKY MAN
chapter 1 ^^
Confess or Not?
FLashback
*my Friends*
*LAST PROJECT*
*Who's Jealous ?*
*BESTFRIEND*
*GRADUATION*
*THEIR SIDES*
*SUMMER OUTING 1*
Summer Outing 2
author's NOTE!
*TRUTH OR CONSEQUENCE*
* Me without him *
*Keep Distance*
* That Should Be Me*
*That Should Be Me 2*
*This is mess!*
*Maling Akala*
*Reaching Out*
*TAKOT AKO*
*UNEXPECTED SURPRISE*
*AKIN LANG SIYA!*
*Is it really goodbye?*
*I WONT CRY*
*IKAW?!*
*A WHOLE NEW WORLD*

*SORRY*

226 58 20
Ivezstolenmimz tarafından

Simula nung araw ng pagdalaw sa akin ni Tovy sa bahay ay balik narin kami sa dati. Ang saya ko nga dahil naglalaan parin siya ng time na makasama ako kahit ba andyan si Chloe na girlfriend niya.

Minsan, di ko maiwasang magduda na baka pinagseselosan ni Tovy si Rielle. Haha kilig naman ako ?

Napapansin ko rin kasi tuwing nagkakatabi kaming ma-upo ni Rielle sa lunch agad siyang puma-pagitna.

Sa tingin ko bumabangon ang pag-asa kong magugustuhan niya rin ako. Masama bang mangarap? Masama bang umasa?

"Haaay !" I take a deep sigh.

Grabe ang mga ini-isip ko, parang yun lang ang problema ko sa mundo.

Nanga-lumbaba ako habang nakatingin sa board. Nasa classroom ako ngayon pero lumilipad ang isip ko sa mga bagay-bagay na alam nyo na.

Hindi ko nga napansin ang pangalan ko na nakasulat sa board eh.

"Seantal, congrats your one of the awardees !" masayang bati sakin ng aking seatmate.

Napalingon naman ako sa kanya dahil napukaw niya ang aking pagmumuni-muni.

"Hindi mo ba nakikita ? Journalist of the year ka oh !" tugon nito at tinuro pa ang board.

Sinundan naman ng mga mata ko ang tinuturo niya. And there !

I saw my name, first on the list sa mga special awardees.

Wow ! Napa-smile ako bigla. Nang may biglang sumiko sa'kin.

"Congrats Seantal." si Rielle pala.

Di ko napansin na naupo pala siya sa tabi ko.

"Salamat." then I smile.

Ang saya ko at na-appreciate and na-recognize pa ng faculty ang write-ups ko. Madalas kasi akong masali sa mga writing contest. I've been joining journalism all throughout high school.

Such as Editorial writing, News writing and even poem making.

"Deserve mo yan." habang ginugulo ni Rielle ang buhok ko.

"Uuy .. Sweet nyo ah! dumadalas nah." puna nung seatmate ko.

Ma-chika rin yang si Zoey naging close ko rin siya sa klase. Mabait, blackbeauty at alaskador. Pero kahit ganyan yan madalas siya yung ka-kwentuhan ko at minsan karamay ko lalo na sa Math.

Ayan andyan na naman ang math na yan ! Sino ba kasi ang may gusto sa subject na yan ? IKAW .? Pwes hindi ako.

"Hehe, sweet ka dyan! Barkada lang kami noh."

"Oo nga, hindi pa kami." sang-ayon ni Rielle. Pero naguluhan din ako sa huli nyang sinabi ah.

"Oow ? Hindi pa kayo ? Ok." binigyan pa atah ng kahulugan yung sinabi ni Rielle.

Nag-smile na nga lang ako. AWKWARD kaya !

Siyanga pala, this is our last day of class ! Kahit hindi naman talaga kami nagmeet ng teachers namin. Busy kasi sila sa pagca-calculate sa grades.

And guess what ? I'm graduating ! Ofcourse, ga-graduate din ang barkada.

