Huling Himagsik

Galing kay KuyaDitalach

34.2K 2.2K 517

Highest Rank: #12 in Historical Fiction [January 23, 2018] "Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matali... Higit pa

¡Disfruta leyendo! (Enjoy Reading!)
Tenkyu su mats!
Capítulo Uno
Capítulo Dos
Capítulo Tres
Capítulo Cuatro
Capítulo Cinco
Capítulo Seis
Capítulo Siete
Capítulo Ocho
Capítulo Nueve
Capítulo Diez
Capítulo Once
Capítulo Doce
Capítulo Trece
Capítulo Catorce
Capítulo Quince
Capítulo Dieciséis
Capítulo Diecisiete
Capítulo Dieciocho
Capítulo Diecinueve
Ćapitulo Veinte Uno
Ćapitulo Veinte Dos
Lawa ng Perlas
Author's Note
Author's Note

Capìtulo Veinte

675 24 5
Galing kay KuyaDitalach

[Kabanata 20]

"Huwag ka nang malungkot anak. Magiging maayos din ang lahat. Hindi ako titigil hangga't hindi nakakamit ni Nanay Anusencion ang hustisya sa kanyang pagkamatay" mahinahong sabi sa akin ni ina. Narito ako ngayon sa hapag-kainan at kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast.

"Hindi na sila naawa ina" malungkot na tugon ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga matanggap, kahit na apat na araw na ang nakalipas mula ng mamatay si Lola Anusencion.

"Alam kong walang kasalanan si Lola Anusencion" Pakikisali ni Ate Antonia sa usapan.
Totoo naman na wala talagang kasalanan si Lola. Napakabait nya at kahit sa sandaling panahon naming magkasama ay naramdaman ko ang kanyang pagmamahal sa akin.

"Ang Gobernador ang totoong masama!" Galit na sigaw ko sa kanila.
Lumapit naman sa akin si ina para suwayin ako.
"Huwag kang maingay anak. Baka may makarinig sa iyo" sabay hagpos sa aking likod.

Natahimik ang paligid ng biglang nagsalita si ama.
"Anak? Kailan pa kayo nagkikita ng Mateo na iyon?" Tanong sa akin ni ama habang abala sa pagkain.
Natigilan ako sa tanong nya at naalala kong nasabi ni Lola Anusencion na nakita nya kaming magkasama ni Mateo.

"U-hm...medyo m-matagal na po" nauutal na sagot ko kay ama.
Conservative ang mga tao sa panahong ito at hindi normal na palaging magkasama ang babae at lalaki ng sila lang. Maliban na lang kung sila'y magkasintahan.

"Simula ngayon ay huwag ka na munang makikipagkita sa Ginoong iyon" seryosong tugon sa akin ni ama na ikinagulat namin nina ate Antonia at kuya Antonio.
"Kayong lahat! Sa ngayon ay hindi ko muna kayo papayagan makipagkita sa Gobernador maging sa mga anak niya" patuloy pa ni ama.

"P-pero ama, matalik kong kaib--" hindi na natapos ni kuya Antonio ang sasabihin nya ng biglang nagsalita ulit si ama.
"Kahit pa matalik na kaibigan mo iyon, hindi kita papayagan. Ayaw kong madamay ang pamilya natin sa ginagawa ng pamilya niya" Seryosong tugon ni ama at tumayo na.

"Tapos na akong kumain" saad ni ama at diretsong nagtungo sa kanyang opisina.
"Mga anak. Ang lahat ng desisyon ng inyong ama ay para sa ikabubuti ninyo" mahinahong saad ni ina sa amin at sumunod kay ama papasok ng opisina.
Habang ako naman, at si kuya Antonio ay natigilan dahil sa sinabi ni ama.
Wala na kaming magagawa kundi sumunod na lang. Alam kong ayaw lang kaming mapahamak ni ama kaya yun ang desisyon nya.

"Binibini? Kung may kailangan po kayo ay narito lamang ako sa labas" sabi ni Cristeta sa akin. Narito na ako ngayon sa aking kwarto and as usual, nakaupo na naman ako sa may bintana at pinagmamasdan ang lawa ng perlas. Sinabi sa akin kanina ni ina na pupunta raw sila ni ama mamaya sa Maynila para bisitahin ang negosyo namin doon.
Sinabi rin niya na bukas ay uuwi daw si Tiyo Lucas galing sa Batangas, kaya makakausap ko na sya.

Sobrang dami kong itatanong kay Tiyo Lucas. Ang dami kong gustong malaman na hindi pa nya sinasabi sa akin. Pero bahala na, ayoko munang isipin ang mga yun. Nakaka stress lang eh.
Tumayo na ako at pumunta sa higaan ko. Matutulog na lang ako tutal wala rin naman akong ginagawa. At tsaka para marefresh na rin ang utak ko.
Napatingin na naman ako sa kwintas na suot ko ngayon at dahil doon ay unti unti na namang bumigat ang aking mga mata at nagsimula na akong matulog.


Pagkagising ko ay naabutan ko sina kuya Antonio at ate Antonia na paalis ng hacienda. Sinabi nila sa akin na magsisimba daw sila at pagkatapos noon ay pupunta naman sa lawa ng luha para makalanghap ng mas sariwang hangin.

