Flappy Bird Nanaman?

De Sacchii

60.7K 903 267

Alam mo ba yung nakakasira sa isang relasyon? Yun ay yung mas ADIK pa ang girlfriend mo sa isang laro kesa sa... Mais

Flappy Bird Nanaman?

60.7K 903 267
De Sacchii

WARNING: Korni pick-ups. May die out of maisness.

LONG version of FBN can be found on the ext. link at the side. Entitled: Flappy Bird Love Affair.

Yeah, I'm a crazed for birds.

                                                   .          .           .

                               Flappy Bird Nanaman? (One Shot)

                                                  .          .           . 

        Natuloy nadin ang inaasam asam naming date ni Ryan! Grabe napakasaya! Sino si Ryan? Haha wala lang, hubby ko! Pinakapoging nilalang sa puso ko, at sino naman ang dyosa sa mga mata niya? Syempre wala ng iba kundi ang kanyang napakagandang waify na si Christine*ehem* Chua~ joke. Feelingera lang talaga ako.

Pero kahit minsan medyo nadidistract parin ako sa Flappy Bird dahil may laro ding ganun si Ryan sa cellphone niya... wala eh, gamer ako :D Wait, joke! Flappy Bird lang pala ang kinaaadikan ko, sino ba naman ang hindi mabubwiset sa pixelated na ibong yun na hindi parin mamatay matay? Diba? Charot!

"Ryan! Paheram phone... please?" nagpupuppy eyes ako kay Ryan, for short nagpapacute.

"Para saan ba? Kanina ka pa hiram ng hiram ah." nakakunot ang kanyang kilay, medyo nababadtrip narin ang kanyang boses.

"Please? Basta kailangan ko lang talaga." pagpipilit ko, nagbuntong hininga muna siya bago niya ibigay phone niya saakin,

"Thank you!" in-open ko narin ang laro at nagsisimulang magtap ulit. Hininaan ko volume syempre, baka mamaya magtampo pa 'yan saakin dahil nagfaflappy bird nanaman ako.

"Tara punta tayo dun" pagtuturo niya sa isang direksyon.

Lumingon nadin ako at nakita ko ung ferris wheel. "Huh? Sasakay tayo dun?"

"Oo, dali! Tayo ka na dyan" hinawakan niya ang kamay ko sabay hila saakin papunta doon. Pinresenta namin ang 'ticket bracelet' namin kumbaga, ride-all-you-can! Buti nalang ang bait ng boyfriend ko at alam niya kung saan ko gusto!

"Bilisan mo na!" hinila niya ako ng medyo may pwersa kaya muntikan na akong matapilok, buti nalang at nasalo niya ako.

"Ah! Sorry" medyo binagalan niya ang paglalakad niya. Natutuwa ako sakanya,

"Haha, medyo atat?" humarap siya saakin at medyo napakamot sa batok niya.

"Hmm, eh kasi unang date natin 'to.. 'di ko pa alam kung nag-eenjoy ka.." Hala? Anu daw? Bakit hindi ako mag-eenjoy?

"Bakit naman hindi ako mag-eenjoy? Basta't kasama kita. Buo na araw ko" pinisil ko ng mahina ang kanyang pisngi, ayieee napakacute niya!

Bigla nalang may sumira ng good mood namin..

"Ryan! Ryan!" lumingon kami sa boses na tumatawag sakanya, "Ryan! Binge!!"

Nakita ko ang isang babae na kagandahan pero medyo boyish ang kanyang damit, may bag pang pang elementary at nakasumbrero pa. Short Brown hair pa, Parang adik lang.

"Oh? Bea!" ngumisi si Ryan nang mapalapit si Bea "Bakit ka nandito?"

"Ah? Haha! Sinundan kita!" Sinundan?? Dafudge! May gusto ka ba sa boyfriend ko?? Bigla siyang lumingon saakin, "Oh, eto ba si Christine?"

"Oo eh, bakit ka nga ba kasi nandito?" pangungulit ni Ryan, teka paano niya nalaman pangalan ko? At bakit feeling ko biglang chinange topic ni Ryan ung tanong? 'Di naman siguro.

"Wala lang, trip trip lang. Sige na bye! Text text nalang mamaya!" then tumaakbo na siya paalis. Tumingin(actually nag-glare) ako kay Ryan dahil hindi niya pa ako pinapakilala sakanya.

"Sino ba siya?"

"Ah wala, mga kakompetensya ko lang. Uy dali na! Punta na tayo sa ferris wheel!" hinila niya ulit kamay ko. Eto nanaman siya, iibahin ang topic, Tell me more!

Habang nasa ferris wheel kami 'di ko siya kinakausap! Che! Mabulok ka sana diyan Ryan! Biruin mo, ako na girlfriend niya di man lang ata ako iniintroduce sa iba? AYHEYTYU. Immature na kung immature! Kinuha ko sa bulsa ko ung phone niya(which is nasa akin pa) at sinimulan nang maglaro ulit ng flappy bird.