I'm not an honor student kesyo nag-eexpect kayo pero si Rielle ? He's our first honor w/ an award as best in Math.

Kaka-inggit nga eh. Matalino kasi yan kahit ba hindi halata.

Si Tovy ? Well wala, wala siyang award ! Haha .. Pano magaling lang yun sa kalokohan at sa chicks.

Matapos ang class hours siyempre uwian na ! Haha pasensya lukaret tong bida nyo eh.

Pero hindi pa talaga kami umuwi. Kasama ko ngayon si Rielle papunta kaming tambayan malapit lang din sa school. Hide-out naming magba-barkada. Magme-meeting daw kami tungkol sa summer outing namin.

Na-una akong mag-lakad kay Rielle ewan ko sa lalaking yan ang bagal mag-lakad.

Huminto ako at tiningnan siya. Naks! Parang model maglakad, nakatitig lang siya sa'kin habang naka-smile.

"Rielle dalian mo naman talo mo pa ako sa bagal." pabiro kong sabi.

"Sige lang, mauna ka lang maglakad gusto kong nasa likod ako eh." sabi nito habang hindi humihinto sa paglalakad.

"Tsss.. Ang daming drama ! Dali nah .. Hinihintay na nila tayo." sabi ko na puma-padyak pa.

"Sige na nga! I can't resist a cute lil angel." at agad umakbay sa akin sabay hila para magkasabay kaming mag-lakad.

Naglalakad kami habang naka-akbay siya sa'kin. Kaso, naiilang ako sa posisyon namin. Kaya pilit kong ina-alis yung kamay niya.

"Wag kang malikot, gusto mong mapadali paglalakad natin diba?" sabi nito.

Wala atah talagang balak bumitiw sa pagkaka-akbay sa'kin. Hindi na lang ako umimik.

"Alam mo Seantal may game ako."

"Ano yun?"

"Game ka ba?"

"Sabihin mo muna yung game!"

"Sabihin mo munang game ka!"

Habang naglalakad kami ganyan lang pag-uusap namin. Napaka-meaningful dba ?

"Ayoko nga!"

"Edi wag!"

Pagkasabi ni Rielle nun inirapan ko nga. Eh hindi rin nagpatalo at nag-make face pa. Kaso yung mukha niya nagmukhang asong ulol ! Nakakatawa.

"Wahahaha!" I burst out laughing can't help it !

Hindi parin siya humihiwalay sa pagkaka-akbay sa'kin nyan ha. Tumatawa rin siya pero parang sinabayan lang atah ako.

Hindi ko nga namalayan na nakarating na pala kamisa tambayan.

"1,2,3 !" may nag count then ..

*Clap-clap-clap!*

Pinalakpakan pa kami? Mga sira ulo talaga tong mga kaibigan namin.

Nahinto tuloy ako sa pag-tawa at naramdaman ko rin ang pagbitaw ni Rielle sa balikat ko.

"Grabe, nagawa niyo pa talagang magharutan at maglambingan sa daan habang kami ay inip na inip na naghihintay sa inyo dito." tila galit na bungad sa amin ni Tovy.

Anong problema nito? Sa kanilang lahat siya lang naka-busangot ang pagmumukha.

"Chill lang Tovy, mukhang nagkaka-tuwaan lang naman sila eh." si Eros na tinapik pa si Tovy sa balikat.

"Oo nga! Tsaka tapos narin kaming mag-usap ni Seantal at Rielle. At hindi na namin hihingin opinion nyo ang tagal nyo kasi." si Danhel.

"Ok lang ! Go naman ako kung saan nyo gusto." si Rielle na tumabi kay Danhel.

"Eti-text ko nalang ang updates." si Zyrene na nakatingin sa'kin.

Nag-nod nalang ako and smiled.

"So .. that's it ! Uwi na tayo guys!" sabi naman ni Abby na nagstretch na ng mga kamay.

Mukhang kanina pa nga sila. Tiningnan ko si Tovy nakasimangot parin.

Nagtayuan na ang lahat.