Naiintindihan ko sila, napakarami ng mga nakaka stress na nangyayari sa buhay namin kaya I think It's time for us to relax naman.
Sumama ako sa kanila at ilang sandali pa ay nakarating na kami sa malaking simbahan ng San Luis.

Dalawang palapag ang simbahan na ito at sa taas ay ang tuluyan ng mga pari at ministro.
Sa kulay at itsura pa lang ng simbahan na ito ay mahahalata mong bagong gawa pa lang. Wala pang pintura at napalilibutan ng mga puno ng mangga.

Maaliwalas ang paligid at tamang tama para makalimutan kong sandali ang mga problema ko.
From now on, seseryosohin ko na ang misyon ko dito sa mundong ito. Myghad gusto ko ng umuwi. Diko na keribels ang mga pangyayari. Jusko

"Magandang tanghali Padre Cabrestante!" masayang bati ni ate Antonia dun sa matandang lalaki na puting puti na ang buhok. Matangos ang kanyang ilong at halatang siya'y purong kastila.

"Magandang tanghali rin hija. Ikinagagalak kong makita kayong muli" sagot nya at nagmano sina ate kaya nagmano na rin ako.

"Angelita kamusta na? Nalalapit na ang paligsahan sa pag guhit. Inaasahan kong makararating ka ron" dagdag pa nya.

"Ipagpaumanhin mo Padre ngunit si Angelita ay hindi na muna makakasali sa paligsahan" Saad ni kuya Antonio at dahil doon ay biglang nagtaka ang mukha ni Padre Cabrestante.

"Ngunit bakit? Ang pagguhit ang siyang talento ni Angelita" Sagot nya at halatang dismayado na sya.

"Sapagkat nawala po ang kanyang ala-ala" malungkot na sagot ni ate Antonia.
Napatingin naman sa akin si Padre Cabrestante at pinapasok kami sa loob. Sinabi rin niya na may ipapakita sya sa akin, kung kaya't dinala nya ako sa ikalawang palapag ng simbahan.
Hindi na nya pinasama sina kuya Antonio at ate Angelita dahil hindi pa daw nila yun dapat malaman.

"Ano pong kailangan nyo sa akin?" tanong ko kay Padre Cabrestante na kanina pang palinga linga at parang may hinahanap na kung ano. Tumingin lang sya sa akin at hindi sinagot ang tanong ko. Hays, napaka weird talaga ng mga tao dito.

"Narito na! Nakita ko na" masayang saad ni Padre Cabrestante at ipinakita sa akin ang isang painting. Isang lalaki ang naka drawing doon, pero hindi ko alam kung sino, kasi hindi pa tapos. Mata, ilong at bibig pa lang ang nandun
kaya wala akong idea kung sino ba yung nasa painting na yun. Napakalinis at halatang iginuhit ng maayos.
"Ano pong meron riyan Padre?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Kumuha sya ng upuan at pinaupo ako.
"Maupo ka Angelita, ikukwento ko sa iyo lahat" tugon ni Padre Cabrestante na ngayon ay hawak hawak pa rin yung painting. Ano kayang meron dun at bakit sa akin lang ipinakita ni Padre Cabrestante? Ayaw niya ipakita kina
kuya at Ate. Nacucurious tuloy ako ng bongga.

"Noong ika-isa ng Agosto, ay nagtungo ka rito at dinala ang larawang na iyan" Panimula nya. So ang nagpaint nito ay ang totoong Angelita?
"Sinabi mo sa akin na sa muli nating pagkikita ay ibabalik ko sa iyo ito. Hindi ko alam kung anong iyong pakay ngunit sinunod ko na lamang ang kahilingan mo" Patuloy ni Padre Cabrestante at iniabot sa akin ang painting na kasing laki ng
1/4 illustration board. Ano kayang plano ni Angelita? Siguro isa itong babala or crush ni Angelita yung nasa painting. Hays myghad! Maloloka na ang lola nyo. Di ko keri yung mga ganto huhuhu.

"Maraming salamat po" tugon ko na lang sa kanya. Lalabas na sana ako ng bigla akong mapalingon sa isang malaking bintana. Nakabukas iyon at mula sa kinatatayuan ko'y nakikita ko ang mga matataas na bundok.
Lumapit ako sa bintanang iyon at hindi naman ako pinigilan ni Padre Cabrestante.
Inilibot ko ang aking mata at lumanghap ng sariwang hangin. Tumingin ako sa baba at nakita ko ang mga kabayo na kumakain ng dayami. Sobraaaaaaang ganda ng mga nakikita ko ngayon. Kasing ganda ng kilay ko today. Mwehehehe

"Napakagandang tanawin ano?" Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likod. Matinis ang kanyang boses at... wait. Hindi yun boses ni Padre Cabrestante!

Napalingon ako sa lugar kung saan nanggagaling ang matinis na boses na iyon at nakita ang isang morenong lalaki. Maganda ang kanyang pangangatawan at mala Adonis ang kanyang itsura. Hihihi. Dahil sa mga nakikita ko, parang ayoko na umuwi HAHAHAHA daming pogi. Whooo!

