A Vampire's Ideal Girl (COMPL...

Por LushEricson

53.8K 1.5K 119

Wala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang w... Mais

Plain Jane
This Is Not A Colgate Commercial
Power of Prayers
Pitik Bulag
One Took A Selfie Over The Cuckoo's Nest
Before the Party
The Party
Yong Edward Cullen na Mahilig sa Boy Bawang
Haba ng Hair, Nag-rejoice ka ba, Girl?
Ang Kuwento ng Dakilang Talong
Wala Pang Kikay Sabi ng Nanay
Payback
Surprise, Sweetness
Die, Sweetness
Golden Blood, Broken Heart
Uy, May Boypren na Siya!
Possessive Boypren
Sweet Boypren
You never saw this coming, Plain Jane
Si Petunia
Maganda siya no? and other bitter statements
Panganib
Takot
Ang Magdudulot ng Panganib
Ang Party
Ang Duwelo
Ang Katotohanan
Ahas
Kagat
Happy Plain Jane

Planking and Vampires

2.2K 66 2
Por LushEricson


CHAPTER THREE

PERO sa totoo lang, kahit alam ni Jane na malabo, sinunod pa rin niya si Manuel at gumawa ng paraan para mapansin ni Jep.

Minsan ay sinadya ni Jane na banggain ito at ilaglag ang mga librong dala niya. Pero nagkataon yatang nagmamadali ito, kaya apologetic na nginitian lang siya. Siya rin tuloy ang mag-isang nagpulot ng mga libro. Mukhang tanga lang, gano'n.

Kapag nakikita niya ito sa labas ng room nila kapag uwian ay nginingitian niya ito. Gusto sana niyang kausapin pero hindi siya makaisip ng topic. Sa huli ay mahihiya lang siyang maglalakad palayo dito.

Mahirap pigilin ang utot, pero mas mahirap pigilin ang feelings. Gustong-gusto niyang sabihin kay Jep na attracted siya rito, pero hindi niya magawa. Lumipas na ang dalawang buwan at pakiramdam niya ay mababaliw siya kapag hindi niya iyon na-express.

Kaya laking tuwa niya nang maglagay ng Freedom Board ang mga Journalism students sa tabi ng building nila.

Naisip niya na kahit doon man lang, ma-express niya ang nararamdaman niya. Para gumaan ang loob niya kahit paano.

Binura ni Jane ang tingin niya ay walang kakuwenta-kuwentang isinulat sa freedom board at isinulat ang pagkalaki-laking"I like you, Jep," doon. Sinamahan niya iyon ng tatlong exclamation points.

Hanggang sa makarinig si Jane ng tawanan. Nang mapalingon siya sa gawi niyon, ay agad na kumabog ng mabilis ang dibdib niya. Nakita niyang palapit sa direksyon niya ang tatlong magpipinsang heartthrob ng university. Kasama siyempre doon si Jep.

"Oh, crap," nasabi ni Jane. Dahil alam niyang makikita ng mga ito ang isinulat niya sa freedom board. Iyon naman ang point kaya siya nagsulat pero naroon pa kasi siya malapit sa board kaya hindi imposibleng isipin ng mga ito na siya ang nagsulat niyon. Bistado siya agad agad, harapan pa.

Ano'ng gagawin niya?

Kung tatakbo siya palayo, halatang guilty siya na siya na may sinulat siyang kakaiba. Kaya nagmamadaling binura na lang ni Jane ang isinulat niya gamit ang kamay.

Kaso, hindi iyon mabura.

Tumingin si Jane sa marker na ipinansulat niya. Permanent marker. Nagkamali siya ng kinuhang marker!

"Patay!" nasabi niya.

Hindi pa naman huli ang lahat para tumakbo, 'di ba? Kaya tumakbo siya. Nagmamadali, parang hinahabol ng holdaper. Kaso, natisod siya sa nakakalat na bato.

