Balang Araw

Av luminatina

4.7K 196 41

Balang araw magiging sikat akong writer. Tipong pang-New York Times bestseller. Balang araw isusulat ko ang k... Mer

Balang Araw [One Shot]

4.7K 196 41
Av luminatina

Balang Araw

a one shot story written by luminatina.

* *

Balang araw magiging sikat akong writer. Tipong pang-New York Times bestseller. Balang araw isusulat ko ang kwento natin para malaman ng lahat kung gaano kita kamahal. Balang araw mapapatunayan natin na walang makakapagpabago sa pagmamahalan natin. Balang araw magkikita ulit tayo. Tipong hindi na maghihiwalay pa ulit at even death will not do us part.

*

Nagsimula ang lahat nang akala ko may happy ending na ang istorya namin.

"I love you, Chi," biglang sinabi ng boyfriend ko out-of-nowhere habang nanonood kami ng About Time sa laptop n'ya.

Pinindot ko 'yung spacebar para magpause 'yung video.

"Ano ulit?" sabi ko na nagpapanggap na hindi narinig ang sinabi n'ya nang ang totoo naman ay gusto ko lang na ulitin n'ya ang sinabi n'ya kanina.

Tinanggal n'ya ang earphones sa left ear n'ya at ang isa ay sa right ear ko.

"I love you, Chi," pag ulit n'ya.

Ngumiti ako at ipinatong ang ulo ko sa balikat n'ya, "Bakit ang cheesy mo ngayon, Miko?"

Hinalikan n'ya ang tuktok ng ulo ko na nanatiling nakapatong sa balikat n'ya.

"Kasi mahal kita," bulong n'ya.

"I love you, too," sagot ko. "Sobra."

Nanatili kaming gan'on ng sandali. Hawak-hawak n'ya ang kamay ko habang nilalaro pa ang aking mga daliri habang ang ulo ko naman ay nandoon pa rin sa balikat n'ya. Tila nilulubos-lubos namin ang oras na magkasama kaming ganito at masaya.

"Minsan naiisip ko na hindi ako bagay para sa'yo," sabi ko sa kan'ya.

"Bakit naman?" tanong n'ya, "Chi, sabihin mo lang kung anong kailangan kong gawin para bumagay ako sa'yo. Gagawin ko."

"Hindi. Hindi sa gan'on, Miko. Ang ibig kong sabihin ay ako ang hindi bagay sa'yo. Not the other way around," pag-eexplain ko.

Tiningnan n'ya lang ako ng medyo nakakunot ang noo.

"Kasi ikaw si Miko Antonio Cortez. Matalino ka. Dean's lister pa nga eh. Tapos member ka pa ng isang banda. At nagpapart-time job ka para tustusan ang sarili mo. Mahal na mahal mo ang pamilya mo. Halos perpekto ka na. Ang daming babaeng mas bagay sa'yo, tapos ako lang ang kasama mo.," sabi ko, "You deserve someone... better than me."

Hinigpitan pa n'ya ang hawak sa kamay ko.

"Ikaw si Chrislene Marquez. Dean's lister ka rin kahit ang hirap-hirap ng course mo. Masipag ka kasi okay pa rin ang pag-aaral mo kahit working student ka. Mahal na mahal mo ang pamilya at mga kaibigan mo, at i-gigive up mo ang kahit ano para sa kanila. Ako ang kasama mo, Chi," sabi n'ya, "Kahit na you deserve someone better than me."

Ngumiti ako, umayos ng upo at niyakap ko s'ya, "There's no other definition of perfection to me than you are, Chi."

"At ikaw lang din ang perfection para sa'kin, Miko," sagot ko naman.

"Kaya nga perfect tayo para sa isa't-isa, 'di ba?" sabi pa n'ya.

Bumitaw s'ya sa yakap ko at humalik sa ilong ko.

Kami ni Miko 'yung tipong hindi mo mapaghihiwalay. Ganoon namin kamahal ang isa't-isa. Minsan kwestyonable na daw ang pagmamahalan namin na sobra pa rin kahit magtatatlong taon na kami. Naging kami ni Miko noong first year college palang kami. Psychology ang course ko at nagtatrabaho ako sa library, kung saan kami nagkakilala, kapalit ng libreng pag pasok ko. S'ya naman ay isang regular student na noon ay nagpatulong sa aking maghanap ng isang libro.