"Labis ba kitang nagulat binibini? Ipagpaumanhin mo ang aking pang gagambala sa iyo, lalabas na lang muna ako" dagdag pa nya at nagbow sa akin.

"Wait!... este usap muna tayo"

"Weyt? Anong salita iyon binibini?" Nagtatakang tanong nya. At kumunot ang noo hahaha ang kyut.

"Wala iyon" sagot ko at tumawa ng pabebe. Hahaha napakalandi mo Angela.

"Ako nga pala si Carlito, ako ang nangangalaga sa mga hayop na nakikita mo riyan sa ibaba" sagot nya. Ay poorita. Joke hahaha

"Kung gayon ay ikinagagalak kong makilala ka Carlito. Ako nga pala si..." Diko na natapos ang sasabihin ko ng bigla syang nagsalita ulit.

"Ikaw ang binibining Angelita, isa sa mga pinakamagandang dilag dito sa San Luis" sagot nya at dahil doon ay namula ako. Lande mwehehe enekebenemen. Obvious na nga e, sinasabi mo pa. Weg ke nge!

"Bolero ka din pala" tugon ko na lang sa kanya at tumawa.

"Alam mo binibini, pangarap kong magkaroon ng kaibigan na katulad mo, na dugong maharlika at may dugong kastila" sagot nya sa akin at tumingin sa labas.

"Bakit? Marami naman dugong maharlika rito sa San Luis ah?" Sagot ko sa kanya at dahil doon ay napayuko sya. Luh, arte.

"Sa iyong palagay ba, maaring maging magkaibigan ang mahinang kuneho at malakas na lobo?" Seryosong tanong nya sa akin.

"Ha? Anong iyong ibig sabihin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kaming mahihirap ay para lamang sa mahihirap. At ang katulad ninyong mayaman ay para lamang sa mayaman" sagot nya.

"Wala kaming laban sa katulad ninyong mayaman sa salapi. Sapagkat ano nga bang laban ng walang salapi sa may salapi? Diba?" Dagdag pa ni Carlito at tumingin ulit sa akin.
Sa bagay may point naman sya.

"Walang mayaman at mahirap sa pagiging magkaibigan" at ngumiti ako sa kanya para magkaroon naman sya ng self confidence.
"Ako nga e, kaibigan ko ang aking tagapagsilbi na si Cristeta" dagdag ko pa at dahil doon ay napangiti naman sya.

"Kung gayon ay maaari tayong maging magkaibigan?" Tanong nya na parang bata na nanghihingi ng kendi. Hahaha

"Oo naman. Walang masama dun" sagot ko sa kanya at ngumiti sa kanya ng malaki. Feeling ko, makulit din tong lalaki na to. Haha


Natigil ang aming pag-uusap ng biglang dumating si Padre Cabrestante at sinabing aalis na kami nina kuya at ate.
Sinabi sa akin ni kuya Antonio na pupunta kami sa lawa ng luha upang makita ang magandang tanawin roon. Since 11am pa lang naman. E di gora kami.







"Ano yang dala mo Angelita?" Tanong sa akin ni kuya Antonio habang nakatingin sa painting na ibinigay sa akin kanina ni Padre Cabrestante. Nakasakay na kami ng kalesa at kasalukuyan na kaming bumabyahe papunta sa lawa ng luha.
"Ah ito ang aking iginuhit noon na ibinalik sa akin ni Padre Cabrestante dahil hindi pa daw tapos iguhit" Sagot ko na lang sa kanya at tumango tango naman sya.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa lawa luha. Malaki ang lawang ito, at sa dulo niyon ay natatanaw ko ang isang malaking bayan.
"Iyan ang bayan ng San Alfonso" masayang saad ni ate Antonia habang nakatanaw doon sa village na yun.

Nakita ko na ang San Alfonso noon nung sakay kami ng kalesa pauwi ng San Luis. Pero ngayon ko lang na appreciate na malaki pala talaga ang city na ito. At kitang kita ko  dito mula sa aking kinatatayuan.
"Heneral Mateo!" Napalingon ako ng biglang sumigaw si ate Antonia.
Wait...Mateo is here?

Inilibot ko ang aking mga mata at napatingin ako sa grupo ng mga lalaking papalapit ngayon sa amin.







Shit andito nga si Mateo! Ano ba naman yan. Ayoko syang makita, naaalala ko yung chukchukan namin ni Mateo. Charot. I mean, hindi sinasadyang halikan pala namin.

Shet kailangan ko ng umuwi, di'ko alam kung anong mangyayari sa'ken pag nasa harap ko na si Mateo. Baka mahimatay ako. Charot hahaha
"Kuya Antonio? Tara nang umuwi" pagyayaya ko kay kuya na ngayon ay pakaway kaway kina Mateo.
"Ayaw mo bang makausap si Heneral Mateo?" Tanong nya habang nakangisi sa akin.
Jusko nagsisimula na naman tong nakakalokong ngiti ni kuya. Paduguin ko nguso mo e, hype ka. Joke. Lab ko yan.

"Magandang tanghali mahal kong kaibigan" sabay tapik sa balikat ni kuya Antonio. "Magandang tanghali binibing Antonia" patuloy pa nya.
Sana lang di nya ako mapansin na nandito ako sa likod ni ate Antonia, nagtatago.
Hindi pa ako handa na makita kahit anino nya.

