A Rebel Heart (#1)

Από parachutelemon

17.8K 591 152

What does it take to change a rebel heart? #AHS1 Περισσότερα

GENERAL DISCLAIMER
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
WAKAS

Kabanata 22

277 11 7
Από parachutelemon

Kabanata 22

"Are you sure you're not going with me?" tinapos ko ang pagliligpit ng mga gamit ko at saka nilingon si Sarah na nakatayo na sa gilid ko.

Actually gusto kong sumama sa kanya kumain sa labas ng school pero dahil alam kong papaulanan niya lang ako ng tanong tungkol kay Brooklyn..

"Sorry Sars, have to pass may registration form sa council. Ngayong araw ang last eh" pagdadahilan ko kaya napasimangot siya. Kanina pa kasi siya tanong ng tanong sa akin. Halos lahat nasabi ko na pero para yatang sirang plaka itong si Sarah dahil paulit-ulit kong kinukwento lahat.

She even asked kung sino iyong kasama kong lalaki sa profile ko sa Facebook. I put it in an only me privacy kaya hindi makikita doon ang comments. I forgot to change the damn photo!

Mabuti na lang at ngayong araw ang deadline ng pasahan ng resignation froms sa lahat ng clubs kaya may dahilan ako na umayaw sa offer niya.

"Tss. Hindi na nga sumama si Noel dahil nagpapatulong sa kanya si Kim sa isang assignment tapos ikaw naman may ipapasa" aniya sa malungkot na tono.

I smiled at her at tap her shoulders. Sorry Sarah. Promise, last na to.

"Kita na lang tayo mamaya. Text mo na lang ako, o di kaya si Nad. Nasa library lang naman iyon" sagot ko at agad na lumabas ng classroom. Sabay kaming naglakad sa hallway pababa ng ground floor.

Kumaway siya sa akin habang mabilis na naglakad sa mainit na field. I watched her walking at the same time running towards the school's exit.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang cellphone sa bag ko. I texted Lyrra kanina na magpapasama ako sa kanya sa council office, total sa kanya ko naman ipapasa ang form ko.

Final na talaga to. Sa council na ako sasali. Assistant. In short, taga sunod sa lahat ng iuutos nila. I dialed Lyrra's number and it rang for a few seconds before she picked it up.

"Lyrra.." panimula ko. Tahimik sa linya pero ilang sandali lang ay nagsalita na siya.

"Hi. Sorry I was tutoring someone. Where are you?" she asked in her jolly voice.

Tutorials rin? Ganoon din si Noel ngayong araw with Kim. Akala ko ba Saturday ginagawa iyon?

"Ako na lang ang pupunta sa'yo mukhang busy ka kasi" I said habang naglalakad sa hallway. Tumikhim siya at mukhang nabigla sa sinabi ko.

"Huh? Uh okay. Nandito ako sa student lounge na may umbrellas" she said.

Tumango ako at sinabing papunta na ako at agad binaba ang tawag. I walked for like three minutes para makatawid sa building ng Engineering Department.

Nakarating ako doon at agad kong nakita si Lyrra na kasama iyong si Pyro na nakaupo sa isa sa mga tables doon sa student lounge. Sa harap nila ay isang libro habang si Lyrra ay may hawak na lapis at nagsasalita while Pyro is just looking at her.

Lumapit ako doon at agad napakurap-kurap si Pyro habang tinitingnan ako. Bumaling si Lyrra sa akin at ngumiti.

"That's all for today, Pyro. Bring this book with you. Don't call me at home when you want to know something, maghintay ka kinabukasan" pormal na sabi ni Lyrra at agad na padabog na binagsak sa harap ni Pyro ang libro.

Wala naman akong makita na reaction mula kay Pyro. Nagkibit balikat lamang siya habang nililigpit ang mga gamit niya sa table.

"Heanndra right?" untag ni Pyro kaya napalingon ako sa kanya. He puts his backpack sa right side ng kanyang balikat at agad na tumayo.

