Falling for Mr. Bad Boy [On G...

Da Trufflina

62.9K 1.8K 262

Ang sabi nila mas gusto daw ng mga babae ang mga bad boy. Meet Maria Katherine Villanueva or 'Maika' for shor... Altro

Prologue: Who's my seatmate?
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 1: Spiderman?
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 2: The Suffering
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 3: Moon Dance
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 4: Pretty Little Gossip Girl
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 5: His Room
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 6 & 6.5: Action
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 7: Bago
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 8: Heartbeat
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 9: Fangirls are Dangerous
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 10: Trapped
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 11: Forgive and Forget?
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 12: Horror?
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 13: Exams
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 14: Groupings
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 15: Camping pt. 1
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 16: Camping pt. 2
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 17: Camping pt. 3
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 18: My Decision
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 19: Tanan?
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 20: Intrams 1
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 21: Intrams 2
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 22: The Offer
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 24: Alone with Manyakis.
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 25: Birthday
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 26: Surprise
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 27: Bad News
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 28: Gulo
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 29: She's Broken
Falling for Mr. Bad Boy Chapter 30: Reasons

Falling for Mr. Bad Boy Chapter 23: Bahay

1.3K 47 8
Da Trufflina

------------

Multimedia: 

Photo: Vince [Myungsoo] Gif

Youtube Video: [MV] NU'EST(뉴이스트) _ Fine Girl (파인 걸)

-----------

A/N: Dahil pati ako nabitin sa update ko. . . TA-DA! Bagong tatlong chapter. MAGSAWA KAYO KAY VINCE AT MAIKA BWUHAHAHAH [joke lng pls. wag kayong magsawa] So kung napapansin niyo dahil sa mga nangyayari nagiging mature na si Maika kaya kung nagtataka kayo bakit nagiging seryoso ang pag-iisip ni maika yun nga dahil dun. Character development. YEHET! hindi na baby damulag si maika. 

======

Maika's POV

[Andito kami ngayon sa harap ng ***** Corporation kung saan may mga nagproprotestang mga empleyado na tinanggal sa kanilang mga trabaho. Ito ay pagmamay-ari ng pamilyang Villanueva. Nagsalita na ang representative ng kompanya at sinabing hindi na nila kayang suportahan ang empleyado kaya sila nagtanggal ng iba."] 

Ano ba yan ang daming nag-proprotesta. Ok lang kaya si mama at papa? Mukhang natrap sila sa loob. Hinarap nung news reporter yung mic sa babaeng humahagulgol na may dala-dalang sign board at tinanong kung ano ang rason kung bakit kailangan niya ng trabaho. 

["Maawa po kayo sa amin, hindi ko po alam kung paano ko susuportahan ang mga kapatid ko. Ulila na kami. Ako ang nag-iisang nnakagraduate sa amin kaya ako lang ang nagtratrabaho para sa amin"]

Nako, kawawa naman siya nakakaawa, mukhang mga 21 palang yung edad niya. Yung puro nagmumura na naka direkta sa pamilya ko, hindi naman kasalanan ng mga magulang ko nung nangyari eh. Nung isang araw ko pang huli nakita sina mama at papa tsaka hindi nila ako kinakausap tungkol dito ngayon ko nga lang nalalaman ang mga ito para akong stranger sa sarili kong bahay. Biglang nagflash yung picture ni kuya. Stolen siya. Yun yung laging picture na pinapalabas sa TV. Naging viral nga picture ni kuya ang caption 'Paano nawawala ang ganito ka-gwapo na nilalang sa balat ng Pilipinas'. Charot, ang lalandi. 

[Hanggang ngayon hindi pa rin alam ng mga imbestigador kung nasaan ang kanilang anak na si, VJ Villanueva na ipapakasal kay Elizabeth Le-

Pinatay ko na yung TV pare-parehas nalang yung lumalabas na balita lagi nalang mula sa problema ng kompanya namin nalilipat sa kasalan na yun. 

 "Maika, siguro mas mabuting wag ka muna manood ng TV" sabi ni manang sa akin.  

"Ilang araw nang hindi bumabalik sina papa at mama sa bahay, kumakain ba sila dun?" Nag-aalala na kasi ako si kuya hindi macontact. Pati mga magulang ko hindi na rin macontact. Lagi nalang akong mag-isa dito sa bahay. 

"Malalaki na sila kaya na nilang alagaan sarili nila. Kailangan lang nilang magtrabaho para panatiliin ang kompanya" 

Napabuntong hininga ako "Hindi ba nakikita ni kuya kung anong nangyayari? Nagkakagulo na tayo dito. Siguro wala siyang pake sa nangyayari dito" sabi ko. 