"Huwag ka nang magtago riyan Angelita. Alam kong nasasabik ka nang makausap si Heneral Mateo" sabi ni ate Antonia at umalis sa kinatatayuan nya, na naging dahilan para makita ako ni Mateo.
Grabe ate ha. Nasasabik talagang makausap ha? Wow. Just wow.

Sinamaan ko na lang ng tingin si ate Antonia at kuya Antonio na ngayon ay pasimpleng tumatawa. Hahaha nakakatawa. Sige tawa lang, pagbuhulin ko kayong dalawa e.
Napatingin ako kay Mateo na ngayon ay nakatingin rin sa akin. Nagtama ang mga mata namin at muli, ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Parang kinukuryente ang buong katawan ko at parang maiihi na ako dito sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa kanyang mapulang lips, shit. Naaalala ko talaga yung ano... Myghad!

"M-magandang tanghali bebegerl Angelita" tanong sa akin ni Mateo at ngumiti ng pilit. Waaaah! Yung dimples!

"A-ayos lamang a-ko. Ikaw? Kamusta ka?" Nauutal na tugon ko sa kanya.
Inutusan ni Mateo ang mga kasamahan nya na iwan na muna kami at sinabing mauna na lang sa pupuntahan nila. Mga Guardia Civil pala iyon mula sa bayan kung saan namumuno si Mateo.

"Maiwan na din muna namin kayong dalawa. Upang makapag-usap kayo ng sobrang ayos" pakikisabat ni ate Antonia at hinila si kuya Antonio. Habang papalayo ay nakikita ko ang mga nakaka echos nilang ngiti.

Sa gitna ng malawak na lupaing ito, ay di ako makapaniwalang kasama ko ngayon si Mateo at...
at... Hihilahin nya ulit ako para matumba kami. Tapos magtatama na naman ang aming labi tapos...

"B-bebegerl?" Natauhan ako ng nagsalita muli si Mateo. Eto na naman yung imagination ko. Pinagsasamantalahan na naman ako. Waaaah!
"Nakaalis na sina Heneral Antonio at binibing Antonia, kung kaya't naguguluhan ako kung ano pang tinatanaw mo riyan?"
Ano ba naman yan. Palagi na lang akong natutulala pag kasama si bebeboy. Haha charot.

"Ah tinitingnan ko lang ang magagandang puno sa bandang iyon" Sabay turo sa mga puno na nasa harapan ko. Nagpatango tango naman sya at niyaya ako na...
na...
Sumilong dun sa may puno para daw makapag usap kami ng maayos.

"Alam mo bebegerl. Sobra akong naguguluhan sa mga nangyayari" pagbasag ni Mateo sa katahimikan.

"Natatandaan mo ba yung nangyari sa Pamilya Cruz? Pati na rin kay Aling Anusencion?" Tanong nya sa akin habang nakatanaw sa malayo. Hays, naalala ko na naman ang hindi makaturang pagbibigay ng parusa sa pamilya Cruz, lalong lalo na kay Lola Anusencion.

"Hinding hindi ko makakalimutan ang nangyaring iyon. Napakabait ng aking Lola Anusencion, at hindi nya magagawang magsinungaling ng walang dahilan" sagot ko sa kanya sabay kuha ng maliit na bato at ibinato sa lawa. Nakakapanghina talaga ang nangyaring iyon. Hanggang ngayon ay di pa din ako nakaka move on.

"Naguguluhan ako, sapagkat hindi ko alam kung paano nalaman ng aking ama ang pinag-usapan natin nina Aling Victoria at Victorina, kasama si Aling Anusencion" tugon nya.

"Kung gayon ay may nagtaksil sa atin?" Tanong ko sa kanya at pati ako ngayon ay naguguluhan na rin.
"Hindi ako nakasisiguro, ngunit sa tingin ko'y tama nga ang iyong hinala" sagot nya. Pero sino ang nagtaksil na yon? Imposible naman na si Aling Victoria at Victorina yun. Alam namin na malaki ang galit nila sa Gobernador. At mas lalong imposible na si Lola Anusencion, namatay sya ng dahil doon at hindi nya hahayaan na mapahamak ako.
At syempre, imposible din naman na ako. O kaya si...Mateo?

"Nakakalungkot lang, dahil hindi dapat nangyari sa kanya yun. Sa tingin ko'y binaliktad sya" tugon ko na lang sa kanya dahil nakaka sad naman talaga na mamatayan.

"Huwag ka ng malungkot bebegerl, Ika labing-isa, Ano man ang mangyari, o gaano man kasama ang nangyari sayo, Patuloy lang ang buhay, at ang lahat ay magiging maayos kinabukasan" tugon sa akin ni Mateo. Pero bakit ganun? Alam kong mabuting tao si Mateo pero bakit pinaghihinalaan ko sya? Si Mateo lang kasi ang palaging nakakasama ni Gobernador Lorenzo, at sya din yung kasama namin nung nag-usap usap kaming lima patungkol sa ginagawang kasamaan ng Gobernador.
Sa tingin ko'y sya nga ang nagtaksil. Kasi kung hindi sya, sino?