Tumango ako sa kanya. I just remembered that Clicko told me that he's one of his closefriends. Speaking of Clicko, hindi ko yata siya nakita ngayon?

"I hope to see you on tryout weeks. I personally want to thank you for trying to be in our team. That means a lot" he said kaya napakunot ang noo ko.

Ano daw?

Nilingon ko si Lyrra and we had the same reaction. What the hell is he talking about?

"What? What team? What tryout?" sunod sunod na tanong ko. Ano bang nangyayari? May nangyari ba na hindi ko alam?

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Lyrra.

"Oh? You didn't know? Cirrus passed a registration form for you on the Athelitic Club. Soccer?" sabi niya at mukhang nabingi yata ako doon sa huling sinabi niya.

Ano? Ano daw?

"What?" tanong ko ulit. I literally don't know what the hell he's talking! Hindi ko maalala na may binigay ako kay Kuya Cirrus na form.

"Cirrus handed me the form. Ang sabi niya nahihiya ka daw na ibigay sa akin ang form mo kaya siya na ang nagbigay. Wait.. di mo alam?" he asked confused.
Malakas na kumabog ang dibdib ko. Napakuyom ang mga palad ko at gusto kong maiyak sa sobrang inis.

He wouldn't do that. Wala naman siyang alam na naglalaro ako ng soccer. I never told anyone I joined a women's national soccer league back in California, kaya paano niya alam na naglalaro ako nun? Sure, naglalaro ako pag may game pero hindi palagi. I am always sitting on the bleachers at naghinhintay lang na may ma injured para makapasok. I was never really the best player of my team but they will never let me join them kung pakiramdam nila ay wala akong kakayahan na maging magaling.

But still, why would he do that? Paano niya nalaman? Nagalit ba siya dahil doon sa ginawa ni Brooklyn kaya ginagatihan niya ako ngayon? Naniniwala talaga siya sa sinabi ni Quinn na nalalamangan na namin sila ni Akia?

Kuya Cirrus is not like that.

"What are you talking about Pyro?" nakisali na rin si Lyrra sa usapan.

Pyro looked at me innocently and then turned to Lyrra and then to me again.

"Sorry Heanndra but Cirrus handed me the registration form himself and said that you'll be here sa tryouts next week" sagot niya ulit at parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko sa narinig. I don't understand anything.

Matapos magkwento ni Pyro sa ginawa ni Kuya Cirrus ay nagpaalam na siya na aalis na. Medyo nalungkot pa siya ng malaman na hindi ako kusa na nag register doon sa form. Nabanggit niya rin na naiintindihan niya kung bakit pinagti-tripan na lang ng iba iyong team nila dahil daw wala na masyadong interesado sa sports nila. Bukod daw sa akin ay may apat pa na nagpasa ng forms. Susubukan daw nila magturo sa mga first years sa PE classes dahil iyong sports nila ang napili na ituturo this semester.

"Are you okay?" Lyrra asked habang nakaupo na kaming dalawa. I was literally shaking after what Pyro told us.

Gusto kong murahin si Kuya Cirrus pero hindi rin ako sigurado kung bakit niya ginawa iyon. Baka naman may reasons naman siya unless talaga kong totoo na gumaganti nga siya at binabadtrip niya lang ako? But the hell! He should've asked for my permission first before doing that!

Whatever his reasons are, they're all bullshit!

"Nasaan si Kuya?" I asked still feeling weak about everything.

She immediately shook her head. Damn it! Where the hell is he?

"I don't know. Hindi kaming lahat nagkita simula noong dumating kayo galing Bacolod"

Bumagsak ang tingin ko sa registration form sa council na hawak hawak ko pa rin. Gusto kong lukutin iyon dahil sa sobrang inis. I've planned everything already. Sa council ako sasali kahit gawin pa nila akong alila, I'll put up with it basta huwag lang ako ilagay sa soccer team.
Mamatay ako pag nangyari iyon.

