Dating Park Chanyeol (Complet...

Od ayseyya

1.8M 44K 10.1K

Ano nga ba ang pakiramdam ng makipagrelasyon sa isang idol? © ayseyya Více

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 part 1
Chapter 11 part 2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Author's Note
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4

Chapter 44

18.3K 470 128
Od ayseyya

jusme ang hot ni Yeol sa mm shettt

Chapter 44

(ALTHEA KIM POV)

Pagkatapos naming kumain sa VivaPolo ay inihatid na nila ako sa bahay namin. Nakatayo kaming dalawa ni Yeol dito sa harap ng gate. Simula nung sinabi ni Suho na magkakaroon sila ng world tour ay hindi na ko masyado umiimik. Ngumingiti nalang ako sa tuwing nagpapatawa sila. Iniisip ko kasi kung ano na yung mangyayari samin kapag nagumpisa na yung World Tour nila. Matagal yun diba? Usually kasi minsan inaabot ng mahigit one year bago matapos yung world tour. Depende dun sa kung anong mga bansa yung pupuntahan ng magcoconcert. Sila Yeol kaya? Ilang bansa kaya yung pupuntahan nila? Aabutin rin kaya sila ng one year? *sigh* Wag naman sana! Di ko kakayanin na hindi sya makita ng mahigit one year. Kahit na ba may text, call, o skype. Iba parin kasi pagnakikita at nahahawakan mo sya diba?

"Althea, anong iniisip mo? Napansin ko na kanina ka pa walang imik simula nung sinabi ni Suho na magkakaroon kami ng world tour. Dahil ba doon kaya ka nagkakaganyan?" napayuko nalang ako sa sinabi ni Yeol.

"Halika nga dito..." naramdaman kong lumapit sya sakin at hinawakan yung kamay ko tapos yung isa naman nyang kamay ay hinawak nya sa baba ko at dahan dahang iniangat yung ulo ko.

"Wag kang magalala okay? Kahit na may world tour kami, hindi parin ako mawawalan ng time para sayo. Kahit na sobrang bussy na kami dahil sa mga rehearsals at concerts, hinding hindi ko makakalimutan na tumawag o magtext sayo. Hahanap ako ng way para macontact ka lang. Tandaan mo yun okay? Kaya wag ka na magalala Althea. Sandali lang naman ako mawawala eh." sabi nya habang nakatitig sa dalawang mata ko.

"Sigurado ka bang sandali ka lang mawawala ha Yeol? Eh pano kung yung sandali na yan ay isang taon pala ha?" sumimangot ako

"Hindi naman kami aabutin ng one year Althea."

"Promise mo yan ah? Hindi kayo aabutin ng one  year." ngumiti sya at tumango

"Opo ma'am! Promise ko yun! Kaya wag ka na malungkot ha?"

"Okay sige... Pero teka, pano pala kung meron kang magandang babae na nakita habang nasa world tour kayo? Baka ipagpalit mo ko!" tumawa sya at pinisil yung pisngi ko

"Ikaw talaga! Basta kahit sinong maganda yung makita ko, hinding hindi kita ipagpapalit sakanila. Kasi sa paningin ko ikaw lang yung maganda. Syempre kasama dun sila Noona at Umma. Tandaan mo Althea... Ikaw lang.. At wala nang iba... I love you Althea!" di ko mapigilang ngumiti at kiligin dahil sa sinabi nya.

"I love you too Yeol. At para sakin, ikaw lang din at wala nang iba..." ngumiti sya at dahan dahang inilapit yung mukha nya sakin hanggang sa naglapat yung mga labi namin.

"OKAY TAMA NA YAN! AWAT NA! MASYADO NA KAYONG SWEET! NILALANGGAM NA KAMI DITO! YEOL TARA NA! UWI NA TAYO!" natigil kami ni Yeol dahil biglang sumigaw si Baekhyun. Oo nga pala! Nawala na sa isip namin na nandito pa pala sila at hinihintay si Yeol. Bumaba pa kasi si Yeol para magpaalam sakin.

"Sige na Yeol. Umuwi ka na. For sure pagod ka na at syaka hinhintay ka na nila  Baek dun oh.." tinuro ko yung sasakyan sa may gilid namin.

"Sige. Magdate tayo bukas Althea ha?" aniya

"Huh? Pano naman tayo magdedate bukas eh bukas nyo na nga paguusapan kung ano yung mga bansang pupuntahan nyo syaka meron kaming klase bukas."

