Watty Writer's Guild Writing...

De WWG_FAMILY

2K 271 127

WATTY WRITER'S GUILD presents WRITING BATTLE What is Writing Battle?  This will be a battle between members... Mais

GENERAL MECHANICS
Criteria for Judging
Round 1 Mechanics
The Elimination Round
Battler #1: A Writer's Desire
Battler #2: Maligno
Battler #3: The demon Inside me
Battler #4: The Cursed Vampire
Battler #5: The Stellar Professor
Battler #6: Killed by Blood
Battler #7: Hindi ko pala kaya
Battler #8: 17 years
Battler #9: The Wedding
Battler #10: Baliw
Battler #11: Bangungot
Round 1 Winners
Round 2 Mechanics
The Real Battle
Action Battler #1: Toryo with his Racing Thoughts
Horror Battler #1:The Bullied
Mystery Battler #1: Rosaryo
Fantasy Battler #1: Sins World
Science Fiction Battler #1: Possible
Science Fiction Battler #2: A Little Lost
SPECIAL ROUND Mechanics
Battler #1: Meet T,H,E,M
Battler #2: Plutonium
Battler #3: Deceived
Battler #4: Huwag mong kalimutan na palaging nasa tabi mo ang panginoon
Round 2 & Special Round Winners
Round 3 Mechanics
The Final Battle
Final Battler #1: The Cycle of Love
Final Battler #2: Pied Piper
Final Battler #3: Fate Diary
Final Battler #4: Replication
Final Battler #5: Muli
Final Battler #6: Hot n' Cold

Fantasy Battler #2: Her Feelings

56 10 9
De WWG_FAMILY

Description: A story about an abused feelings of a woman.

Why: Well, nung pinagalitan ako ng magulang ko, naisip ko na ang plot na 'to. Char!

How: Pinagtitipa ko lang naman ang mga words na lumilitaw sa aking utak. Hanggang natapos ko na. Sabog pa rin ako nung ginawa ko 'to kasi naman yung theme, not cliche! Tapos dapat hindi literal ang mga elements! Mababaw pa naman akong mag-isip. Hindi ko nga alam kung nalagay ko ba ang mga dapat ilagay sa entry ko eh. ಥ_ಥ

---

"Leoran!" Naputol ang pagbabasa ni Leoran sa kanyang libro tungkol sa mga evil wizards at tumingin kay Optomus, isang robot na talaga namang napalapit sa kanya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tinanggal muna ang kanyang salamin bago tumingin sa kanya.

"Bakit Optomus? May kailangan ka ba?" Tanong nito at bahagyang ngumiti sa kanyang kaharap. Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla siyang hinawakan sa bewang nito at pinatalikod, bago siya yakapin nito sa likod gamit ang isa nitong braso. Lumunok muna siya bago magsalita.

"Optomus, anong ginagawa mo?" Nauutal na saad niya, bakas ang pagkabigla nito dahil sa ginawang aksyon ng kanyang kasama.

Muli na naman siyang napalunok nang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Ngunit ang mas ikinagulat niya nang makaramdam siya ng malamig at matalim na bagay sa kanyang leeg.

"Isa kang napaka-makapangyarihang tao. Ang iyong kapangyarihan ay talagang nakakabighani. At para makuha ko ang kapangyarihang ito sa'yo, Kailangan ko ang buhay mo, at kukuhanin ko na ito sa'yo ngayon din." Agad napatingin si Leoran kay Optomus at nanlaki na lamang ang kanyang mga mata sa kanyang nakita.

Mula sa isang robot na merong pulang mukha na may disenyong puti at asul na katawan, ay naging kulay itim ito na mayroong berde at puting disenyo. Tumingin si Leoran sa kanyang mga mata at muli na naman siyang napalunok nang makita niya ang mukha nito na nakangisi.

Napakagat siya ng ibabang labi nang biglang dumiin ang patalim sa kanyang leeg. Nag-umpisa nang sumirit ang dugo dito at pinipigilan niya ang kanyang sarili na sumigaw sa sakit.

Nanlaki ang kanyang mata sa sunod na nangyari, bigla na namang dumiin ang patalim sa kanyang leeg. Kasunod no'n at pagkaramdam niya ng napakahapding sakit at pagdilim ng kanyang paningin. Bigla siyang nakaramdam na siya'y nahuhulog at unting-unti nawawalan ng hininga.