Next week ay third anniversary na namin ni Miko. Hindi naman kami laging bongga kung mag-celebrate. Magkasama lang kami buong araw at nagpapalitan ng regalo para sa isa't-isa. Kasi para sa amin, sobrang halaga na basta magkasama kami.

 Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng cellphone kong nag-riring. Alam kong si Miko ang tumatawag dahil s'ya mismo ang nag-set ng personal ringtone para sa sarili n'ya.

"Morning," bati ko nang masagot ko ang phone.

"Dungaw ka sa bintana, Chi," sabi n'ya.

Napaupo ako sa kama at kinusot-kusot ang mata ko.

"Ano meron?" tanong ko.

"Bangon ka na kasi, at sumilip sa labas," utos n'ya sa pinakamalambing na boses. Posible pala talagang maging parang music sa ears mo ang isang utos?

Binaba ko ang phone at tumayo ako sa kama nang medyo inaantok at pahikab-hikab pa. Hinawi ko ang kurtina na nakaharang sa bintana at binuksan ito. Ang una kong nakita ay dilaw. Dilaw na paborito kong kulay.

May mga nakasabit na kulay dilaw na balloons sa puno sa gilid ng bintana ko. Inabot ko ang pinakamalapit at pinakamaaabot kong balloon at tinanggal ang pagkakabuhol nito sa sanga ng puno.

23. Nakakaakit 'yung mata mo 'pag tinititigan mo ako.

Nung una ay nagtaka ako kung anong ibig sabihin n'un kaya kumuha na ako ng gunting at pinilit na kunin lahat ng balloons na makukuha ko.

4. Pamatay 'yung ngiti mo.

18. Sobrang bango kasi ng buhok mo.

27. Gustong-gusto ko kasing paglaruan 'yung mga daliri mo.

29. The best ang mga stolen shots at selfies mo.

At marami pang iba. Na-realize ko na mga dahilan ito. Dahilan ng ano ay hindi ko pa alam.

Agad kong dinial ang number ni Miko, at sa unang ring palang ay sinagot na n'ya ito na parang naghihintay talaga ng tawag ko.

"Ya! Anong meron? Ano 'to?" pambungad ko pagkasabi palang n'ya ng 'Hello'.

"Nasa baba ako ng bahay n'yo. Papasukin mo naman ako oh," malambing na naman n'ya inutos.

"What? Sa bahay namin? At..." napatigil ako at tumingin sa digital na orasan sa mesa sa tabi ng kama ko, "At 6:49 in the morning? Are you for real?"

"You know I'm serious, Chi," sabi n'ya.

Bumuntong-hininga ako dahil alam kong wala na naman akong magagawa.

"Okay. Wait lang," sagot ko.

Dali-dali akong pumasok sa banyo at nag-toothbrush. Pinaltan ko na rin ang suot kong pantulog ng puting t-shirt na may mukha ni Spongebob at maong na shorts. Pagkatapos ay naglakad na ako pababa habang tinatalian ang buhok ko dahil hindi ko na ito nasuklay pa.

Pagbukas ko ng pintuan namin ay dilaw ulit ang una kong nakita. Puno ng kulay dilaw na rosas ang labas ng bahay namin. Maayos na naka-arrange ito sa maliit na yard sa labas ng bahay, at sa may pinakadulo, doon nakatayo si Miko na may hawak na isang lobo.

Naglakad ako ng mabilis papalapit sa kanya. Nang magkaharap na kami ay inabot n'ya sakin ang lobo.

9. Wala na akong ibang kilala na laging eksakto 'pag nagsasabi ng oras.

Napangiti ako. Nasanay kasi ako sa digital na orasan sa may kama ko at sa digital na oras din mula sa cellphone ko.

"Ano ba 'tong mga 'to?" tanong ko sa kan'ya.

"Balloons?" natatawa n'yang sinabi, "Biro lang. Mga dahilan 'yan."

Kumunot ang nooko, "Dahilan ng what?"

Hinawakan n'ya ang magkabila kong pisngi at kinurot ito, "Dahilan kung bakit love na love kita."

Nagpout ako sa ginawa n'ya at tinanggal ang kamay n'ya sa pisngi ko, "Pero seryoso, Miko. Ano bang meron?"