"Edi pagkatapos ng meeting namin. Susunduin kita sa HMU."

"Susunduin mo ko? Nako Yeol! Baka pagkaguluhan ka lang dun ng ibang mga students."

"Hindi yan! Basta bukas magdedate tayo! Tapos ang usapan! Susunduin kita sa HMU. Sige na Althea. Pumasok ka na sa loob. Goodnight! Dream of me! I love you!" 

"Sige na nga. Ikaw yung bahala. Goodnight din Yeol. I love you too!" lumapit sya sakin at hinalikan ako sa forehead. Ngumiti ulit ako bago pumasok ng loob ng bahay. Dumiretso agad ako sa room namin ni Maine at natulog na.

**

Maaga kaming pumasok ni Maine kinabukasan dahil ayaw naming malate. Terror yung professor namin sa unang subject kaya hinding hindi pwede malate.

"Bess, ano palang nangyari dun sa pagkikita nyo nung si Ally? Ni-blackmail ka ba nya ha? Sabihin mo sakin! At susugudin ko!" sabi ni Maine

"Easy ka lang Maine ok? Hindi nya ko ni-blackmail. Sa katunayan, tinanong nya pa nga ako kung pwede daw ba nya ako maging kaibigan. At nagsorry na sya sa mga nagawa nya samin ni Yeol."

"Nagsorry? Sus! Baka pakitang tao nya lang yun bess! Anong sinabi mo nung tinanong ka nya kung pwede kang maging kaibigan?"

"Pumayag ako! Mukha naman kasi syang sincere habang sinasabi yun eh!"

"Althea, bakit ka pumayag? For sure kaya ka lang nya kinaibigan ay para kay Chanyeol oppa! Baka mamaya, inagaw na nya pala sayo si Chanyeol oppa ng hindi mo namamalayan!" 

"Hindi naman siguro Maine! Syaka hindi ko sya hahayaan na gawin yun!" 

"Hayyy.. Bahala ka na nga bess!" tumigil na kami sa paguusap ni Maine dahil dumating na yung terror na professor namin. Hindi ko namalayan yung oras. Dismissal na namin ngayon at heto ako ngayon magisang bumababa dito sa building namin. Nagulat ako dahil biglang naghiyawan yung mga students dito sa HMU at nagtatakbuhan sila papunta dun sa may gate nitong university.

Bigla kong naalala si Yeol. Susunduin nya nga pala ako dito dahil may date kami ngayon! SHT! Bakit di ko agad naisip yun? Baka sya yung pinagkakaguluhan ng mga students dito! Dali dali akong tumakbo papunta sa may gate at nakisingit sa mga estudyante para makapunta kay Yeol. Nang makasingit na ako ay nakita si Yeol sa gitna na palinga linga. 

"YEOL!" sigaw ko sakanya. Narinig naman nya yun at tumingin sa direksyon ko. Napangiti sya ng makita ako at lumapit agad sakin.

"Tara na Althea?" 

"Sige!" hinawakan nya yung kamay ko at sabay kaming umalis ng HMU. 

"San ba tayo pupunta Yeol?" tanong ko sakanya pagkasakay namin ng sasakyan

"Uhmm.. Mall muna tayo tapos punta tayo dun sa place na lagi kong pinupuntahan."

"San naman yun?"

"Basta! Malalaman mo mamaya!" kinindatan nya ko. Psh! Hahaha

Pagkadating namin sa mall ay sinuot na ni Yeol yung kanyang sumblero at yung salamin nya. Magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob. 

"Saan muna tayo?" tanong nya sakin

"Hmm... Kung sa arcade kaya? Namimiss ko na maglaro dun eh!"

"Haha sige!" pumunta na kami dun sa may parang arcade ng mall pero bago pa man kami makarating dun ay may humarang na saming dalawa.

"Omo! Nandito rin pala kayo ngayon Althea, Yeol! Wow! What a coincidence! Sa dami rami ng mall dito sa Seoul dito pa tayo nagkita! Anong ginagawa nyo dito Althea?" tanong ng nakangiting si Ally.