"Ah!" Napabangon si Leoran sa kanyang kama na nanlalaki ang mata at nanginginig ang katawan sa takot. Tumingin siya sa paligid at napagtanto niya na nasa loob siya ng kanyang kwarto. Hinawakan niya ang lahat ng bahagi ng kanyang katawan at pinakinaramdaman ang sarili kung mayroon bang masakit sa kanya, ngunit wala. Hinanap din ng kanyang paningin si Optomus ngunit wala naman din ito, ni hindi niya nga maramdaman ang presensya nito sa kanya. Napayuko na lamang siya at napabuntong-hininga.

"Nanaginip na naman ako." Sambit niya sa kanyang sarili at bumangon na sa kanyang kama. Pumunta na siya sa pinto ng kanyang kwarto nang makaalis na siya do'n. Ngunit sa pagbukas niya ng pinto, napahawak siya ng kanyang dibdib nang may biglang nagpakita sa kanyang lalaking nakasuot ng isang berdeng suit na merong disenyo na silver, may kidlat din ito sa kanyang damit.

"Arino! Umagang-umaga nanggugulat ka! 'Wag mo nga akong gulatin ng ganyan!" Sigaw nito sa kanyang kapatid habang nakahawak sa kanyang dibdib. Ngunit agad naman siyang sumeryoso nang makita niya na nababahala ang mukha ng kanyang kaharap.

Ang kanyang kapatid na si Arino ay mayroong kapangyarihang tumakbo o umatake ng kasing-bilis ng kidlat. Hinding-hindi mo mapapantayan ang kabilisan nito. Samantalang si Leoran naman ay mayroong kapangyarihang walang hanggan. Kaya niyang gawin ang kahit na ano, kahit na akong gusto niya.

"Arino, anong nangyayari at ganyan ang iyong ekspresyon?" Tanong nito habang unti-unti na niyang ibinababa ang kanyang kamay sa dibdib.

"Leoran, na-track na naman tayo ni Optomus! Papunta na siya dito sa ating lokasyon! Umalis na tayo dito sa hotel bago pa niya tayo mahuli!" Biglang hinablot ni Arino ang kamay ni Leoran at agad tumakbo ng kasing bills ng kidlat paalis ng hotel. Nagpahila na lamang sa kanya si Leoran at muli niya pinaramdaman ang presensya ni Optomus. Bahagyang nanliit ang kanyang mata nang hindi niya manlang naramdaman ang presensya nito sa kanya.

"Bakit hindi ko maramdaman ang kanyang presensya? Dati naman ay agad ko 'tong nararamdaman." Tanong nito sa kanyang sarili at nadagdagan na naman ang kanyang mga pinagtatakahan nang tumigil sa pagtakbo ang kanyang kasama, lalo na nang binitawan nito ang kanyang kamay.

Tumingin ito sa kanyang harapan at agad siyang napaatras at napalunok. Agad na binalot ng kaba at takot ang kanyang sistema.

Tumingala siya sa isang itim, nakakatakot, at malaking robot na nakatingin sa kanya. Sa sobrang pagkagulat niya sa kanyang nakita ay hindi niya manlang nagawang magsalita o gumalaw manlang.

"Leoran, alam kong palagi akong talunan sa ating nakaraan na mga laban, ngunit sinisiguro ko ngayon, ako na ang mananalo." Nanatiling nakatayo si Leoran sa kanyang kinatatayuan. Bigla na lamang naging blanko ang kanyang isipan, hindi siya makaisip ng paraan upang madali ang robot na matagal pa rin niyang minamahal.

Nabalik siya sa reyalidad nang mawala na si Arino sa kanyang tabi. Nanlaki na lamang ang kanyang mata nang nakita niya na pumosisyon ito nang malapit kay Optomus.

"Hindi ako sigurado diyan sa sinasabi mo, Optomus. Dahil dalawa kami na lalaban sa'yo samantalang ikaw ay nag-iisa lamang!" Bulyaw ni Arino bago siya tumalon ng napakataas sa harap ni Optomus. Nagpahulog ito sa ere at inihanda ang kamao para masuntok si Optomus, ngunit hindi iyon ang nangyari.

Nanlaki ang mata ni Arino nang naramdaman niya ang mahigpit na pagkakahawak ni Optomus sa magkabila niyang pulso. Nag-umpisa nang magsituluan ang dugo niya dito kaya napasigaw na siya sa sakit.