"Happy anniversary, Chi," bati n'ya.

Ngumiti ako kasabay ng pagtataka ko, "Next week pa anniversary natin ah? Napaaga ka ata? O nakalimutan mo na ang date ng anniversary natin?"

Napansin kong nagbago ang expression ng mukha n'ya at tumungo lang s'ya sa halip na sumagot. Hinawakan ko ang magkabila n'yang pisngi at iniangat ulit ang ulo n'ya.

"Uy, bakit nga?" tanong ko ulit.

"Eh kasi..." nag-aalinlangan n'yang sinabi, "Hindi natin ma-cecelebrate 'yung anniversary natin ng magkasama next week."

Nagtaka naman ako, and at the same time ay nalungkot sa sinabi n'ya.

"Aalis kasi ako next week. Sa Indonesia 'yun. One week akong mawawala. Requirement daw kasi 'yun eh," pag-eexxplain n'ya.

Malungkot man ay tumango ako, "Okay lang 'yun. Marami pa naman tayong taon na ipagcecelebrate natin na magkasama."

"Sorry talaga, Chi. Hindi na kasi ma-iiresched pa eh. Pero one week lang naman. Kaya nga i-celebrate na natin ngayon, ha?"

Alam ko na mabigat na ang pakiramdam n'ya kaya pinilt kong ngumiti. Para isang linggo lang naman kaming hindi magkikita eh. It's not like hindi na s'ya babalik, 'di ba?

So we itinuring namin na anniversary ang araw na 'to kahit hindi naman talaga. We spent the whole day with each other. Bawal ang istorbo. Ngayon, siya at ako lang muna.

"Gusto ko ng cotton candy," bigla kong nasabi habang naglalakad kami, "Tsaka ice cream."

Tiningnan n'ya ako ng nakakunot ang noo, "Masama 'yan sa health, Chi. Saka nakakataba 'yan!"

Nagpout naman ako sa kanya, "Bakit, hindi mo na ba ako mahal 'pag tumaba na ako?"

"Walang makakapagpabago ng pagmamahal ko sa'yo, Chi. Alam mo 'yan," seryoso n'yang sinabi, "Concerned lang ako."

Alam ko naman 'yun. Gusto ko lang talagang manggaling mula sa kanya. Kasi kahit hindi pa kami kasal, ramdam ko na nakatali na kami sa isa't-isa. 'Yung parang nangako na talaga kami ng ''til death do us part'.

* *

Madalas, 'pag ayaw mong sumapit ang isang araw, lalong mas mabilis itong dumarating. Gan'on ang nangyari. Nasa airport na kami ngayon, at nagpapaalam kay Miko.

"Hey, I'll miss you," sabi n'ya habang yakap-yakap ako.

"Arte nito! One week lang eh," biro ko kahit na alam kong ma-mimiss ko rin s'ya ng sobra.

"I love you, Chi," dagdag n'ya pagkabitaw namin sa yakap.

"I love you, too," sagot ko, "Advanced happy anniversary."

Hindi s'ya sumagot, sa halip ay hinalikan n'ya ang noo ko. Alangang oras ngayon. Mag-aalas onse na ng gabi kaya aabutin s'ya sa eroplano ng pagsapit ng anniversary namin bukas.

 Umuwi ako ng medyo naiiyak. Gusto ko talagang umiyak kasi honestly, big deal sa'kin na hindi kami magkasama bukas pero nagpigil ako kasi alam kong pag umiyak ako ay lalo lang magi-guilty si Miko.

Pagdating sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto, hindi pa man nakakapagpalit ng damit ay humiga na ako sa kama. Ayaw ko pang magbihis kasi naaamoy ko pa kahit paano si Miko; pwede ko pang imagine-in na yakap-yakap n'ya ako.

Hindi ako nakatulog at buong gabi lang akong nakatingala. Hindi ko alam kung anong meron pero kahit anong pilit ko, hindi ako dinadalaw ng antok at kahit na ipikit ko pa ng ipikit ang mga mata ko ay parang kusa lang silang mumumulat.

Na-realize ko lang na umaga na pala nang kinatok ng kapatid ko ang pintuan.

"Chi, bumangon ka nga!" pagkasabi n'ya n'on ay kinabahan ako pero mas lalo akong kinabahan nang pumasok na si Mama sa kwarto ko.