Kinuha ni Lyrra ang cellphone niya at may tiningnan doon at agad na dinala sa tenga ang cellphone. She's probably trying to reach Kuya Cirrus. Humalukipkip siya gamit ang isang braso samantalang ang isa naman ay nasa tenga niya.

"Cirrus! You better be here right now! Your sister is fumming mad you big idiot!" sigaw ni Lyrra kaya nawala ako sandali sa pag-iisip.

"Hindi! Pupunta ka dito ngayon o hindi kita kakausapin buong buhay ko? You know I can do it, Cirrus" she threatened kaya medyo nagulat ako.

Inis niyang binaba ang cellphone at huminga ng malalim.

"Nasa West siya ngayon. May pinuntahan lang daw. He'll be here any minute. Let's just wait here na lang muna" she said kaya tumango tango ako habang pilit na pinapakalma ang sarili.

Okay Heanndra. Let's hear your brother's explanation first, before getting mad at him.

Bullshit! Kahit pa makinig ako sa paliwanag niya magagalit at magagalit pa rin talaga ako!

Nanatili kami doon sa student lounge. Habang naghinhintay ay napapansin ko na pinapawisan ang mga kamay ko. Pwedi naman siguro ma withdraw iyong registration form? Then I remember what Pyro said kanina lang, na sanay naman sila na pinaglalaruan lang iyong team nila dahil wala naman daw kwenta iyon. Napapikit ako sa mga iniisip.

Ilang minuto pa ang lumipas pero wala pa rin si Kuya Cirrus. Nawala sa isip ko iyong mga iniisp nang makarinig ng ingay mula sa hallway. Group of girls are chatting and laughing loudly. Sinulyapan ko iyon at nakita na iyong grupo ng mga gymnastics. Ang papayat nilang tingnan at they're all wearing the same attire.

Napatigil sila sa pagkatawa ng napasulyap sa aming table ni Lyrra. The girl with a braided hair just shot her eyebrows at us. Nakita ko rin si Kiana sa gilid na may dalang duffel bag at may hawak hawak na tumbler.

Napataas ako ng kilay ng biglang lumapit sa amin iyong babaeng naka braid ang buhok. Napaayos ng upo si Lyrra at bored na tiningnan ang paglapit ng babae sa amin.

"Cinco what did you do? Bakit napalitan ng soccer team ang sport's of the semester?" tanong niya at na kapamaywang pa sa harap ni Lyrra.
Lyrra purses her lips at agad na ngumiti.

"Dinaan iyon sa votation Cath, you can ask Kiana your team representative kung anong nangyari" kalmado na boses ni Lyrra. Nakanuod lamang ako sa gilid.

Nakita ko pa na napapasulyap sa akin si Kiana.

Tumawa iyong babae at agad ding napawi natigil iyon. It's like a fake laugh.

"So? Majority voted for the soccer team? Paano nangyari iyon eh, halos ma dissolve na nga iyong team nila sa Athelitic Club!" naghihisterya niyang sagot kaya napataas ng kilay si Lyrra.

"Exactly the point. They wanted the soccer team to be expose baka sakaling may mag kainteres pa doon bago nila tuluyang idissolve" ganting sa sagot ni Lyrra.

"Hah! If I know you used your power as school council president for the soccer team to be chosen! Ano? Is it because of your stupid boyfriend?!" she asked kaya nanlaki ang mga mata ko. Hindi niya kailangang sumigaw! Sa sobrang inis ko ay agad kong tinapon iyong bag ko sa mesa. Because the table is made of steel ay agad na lumikha iyon ng ingay dahil sa mga keychains na nakasabit sa bag ko.

Natigil sa pagtataray iyong babae at agad na napasulyap sa akin. Don't fucking tease me girl. Galit ako ngayon.

"We don't want cat fights here at masyadong maingay may iniisip ako" I made my voice sounded angry. Lyrra eyed me at yumuko na lang. She's the type na kahit sinisigawan na ay hindi pa rin lalaban. Ofcourse, she's the school council president. She should be a role model kaya siguro nagtitimpi ito. Well, not me.