Let's be honest, nung una suportado ako kay kuya pero talagang chaos na sa bahay. Namimiss ko na pamilya ko parang in-abandon na nila ako. 

Bigla akong napahawak sa likod ng ulo ko binatukan kasi ako ni manang. 

"Ang sakit naman nun, manang" 

"Wag kang magsalita ng ganiyan tungkol sa kuya mo" suway niya.  

Napasobra ata nasabi ko, hindi ko naman talaga sinasadya. Nadala lang ako sa emotion ko. 

"Ehhh pagpasensyahan mo na ako manang. Sana lang wag nang magtago si kuya at harapin niya na yung gulo na iniwan niya dito kasi hindi lang naman siya ang nadadamayan"

Hindi ba kasi puwede na tulungan nalang kami ng Intel mula ng husang loob. Talagang kailangan may kapalit na tao? Natandaan ko yung offer ni Thunder. Umiling ako at sinubukan kong ibaon sa kailaliman ng mga iniisip ko ang thought na yun. Hindi puwede. Kay Vince ako ipapakasal. Chos, libreng mangarap pagbigyan niyo na ako.  

Tumango si manang "Tama ka diyan, sana bumalik na nga siya. Siguro bigyan nalang natin siya ng konting panahon para mag-isip siguradong babalik rin siya" 

As if hindi pa enough yung kalahating buwan kay kuya, mabigat nga naman ang desisyon na ito. Alanganin nga talaga. 

"Haay sana lang manang. . . " Pinaglaruan ko na yung cereal ko, wala na kasi akong ganang kumain. 

Pinalo ako ni manang sa braso "Huy! Ikaw talagang bata ka. Eh diba may lakad ka?"

Biglang nag-rush in ang aking ala-ala to my beautiful mind. Ay? May paganun-ganon? Naalala ko nga pala may gimmick kami nina Georgina at Kim. Girls day out daw. Diba? Ang sosyal? 

"Ay oo nga pala, sige manang alis na po ako" 

Kinuha ko yung bag ko sa mesa at linagay yung bowl sa lababo.

"Mag-ingat ka!" sigaw ni manang, kinawayan ko nalang siya. 

------------

"Array ko" Napahawak ako sa noo ko. 

Nakatingin lang ako sa harap ko. Narinig ko na pinagtatawanan ako ng mga tao. What's their deal? Kinapa ko yung nasa harap ko. 

"Pintuan pala toh?" In-examine ko talaga. Oo nga pintuan nga, salamin kasi akala ko naman walang pintuan. Nakakahiya numuun. Wow galing magic. Palakpakan nga natin ang katangahan ko.

Mukhang sa kamamadali ko naiwanan ko na ang utak ko sa bahay. 

Biglang bumukas yung pintuan, lumingon ako sa likod. 

"Tch, stupid" ngumise siya sa akin. 

(°o°;) 

Shet, laglag panty. Ngayon ko lang kasi nakita si Vince na nakaporma, lagi ko siyang nakikita either naka-pantulog o naka-uniform eh. Talagang mas nanuna ko pa siyang nakita na nakapangtulog. Aissh, inaatake nanaman ako ng perverted thoughts ko. Naks naman naka-wet look si koya bens, mukhang bagong ligo. Baka rin ako ma-wet look na yung pants ko. 

Nakasuot siya ng itim na leather jacket, Off-white na shirt, itim na skinny jeans pati combat boots, marami siyang suot na bracelet nakita ko may suot rin siyang itim na rubber band. Bakit ang gwapo at ang hot ng papable ko? Ano ba yan maika kailangan pang itanong? Dati na yang gwapo. Hinawakan ko yung bibig ko to make sure na hindi ako naglalaway ngayon. 

Linapit niya mukha niya sa akin. Ang bango ni bebs ko.

I give up, nagpapasapi na ako sa kamanyakan ko. 

Ngumise siya "Hindi ka ba aalis sa daanan?" 

Ayan. Panira kasungitan niya. Parang may sumampal sa akin at nabalik ako sa konsensya ko. Pumasok na ako at sumunod siya. 

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko. 

Ano ba ang ginagawa ng pinakagwapong nilalang sa karaoke bar ng ganitong oras? More importantly. Si Vince. Mahilig ba siyang kumanta? 

"Itanong mo sa sarili mo" sabi niya, parang mas inis sa tono ng boses niya. 

linagay niya yung kamay niya sa bulsa ng jacket niya. Kinikilig talaga ako pakshet.  