Tiningnan ko ang orasan sa gilid ng table ko. At naisip ko si Miko nang makita ang oras.

"Ma, anong meron at nambubulabog kayo? 6:49 palang oh!" sabi ko.

Tiningnan lang ako ni Mama na parang naiiyak s'ya. Lalo akong naguluhan dahil hindi naman s'ya sumasagot hanggang sa naalala kong anniversary nga pala namin ni Miko ngayon.

"Anniversary nga pala namin! Nasa Indonesia na s'ya ngayon 'no? Sabi ko mag-online s'ya agad eh," sabi ko sabay kuha sa phone ko para batiin ang boyfriend ko.

Nagulat ako nang hinawakan ni Mama ang kamay ko para pigilan ako sa pagkuha ng phone ko. Umiling si Mama at binuksan ang TV sa kwarto ko.

"Sorry, anak," sabi ni Mama.

"Bakit ba, Ma?" nag-aalala kong tanong hanggang sa mapatingin ako sa TV.

Fina-flash ang isang balita tungkol sa nag-crash na eroplano kagabi papuntang Indonesia.

Hindi ko alam kung ano nang pinoproseso ng utak ko hanggang sa finlash ang mga pangalan ng kinilalang namatay sa insidente, at hindi ko alam na sa oras na 'yun pala ay guguho na ang mundo ko.

Dapat hindi ko s'ya pinaalis. Dapat pinilit ko s'ya na dito nalang sa tabi ko. O kaya dapat sinamahan ko s'ya. Bakit kailangang mangyari 'yun? Ano bang kasalanan n'ya? Ano bang kasalanan ko?

Ang tangi ko nalang na naririnig ay ang boses n'ya sa utak ko na sinasabi kung gaano n'ya ako kamahal. Nawala na ang tunog ng TV, pati ang tunog ng mga hikbi ko. Wala na rin pati ang boses ng Mama ko na tinatawag ang pangalan ko.

* *

"Si Miko ang greatest love of my life. Mahal na mahal ko s'ya to the point na pakiramdam ko kulang pa ang salitang 'mahal' para i-define ang nararamdaman ko para sa kanya," pagsisimula ko habang kaharap ang lahat ng kamag-anak, kaibigan at mga taong dumalo sa libing ng taong mahal ko. "Hindi ko ikukwento sa inyo kung paano kami nagkakilala at nagmahalan kasi pakiramdam ko ay buong buhay ko na s'yang kasama at minamahal, kaya sasabihin ko nalang sa inyo kung ano ang true love para sa'kin - para sa amin ni Miko. Hindi kami nag-uusap ni Miko tungkol sa future namin. Hindi kami nag-uusap tungkol sa kasal o mga bagay na katulad n'on. Kasi kahit hindi namin pag-usapan 'yun, alam ko sa sarili ko na nakabuhol na kami sa isa't-isa. Sabi ko pa noon, kahit hindi na kami magpakasal, may pangako na kami 'til death do us part'. Pero siguro napatunayan kong mali 'yun ngayon. Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa bilang ng taon na nand'yan kayo sa tabi ng isa't-isa. Kasi na-realize ko na ang dalawang taong tunay na nagmamahalan ay hindi mapaghihiwalay ng kahit kamatayan. Balang araw, magkikita pa kami ni Miko. Balang araw, hahawakan ko ulit ang kamay n'ya. Balang araw, hindi na kami lalayo sa isa't-isa. At balang araw, kahit ilang kamatayan pa ay hindi makakapaghihiwalay sa'min."

Hindi ko namalayan na umiiyak na ako kung hindi ko napansin na basa na ang papel na hawak ko. Napatingin ako sa mga tao. Ang mama ko at mommy n'ya na parehong humagulhol sa iyak at ang mga tatay naming dinadamayan sila. Ang mga kaibigan namin ay ganoon din at umiiyak.

Pinunasan ko ang luha ko. Tapos na sana ang maigsi kong speech, pero muli kong itinapat sa bibig ko ang mic at nagsalita ng huli kong pangungusap.

"Hindi na ako iiyak, kasi balang araw, kahit gaano pa katagal, alam kong mapapatunayan namin kami pa rin ni Miko ang para sa isa't-isa."

fin.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

10.4M 565K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
708K 15.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!