Crazy Textmates to Crazy Coup...

Από chumeleven

32K 511 119

ORIGINAL RATING: PG-13 Paano kung nagka-crush ka sa ka-textmate mo kahit hindi mo pa siya nakikita sa persona... Περισσότερα

Author's Note:
CHAPTER 1: First Day
CHAPTER 2: Heartbeat
CHAPTER 3: Amazona
CHAPTER 4: First Conversation
CHAPTER 5: Confession and Meet-up
CHAPTER 6: Announcement
CHAPTER 7: The Meet-up
CHAPTER 8: Soulmates?
CHAPTER 9: Confused
Author's Note 2: (Echos ko lang. Haha.)
CHAPTER 10.1: Couple of the Year
CHAPTER 10.2: Caught in the Act
CHAPTER 11.1: The Beach
CHAPTER 11.2: Glad you came
CHAPTER 12.1: Something's fishy
CHAPTER 12.2: First Move
CHAPTER 13: Instant Celebrity
CHAPTER 14.1: Cupcake
CHAPTER 14.2: Revelation
CHAPTER 15.1: Stop loving me
CHAPTER 15.2: Desperation
CHAPTER 16.1: Realization
CHAPTER 16.2: Cookies
CHAPTER 17: Set-up
CHAPTER 18.1: El Nido
CHAPTER 18.2: Conversation
CHAPTER 19: Resthouse
CHAPTER 20: Meet Elise
CHAPTER 21: Is it a sign?
CHAPTER 22: History repeats itself?
CHAPTER 23: The Plan
CHAPTER 24: Weird signs
CHAPTER 25.1: Be my girl
CHAPTER 25.2: Unexpected Changes
CHAPTER 26: His Fate
CHAPTER 27: Rainbow after the rain
CHAPTER 28: Hatred
CHAPTER 29.2: No happy ending?
CHAPTER 30: Starting Anew
Author's Note: Para sa mga readers! :D

CHAPTER 29.1: Revenge

621 8 0
Από chumeleven

 (A.N: Dedicated to shiqatsu. Thank you for adding my story to your reading list. :D)

                “Love, kailangan kong umuwi ng Cebu. Walang kasama yun kapatid ko para magbantay kay Lolo Ed.” Turan ni Jen kay Adrian. Nasa parking lot sila ngayon ng Maryland Academy nang tumawag si Jess para ibalita ang nangyari kay Lolo Ed.

                “Sige, magpapaalam ako kay Mom at Dad mamaya pag-uwi natin. Sasamahan kita sa Cebu. Hindi ka pwedeng pumunta doon ng mag-isa.” Sagot naman ni Adrian. Hindi niya pwedeng pabayaan ito lalo na’t maselan ang pagbubuntis niya.

                “Opo. Tara na?” sumakay na sila ng sasakyan at agad na nilisan ang academy. Wala silang kamalay-malay na naka-park lang sa tabi nila si Denver, ang kakambal ni Jeremy.

                “Cebu? Hmmm. Mukhang maganda kung doon ko gagawin ang plano. Umaayon talaga ang lahat sa akin.” ani ni Denver at sumakay na sa kanyang motor. Bibili na rin  siya ng ticket ngayon papuntang Cebu.

Lee Residence

                “Dad, pupunta kami ng Cebu ni Jen.” Bungad ni Adrian sa daddy nito na nasa opisina at busy sa pagtratrabaho.

                “Cebu? Kailan ang alis nyo?” tanong nito.

                “Bukas sana, pero hindi pa kami nakakakuha ng ticket ni Jen. Magpapabook pa lang kami mamaya.”

                “Adrian, bakit hindi mo na lang antayin ang Lolo Vin mo? Pupunta rin siya ng Cebu. Dadalawin niya ang matalik na kaibigan niya na nakatira doon.”

                “No, Dad. Kailangan na si Jen doon. Walang kasama ang kapatid niya sa pagbabantay kay Lolo Ed.”

                “Kung ganoon, mas mabuti nga na mauna na kayo ni Jen. Kami na lang ang sasabay kay Lolo Vin mo papunta ng Cebu.” Nagulat sa Adrian sa tinuran ng kanyang daddy.

                “Ano?! Pupunta din kayo ng Cebu?!”

                “Oo, naisip ko kasi na kailangan din namin magpahinga sa trabaho at gusto ko rin makilala ang Lolo ni Jen. Tamang-tama, uuwi din ang Lolo Vin mo.”

                “Sige, Dad. Magpapabook na kami ni Jen.” Pagkasabi noon ni Adrian ay agad itong lumabas ng opisina ng daddy niya para balitaan si Jen.

Naabutan ni Adrian si Jen na nag-eempake na ng mga dadalhin niya sa Cebu. Balak ni Jen na ilang linggo mamalagi doon habang nagpapagaling si Lolo Ed sa kung anuman sakit nito.

                “Jen, bukas na ang aalis natin. Pumayag naman si Dad na mauna na tayo doon. Gusto sana niya sa sabay na tayo kay Lolo Vin dahil pupunta rin pala ito ng Cebu.”

