ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

Door angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... Meer

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD

523 33 2
Door angelodc035

"Banaual..." ang salitang namutawi sa bibig ni diyosang bulan ng malanghap ang amoy ng bulaklak ng Myrho sa paligid. "pero imposible..." ang sabi ng isip niya. Lumingon-lingon sa paligid si diyosang Bulan na tila may hinahanap. Iginala niya ang kanyang mga mata at muling pinakiramdaman ang kabuuan ng tore. Nang makasigurong siya lamang ang naroroon ay huminga ito ng malalim at inalis na sa kanyang isipan na mayroong ibang nilalang ang naroroon. Lalo na ang kanyang kapatid sa ama na si Banaual.

Muli ay tumingin ang diyosa sa walang malay pa rin nitong ama na halos mangitim na ang mukha dahil sa pagkalat ng lason sa katawan nito. Nag-iwan ito ng makahulugang ngiti bago niya tinawag ang kanyang alagang Bakunawa.

Doon lamang nakahinga ng maluwag sina Odessa at Randy ng masigurong hindi sila nakikita ng diyosa ng buwan.

Ilang saglit lang ay narinig nila ang malalakas na pagaspas ng mga pakpak na nagmumula sa mga naglalakihang mga puno paligid ng kastilyo. Mula sa mga mayayabong na mga puno ay iniluwa nito ang dambuhalang Bakunawa na animo'y isang ahas tubig na lumalangoy sa himpapawid.

Napanganga ang dalawa dahil sa pagkamangha sa kulay dagat na dambuhalang nilalang na ilang metro lamang ang layo sa kanila. Pagkalapag nito sa tore ay dahan-dahan nitong ibinaba ang napakalaking ulo na may napakahabang kulay puting balbas na nilalaro-laro ng hangin sa magkabilang dulo ng kanyang mukha. Napakaganda ng nilalang na ito lalo na kapag tumatama ang sikat ng araw sa mga makikintab na kaliskis sa katawan. Naalala ni Randy ang nakalaban nilang minokawa sa bulkang Pinatubo pero nalungkot ito ng maalala ang sinapit ni Calisha, ang matalik na kaibigan ni Odessa.

Mabilis na sumakay mula sa ulo ng bakunawa ang diyosa. Muli itong tumingin sa kinaroroonan ng dalawa at saka nag-iwan din ito ng makahulugang ngiti kay Odessa kasabay  ng pagturo nito sa kanyang hintuturo. Biglang nag-iwan iyon ng palaisipan kay Odessa. Maaaring hindi sila nakikita ni diyosang Bulan pero narardaman niya ang kanilang presensya sa paligid.

"Tara na, lipad pinakamamahal kong alipin!" ang utos ni diyosang Bulan sa Bakunawa.

Tumayo ang Bakunawa mula sa kanyang maiikling dalawang pares na paa at saka iwinasiwas ang mahaba nitong buntot bago mapwersang bumulusok paakyat sa dumidilim na kalangitan.

Nakatingin pa rin si diyosang Bulan kina Odessa at Randy na tila alam nitong naroroon sila at nakamasid sa kanya.

Minasdan nila ang paglipad ng Bakunawa papalayo sa toreng kinaroroonan nila at muli nilang nilapitan si Bathala.

Naguguluhan ang isipan ni Randy dahil nag-aaway sa kanyang diwa ang katauhan ni Banaual at ng kanya. Kahit labag sa kanyang kalooban ay hinayaan na lamang niyang sundin ng isip niya si Banaual lalo na't sa sitwasyon ni Bathala na kanyang ama.