"Ay, kabayong bakla!" Sumemplang siya sa damuhan

At doon, hindi na siya nakagalaw. Patay na. Patay na ko. Malas, malas, malas!

"Uy, miss, okay ka lang?" narinig niyang tanong ng isang tinig na parang laging may concern, parang laging naglalambing, kahit hindi. It was Jep's.

"I'm okay," she said.

"Jane?" sabi ni Jep, nakilala siguro ang tinig niya.

Hindi siya nag-angat ng tingin. Nanatili tuloy siyang nakasubsob sa damuhan, ayaw ipakita ang mukha kay Jep. Hiyang-hiya talaga siya.

"Kailangan mo ba ng tulong, Jane?" sabi pa ni Jep. "Dadalhin kita sa clinic. Nahihirapan ka bang tumayo?"

Ang bait bait, naisip ni Jane. Ang suwerte ni Emerald.

"She was probably the one who wrote on the freedom board that she likes you, Jep," narinig niyang sabi ng isang lalaki. Monotonous ang tinig kaya tingin niya, si Jethro iyon.

So nabasa na pala ng mga ito ang naisulat niya sa Freedom Board. Patay na talaga.

"Nakilala ko na ang babaeng 'yan sa library, at alam ko na siya ang tipo ng babaeng magsusulat sa freedom board para mag-express ng feelings," dagdag pa ni Jethro.

"Hindi, ah!" tanggi ni Jane.

"Eh bakit ayaw mong bumangon? Baka nahihiya kang harapin si Jep," sabi ng isang tinig na jolly, na tingin niya ay kay Brent. "Ang tapang tapang mo no'ng makilala kita sa waiting shed, pero ngayon, nahihiya ka. Ikaw siguro talaga ang nagsulat no'n."

"Oy 'wag n'yo na siyang asarin," saway ni Jep sa mga pinsan nito. Sa totoo lang ay hindi niya gustong malaman kung ano ang iniisip nito sa kanya.

"Oo nga, 'wag n'yo kong asarin," sabi niya. "Saka, kaya lang naman ayaw kong bumangon kasi... kasi..." Nag-isip si Jane ng palusot. "Nagpa-planking ako."

Jane heard giggles. She knew it was Brent.

"'Di na uso ang planking ah?" sabi pa ni Brent.

"Naisipan ko lang. Gusto kong... gusto kong mapalapit sa kalikasan," pagpapalusot pa ni Jane. Napangiwi na siya. Lalong lumalala ang sitwasyon niya. Lalo kasing dumadalas ang pagbungisngis ni Brent. Nag-init na ang buong mukha ni Jane.

"Okay namang mapalapit sa kalikasan ah," narinig ni Jane na sabi ni Jep. Pati siguro gilid ng mukha niya, namula, at napansin nito iyon. At kaya nito sinabi iyon ay para mabawasan ang pagpahiya niya sa mga pinsan nito. Mabait talaga, sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa kanya? naisip ni Jane.

"Gusto ko na nga ring mag-planking, eh," sabi pa ni Jep.

"Are you serious, Jep?" sabi ni Jethro, tila hindi makapaniwala sa naririnig mula sa pinsan.

"Oo," sabi ni Jep. "Jane, tabi tayo ha?"

No! Hindi kakayanin ni Jane na makatabi si Jep na 'mag-planking.' Hindi, kahit alam niyang chance niya na iyon na makatabi ito, at kahit isa iyong sweet gesture dahil gusto nitong bawasan ang pagkapahiya niya.

Kaya nagdudumaling bumangon si Jane. "Sige, una na 'ko, bye!" mabilis na sabi ni Jane, kumaripas ng takbo na nakayuko ang ulo.

Yes, it was humiliating. Pero iyon din ang araw na natuklasan niya kung gaano kabait si Jep. Imagine, willing itong sumubsob sa damuhan na parang tanga para lang bawasan ang pagkapahiya niya at maging komportable siya kahit paano? Imagine?