"Aalis na ako, baka hinahanap na ako nina ate Antonia" sabi ko na lang sa kanya.
Tumayo na ako at tumalikod sa kanya, ayaw ko syang lingunin kasi sa totoo lang, ayoko talaga syang makausap.

"Sandali... bebegerl"

Tinawag pa nya ako, pero wala akong pake. Hindi ko na lang sya lilingunin.
"Sandali bebegerl. May problema ba?"
"Ihahatid na kita bebegerl!" Sigaw nya pero di pa rin ako lumingon.
Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad.

"Binibining Angelita!" Sigaw ulit nya at dahil doon ay napalingon na ako. Binibini na ang tawag nya nung sandaling iyon at hindi na bebegirl. Tumigil ako sa paglalakad at tumakbo naman sya palalapit sa akin.

"Ano bang problema mo Binibini?" Tanong nya sakin habang nakakunot ang noo.
Wala na akong magagawa kundi diretsohin sya. Kailangan nyang malaman kung anong nasa isip ko para tumigil na sya.

"Kung ikukumpara kay Aling Victoria, Victorina, Lola Anusencion, at sa akin, mas malapit ka sa Gobernador" direstong sumbat ko sa kanya na ikinagulat nya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Mateo at bakas sa mukha nya ang pagkagulat.

"Ikaw ang taksil Mateo. Ikaw" sagot ko sa kanya at naglakad na papalayo.
Tinawagan nya ako ng ilang ulit pero hindi ko na sya pinansin.
Pinaka ayoko talaga sa lahat, ay yung sinungaling. Nakakaturn off.


Makalipas ang ilang sandali ay nakauwi na ako, nakasalubong ko si Aling Merlita, sa palengke at sinabing nauna na daw umuwi sina kuya Antonio at ate Antonia.

Nasa gate na ako ng aming bahay at mula sa di kalayuan ay nakita ko si ama na nakatayo doon sa may pintuan.
Tumakbo ako papalapit sa kanya upang sya ay batiin at yakapin. Kailangan ko ng yakap sa mga sandaling ito. Hinang hina na ako.

"Saan ka galing Angelita?" Seryosong tanong sa akin ni Ama.

"Sa lawa ng luha po" sagot ko sa kanya at ngumiti. Pero sa halip na ngumiti rin sya, ay mas lalong naging seryoso ang mukha.

"Sinong kasama mo roon?" Natigilan naman ako dahil sa tanong nya at naisip kong pinagbalawan nga pala kami na makipag kita kay Mateo, maging sa kapatid at ama nya.

"A-ako lang pong mag-isa" sagot ko sa kanya. Shit sana hindi sya makahalata.
Napansin kong lumapit pa sya lalo sa akin at nakatanggap ako ng isang malakas na sampal mula sa kanya.

"Sinungaling! Saan mo natutunan iyan Angelita? Pinalaki ka namin ng iyong ina na tapat, ngunit bakit ganyan ka?!"

Napahawak ako sa aking pisngi dahil sa sampal na natamo ko sa kanya. Ito ang unang beses na saktan ako ng aking magulang, at sa panahong ito pa. Napakasakit isipin na pati sila ay hindi ako naiintindihan.

"Romulo! Huminahon ka!" Sigaw ni ina at tumakbo papalapit sa akin. Niyakap nya ako ng mahigpit at doon na nagsimulang bumuhos ang luhang kanina ko pang pinipigilan.

"Iyan ba ang natututunan no sa pagsama at pakikipagkita sa Heneral na iyon?!" Sigaw nya, pero wala na akong magawa kundi yumakap na lang kay ina.

"Umamin ka Angelita! Si Mateo ang kasama mo kanina sa lawa ng luha. Wag kang magsinungaling!" Patuloy pa nya at inalis mula sa pagkakayakap sa akin si ina.
"Lumayo ka Josefa, binibigyan ko lang ng leksyon ang anak mo. Mabait akong tao ngunit alam nyo kung paano ako magalit!" Sigaw nya kay ina. Dahil sa akin, kaya pati si ina ay nadadamay.

"Hindi ka nakikinig sa akin ha! Kung gayon ay lumayas ka na. Hindi ko kailangan ng anak na suwain!" Sigaw nya at itinulak ako palabas.

"Ama, maawa po kayo sa akin" pagpupumilit ko sa kanya.
"Doon ka na sumama sa Heneral na iyon! Tingnan ko lang kung patuluyin ka sa kanila" sagot nya sa akin at pumasok na sa loob.

Lalapit sana sa akin si ina ngunit pinigilan sya ni ama. Sabay silang pumasok sa loob at sinaraduhan ang pinto. Habang ako naman ay naiwan dito sa labas at di na mapigil sa pag-iyak.

Saan na ako pupunta ngayon? Wala akong alam na pwedeng tuluyan. Hindi rin naman pwede kina Mateo kasi nag-away kami kanina. Huhuhu Tiyo Lucas! Kailangan na kailangan na talaga kita.

Wala na akong magagawa, kundi tumayo at umalis na lang. Galit sa akin si ama at pinalayas na ako dito. Hindi ko alam kung anong daan itong tinatahak ko ngayon pero bahala na.