Muli ay dinala sila ng kanilang diwa sa lugar na hindi pamilyar sa kanila. Namangha sila sa kagandahan ng ikatlong mundo. Mga malalawak at makakapal na mga puno sa kagubatan na makikita ang mga sanga-sangang mga ilog na dinadaluyan ng napakalinis na tubig tabang. Ang mga nagtataasang mga kabundukan na tinitirhan ng mga kakaibang nilalang mula sa lupain at himpapawid nito ay kani-kanyang paraan para makahanap ng pagkain sa lupa, tubig o himpapawid. Mga kagubatang pinamumugaran ng mga sari-saring mga hayop at mababangis na nilalang na sinusuyod ang bawat bahagi ng kagubatan para sa paghahanap ng kanilang mga makakain.

Sa kagubatan ng mga islang bumubuo sa ikatlong mundo ay sari-saring mga kuweba at lagusan na pinanahanan ng mga kinatatakutang mga nilalang kaya iniiwasan lahat ng mga elemental na nakatira sa paligid.

Pumaimbabaw sa napakataas na bahagi ng ikatlong mundo ang dalawa at kitang-kita ang mga napakaraming isla na tila ikinalat sa kalawakan ng karagatan. Sa Mga naglalakihang mga pulo ay makikita ang mga pamayanan na sakop ng iba't-ibang kaharian. Bawat pamayanan ay may mga palengke, liwasan at mga pantalan na kung saan nakadaong ang mga naglalakihang mga sasakyang pandagat. Sa pinakagitna ng pamayanan ay ang pinaka sentro nito na kapansin-pansin ang mga napakaganda at engrandeng mga palasyo at kastilyo. Pakiramdam ni Randy ay bumalik siya sa panahon ng mga hari at reyna na madalas ay napapanood lamang niya sa mga Hollywood na pelikula.

Magkahawak ang kanilang mga kamay habang patuloy silang inilalakbay ng kanilang diwa. Kakaibang tuwa ang kanilang nararamdaman ng mga sandaling iyon pero hindi nila naiwasang malungkot lalo na ng maalala nila ang iniwan nilang mundo. Ang mundo ng mga tao na ngayon ay halos tuluyan ng nawasak ng mga anak ng buwan.

Malaki ang panghihinayang ni Randy sa kinasadlakan ng kaniyang mundo. Naisip niya na sana kasing ganda nito ang kaniyang mundong pinagmulan.

Mula sa kalangitan ay nakaramdam sila ng kakaibang ingay. Ingay na tila mga batong gumugulong mula sa bundok na nagbigay sa kanila ng pangamba. Minasdan nila ang kabuuan ng paligid upang malaman kung saan nanggagaling ang malakas na ingay. Mula sa mga malalayong isla ay napansin nila ang mabilis na pagkapal ng maiitim na usok mula sa isang bulkan. Tila buhay ang maitim na usok ng bulkan at kitang kita nila ang pares ng mapupulang mata na nakamasid sa kanilang dalawa ni Randy. Hindi sila nilulubayan ng mga titig na iyon kahit saan sila magpunta.

Kapansin-pansin ang pamumula ng mga ulap sa kalangitan. Mga ulap na mabilis na namuo kasabay ng papalakas na hangin na dala-dala ng mga ito. Ilang saglit lang ay nagkaroon ng mga digmaan sa bawat kaharian sa mga isla. Digmaang unti-unting sinisira ang kagandahan ng kabuuan ng paligid.

Kinilabutan si Randy sa kanyang nakikita dahil hindi niya inaasahan ang mga nangyayari ngayon sa kanyang paligid. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Odessa na parang isang bata na takot na takot na mawala sa tabi ng kanyang ina.

Isang napakalakas na pagsabog ang kanilang narinig mula sa nagagalit na bulkan. Mga naglalakihang mga bato ang tumitilapon mula sa bunganga ng bulkan papunta sa bahagi ng kasukalang malapit sa paanan nito. Mga nagliliparang mga ibon ang pilit na tinatakasan ang nakakapasong abo na unti-unti ng pumapatak tulad ng ordinaryong ulan. Pagdapo ng abo sa mga dahon ng mga puno at halaman ay unti-unting natutuyo ang mga ito hanggang sa magsimula ng masunog ang malaking bahagi ng kagubatan. At sa isang iglap, ang dating kulay berdeng kagubatan ay naging kulay pula at unti-unting nilulukuban ng dagat ng apoy.