Lalo tuloy lumalalim ang pagka-crush niya kay Jep. Kung sana umepekto na ang power of prayers.

"PARE, kailan mo ba kasi kakagatin si Emerald?" tanong kay Jep ni Brent, habang kinukutingting ang cell phone nito. Pabukaka itong nakaupo sa sofa at base sa pamimilog ng mga mata nito, tingin niya ay nanonood ito ng porn sa cell phone nito.

Nakatambay silang magpipinsan sa lounge nila sa St. Sebastian. Magpipinsan sila at anak sila ng mga may-ari ng St. Sebastian kaya nagkaroon sila doon ng kuwarto na para sa kanila lang, sa rooftop ng building ng library. Airconditioned iyon, carpeted ang sahig at may makakapal na kurtina sa may bintana.

"I don't like that girl," sabi ng pinsan niyang si Jethro. Nakaupo ito sa couch sa tapat, ang tingin nito ay nasa librong hawak nito. "Biting her would mean trouble."

"Eh, maganda naman ang girlfriend ni Jep, eh. Okay nang kagatin 'yon," sabi pa ni Brent.

"Superficial," bulong ni Jethro

Walang plano si Jep na kagatin si Emerald. Lalo pa ngayon na nagdadalawang-isip na siya sa pakikipagrelasyon dito. He didn't want her to be his vampire bride. He was not ready for that.

Galing siya sa pamilya ng mga mortal na bampira. Limitado ang kapangyarihan nila. Hindi nila kayang bumasa ng isip. Pero matatalas naman ang mga mata nila at hindi sila nasisilaw sa araw. May kakayahan nila na mabilis na makatakbo pero nagagawa lang nila kapag nagta-transform sila sa anyo nilang bilang bampira. Titingin sila sa buwan at magpapalit anyo na sila. Para ding sa werewolf. Pero bihira nilang gawin iyon.

Sa lahi ng mga mortal na bampira, may batas din na kung sino ang babaeng una nilang kakagatin ay ang siyang magiging vampire bride nila. Iyon na ang babaeng makakasama nila habangbuhay.

Tingin ni Jep ay masyado pa siyang bata para mag-decide kung sino ang magiging vampire bride niya.

"I bet Emerald's blood would be bitter," sabi ni Jethro, tapos na yata itong magbasa kaya isinara nito ang libro, at inayos ang salamin sa mata. "Poisonous, even."

Ang sabi sa kanila ng mga magulang nila, iba't-iba ang lasa ng dugo ng mga tao.

Ang mga masasamang tao tulad ng mga mamatay-tao, rapists at mga magnanakaw ay mapait ang lasa ng dugo. Ang mga taong puno ng lungkot ang puso ay maalat ang dugo, parang mga luha. Ang mga mabubuti at masiyahing tao ay matamis ang dugo. May isa raw silang kasamahang bampira noon na kumagat ng isang senador, at bigla na lang daw itong nalason.

Hindi pa sila nakakatikim ng dugo ng tao. Nagkakasya na sila sa dugo ng hayop. At dahil nga mortal naman silang bampira, hindi naman gaanong katindi ang pag-aasam nila sa dugo, hindi tulad ng mga purong bampira. Sa totoo lang, minsan ay mas nagke-crave pa si Jep sa mga sitsirya kaysa sa dugo. Paborito niya ang Boy Bawang, dahil wala ring epekto sa kanila ang bawang.

Oo, isang bampira na mahilig kumain ng Boy Bawang, nakakatawa siguro pero totoo.

"Napaka-mapanghusga mo naman," sabi ni Brent. Napasipol ito bigla, nakatingin pa rin sa pinapanood na porn.

Nagkibit balikat si Jethro. "Ako, I am desperately searching for a person with the golden blood."