Teka lang oo nga maika. Anong ginagawa mo dito? Ah! oo nga pala andito ako dahil kay Georgina at Kim. Nadistracted ako sa hotness ni Vince. Este. Ano ba itong pinag-iisip ko. Nakita ko kung nasaang booth sina Georgina at si bes. Nandito rin pala sina Josh at Tristan, Anong kalokohan ito? Hindi sa nagrereklamo ako dahil andito si Vince ko pero sabi niya Girls Day out. 

Hinila ko si Kim at nagbulungan kami. 

"Bes, anong kalokohan ito?" tanong ko. 

Mula sa expression ni Kim, mukhang napilitan rin siya dito. 

Tinuro niya si Georgina "Ewan ko ba, si Georgina at Josh may pasimuno nito" 

Sabi ko nga bang magkasabwat yang dalawang yan sa kalokohan. Bumalik na kami ni Kim sa booth at umupo. Mula sa ka gilid-giliran ng mata ko nakita ko si Vince na nagbabasa lang ng libro at nakahandusay na dun sa couch talagang inangkin na niya yung buong upuan kaya namang siksikan kami dito sa kabila. Wala namang nagrereklamo kaya hindi na ako umimik.

Sus, ang kj talaga nitong isang ito pumunta lang dito para magbasa. Andito lang ata siya para ma-tempt yung mga mata ko. AGGGH ibabaon kita ng buhay, humanda ka. 

"Ok guys, sinong mauuna?" Mukhang full of energy si Georgina hawak-hawak niya yung microphone. 

Walang umimik sa amin, nagtinginan lang kami. 

"Ugh ang boring niyo, ako pipili. How about. . . " Tumingin sa akin si Georgina kaya umiling ako ng umiling. Ngumiti siya. Nako, alam ko na ibig sabihin niyan nakakakilabot.

"Vince and Maika?" 

DOUBLE KILL, napalingon sa amin si Vince at tinaasan ng kilay. Ang taray ah. 

"WAG!" Sigaw ni Josh. 

"Huh?" sabay naming sinabi. 

Problema niya? 

Hinihila niya si Kim papunta sa harap "A-ah kami nalang ni ba-babes, oo haha" 

"Eh sila yung napili eh" reklamo ni Kim. 

Hinigit ulit ni Josh si KIm"Wag ka nang makulit tayo nalang" 

Mas malakas si Kim kaya napabitaw si Josh. Umupo na si Kim. 

"Yoko nga" 

Kinamot ni Josh yung ulo niya at tinuro kaming lahat.

"Bahala kayo, wag niyo akong sisihin" 

CHOS, gusto kong mag-ala titanic kaya pinili ko yung kanta ni Celine Dion, My Heart Will Go on. Diba ang taray? Eh kakanta ba itong kasama ko? Kj yan sa buhay eh. 

Sprinead ko yung kamay ko nung parang sa titanic yung nasa dulo sila nung barko. Nagtawanan naman yung mga kasama ko. 

♫Every night in my dreams, I see you, I feel you,

That is how I know you go on

Far across the distance

And spaces between us

You have come to show you go on. . .  ♫

"Wooh galing mo maika!" cheer ni Kim sa akin. 

Ibibigay ko naman yung pangalwang chorus kay Vince, ang daya naman niya na ako lang kumakanta dito. Nahiya naman ako. 

"Vince, ikaw na" inabot ko yung mic. Akala ko naman sisimangutan niya ako pero kinuha niya yung mic sa akin. 

Yiiiee, sigurado akong maganda boses ng papable ko. 

 ♫  Near, far, wherever you are

I believe that the heart does go on

Once more you open the door

And you're here in my heart

And my heart will go on and on ♫

Parang. . . 

Pang-anghel ang boses niya. . .

Naspeechless kaming lahat.

As in nga-nga.

Si Josh halos maiyak na. 

Sino ba ang linoloko natin? 

Tinakpan ko yung bibig ko.

"PFFFFT HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHA" nalabas ko na yung tawa ko hindi ko na kinaya. Hahahaha ang gwapo gwapo ng mukha, pang chanak ang boses. Napahawak ako sa tiyan ko. 

Parang pang balyena yung boses. 

"Ohmygosh what is that sound, parang kinakatay na chicken or baboy" sabi ni Georgina.

Hinahawakan ni Tristan yung tenga niya "Hello? Hello? Tss, nabinge na ata ako. . . "

Nakatiingin sa taas si Kim "Nakita ko na ang ilaw sa dulo ng tulay, kinukuha na ako ni Lord"

"Maika! ilayo mo na si bossing sa mic, DALI!" sabi ni Josh. 