Biglang yumanig ang buong paligid at bumuka ang napakalawak na lupa. Nilamon ng bumukang lupa ang mga punong nasusunog sa kagubatan. Ang mga nagtataasang mga bundok ay nagsimula ng matibag at durugin ng napakalakas na lindol. Isa-isa na ring lumulubog ang mga isla sa karagatan habang ang tubig-dagat ay kumukuha ng buwelo para lunurin ang mga nilalang sa mga kalupaan.

Halos hindi matignan nina Randy at Odessa ang mga nangyayari sa paligid. Kitang-kita nila kung paano sa isang iglap na ang napakagandang mundo ay masisira na lamang ng ganoon kadali.

Pumaimbabaw sa kalangitan ang napakakapal na usok mula sa nasusunog na kagubatan. Usok na bawat madaanang mga lumilipad na nilalang ay isa-isang nahuhulog dahil sa pagakalason mula dito. Hindi na nila naiwasan pa ang maitim na usok na sumalubong sa kanila at damang-dama nilang dalawa ang nakakapasong init na parang lumalapnos sa kanilang mga balat.

Mula sa sumabog na bulkan ay lumabas mula roon ang isang dambuhalang ibon na nababalutan ng apoy. Napakatining ng boses nito at lahat ng makita ay sinusunog niya gamit ang napakainit na apoy na nagmumula sa kanyang mga tuka. Lahat ng madaanan ay hinihingaan niya ito ng kanyang apoy.

Hindi mapigilan ni Odessa ang umiyak. Hindi dahil sa mga kawawang nilalang na kasalukuyang namamatay sa nakikita nilang pangitain, kundi dahil ang ibon na iyon at siya ay iisa. Ito ba ay pagpapakita lamang ng mangyayari sa hinaharap o isang babala upang ipaalam sa kanya na ito ay mangyayari at siya ang may kagagawan?

Mula sa lupa ay kumawala ang isa pang dambuhalang nilalang na singlaki at taas ng mga bundok. Galit na galit ito at pinupuksa ang mga natitirang nilalang na pilit na kumakalaban sa kanya. Ang halimaw na nagsabi sa kanya na siya ang kanyang tunay na ama, si Behemot.

"Hinding-hindi mo matatakasan ang nakatakda sa'yo Odessa, ang pinakamamahal kong anak!!! Oo't naririto ka para sa propesiya, pero naririto ka para tupdin ang nakatadhana sa'yo at hinding-hindi mo ito matatakasan!!!" ang dumadagundong na wika ni Behemot sa kanya na nagbigay ng matinding pangamba kay Odessa. Napanganga si Randy sa narinig nito kay Behemot. Napatingin ito kay Odessa na may mga tanong ang mga mata.

"Hindi!!! Hindi iyan mangyayari dahil kailan man ay hindi ako pumanig sa kasamaan! Hindi kita ama at hindi mo ako anak! Lalabanan kita para hindi mangyayari ang sinasabi mo Behemot!" ang malakas na sigaw ni Odessa kay Behemot na mabilis na papalapit sa kanila.

Pero sa isang iglap ay nasa ibang lugar na naman sila. Lugar na kung saan hindi na nila kayang isalarawan pa ang kanilang nakikita sa kanilang mga mata. Ang kinahinatnan ng mundo, halos mag-iisang taon pagkatapos ng paglusob ng mga anak ng buwan sa mundo ng mga tao. Naroroon at nakadapa na ang lahat ng mga bansa, makapangyarihan man o mahina. Tanging mga sunog na gusali, mga nagkalat na bangkay ang makikita. Mga nabubulok na bangkay na kinakain ng mga uod at mga asong gala na nag-aagawan pa sa nabubulok na laman.