Ang 'golden blood' ay ang dugong pangarap na matikman ng lahat ng mga mortal na bampira. Kapag iyon daw ay nalasahan ng bampira, ang epekto ay tulad ng sa isang ipinagbabawal na gamot. Bihira lang ang mga taong may golden blood, at hindi nila alam kung ano ang origin ng ganoong klaseng dugo. Ang sinabi lang sa kanila ay espesyal ang mga taong may golden blood. At kapag nakakita sila ng taong may golden blood ay hindi nila mapipigilang maakit doon. Maamoy nila ang golden blood doon.

"I would bite a person with golden blood and I would be your leader," patuloy na sabi pa ni Jethro.

Ayon sa mga kuwento, ang sinumang mortal na bampira na makakakagat ng isang taong may golden blood ay magiging imortal. At ito ay magkakaroon ng kapangyarihan na higit pa sa mga purong bampira.

Ilan pa kasi sa mga limitasyon ng mga mortal na bampira ay puwede silang magkasakit, puwede silang tumanda, at maari din silang mamatay. Magbabago daw iyon kapag nakakagat sila ng taong may golden blood at magkakaroon sila ng malalakas at bagong kapangyarihan.

"Paano kung si Emerald pala ang may golden blood?" tanong ni Brent.

"I doubt it," sabi ni Jethro. "Wala akong nararamdamang kakaiba kapag nakatingin ako sa kanya. Masama pa nga ang kutob ko sa kanya. Believe me, even though she's so beautiful, she has bitter blood."

"Hay naku, basta ako, kung may girlfriend lang ako na kasingganda ni Emerald..." sabi ni Brent, napasipol uli.

"Buti na lang hindi ako kasingmanyak mo," sabi ni Jep, kinuha ang isang throw pillow sa tabi niya at ibinato sa pinsan. "Tigilan mo nga 'yang kakapanood ng porn. Sa kuwarto mo gawin 'yan."

Hindi siya nito pinansin. Tumingin ito sa kanya na parang nang-aasar, parang may naisip. "Hmm... teka nga... hindi kaya mas type mong kagatin 'yong babaeng nagsulat doon sa freedom board? 'Yong nag-planking?"

"Si Jane," sabi ni Jethro, muling inayos ang salamin. May ngiting sumilay sa mga labi nito. "Hindi nga kaya, Jep?"

Napailing si Jep, inambahan ng suntok ang mga pinsan niya. Nagtawanan lang ang mga ito. Nagtinginan at nagtawanan ulit. Sunod ay mapang-asar siyang tiningnan ng mga ito.

"Mga epal kayo," sabi ni Jep, tumayo mula sa sofa. "Aalis na ko. Mahuhuli na ko sa klase ko."

"As if interesado ka sa pag-aaral," sabi ni Jethro. "Kinikilig ka lang sa pang-aasar namin, eh."

"Bahala na kayo, mga baliw," sabi ni Jep, agad na lumabas ng lounge, naririnig pa niya nang bahagya ang tawanan ng mga pinsan niya.

Paglabas na paglabas naman niya ay bumalik sa isip niya si Jane. Aaminin niyang natutuwa siya kay Jane. Ramdam na ramdam niyang mabait ito at natutuwa siya sa mga mababait na tao. At isa pa, natatawa pa rin siya kapag naalala niya iyong "pagpa-planking" nito. Alam niya na ito ang nagsulat ng "I like you Jep" sa freedom board, dahil matalas ang mga mata nilang mga bampira at nakita na niya agad ito nasa malayo pa lang sila. Pero natutuwa pa rin siya sa palusot nito.

Oo, aaminin niyang natutuwa siya kay Jane. Pero sa sarili lang niya iyon aaminin. Hindi niya iyon aaminin sa mga pinsan niya. Siguradong aasarin lang siya ng mga iyon.

"GUYS, I like him so much," sabi ni Jane, nangalumbaba sa mesa ng mini-forest, napabuntong-hininga.

"Aww," maarteng sabi ni Manuel, humawak sa bandang dibdib. "Well, sabi ko nga, if you like him so much, you should make a move."