"Oh? Hello there Henzon? Did you enjoy hooking up with Marie's ex boyfriend?" tuloy tuloy na tanong niya sa akin kaya napakunot ang noo ko. Who's Marie? Who's ex boyfriend?

She probably noticed na wala akong alam sa mga pinagsasabi niya.

"Oh! You didn't know? Brooklyn is Marie's ex boyfriend! He broke up with her because your family is one of a greedy bunch of people! Destroying real relationship for money and power!" sigaw niya kaya mas nadagdagan pa ang init na naramdan ko sa buong katawan ko.

She didn't just said that.

Mabilis akong tumayo at hinampas ang table. She's obviously scared. Nagulat rin yata siya sa mga lumabas sa bibig niya kaya nagulat siya sa hampas ko sa table. I wanted to backfire her, but that's not me. Kung mas mataray ka, mas lalamangan kita. Sino ka ba?

"Excuse me? It's not my fault that my family can do that things for me. Are you jelous?" mapanuya kong sabi sa kanya. Konti na lang. Konti na lang.

She looked a bit shocked about what I said. Iyong mga kasama niyang babae ay wala man lang ginawa para mailayo dito ang eskandalosa nilang kasamahan. They want us to fight? C'mon I could use one right now.

"Catherine the decision was final. Soccer ang mag tuturo ngayong semester. If you have complaints, kindly go to the Friar's Office and don't make a scene here" Lyrra's words are marked with finality.

"You know what? Kaya pala magkaibigan kayo kasi pareho kayong malalandi" she said at halos walang may gumalaw sa aming dalawa ni Lyrra. We were frozen.

"Ikaw!" turo niya kay Lyrra. She's shaking at namumula ang mukha. She's mad already. Lyrra just stared at her with nothing but blank expression.

"Hindi ka pa nakuntento sa tatlong Henzon at dalawang Soriano na nilalandi mo, nag dagdag ka pa ng isa!" she said. Agad na lumapit iyong tatlong kasama niya at hinawakan siya sa braso.

"Cath that's enough" bulong ni Kiana sa gilid.

Oh? May instinct at may common sense pala sila! Kanina pa nagwawala itong kasama nila. Sana kanina rin nila inawat.

"You know the real reason why you won sa pagiging council president? It's because you're a leech! Dumidikit ka sa mga sikat na students dito for you to win in everything!" she shouted. Binalingan ko ng tingin si Lyrra and she was just listening as if hindi masasakit na salita ang binitawan nitong si Catherine.

"How did you manage to get the position? When you're just a daughter of a driver?" aniya at doon na natapos ang lahat. Kung si Lyrra kaya niyang makinig sa mga sinasabi ni Catherine, pwes ako hindi!

Lumapit ako kay Catherine at agad siyang hinarap. She's too much! She's not even that pretty! Hindi na nga maganda, palengkera pa. Anong pinaglalaban niya?

"Fuck off already before I lose my cool" taas kilay kong sabi sa kanya. Naramdaman ko na hinawakan ako ni Lyrra sa braso. Nilingon ko siya sa likod at agad na nagpatuloy sa pakikipagtitigan kay Catherine.

"Stay out of this! Hindi ka kasali dito!" nagulat ako nang sigawan ako ni Kiana. Matalim niya akong tinitigan at saka yumuko.

Natulala pa ako ng ilang saglit bago natauhan.

"Hindi kasali? She just said na pareho kaming malalandi tapos sasabihin mo hindi ako kasali?" natatawa kong tanong sa kanila.

"Bakit hindi ba? You are flirting with anyone including Clicko, Nicollo and who else? Brooklyn? Noel Lagdameo?" dugtong ni Kiana at halos mapaupo ako sa sobrang panginginig ng mga tuhod ko.