Bakit wala silang nakikitang mga tao sa paligid kahit na mataas ang sikat ng araw? Nasaan ba sila? Saang sulok ng mundo kaya sila dinala ng kanilang diwa? Bakit ang lahat ay tila wala ng buhay? Ang lahat sa paligid nila ay puro kamatayan.

Hindi nila makilala ang lugar dahil sa pagkakatupok ng apoy sa mga gusali sa paligid. Ang malawak na kalsada na napupuno ng halos natunaw na mga metal ng mga sasakyang tulad ng kotse, bus at mga motorsiklo. Sa kabilang bahagi ng kalsada ay nanggagaling ang napakasangsang na amoy mula sa mga nabubulok na amoy ng hayop at tao. Nilapitan nina Randy at Odessa ang lugar at kinilabutan sila ng matanaw ang malawak na ilog na pulang-pula ang kulay ng tubig dahil sa dugo ng mga tao. Natulala sila ng makita ang libo-libong katawan ng mga tao na kinatay na parang hayop na nakalutang sa ibabaw ng tubig. Tinatangay ang mga ito ng mahinang agos ng tubig mula sa ilog at karamihan sa mga bangkay ay mga bata at kababaihan.

Napayakap si Odessa kay Randy na nakatulala pa rin sa nakita. Iyon ang unang pagkakataon na nakaramdam ng awa at pagkagalit si Odessa kahit alam niyang hindi pa ito nangyayari sa kasalukuyan. Sa pagkakataong iyon ay namalayan na lamang niya na kanina pa pala siya umiiyak. Kumawala si Odessa sa pagkakayakap kay Randy at tumingin naman ang lalake sa kanyang mga matang basang-basa ng mga luha.

Mabilis na pinunasan ni Randy ang mga luhang iyon sa mga mata ni Odessa at halinhinan nitong hinalikan ang mga mata ng kasintahan.

"Sshh...mapipigilan pa natin na mangyayari ito,  mahal ko. Marahil ito ang dahilan kung bakit pilit na ipinakikita ito sa atin ng ating diwa para bigyan tayo ng babala sa hinaharap." ang pag-aro ni Randy kay Odessa.

Pero para kay Odessa ay hindi ito ang tunay na dahilan kung bakit siya umiiyak. Paano ba niya sasabihin kay Randy ang mga nakita niyang pangitain tungkol sa kahihinatnan niya pagkatapos niyang gawin ang propesiya? Nakita niya ang lahat ng mangyayari ng ginabayan siya ni Quebaluan sa ikatlong mundo upang matulungan siyang maging handa sa gagampaning tungkulin para mailigtas ang sanlibutan laban sa kasamahan. Pero paano niya maililigtas ang sanlibutan maging ang sangkatauhan kung siya pala mismo ang wawasak nito sa hinaharap?

Naagaw ang kanilang atensiyon ng mapansin nila ang tila may kung anong dambuhalang nilalang sa ilalim ng tubig ang nagpagalaw sa ilog. Kitang-kita nila ang biglaang paglubog ng mga nabubulok na bangkay na tila may kung anong malaking nilalang ang kumakain sa mga ito.

Tulad ng kanilang inaasahan, ay isang dambuhalang nilalang ang biglang umahon sa ilog. May taas itong walong metro at may tatlong sungay sa kanyang ulo. Makakapal ang kanyang mga kalamnan sa katawan at napakabagsik ng kanyang mukha.

Binalutan ng takot ang mukha ni Odessa ng makilala kung sino ang nasa kanilang harapan.

"Be...Behemot..." ang pabulong na sambit ni Odessa.

Tila nanigas naman sa takot si Randy pagkakita sa nakakatakot na hitsura ni Behemot.

Humarap sa kanila si Behemot na parang nakikita rin sila nito. Ngumiti si Behemot at tuwang-tuwang makita sila nito.