Pinunasan ko yung luha ko kakatawa. 

"HAHAHA Weh inggit lang kayo. Gwapo na si Vince, eh kayo?" sabi ko. Kawawa naman kasi si Vince pinagtulungan ba naman. 

"Mas gwapo" sabi ni Josh. 

"Talaga? Saan banda?" asar ni Kim. 

"Tch" Hinagis ni Vince yung microphone sa sahig, biglang parang may explosion sa speakers kaya napa takip kami ng tenga. 

"Magbasa ka na nga lang diyan, boss" 

Kinuha ni Vince yung tubig niya sa table at binuhusan si Josh ng tubig. 

TInalsikan kami ni Josh  "AISST SABI KO MAGBASA HINDI MAMBASA!" 

Tinitigan ni Vince si Josh ginamit niya yung death glare niya. Biglang napailing si Josh at kinuha yung tubig niya at binuhusan yung sarili niya.  "Joke joke, ang presko nga. Salamat boss, kanina pa ako naiinitan eh"

Umupo ulit si Vince sa sofa niya "Good" 

Pauupo na ako pero wala na akong space sa inupuan ko kanina. Tinuro ni Kim yung direksyon ni Vince gamit ng nguso niya. Tss, putulin ko yang nguso mo eh. 

"Puwede ba akong umupo dito, sikip kasi sa kabila" tanong ko kay Vince. 

"Sige try mong tumalon diyan, kaya nga upuan eh"

Bitter ni kuya. 

"Sus, hindi ko problema na pinagpalaan ako ni Lord ng magandang boses" asar ko. 

Umirap lang siya tapos umusog ng onti. 1/2 lang ata ng puwet ko yung mauupo ko. 

Wala na ngang kumanta kasi nasira na ni Vince yung mic. Tinawagan na namin yung waiter para mag-order. 

Ayos, infairness gwapo ni kuya oh. Nag-order na kaming lahat at Rinepeat ni kuya yung order namin. 

"Yun lang po ba?" tanong nung waiter. 

"Eh ikaw? Anong gusto mo. Mamili ka jacket o star?" asar ni Josh. 

Tinuro ng waiter si Georgina "Puwede bang siya nalang" tapos nagwink sakanya. 

"Eh ehto puwede na ba?" pinakita ni Tristan yung kamao niya. 

Ayiiie, may nagseselos. Pagkatapos na naming mag-order nag-aya na si Georgina, bored na daw kasi siya since sinira naman ni Vince yung mic. Wala na kaming magagawa.  

"Labas na tayo" aya ni Georgina, kakabayad lang namin sa booth namin. 

"Sa labas?" tanong ni Kim. 

"Hindi sa loob, gurl. Ipush mong lumabas papunta sa loob, tawagan mo ako pag na-achieve mo na" 

"Echosera, nagtatanong lang" 

"Huy, may babae dun sa gilid ng building oh" sabi ni Tristan, tinuro niya yung babae na nasa dulo. 

Nasa rooftop kasi ng mall yung karaoke bar, kaya andito kami sa labas.

"Huh? Saan?" tanong ni Josh. 

Pinalo ni Tristan yung likod ni Josh "Kakasabi ko lang na sa gilid ng building" 

Napatingin kaming lahat dun sa babae. 

Ate, wala kayong pakpak. Anong ginagawa mo diyan? 

Parang kilala ko siya. . . 

Teka! SIya yung nakita kong umiiyak sa TV na humihingi ng tulong. 

Wag mong sabihing TATALON SIYA? tumakbo ako papunta sa babae, hindi ko na kailangan tumingin sa likod para malaman na hinahabol ako ng mga kaibigan ko. 

"Maika!" tawag ni Vince. 

pero hindi na ako tumigil.

"Ate, Miss!" sigaw ko. 

Lumingon siya ng onti sa akin at ngumite pero humarap ulit siya. 

"Ikaw yung anak nung mag-asawang Villanueva diba? Nakita na kita dati" sabi nung babae. Kilala niya ako? Sira, kakasabi lang niya eh.

"Ate may solusyon lahat ng problema, Tutulungan kita. Ka-kakausapin ko yung mga magulang ko kaya please bumaba ka na diyan" nagmakaawa na ako kay ate.

Muntikan na siyang na-out of balance sinubukan kong sumigaw pero walang lumabas sa bibig ko. Patakbo na ako papunta kay ate, pinigilan lang ako ni Vince nakahawak siya ng mahigpit sa balikat ko. 