                “Ok. Ikaw, mag-empake ka na.” Utos nito kay Adrian, imbis na sundin ang utos ni Jen ay lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

                “Love, magiging maayos ang lahat.” Pagkasabi ni Adrian noon ay tumulo ang luha ni Jen. May katandaan na din si Lolo Ed, pero gusto ni Jen na makita pa nito ang anak niya kapag isinilang na niya ito. Si Lolo Ed na lang kasi ang tanging tao na nag-alaga sa kanila ng kapatid niya na si Jess.

                “Love, thank you.” Ani ni Jen kay Adrian. Pinahid ni Jen ang kanyang mga luha. Inaalala din nito ang kanyang baby. Dapat siyang magpakatatag para sa baby niya at para kay Lolo Ed. Bumalik na siya sa pag-eempake habang si Adrian naman ay nagsimula na din mag-empake ng mga gamit nito.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ilang oras na din naghihintay si Jessie sa resulta ng test na isinagawa ng mga doktor sa Lolo Ed niya. Hindi pa siya kumakain dahil wala rin naman siyang kapalit na magbabantay kay Lolo Ed. Si Manang Joy na katulong nila sa bahay ay umuwi sa probinsya nito para magbakasyon ng isang linggo. Tahimik na nakaupo si Jessie sa tabi ni Lolo Ed. Nasa isang private room na ito. Hindi nito alam kung bakit doon ito inilipat ng mga nurse. May tumawag daw sa ospital at doon daw pinalilipat si Lolo Ed.

*TOK* *TOK*

Isang doktor ang pumasok sa loob ng kwarto ni Lolo Ed. Gising pa rin si Jessie at matyagang binabantayan ang kanyang Lolo.

                “Ikaw ba ang kamag-anak ni Edwin Choi?” tanong nito kay Jessie.

                “O-opo. Apo niya po ako. Ano pong resulta ng mga test, doc?”

                “Ayon sa pagsusuri namin, na-stroke ang lolo mo. Buti na lang at naagapan ito, kung hindi ay baka patay na ang lolo mo ngayon.” Nagulat si Jessie sa tinuran ng doktor. Hindi niya akalain na magiging ganito ang kalagayan ng Lolo Ed niya. Magana naman itong kumain at puro gulay, isda at prutas ang kinakain nito.

                “Kung ganoon po, bakit hindi pa rin siya gumigising? Diba po, dapat ay gising na siya?”

                “He’s in state of coma for the meantime, pero stable na ang kanyang kalagayan.” Napaluha si Jessie sa sinabi ng doktor. Hinawakan niya ang kamay ni Lolo Ed at hinaplos ito.

                “Maiwan na muna kita. Huwag kang mag-alala. Malakas ang lolo mo. Malaki ang chance na magigising siya.” Lumabas na ang doktor pagkasabi noon kay Jessie.

                “Lolo Ed, magpakatatag ka ha? Huwag mo muna kaming iiwan. Papunta na si Ate Jen dito.” sambit nito habang patuloy siya sa pag-iyak.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kalalapag lang ng eroplano na sinakyan nila Adrian at Jen sa airport. Hindi mapakali si Jen at atat na siyang pumunta ng ospital. Gusto na niya makita si Lolo Ed lalo na’t binalita na ni Jess sa kanya ang sinabi  ng doktor. Mas lalo tuloy siyang nag-alala sa kalagayan nito.

                “Love, maupo ka muna.” Turan ni Adrian dahil hindi mapakali si Jen at kanina pa lakad ng lakad habang inaantay ang sundo nila. May kaibigan ang daddy ni Adrian na naka-base dito sa Cebu ngayon. Pinahiram muna nito ang driver at ang isang sasakyan nito. Pwede daw nila itong gamitin habang nasa Cebu sila.

                “Matagal pa ba?” tanong ni Jen kay Adrian. Wala pa naman silang sampung minuto na naghihintay pero parang ang bagal ng takbo ng oras para kay Jen. Kanina pa gusto makita ni Jen si Lolo Ed pati na rin ang kapatid nitong si Jess. Umupo naman si Jen at tumabi kay Adrian. Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ni Adrian.

                “Love, andyan na ang sundo natin.”sambit ni Adrian matapos ibaba ang tawag. Dali-dali naman lumabas sila Adrian at Jen sa airport. Nakita naman nila agad ang driver na pinadala ng kaibigan ng daddy ni Adrian.

                “Magandang umaga sa inyo. Pasensya na at na-late ako ng dating. Ma-traffic kasi. Saan ba tayo tutuloy?” tanong ni Mang Ben.

                “Magandang umaga din ho. Sa ospital muna ho tayo tumuloy.” Sumakay na ang dalawa sa kotse at hinatid sila ni Mang Ben sa ospital kung saan naka-admit si Lolo Ed. Nag-stopover muna sila sa isang restaurant para bumili ng pagkain nila at para na rin kay Jess. Paniguradong hindi pa ito kumakain.