Alas sais na ng hapon at medyo dumidilim na. Nandito ako ngayon sa kakahuyan at sinusundan ko ang liwanag na naaaninag ko mula sa malayo. Sa tingin ko'y may mga bahay doon at pwede akong makiusap na patuluyin na muna ako sandali.

Halos isang oras din akong naglakad, dahil bukod sa mga tinik na naaapakan ko, ay napakadilim pa kung kaya't hirap na hirap akong maglakad. Ngunit sa wakas ay nakarating na ako. Hindi ako nagkamali. Isa itong maliit na village, at nakalagay sa arko ang salitang "San Sinumpaan"

Teka...parang narinig ko na tong word na sa San Sinumpaan eh. Kaso di ko maalala. Pero bahala na, ang mahalaga ay mayroon akong matuluyan at makapagpahinga ako ng maayos hanggang sa dumating ang kinabukasan.

Papasok na sana ako sa village na iyon nang may makasalubong akong dalawang lalaki.
"Magandang gabi binibini? Sino ka at bakit ka naririto sa aming maliit na bayan?" Tanong sa akin ng isang lalaki na kayumanggi ang balat at sa tingin ko'y 20 years old pa lang.

"Naghahanap ako ng matutuluyan" diretsong sagot ko sa kanya at dahil doon ay natawa naman sya.
"Totoo ba ito? Sa itsura at pananamit mo pa lamang ay di mapapagkailang isa kang maharlika" Pakikisabat naman ng isang lalaki na katabi nung 20 years old.

"Pinalayas ako ng aking ama at kailangan ko ng matutuluyan. May alam ba kayong pwedeng tulugan?" Tanong ko sa kanila.

"Kaawa awa pala ang iyong sinapit binibini. Matutulungan ka namin" sagot nung 20 years old at ngumiti sa akin.
"Teka, ano nga palang pangalan mo magandang binibini?" Tanong nya.

"Ako si Angelita Anastacio. Ikaw? Anong ngalan mo?"

"Ang ngalan ko ay Juancho, at ang katabi ko naman ay ang aking matalik na kaibigan na si Marko" diretsong tugon nung 20 years old na Juancho pala ang pangalan.

"Kung gayon ay maari mo na ba akong samahan sa pwede kong tuluyan? Gusto ko nang magpahinga" tanong ko kay Juancho at ngumiti sa kanya. Di ko alam kung dapat ko ba syang pagkatiwalaan, pero bahala na. Hindi pa naman siguro manyakis ang mga tao sa panahong ito.

"Halika binibining Angelita, sumunod ka sa amin" tugon ni Marko at nagsimula ng maglakad.
Napakaliliit ng mga bahay dito, hindi katulad ng sa San Luis. Gawa lang sa kawayan ang mga bahay dito at konti lang ang bahay na may gasera. Napakatahimik rin dito at tanging huni lang ng mga kuliglig ang naririnig.




Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa sinasabi ni Juancho at Marko na pwede naming tuluyan. Maliit lang din ito tulad ng ibang mga bahay pero keri na.

"Ito pala ang maliit naming bahay binibini. Ayos lang ba sa iyo na dito ka na lang muna?" Tanong sa akin ni Juancho. Nandito na kami sa loob at kasalukuyan kaming kumakain ng dinner. Napakasimple lang nila, ginataang saging at kamote lang ang kinakain nila. Tapos ang plato ay bao pa.
"Oo, ayos lamang sa akin. Maraming salamat. Napakabuti mo" tugon ko sa kanya at ngumiti ng sincere. Akala ko mag-isa na lang talaga ako. Buti na lang at may kasama ako ngayon.

"Bakit ka nga pala pinalayas ng iyong ama binibini? Ikaw ay isang babae at dapat ka nyang ingatan" tanong ni Marko sa akin.

"Mahabang kwento, ngunit ang lahat ng iyon ay dahil sa aking pagsisinungaling" Sagot ko sa kanya at yumuko. Tinitingala ang dugong maharlika dito, at nakakahiya na sabihin ko ito sa kanila. Pero wala akong magagawa, kailangan kong makisama sa kanila.

"Dahil rin kasinungalingan, kung bakit kami hinahanap ng mga Guardia Civil ngayon" malungkot na sabat ni Juancho. Teka? Hinahanap ng mga Guardia Civil? Wait...parang iba ang kutob ko dito.

"Bakit? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya na may halong takot. Naku baka kung anong gawin sa'ken ng mga 'to. Mga kriminal pa ata.
"Kami ay orihinal na taga San Luis, ngunit nagtago kami dito sa San Sinumpaan, dahil pinagbintangan kami ng Gobernador na magnanakaw. Apat kaming magkakaibigan na hinuli nila at tinangkang patayin. Sa kasamaang palad ay nabaril ang isa naming kasama at kaming tatlo ay maswerteng nakalaya" kwento ni Juancho habang nakatitig dun sa bao na hawak nya.

"Pinagbintangan kayo ng Gobernador? Tsk. Sinungaling talaga sya" galit na tugon ko sa kanila.
"May hinanakit ka rin sa Gobernador?" Tanong sa akin ni Juancho.
"Oo, ng dahil sa kanya, namatay ang aking Lola Anusencion" tugon ko sa kanya at nagsimula na namang pumatak ang aking mga luha.