"Sige Seantal una na kami, tanungin mo nalang si Tovy sa mga napag-usapan." si Zyrene.

"Ok thanks, pasensya talaga at late kami." saka ako bumeso sa mga babae.

"Sige una narin ako Seantal, bye,see you." si Rielle at nag-wink pa.

Agad na nabaling ang tingin ko kay Tovy. Umalis nalang bigla, ang bilis pang maglakad. Grabe ! Anong nangyari at may moodswings ang isang toh?

Hinabol ko nga, hinihingal na nga ako, medyo malayo narin kasi siya sa kinaroroonan ko. At nang mahabol ko siya agad kong hinarangan siya sa daan. Kaya napahinto narin siya.

Pero hindi siya nakatingin sa'kin.

"Hoy! Sorry na." sabi ko habang humihingal parin.

Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatayo.

"Ganun ba talaga ka big deal sayo ang pagka-late ko?" tanong ko sa kanya.

Medyo napipikon narin kasi ako, napaka-hard e-please.

Kinabahan naman ako nung tumingin siya sa'kin. Galit parin kasi yung mukha.

"Sa tingin mo?"

Wow ! Pilosopo ng ube na toh ah.

"Grabe ka Tovy, hindi ko naman sinasadyang ma-late eh."

"So?"

Haha ! Parang bakla ano ba!

"So? Sorry na nga kasi! Sila nga ok lang ta's ikaw pa kaya na bestfriend ko?"

"Yan ! Porket bestfriend ay kukunsentihin kita?"

"Bakit ba?! Hindi ko naman sinasadya ah!" napa-lakas narin yung tinig ko kasi naman nakaka-inis eh.

"Ewan ko sayo Sean-sean dyan ka na nga!" inis ding sagot niya.

Tapos umalis narin.

Hindi ko na hinabol, mapapagod lang ako. Bahala siya, baka nag-away sila ni Chloe at dinamay lang ako.

Tsss.. Kainis talaga !

Papadyak-padyak pa ako nyan habang naglalakad. Uuwi narin ako, akala niya iiyak ako pwes hindi !

Hindi siya nagkaka-mali ! Uwaaaahuhu .. T.T

Umiiyak na naman ako.

"Grabe siya, nag-sorry na nga ako tapos may pa walk-out'2 pa!" self-talk na naman ako.

"Hindi ko na siya hahabulin, bahala siya!"

Nagpapahid na ako nyan sa mga luha kong namamalisbis sa mga mata ko.

Sumakay ako ng tricycle na iiyak-iyak parin. Nakakahiya sa katabi ko na panay ang pagtulo ng luha ko.

Iyakin kasi eh.

Hanggang kinabukasan, 2nd day, 3rd day , 1 week and even a mga graduation practice ay walang lumapit na Tovy para makipag-bati sa'kin.

Pag-lunch time naman, sinasama niya lagi si Chloe at ang sweet nila. Para ngang hindi nila ako nakikita eh. Ni mag-hi ay di man lang nagawa ni Tovy. Pati mga friends namin nag-aalala.

Si Rielle? Siya na naging crying shoulder ko. Mas madalas ko na nga rin siyang nakaka-usap at nakakasama.

Umiiyak parin ako ngayon, nasa may likod kami ng classroom. Alam nyo topic namin ni Rielle ? Oo, si Tovy "Seantal, don't be sad. Kung may tampuhan man kayo maaayos rin yan." sabi ni Rielle habang hinimas-himas ako sa likod.

"I felt guilty and sorry kasi."

"You don't have to, sabi mo nga diba? Nag-sorry ka at kahit ano pa yang pinag-aawayan nyo , I know in God's time maaayos din yan."

Si Rielle yan, diba ang galing mag-advice ? Unbelievable nga eh.

"Ssshh .. Kaya tama na yan. Sige ka papanget ka nyan graduation pa man din natin bukas." sabi nito habang pinapahid ng daliri niya yung luha ko.

"Salamat Rielle ha." sabi ko ng naka-ngiti.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

235K 13.4K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
2M 78.9K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...