"Ako?" Itinuro ni Jane ang sarili. "Ano'ng move naman ang puwede kong gawin? Wala naman akong panama sa girlfriend niya."

Minsan, tiningnan ni Jane ang Facebook ni Emerald. Nakita niya na may five hundred na likes ang profile picture nito. Tatlo lang ang likers niya, dalawa doon ay nanay at tatay niya. Iyong isa, si Manuel. Nag-comment pa: Nilike ko na po!

Hopeless. Ganoon lang kasimple iyon.

"Oo. Gumawa ka kasi ng move. Agawin mo kasi siya doon sa malditang Emerald na 'yon. Subukan mo," sabi ni Manuel. "May nilalandi din naman iyong ibang lalaki, eh. Malandi 'yon. Hindi niya deserve si Jep. Mas deserve mo pa si Jep."

Totoo namang may pagka-malandi si Emerald, nakita kasi niya na maraming nagcomment sa profile picture ni Emerald at nakipagflirt ito sa mga iyon.

"Alam n'yo... iba talaga ang kutob ko sa Emerald na 'yon. Parang kakaiba siya," komento naman ni Murray.

Hindi pinansin ni Jane ang sinabi nito. "Pero... sakali mang gumawa ako ng move, wala namang mangyayari, eh," sabi ni Jane. "I'm not beautiful. He would reject me."

"Insecure mo naman masyado, ate," sabi ni Manuel.

"Eh, totoo naman, eh."

Napailing na lang si Manuel. "Well, Jane, kung papairalin mo 'yang insecurity mo, walang mangyayari sa 'yo. Kung wala kang gagawing hakbang, habang buhay ka na lang mangangarap," he said. "Kung hindi gumawa ng hakbang si Murray, hindi ko siya sasagutin, eh."

"Hey, I didn't make a move on you," Murray said.

Nagkulitan na ang dalawa at naiwan si Jane na iniisip ang sinabi ni Manuel. Tama naman ito, 'di ba? If she would not make a step, she would always be in the same place.

NAPANGITI si Jane habang nakatingin sa ginawa niyang tula para kay Jep.

Halos dalawang linggo na rin siyang nagsusulat ng tula para sa lalaki. Iyon lang ang "move" na naisip niyang gawin para kahit paano ay maiparamdam niya rito ang nararamdaman.

Alam naman niya na delikado para sa mga ordinaryong babaeng tulad niya na sabihin ng personal ang nararamdaman sa isang lalaki. At isa pa, kapag nalaman ng girlfriend nito na siya ang nagpapadala ng mga tula ay siguradong magagalit iyon sa kanya. 'Di bale sana kung hindi sila magkaklase.

Nagtungo si Jane sa locker ni Jep. Alas-nuwebe na ng gabi kaya kaunti na lang ang estudyante at alam niyang mapayapa niyang mailulusot sa locker nito ang tula. Nagawa nga niya iyon agad at nagmamadali siyang umalis doon.

Jane wished her poems touched Jep somehow. How she wished her poems would have a special place on his heart. At kapag sigurado na siya na natuwa ito sa mga tula niya, doon na lang siya aamin na siya ang nagpadala ng mga iyon.

WR

Continuar a ler

Também vai Gostar

182K 3.2K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
52K 1.1K 43
Ang buong akala ni Elizabeth ay matatahimik na ang buhay nilang mag-asawa ni Lio. All her dream was to be a good queen, a great wife and a loving mot...
399K 6.9K 32
. . SA KANILANG KAKAIBANG KATAUHAN, KAKAIBANG MUNDO... MAY LUGAR PA BA ANG PAG-IBIG KUNG PAGDANAK LAMANG NG DUGO ANG KANILANG ALAM? KILALANIN NATIN S...
4.1K 645 73
Si Maria Elena Iglesias ay nagmula sa mayamang pamilya, nagtataglay ng kagandahan at kabutihang loob na sumisimbolo sa pagiging Dalagang Pilipina. Ma...