"Huwag ka ng malungkot, darating ang araw na maipaghihiganti rin natin ang ating mga mahal sa buhay na pinatay nila ng walang dahilan" sagot sa akin ni Juancho at pilit na pinapagaan ang aking loob.

Confirm na talaga na mapanglinlang ang pamilya Lorenzo. At isa na dun ang sinungaling na si Mateo!

"Narito na ako!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki mula sa labas. Kaagad namang tumayo si Marko at binuksan ang pintuan.

Pumasok na yung lalaki at narealize ko na si Carlito pala yun!

"B-binibining A-angelita? Anong ginagawa mo rito? Gabi na ah. Baka hinahanap ka na sa inyong hacienda" gulat na tanong ni Carlito sa akin.
"Mamaya na ipapaliwanag sa iyo ng binibini, maupo ka na muna at kumain" sabi ni Marko at inanyayahan na umupo si Carlito.
So magkakaibigan pala silang tatlo.

"Paano pala kayo nagkakilala ni Binibining Angelita?" Tanong ni Juancho kay Carlito.
"Kanina ko lamang siya nakilala, noong binisita ko ang alagang hayop namin ni Padre Cabrestante. Napakabait nya at sinabing maari kaming maging magkaibigan" nakangiting sagot ni Carlito kay Juancho at tumingin sa akin.

Ang kyut naman ng mga ngiti nya. Pero wala pa rin talagang tatalo sa ngiti ni Mate... nothing. Forget it.

"Dito ko po sila nakita"



Isang lalaki ang narinig namin sa labas at maya maya pa'y. Pwersahang binuksan ang pinto. Sinipa nila iyon, na naging dahilan para halos matumba na ang buong bahay.

"Dito lamang pala nagtatago ang mga magnanakaw! Hulihin sila!" Sigaw ng isang matandang lalaki at lahat kami ay dinampot.
Di na kami nakapalag dahil may hawak silang malalaking baril at alam namin na wala silang kinikilala.

Pero bakit kasama ako? Hindi ako kasali sa kanila.
"Teka...bitawan mo ako, hindi nila ako kasa..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita yung Guardia Civil na may hawak sa akin.

"Kasama ka ng magnanakaw, pagkatapos itatanggi mong kaanib ka nila? Sinungaling!" Sigaw nya sa akin at dinala kami sa isang maliit na kulungan.

Magkasama si Carlito, Juancho, at Marko sa iisang selda habang ako naman ay nasa kabilang selda. Gawa lang din sa kawayan ang mga seldang ito, at basa basa pa ang lupa kung kaya't napakaputik ng inaapakan ko ngayon.
Ganto pala ang dinadanas ng mga nabibilanggo noong unang panahon.
Hindi katulad ng sa 2018 na bukod sa libreng pagkain, ay may maayos pa silang tinutulugan.

Tumingin ako sa kinaroroonan nina Carlito, Juancho at Marko at napansin kong may mga Guardia Civil na sinasaktan sila.
"Pakiusap! Wala kaming ginagawang masama!" Sigaw ni Carlito habang pinipigilan ang mga Guardia Civil na saktan sila.

"Mamamatay na rin naman kayo eh. Pinapatagal lang namin" sarcastic na tugon nung matandang lalaki na sa tingin ko'y leader nila.

Ilang minuto rin ang nakalipas at nakita ko silang tatlo na halos hindi na makatayo dahil sa pambubugbog sa kanila. Duguan na ang kanilang mukha at sira-sira na rin ang kanilang mga damit.

Napalingon sa akin yung medyo matandang lalaki na nanguna sa pambubugbog kina Carlito.
At ilang sandali pa ay lumapit sila sa akin. Bakas sa kanilang mga mata na ako ang isusunod nilang sasaktan.

"Dalhin iyan sa loob!" Sigaw nung lalaking Guardia Civil at ang lahat ay sumunod. Marahas nila akong hinila papalabas ng selda at pinilit na papasukin sa loob na parang headquarters nila. Nakiusap pa ako pero di nila ako pinakinggan. Itinali nila ang aking kamay at paa, at ibinitin sa dingding. Huhu jusko. Ano ba naman ito. Ano bang nangyayari sa buhay ko!

"Napakaganda mong binibini. Sayang kung sasaktan ka lamang namin at pahihirapan" sarcastic nasabi saken nung leader ng mga Guardia Civil. Anong gusto nilang iparating? Na maganda ako kaya di na nila ako sasaktan katulad ng ginawa nila kina Carlito, Juancho, at Marko?

"Kung kaya't mas mabuti kung magsasabi ka na lamang ng totoo, upang di ka na masaktan at pahirapan" dagdag pa nya.
So sasaktan pa rin nila ako kapag di ako umamin? Ganun? Ano bang aaminin ko e wala naman talaga akong kinalaman sa pagnanakaw na ibinibintang nila.

Maya maya pa'y inutusan nya ang isang Guardia Civil at pinakuha ang isang malaking kahoy.
"Sa tuwing magsisinungaling ka, ay isang palo ng pampalong ito ang kapalit" sabi nya at tumawa silang lahat.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala akong magagawa, hindi ako makakalaban dahil nakatali ang kamay at paa ko. At isa pa, may mga baril yung kasama nya. Hindi pwedeng mamatay agad ako. Kailangan ko pang tapusin ang misyon ko dito at makabalik sa panahon ko.