I felt like she's been holding her urge to tell those things to me. Parang matagal na niya na gustong sabihin pero hindi niya masabi. Paano nasali sina Clicko at Nicollo dito? God! I swear this is all too much. Ganoon ba sila mag-isip? Kapag dumikit ka sa lalaki ibig sabihin nilalandi mo na? Fuck. Their logics are all fucked up.

Humalukipkip ako sa harap nilang tatlo.
Okay. Let's do this. Total ay mukhang atat na atat naman sa sagutan iyong mga mukha nila. Let's give them what they want.

"Oh! So this is you? Kiana. You know what? The moment I saw back sa plaza, I know you we're a bitch. Sino kaya ang malandi sa ating dalawa? At least I stick with the one I'm flirting with, Brooklyn? Ikaw? Did you stick with my cousin? Hindi ba wala naman? You just cried the hell out of him and left him for who? Clicko? Are you threaten? Natatakot ka ba na maagaw ko si Clicko sa'yo?" mahabang sabi ko. This is it.

She's mad. Nakikita ko iyon sa kanya. Mukhang maiiyak na siya. Is she hurt? Hell, we are all hurting! Masakit din mga sinabi nila kanina but I am not that vulnerable para umiyak and I picked the one na papatulan ko. Iyong hindi ako iiyak kasi kapag iiyak ka, ikaw ang kawawa.

"Baka siguro bantayan mo ng mabuti si Clicko? Baka tulad ni Marie, maaagawan ka rin?" mapanuya kong tanong aa kanya.

She didn't say anything. Bitch. You started it first. Maglalagay ka ng pagkain sa plato mo hindi mo naman maubos?

"I thought so too.." dugtong ko pa ng hindi pa siya nagsalita.

I was about to turn around when I felt someone dragging my ponytail! Mahaba ang buhok ko kaya malaya niyang nahihila.

"Bitch! Bitch!" sunod sunod na sabi ni Kiana habang naiiyak. Inawat siya ng kanyang mga kasama. Habang si Lyrra naman nakahawak na rin sa kamay ni Kiana na nasa buhok ko.

"Kiana that's enough!" sigaw ni Lyrra. Hindi ako siya maabot sa likod dahil nakahila siya sa pinakadulo ng buhok ko.

"Don't touch her!" sigaw naman ni Catherine at nakita kong hinila niya na rin ang buhok ni Lyrra.

"Get off me!" tili ni Lyrra.

"What the hell is this?!" nakarinig kami ng sigaw mula sa malayo at naramdaman ko na nawala iyong kamay ni Kiana nakasabunot sa buhok ko.

Nilingon ko kung sino ang dumating. Kuya Cirrus, Quinn and Clicko is here.

Hinahawakan ni Kuya Cirrus si Kiana sa braso samantalang nilayo naman ni Quinn si Lyrra kay Catherine. Si Clicko ay nasa ay nasa gilid ko at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming lahat. He was about to held my arm pero agad akong umatras.

Bakit sa akin siya lumapit? Bakit hindi doon sa girlfriend niya.

"What the hell do you think you're all doing?" parang kulog na sigaw ni Kuya Cirrus.

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

MOHABBAT-E-DIWAANGI Από Aanya_writess

Γενικό Φαντασίας

221K 16.3K 20
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
Isabella Από Amber

Γενικό Φαντασίας

14.2M 431K 34
When Ashley found out that she was pregnant with twins, she couldn't wait to share the good news with her husband. But when he got home later that ni...
12.2K 1.6K 7
Taehyung X Jimin Completed အိန်ဂျယ်နဲ့ နတ်ဆိုးဆိုတာ ပေါင်းစပ်လို့မရတဲ့ မျိုးကွဲဖြစ်တည်မှုတဲ့။ ဒါဖြင့် ပေါင်းစပ်ချင်ကြတယ် ဆိုရင်​ရော၊ စည်း​ဘောင်​တွေကိ...
Alina Από ihidethisapp

Γενικό Φαντασίας

1.5M 37.3K 75
The Lombardi family is the most notorious group in the crime world. They rule both the American and Italian mafias and have many others bowing at the...