"Leoran! Tulungan mo ako!" Huli nitong nabanggit bago siya nawalan ng malay at ibinagsak ni Optomus.

"Arino!" Malakas na sigaw ni Leoran at inumpisahan nang gamitin ang kanyang kapangyarihan. Pumorma siya ng gintong bilog gamit ang kanyang mga palad at pinalaki bago niya ito bago itinama kay Optomus. Muli na namang nanlaki ang kanyang mata nang makita niyang wala itong naging epekto sa kanya, nakapinta pa rin ang ngisi nito sa mukha.

"Sa tingin mo pa talaga Leoran ay matatalo mo na naman ako? Nagkakamali ka ng inaakala, mas makapangyarihan na ako sa'yo. Hangga't dumarami ang mga taong napapatay ko, lalong lumalakas ang aking kapangyarihan, at papatayin rin kita upang ako na ang maging pinakamapakapangyarihang tao sa buong mundo." Muli na namang napaatras si Leoran sa kanyang mga naririnig. Hindi ito maaari, katapusan na ba niya? Wala na bang pag-asang maibalik pa niya si Optomus sa dati nitong anyo at pagu-ugali?

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang bigla siyang nadapa habang umaatras siya kay Optomus. Bigla na lamang siyang nanginig nang humakbang si Optomus palapit sa kanya, lalo na ng bigla siyang hinablot nito gamit ang malaki niyang kamay. Lumunok muna siya ng laway bago magsalita.

"Optomus, hindi pa huli para maibalik ka sa dati. Kaya pakiusap, itigil mo na 'to. Maawa ka sa sarili mo, maawa ka sa mundo, tumigil ka na." Payok nitong saad sa kanyang kasama. Napahugot na lamang siya ng hangin nang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya, dahilan upang mahirapan siyang makahinga.

"Wala akong alam sa iyong sinasabi, Leoran. Ang aking tanging kagustuhan lamang ay ang maging pinakamakapangyarihan dito sa mundong ibabaw." Isang malakas at payok na sigaw ang lumabas mula sa bibig ni Leoran nang makaramdam siya ng napakahapding sakit sa kanyang katawan. Para siyang pinagtutusok ng sandamakmak na tinik. Unting-unti na siyang nanghihina na parang halamang nalalanta habang patuloy ang pag-agos ng dugo sa kanyang katawan. Huli niyang nakita ang nakangising mukha ni Optomus bago sinakop ng dilim ang kanyang paningin.

~*•*~

Malalakas na mga yapak ang gumising sa diwa ni Leoran. Napamulat siya ng mata at inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Nanliit ang kanyang mata nang hindi niya mamukhaan ang kanyang lokasyon.

Napakadilim ng lugar at halos wala na siyang makita kaya't ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang siya'y makakita. Naramdaman niya na siyang nakaupo kaya agad niyang pinatayo ang kanyang sarili. Nakaramdam siya ng matigas at malamig na bagay sa magkabila niyang pulso kaya't muli niyang ginamit ang kanyang kapangyarihan upang maialis ang pagkakatali nito sa kanya.

Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid para mahanap ang daan palabas sa kanyang kinalalagayan, ngunit wala siyang nakita. Sinubukan niyang gamitin ang kanyang kapangyarihan upang makatakas, ngunit walang epekto.

Napabuntong-hininga na lamang siya at tumingin sa kawalan. Ngunit muli na namang nanliit ang kanyang mata nang meron siyang nakitang kumikislap na parihabang kard na kulay berde. Naglakad siya papunta sa kinalalagyan ng kard at kinuha ito. Kasabay na lamang 'yon ng paglaki ng kanyang mata nang mapagtanto niya kung anong klaseng kard ang kanyang hinahawakan.

Ang chip ni Optomus. Dito nakalagay ang mga iba't-iba nilang memorya na magkasama. Nandito rin ang lahat ng bagay na itinuro ni Leoran sa kanya. Ibig sabihin, nandito ang dating Optomus, ang robot na may gintong puso na iniibig ni Leoran? Ibig sabihin, kailangang maibalik ni Leoran ang chip na hawak niya kay Optomus sa lalong madaling panahon, bago pa gumuho ang mundo.

Muling bumalik ang kanyang sarili sa reyalidad nang biglang gumiba ang isa sa mga pader, at iniluwa nito si Optomus na may nakapintang ngisi sa mukha na siya namang nagpaatras kay Leoran. Ngunit hindi na ito higante hindi katulad kanina. Pero grabehang kaba pa rin ang idinulot nito sa kanya.