"Unang tanong, sino ang namumuno sa inyo? At saan namin sya matatagpuan" tanong nung lalaki habang nakangisi. Parang aso. Pwe!

"H-Hindi ko alam. W-wala akong alam!" nanginginig na sagot ko sa kanya.
"Wala kang alam?"
"Paluin siya!" Sigaw nya at agad namang sumunod ang Guardia Civil na nasa bandang kanan nya.

Isang malakas na palo ang natanggap ko mula sa aking tagiliran, at dahil doon ay nahirapan akong huminga.

"Inuulit ko, sino ang namumuno sa inyong mga magnanakaw at saan namin siya matatagpuan?" Sarcastic na tanong ulit nya.

"Maniwala kayo sa'ken. W-wala talaga ako a-alam. Nakitulog lang ako sa bahay nila!" Sagot ko sa kanila. Hindi ko alam, takot na takot na takot na ako.

"Nagsasabi ka ba ng totoo?"

"Opo totoo ang sinasabi ko. Maniwala kayo sa a-akin!" Tugon ko sa kanya at naiiyak na ako ngayon dahil ramdam ko pa din ang sakit na natamo ko kanina.

"Kung gayon, ay paluin sya ng limang beses!" Sigaw nung lalaki at may tatlong Guardia Civil na lumapit sa akin.
Teka! Limang beses? Papatayin nyo na ba ako? Huhuhu ayoko.

May pumalo sa aking tagiliran, sa aking braso, at sinuntok ako sa aking mukha. Hanggang sa lumapit ang isang Guardia Civil at pinalo ako sa aking sikmura na naging dahilan para mapasuka ako ng dugo.
Hindi ko na kaya! Nanghihina na ako!

"Tama na!" Sigaw nung leader ng Guardia Civil at lumapit sa akin. Hinila nya ang aking buhok at pinilit pa rin akong umamin.
"Tinatanong kitang muli, sinong namumuno sa inyo?!" Sigaw nya.
Mas mabuti siguro kung hindi na lang ako magsasalita. Mas mabuti nang tumahimik kung ang lahat naman ay hindi naniniwala sayo.

"Sumagot ka!" Sigaw nung Guardia Civil na katabi nung leader. At tinawanan ako. Pero hindi na lang ako nagsalita. Sa buong buhay ko, hindi ko inexpect na makakaranas ako ng ganitong klaseng pagpapahirap.

"Ah ayaw mong sumagot ah. Bugbugin yan!" Utos nung leader at eto na naman ang mga Guardia Civil.
Susuntukin na sana ako ng biglang may isang Guardia Civil ang lumapit ang pumasok at lumapit doon sa leader.

"Narito na po ang Heneral. Natuwa siya ng makita ang mga magnanakaw na nahuli po ninyo" sabi nung lalaki at napangiti ang leader.
"Magandang balita. Mas lalong matutuwa ang heneral pag nakita nya ang isa pang babaeng nahuli natin" tugon nya doon sa lalaki. Habang ako naman ay nagsisimula ng dumilim ang paningin at nakakaramdam na rin ng hilo.

"Kalagan ang babaeng iyan at ipakita pagpasok ng Heneral" utos nung leader at ang lahat ay inalis ang tali na nakagapos sa akin. Ilang sandali pa ay narinig kong bumukas na ang pinto at ang lahat ay nagbigay galang. Hindi ko makita ang heneral dahil nagdidilim na ang paningin ko.

"Kamusta ang mga bihag nating magnanakaw? Naturuan ba sila ng leksyon? Sigurado akong matutuwa ang buong San Luis na nahuli na ang magnanakaw sa lugar nila" narinig kong sabi ng heneral nila.

"Heneral? May isa pa po kaming nahuli. Ayaw po niyang sabihin kung sino ang namumuno sa kanila kung kaya't ibinigay namin ang nararapat na parusa" masiglang sabi nung leader ng mga Guardia Civil.

"Mabuti kung ganoon Tomaclas. Nasaan ang bihag na iyon?"
Sagot nung heneral dun sa leader ng mga Guardia Civil na Tomaclas pala ang pangalan.

"Dalhin sa harap ng heneral ang bihag!" Utos ni Tomaclas at agad na sinunod naman iyon ng mga Guardia Civil. Hinila nila ako at ibinagsak sa harapan.

Napadapa ako sa harap ng Heneral at di ko na magawang bumangon dahil sa mga sugat na natamo ko.
Lumapit sa akin ang heneral at tiningnan ang aking mukha.


Sandaling tumahimik ang paligid at ang lahat ay natigilan ng lumabas sa bibig ng heneral ang salitang...








"Binibining Angelita?!"



********************

Reminder: Wag nyo pong kalilimutan na i-vote at magcomment. Salamat!

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
279K 12.8K 35
With one bullet, the greatest assassin of the 21st century meets her end. As she tries to accept her end, she then open her eyes in a very familiar b...
136K 7.1K 47
Famine, war, and death. These were the things Rita saw during the Japanese occupation in the Philippines. The country was under the shade of Imperia...
730K 29.4K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...