Hospital

Naalimpungatan si Jess sa katok mula sa pinto ng kwarto ni Lolo Ed. Tiningnan muna niya ang oras, 8 AM na pala. Tumayo si Jess at binuksan ang pinto.

                “Ate Jen!” salubong ni Jess kay Jen at niyakap ito. Pumasok ang dalawa at saka umupo sa tabi ni Lolo Ed para tingnan ang kalagayan nito.

                “Jess, kumain ka na muna. Alam kong hindi ka pa kumakain. Inabutan niya ito ng pagkain na tinake-out nila kanina.”

                “Thank you, Ate.” Habang nag-uusap ang si Jen at Jess ay tahimik lang na nakatitig si Adrian sa kanila.

                “Oh, love. Bakit tahimik ka? Ay, syanga pala, Jess. Si Adrian, fiancée ko. Adrian, si Jess, kakambal ko.” Turan ni Jen habang si Adrian naman ay tumayo para makipag-kamay kay Jess.

                “Love, pasensya ka na. Nakalimutan kong sabihin sayo na kakambal ko si Jess. Siya ang naiwan dito sa Cebu para magbantay kay Lolo Ed. Sa Manila din sana mag-aaral si Jess kaso lang, hindi siya nakakuha ng scholarship, kaya minabuti ni Lolo na dito na lang mag-aral si Jess at ako naman sa Maryland Academy. Balak ko sana, pag nakapagtapos na ako ng college ay babalik ako dito sa Cebu para mag-trabaho at para makasama ko sila, pero nagbago lahat ng iyon nang makilala kita.” Hinaplos ni Jen ang mukha ni Adrian.

                “Ate, nakakakilig naman kayo ni Kuya Adrian.” Sambit ni Jess. Nakagawian na ni Jess ang pagtawag ng Ate kay Jen dahil ito nga ang panganay.

                “Magtigil ka nga dyan. Kumain ka na.”

                “Ate, uuwi muna ako sa atin ha. Kailangan ko na maligo, amoy pawis na ako.”

                “Ganoon ba? Ipapahatid na lang kita kay Mang Ben.” Ani ni Jen.

                “Ah, sige.” Hinatid na muna ni Adrian si Jess sa parking lot kung saan naka-park ang sasakyan na minamaneho ni Mang Ben.

Pabalik na sana si Adrian sa loob ng ospital ng may maaninag siyang tao na nakatayo sa poste malapit sa sasakyan. Isa mga pinagtataka ni Adrian, ay kamukha ito ni Jeremy. Tumaas ang mga balahibo niya ng maalala niya ang kinuwento ni Jen noon isang araw tungkol sa pagmumulto ni Jeremy. Nagkibit-balikat lang siya sa nakita at dali-daling pumasok sa loob.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Agad na sinundan ni Denver ang sasakyan kung saan nakasakay ang pakay niya. Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa isang bahay. Ngayon na isasagawa ni Denver ang kanyang plano. Ayaw na ayaw niyang nag-aaksaya ng oras lalo pa’t gusto na niyang makaganti sa babaeng dahilan ng pagkamatay ng kakambal niya na si Jeremy.

Halos isang oras din naghintay si Denver at nakita niyang lumabas si Jess sa bahay. Bagong ligo ito at may dalang bag na naglalaman ng mga damit. Sinuot na ni Denver ang shades at cap. Inilagay na din nito ang baril niya sa likuran niya. Hawak na din niya ang panyo na itatakip niya sa ilong ni Jess. Nilagyan niya iyon ng gamot kung saan ang makakaamoy noon ay mawawalan ng malay.

Bumaba na si Denver ng kotse, sinigurado muna nito na walang ibang tao sa paligid at saka lumapit kay Mang Ben na pinagbuksan ng pinto si Jess. Agad niyang pinukpok ng baril sa ulo si Mang Ben at hinayaang matumba sa kalsada.

Bago pa man makaalpas ng takbo si Jess ay hinawakan na ito ni Denver sa braso si at tinakpan ng panyo ang ilong nito. Ilang segundo lang ay nawalan na ng malay si Jess at dinala ni Denver sa kanyang sasakyan.

Mabilis na ini-atras ni Denver ang kotse at umikot para dalhin si Jess sa isang abandonadong pagawaan. Umaayon ang lahat sa plano nito. Bago pa man lumipad ng Cebu si Denver ay naayos na niya lahat gamit ang kanyang mga koneksyon. Malaking ngiti ang mababakas sa mukha ngayon ni Denver. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Pasensya na po at ngayon lang ang update. Medyo nahihirapan ako sa ending. Hehe.

Vote at comment po kayo! Thank you! :D

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

RUN AS FAST AS YOU CAN (Completed) Από Ice Bear is Cool

Επιστημονικής φαντασίας

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
The Billionaire's Obsession Από Jamille Fumah

Γενικό Φαντασίας

20.9M 513K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
350K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...