"Ahh.. Ehh.. magdedate sana kami ni Yeol! Hehe!" sabi ko. Mukha naman syang nagulat pero ngumiti rin naman sya

"Ohh talaga? Pwede ba akong sumama sa date nyong dalawa? Sige na please? Wala kasi akong kasama ngayon eh! I'm such a loner!" lumungkot yung mukha nya. Tinignan ko si Yeol. Binigyan nya ko ng wag-mo-syang-pasamahin-look. Tumingin ulit ako Kay Ally

"Ally kasi--"

"Hindi ba pwede? Hayyyy.. Kawawa naman ako! Magisa lang ako dito! Di bale na nga! Maghahanap nalang ako ng hindi ko kakilala! Sige Althea! Thank you nalang.." dahan dahan syang lumakad paalis at nagulat ako dahil bigla nyang tawagin yung lalaki na nakasalubong nya

"Hi! Pwede ba kita makasama ngayon dito sa mall? Wala kasi akong makasama eh!" lumaki yung mga mata ko dahil sa sinabi ni Ally. 

"Ally sige na sumama ka na samin!" sabi ko sakanya. Tumingin sya sakin at nagliwanag yung buong mukha nya

"Talaga Althea?" tanong nya. Tumango ako. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sakin ni Yeol. Tinignan ko sya at binigyan nanaman nya ko ng bakit-mo-sya-isasama-satin-look. Binigyan ko lang sya ng hayaan-mo-na-look.

"Okay tara na sa may arcade." sabi ko kaya naman dumiretso na kami doon sa may 3rd floor ng mall.

"Yung basketball muna yung laruin natin! Paramihan tayo ng shoot!" pumunta ako dun kung saan nakalagay yun. Sumunod naman sila sakin. Pumwesto ako sa may tapat ng isang ring. Tapos si Yeol naman sa isa.

"Hala pano yan Althea? Dadalawa lang yung ring? Pano ko?" biglang tanong ni Ally.

"Hala oo nga no? Pano pala yun?" 

"Sige dito nalang ako sa may kay Yeol. Share nalang kami. Bale 2 vs. 1 yung mangyayari. Ikaw Althea yung una magshoshoot pagnaka ten seconds na, kami naman ni Yeol. Papaunahin ka muna namin para walang daya!" sabi ni Ally. Napaisip naman ako dun. Silang dalawa ni Yeol yung magkakampi? Hmm.. Sige na nga! Game lang naman to eh!

"Okay sige!" pagsangayon ko. Hindi na ako tumingin kay Yeol. Kailangan kong manalo dito!

"Okay Althea start!" sinimulan ko na yung pagshooshoot ng bola dun sa may ring. Yung unang tira ko ay pumasok yung bola pero nung pangalawa ay hindi na. Maya maya'y nagsimula narin magshoot ng bola sila Yeol at Ally. Kaya nagshoot na rin ako. Hindi ko mapigilang tumingin sakanila. Nakangiti at tumatawa si Ally habang nagshoshoot peroo si Yeol ay seryoso lang. Nagulat ako sa susunod na nangyari. Ishoshoot sana ni Ally yung bola pero hindi yun tumama sa ring. Tumama yun sa may parang haligi na bakal at bumalik yung bola sa may kay Ally. Tatamaan sya ng bola. Napansin ni Yeol yun kaya agad nyang binitawan yung bola na hawak hawak nya at hinawakan si Ally sa may baywang nya para hindi sya tamaan ng bola. Pero na out of balance silang dalawa at sabay silang natumba sa sahig. Nasa ilalim si Ally at nasa ibabaw naman nya si Yeol.

Bakit ganun? Bakit biglang parang may kumurot sa dibdib ko? Alam kong ginawa lang naman ni Yeol yun para hindi matamaan si Ally ng bola pero bakit ganito agad yung nararamdaman ko? Ako yung nagprisinta na sumama si Ally sa date namin ngayon pero bakit nasasaktan ako? Tama lang ba yung naging desisyon ko na payagang sumama si Ally sa date namin ngayon ni Yeol? Stupid Althea! Dapat kasi pinagisipan mo muna yung desisyon mo! Yan tuloy ganito ang nangyari sa date nyong dalawa ni Yeol!

--------------

VOTE.COMMENT.SHARE

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

5M 78.1K 62
(COMPLETED) NO COMPILATIONS | NO SOFTCOPIES What will you do if you found out that you are soon to be engage? Engage with someone you don't know. Th...
10.2M 63.1K 88
PUBLISHED UNDER LIB. NO SOFT COPIES. Book 2: Journey to Forever.
257K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
17.2K 872 200
#1 fable #1 pabula #1 lessonlearned This is my first fable book. This is my own story through my own imagination. I didn't search it online or copy...