When she met Mr. Gangster(COM...

De MiYuRi

901K 7.9K 530

Lilinawin ko lang ha, hindi siya gangster na katulad ng nasa isip niyo. Ang "Gangster" sa panahon ngayon ay h... Mais

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
EPILOGUE

Chapter 6

22.6K 248 12
De MiYuRi

Pagkatapos ng klase ko, kailangan kong hintayin si El para sabay kaming umuwi. May isang oras pa siya. Pumunta muna ako sa quadrangle para tumingin tingin ng mga pub mats ng Tinig Malaya organization, nang may dumaang mga naka black na suit na mga lalake pero naka maong na pants. Pamilyar 'yung isa pero hindi ko masyado makita mga mukha dahil medyo malayo ako. Pinagtitinginan sila ng mga tao.

"Sino 'yon?", tanong ng isang, sa tingin ko ay freshie din sa isang org member ng Tinig Malaya.

"Ah, 'yan sila 'yung Wild Slayers. Top ranks sa pinaka controversial na gang dito sa school. They're composed of very unapproachable elites. Mayayabang 'yang mga 'yan since sa lahat ng gangs dito, sila ang may pinakamalawak na connections. They're all trained with combat sports that's why they're always part of the security team or core staff if may VIP sa school or even outside. Sa Wild Slayers pinakamahirap pumasok na gang." Sabi niya na parang memoryado niya ang script na 'yon. Tinignan ko siya na may pagtataka. "Ah, sa dami ng nagtanong sa akin freshie niyan, memoryado ko na ang script na 'yan. Well, feel free to crush on them.", sabi niya at tumawa.

"Do you know them?"

"You don't know them?!", tanong niya na may pagkabigla. "Ah, freshie ka siguro. Alright, here's a quick description. Those four are the top officers of Wild Slayers. Si Devil Slayer or Joshua, 'yung pinakamatangkad at moody, he's the leader because he got the most number of votes, connections and skills. Skill, I mean certificates, trainings, awards, accreditation ng mga physical skills niya. Si Lion Slayer or si Kirt, ang susunod, tapos si Ghost Slayer or Adam, Rank 4 at si Monster Slayer or Brent Rank 4 din. Ang baduy ng pangalan nila noh?", tanong niya. Tumango ako. Para silang mga characters sa Ghost Fighter.

"Sophisticated as they are, sa sobrang exclusive ng gang nila, maraming tsimis na may mga underground activities sila. Pero walang evidence kaya considered as rumors lang. Including 'yung black card."

"Black card? Meteor Garden?"

"Exactly! Matakot ka talaga pag isang araw nakatanggap ka ng Black Card. Naniniwala ang lahat na sa Slayers galing 'yon, pero walang evidence na sakanila nga. Kung nakatanggap ka noon, magtago ka na, lumipat ng school o magpakamatay."

"Totoo ba?", tanong ko.

"Sa lahat ng schools may mga kwentong ganito. Pero toong may black card, very rare nga lang 'yon. Hindi pa ako nakakita pero etong mga kwento na 'to ang panakot namin sa mga freshies, natakot ka ba?", tumawa siya.

"Hoy, lubayan mo na yang freshie.", sabi nung isang taga Tinig Malaya din.

Kaya raw marami silang tsismis kasi never silang nagsalita in public. Para silang Cullen family sa twilight, puno ng misteryo. Nakakatakot.

"Alam niyo bang may nagpakamatay na ng dahil sakanila? Pero walang gustong magsalita sa nangyari kaya hanggang ngayon wala pa ring sagot kung bakit nagpakamatay yung lalake.", sabi nung isang member.

"Totoo ba 'yan? Parang may ganyang kwento din sa kabilang school ah?"

"Ah, hindi ba dito yon?", nagtawanan uli siya. Mga loko-loko, grabe sila manakot.

Nagtext si El na nasa canteen siya para magmeryenda bago kami umuwi. Nakita ko siyang nakaupo at kumakain ng pizza. Naki-upo at nakipagkwentuhan si Zed sa amin.

Nagkukulitan kami nang masagi ni Zed 'yung bote ng juice at natapunan sa sapatos 'yung isang dumaan na estudyante.

Si Josh? Tinignan ni Josh si Zed ng seryoso at tinignan ang sapatos niya.

"Lagot, 'yung sapatos ni DS.", bulong nung isang babaeng nasa kabilang table na parang takot. Nakatingin ang mga nakapaligid na mga eatudyante sa amin. "Mag-sorry kayo dali."

"Sorry po.", sabi ni Zed na hindi sincere. Mukhang hindi ito nagustuhan nung Josh, or Devil Slayer or kung sino man siya.

Hinawakan ni Josh sa collar si Zed na walang sinasabi pero nanlilisik 'yung mata.

"Hoy! Anong ginagawa mo?!", sigaw ko. Nagsitayuan ang mga tao sa paligid namin at umiwas ng tingin. Tinignan niya lang ako at ngumiti, that smile really gives me the creeps!

"Sorry? Hindi maibabalik ng sorry mo 'yung nangyari.", sabi niya kay Zed. Inalis ko 'yung kamay ni Josh sa collar ni Zed. Hinawakan niya ako sa collar at tinignan niya ako ng may creepy smile. Parang napanuod ko na 'to sa Meteor Garden ah. Sorry, pero hindi ako si San Chai na hindi kayang protektahan ang sarili.

"Freshie?", tanong niya. Hinawakan ko siya sa braso at ibinaliktad siya sa sahig. Nagulat siya at hindi na nakapalag. Nagulat ang mga tao. Pasensya na kayo, hindi ako pinalaki na hinahawakan lang ng kung sinu-sino sa kwelyo.

Tumayo si Josh at akmang susugod sa akin pero pinigilan siya ng mga kasama niya. Mukhang sila 'yung nakita kong Slayers na kasama niya kanina. Umalis sila sa canteen at nagbulungan ang mga tao.

"Cass, bakit mo ginawa 'yun? Babalikan ka ng mga Wild Slayers, 'yung black card!", sabi ni El.

"We don't have any evidence na galing sakanila 'yon. Tsaka ano bang mangyayari kung nakatanggap ka ng black card?"

"Ewan ko."

"See, its like urban legend. Ano bang magagawa nila sa akin? Kung sasaktan nila ako, I can report them. May number ako ng school director."

"Whatever you say, just be careful. Don't ever interact with them again.", sabi ni El. Napansin naming naka yuko lang si Zed at nanginginig. "Huy, okay ka lang?"

"Sorry Cass, hindi man lang kita ma-defend, nanginginig ako eh. Nakakatakot sila."

"Okay lang ano ka ba, walang magagawa sa atin 'yung mga 'yon.", sabi ko with assurance.

Sinong matatakot sa mga immature na mga kapreng yon?

Continue lendo

Você também vai gostar

9.7K 115 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
369K 9.4K 47
Kahit kasal na ako at pamilyado na ako, Wala pa ring sinuman ang makaka-pantay sa trono ko. I, Franshezcka Fritz Smith ang nag-iisang SIKAT NA REYNA...
1.3M 14.3K 43
What will happen if the Princess in Disguise meets the Arrogant Prince and they are the opposite of each othe? Will they be attracted to each other...
1.1M 27.1K 62
[COMPLETED] [WINGSTONE Series #1] Zia Park. Isang certified good girl. Mula ng mamatay ang kanyang magulang ginugol nya ang kanyang oras at panahon...