 "HEY ARE YOU CRAZY?" sigaw ni Vince dun kay ate. 

Umapak si ate. 

"HUWAG KAYONG MAKIALAM" sigaw naman ni ate. 

"Please po, bumaba na po kayo" 

Nangingilig na yung kamay ko sa kaba. 

"Ayan malapit nang matapos ang hinihintay ko" sabi ni ate, tumawa siya. Mukhang nasiraan na ng ulo. Sino bang hindi masisiraan ng ulo kung lahat ng responsibilidad sa iyo lahat napunta. 

Hindi ko naman inaasahan na makakaabot sa ganito ang problem na ito. 

"Ate please, tutulungan talaga kita. Pramis, Honesto. Aatakihin na ako sa puso" 

Parang umaakyat lahat ng dugo ko sa ulo. 

"That's it, I'm calling the police" Nakahawak pa rin sa balikat ko si Vince habang yung isang kamay niya nag-dadial sa phone. 

"Sana makarating ang pagmamahal ko sa mahal ko" sabi ni ate. 

Pinapag-usapan ba niya yung mga kapatid niya? 

"Ate! wag po" sigaw ko. 

Dumating na sina Kim, napatakip si Georgina sa bibig niya at hinawakan ng mahigpit yung kamay ni Tristan. 

Umikot na si ate paharap sa amin at tinaas yung isang kamay niya. 

Ngumiti siya, pero hindi sa amin. 

Umapak na siya

TInakpan ni Vince yung mata ko at yinapusan ako.

Narinig ko na tumalon na siya pababa.

Nagtataka ako. . .

bakit ganito ang nangyari? Parang na-drain lahat ng buhay palabas ng katawan ko. 

Bigla nalang ako nawalan ng malay. 

==========

Vince's POV 

What the hell?

Tumalon yung babae, binaba ko na yung phone mukhang hindi na kailangan ng tulong. 

Biglang bumigat si Maika, pagkakita ko nahimatay na pala. 

Ah seryoso ba ito? This crazy b!tch. 

Hawak-hawak nung babae yung phone niya. 

"Ayan nasend na" sabi nung babae. 

"po?" narinig ko na sinabi ni Kim. 

"AAAAAH PUTA NAKAKASTRESS" sigaw ni Josh. 

Napakamot si ate sa ulo "Muntikan na yun ah, ang hirap kasing maghanap ng signal sa baba eh. Si babes kasi hinihintay text ko" 

All of this trouble, para lang sa pesteng babaeng yan? 

Sa tingin pa ni maika na siya ang may kasalan. 

Pinasandal ko muna si Maika kay Georgina at Kim. Pinapaypan na nila si Maika. 

Aiist, I'm really going to lose it. 

"Uy, nahimatay si ma'm. Ano po nangyari?" 

Mukha bang naghihirap itong babaeng ito? Yeah I saw her in TV this morning. iPhone pa yung gamit niya.

Inagaw ko yung phone tapos hinagis ko pababa ng building. Right where she would've been if she was dead serious about commiting suicide.  

"HUY KUYA AYOS KA LANG BA? ANG MAHAL MAHAL NUNG PHONE KO!" 

Kinuha ko yung wallet ko sa bulsa at kinuha lahat ng perang laman nito, binigay ko na lahat sakanya. Hinulog ko na lahat sa sahig, agad naman niyang pinag-pupulot lahat. 

"Get the f''ck out of here" utos ko. 

========

Maika's POV

Nung bumalik na ang konsensya ko, napahawak agad ako sa ulo ko. 

Array, ang sakit naman. 

Naalala ko si ate na patalon ng building, biglang napamulat ako ng mata. 

Tumingin ako sa paligid, itim yung kulay ng wall tapos kulay puti yung carpet na nasa sahig. 

Nasaan na ba ako? 

Hindi naman ako nasa hospital, hello? kulay itim nga. baka naman dineretso na ako ng punerarya.

Wala rin naman ako sa kwarto ko. Biglang gumalaw yung higaan nung gumalaw ako. 

Huh? waterbed? Sosyalin naman. Bakit parang pamilyar yung kwartong ito? 

Tumingin ako sa suot ko iba na yung damit ko, nakasuot ako ng isang malaking puti na shirt na halos bestida na. 

Biglang may pumasok sa lalake sa kwarto. 

"Gising ka na pala" 

Continua a leggere

Ti piacerà anche

1.9M 94.8K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
5.5M 276K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
353K 24K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.1M 84.7K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...