Tumingin si Leoran sa lagayan ng chip ni Optomus na nakalagay sa dibdib nito. Kailangan niyang mailagay ang chip na hawak niya sa lalong madaling panahon. Pero paano?

Muling tumingin si Leoran sa nakangising mukha ni Optonus. Humakbang ito palapit sa kanya dahilan upang siya'y mapalunok.

"Wala ka nang pag-asang matalo pa ako, Leoran. Tigok na ang iyong kapatid, at mas makapangyarihan na ako sa'yo." Nakangising saad ni Optomus at humalakhak. Napantig naman ang mga tenga ni Leoran sa kanyang narinig.

Wala na ang kanyang kapatid, paano na niya matatalo si Leoran ngayo'y siya ay mag-isa na?

Naputol ang malalim niyang pag-iisip nang biglang may humablot ng kanyang leeg at hinawakan ito ng mahigpit. Napatingin siya sa kanyang harap at nakita niya ang blankong mukha ni Optomus, ngunit nakasilay pa rin ang malademonyong ngisi nito sa mukha.

Agad siyang napahawak sa kanyang leeg nang iniangat na siya ni Optomus. Unting-unti na siyang nawawalan ng hininga dahilan upang siya'y mapapikit ng mariin at mabitawan ang chip ni Optomus. Nahulog ito sa sahig at gumawa ng tunog dahilan upang mapunta ang atensyon ni Optomus dito. Ibinaba nito si Leoran at aakmang kukuhanin ang chip nang ginamit ni Leoran ang kanyang kapangyarihan upang mapasok ang chip kay Optomus.

Ito na, matutuldukan na ang kanilang mga suliranin, magiging maligaya na sila.

Agad napaatras ng mabilis si Leoran nang biglang nanginig si Optomus at lumiwanag ng nakakasilaw, dahilan upang mapatakip siya ng mata. Nag-umpisa nang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang lumikha na si Optomus ng mga nakakatakot na tunog, nag-umpisa na ring kumalas ang mga piyesa nito, hanggang sa sumabog nito ng pagka-lakas lakas.

Hindi niya kinaya ang malakas na pwersa ng pagsabog dahilan upang siya'y tumilapon sa kanyang kinaroroonan. Kasunod na lamang 'yon ang pagdilim ng kanyang paningin.

~*•*~

"Miss Alexandrova, dito lang po kayo sa kwarto. 'Wag na 'wag ka pong lalabas dahil delikado, sinusugod na naman tayo ng mga evil wizards." Tanging tango lamang ang isinagot ni Leoran sa isang crew ng hotel na tinutuluyan niya. Umalis na ito sa kanyang kwarto at naglakad si Leoran papunta sa bintana nang makita ang pagsugod ng mga evil wizards sa siyudad. Napabuntong-hininga na lamang siya.

Kahit gusto niya na lumabas sa hotel at sugurin ang mga evil wizards, hindi pwede. Kahit gusto niya na patayin ang mga kalaban, hindi pwede. Hindi siya pwedeng kumilos para sa ikakabuti ng mga tao.

Bakit?

Dahil wala na ang kanyang kapangyarihan. Nung sumabog si Optomus, naglaho na ang kanyang kapangyarihan na parang bula. Walang natira kahit kakapiraso lamang. Isa na lamang siyang hamak na tao ngayon. Na ang tanging gawain ay ang magtago sa dilim upang makatakas sa mga kalaban upang mapatagal niya ang kanyang buhay.

At wala na rin ang tsansang magkasama sila nina Optomus. Wala na siyang pag-asang maging masaya pa. Dahil wala na ang lahat sa kanya.

Napaiyak na lamang siya ng napaka-lakas sa kawalan habang inaalala ang huling nangyari bago nawala ang kanyang kapangyarihan.

Written By: Miss251

Continue lendo

Você também vai gostar

1.8M 72.4K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
17.7K 1K 31
Esmeray is a money-loving woman but hard-working person who have many jobs and barely sleeps. One night after leaving her last job, she got in a car...
13.2K 562 37
Siya ay isang normal na babae, isang pulis na ang palaging nais ay hustisya at kapayapaan... Ngunit paano kung mapunta siya sa isang lugar na hindi...
378K 9.2K 53
A story of a woman hiding her child to his ruthless ex-husband. A love, that end by letting her go just to protect her. Hiding the child for almost 6...