"Pinakamamahal kong anak, pinasaya mo ako sa tanawing ito..." ang wika ni Behemot sa kanyang napakalallim na boses.

Tila naguluhan naman si Odessa sa sinabi ni Behemot kaya hindi ito makatugon sa halimaw.

"Nakikita niya tayo?" ang tanong ng takot na takot ding si Randy habang napapalunok sa takot.

Hindi iyon sinagot ni Odessa. Alam niyang nakikita sila ni Behemot. Kailangan niyang maging matapang at matatag para gampanin ang kanyang katungkulan magapi ang kasamahan, upang maipagtanggol ang lahat ng nilalang sa sanlibutan.

"Alam mong mangyayari ang araw na 'to aking Anak! Hinding hindi mo mababago ang landas ng iyong kapalaran. Tara at sabay nating pagharian ang mundo!" ang muling wika ni Behemot habang papalapit ito sa kinaroroonan nina Odessa at Randy.

"Anak? Bakit tinawag ka niyang anak mahal ko?"

Ngunit imbes na sinagot iyon ni Odessa ay ginamit nito ang kanyang kapangyarihan para muli silang makabalik sa kanilang diwa. Pero hindi iyon nangyari dahil naroroon pa rin at papalapit sa kanila si Behemot. Sa kanyang mga kamay ay may dala-dala itong tatlong bangkay at inihagis ito sa kanila.

Halos mapalundag sa pagkabigla sina Odessa at Randy pagbagsak ng tatlong bangkay malapit sa kanilang harapan. Ngunit ang lalong nagbigay sa kanila ng takot ay ng makita sa kanilang harapan ang wala ng buhay ang mga taong malalapit sa kanila.

"De...Demetria?!" ang nasambit ni Odessa pagkakita sa bangkay ng babae sa kanyang harapan. Tinakpan ni Odessa ang kanyang bibig at pinigilan ang sarili na huwag maiyak. Inilipat niya ang kanyang paningin sa ikalawang bangkay na halos mapaluhod siya sa kanyang kinatatayuan ng makita ito.

"A...ate Laurea?!" ang kanyang sigaw.

At nang makita niya ang ikatlong walang buhay na katawan ay halos panawan na siya ng ulirat. Si Randy ang ikatlong wala ng buhay na bangkay.

Naramdaman na lamang ni Odessa ang malalamig na kamay sa kanyang balikat. Tumingin siya sa mga ito at kitang-kita niya ang pamilyar na mukha ng isang kaibigan at malaking pasasalamat niya dahil ang mukhang iyon ang kanyang nakitang nakangiti sa kanya ngayon. Walang salitang namutawi sa mga labi ni Odessa at kaagad siyang yumakap kay Demetria.

"Natutuwa akong nakita kitang muli kaibigang Demetria." ang umiiyak na sabi ni Odessa sa babaeng Sangre.

Nakatingin lamang si Randy sa kanyang kasintahan na punong-puno rin ng emosyon ang kanyang puso. Nag-aalala siya kay Odessa dahil sa ipinakita sa kanya ng kanilang pangitain.

Lumapit naman sa kanila sina Alex, Mexo, Caren at ang mga batang sina Adrian at Margaux. Hindi nila personal na nakilala si Odessa pero pakiramdam nika ay malaki ang gagampanan nito sa paglaban sa mga nilalang ng dilim na pumapatay sa mga taong tulad nila.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

243K 6.1K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
179K 5.3K 45
Si Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin n...
249K 5.9K 69
(COMPLETED) Isang binibini na ang nais lamang ay mamuhay ng mapayapa ngunit ng inilipat siya ng kanyang mga magulang sa isang paaralan doon na nagsim...
13.5K 782 65
In a world ruled by powerful gods, do you have the guts to play their games? Staying alive is the only rule to survive. Kailangang harapin na ni Odes...