Tap here, tap there, then biglang FALL! Aray, high score ko nanaman ay 4 ajuju! Kelan ba ako tataas para mahigitan narin ang mga kaklase namin? Nakita ko yung best score doon,

99!! putubumbumpancitcantonkalaberchikimberlupowtahsheythanips! ONE NALANG MAGIGING ONE HUNDRED NA! Ang galing naman ni Ryan! Tinignan ko siya na medyo may panlulumo. Nakita kong tumitingin siya saakin, medyo nakangiti narin. Ngayon lang siya ulit ngumiti na medyo sincere.

"Sorry masyado kitang pinepressure, alam kong hindi mo talaga kayang pigilan ang nakahiligan mo na." Aray. medyo natamaan ako doon ah? Feeling ko tuloy guilty ako...

...Kaya ayun, ilang days nang nakalipas pagkatapos nung best first date ever namin, tuwing hahanapin ko siya sa room nila wala na siya. Kahit recess man lang or lunch wala parin siya sa classroom niya.

"Si Ryan?" tanong ko sa mga kaibigan niya.

"Ryan? Ay wala, kakaalis lang niya eh, hawak hawak yung phone niya. Bakit 'di kayo nagkasalisi?"

"Ewan ko e, sige thank you nalang" umalis narin ako sa classroom niya, uwaaaa! 5 days na kaming hindi nagkikita! Ano bang naging kasalanan ko at parang nilalayuan niya ako? Dahil ba sa mas tinutukan ko ang Flappy Bird kesa sakanya? Dahil ba nung nasa ferris wheel kami napuno na siya? O my what's the problem? T_T

Pero WAIT. Phone ba kamo? Sabi niya may phone daw na dala si Ryan, parang may naaalala ako..

..

"Wala lang, trip trip lang. Sige na bye! Text text nalang mamaya!"

"Trip trip lang. Sige na bye! Text text nalang mamaya!"

"Sige na bye! Text text nalang mamaya!"

"Text text nalang mamaya!"

"Text text.."

..

Kaya naman pala! Takte ka Ryan! Taksil! Kaya naman pala parati mo na akong iniiwasan kasi pinagpalit mo na ako sa iba? Punyetita!!

Talagang desperate mode na ako. Kalma on the outside, crazy inside. KAILANGAN.KO.NA.TALAGANG.I-CONFIRM.MUNA.

"Ma'am! May I go out?" umalis narin naman ako bago pa ako payagan ni ma'am, pumunta talaga ako sa classroom nila at sumilip sa pintuan doon. Nakita kong nagdidiscuss prof. nila habang siya nandoon sa sulok focus na focus sa pagtetext, may pa tago-tago effect pa siyang nalalaman. Akala naman niya hindi siya halata.

Grabe! Hanggang klase nagcecellphone parin? Si Bea pa talagang yun ang katext niya ngayon? Ayaw niya na ba saakin? Paraan niya ba yun para sabihin saaking 'Good bye and TY nalang'? Naiiyak tuloy ako na ewan! Pero hindi ko 'to sasayangin sakanya! So what kung ipagpalit niya ako? Sana magsisi ka!

--

Bumalik na ako sa classroom na may halong galit, poot, inis, sakit, at sakit sa puson. Masakit na nga ang puso ko, nakikisabay pa ang regla ko, taena. 'Di ko na alam kung papaano pa ako mabubuhay kung walang Flappy Bird or si Ryan, 'di ko talaga alam kung sino pipiliin ko. Mahal ko si Flappy Bird pero mas mahal ko si Ryan. Sino ba kasi talaga?!

Maya-maya, yung mga kaibigan ko tumakbo papalapit saakin. "Christine! nakita namin si Ryan!"

 Medyo nagising ang diwa ko "Saan?!"

"Nandun! Sa garden may katext!" At talagang sa garden pa siya nagtatago ah?

"Wala na akong pakelam sakanya!" sabi ko at inopen ang panibago kong iPhone, tinapon ko e haha charot. Rich kid eh. Nagtatap nalang ulit sa phone ko para ilipat ung score ko sa phone ni Ryan, shet di ko pala napagyabang! naka 101 ako dun T^T Halos napatalon ako sa tuwa nun, pinrint screen ko pa sa cp niya, pero nang dahil sa iniiwasan niya ako halos nakalimutan ko na yung high score na parati kong pinagpupuyatan. Hayss, ganun na ba ako kaadik sakanya? Or sadyang malandi lang ako?

"Dali! Umaalis na siya!" 'Di ko pa muna sana papansinin eh dahil kahit saan 'yan pumunta nasa school parin yan pero ewan ko ba sa mga paa ko, may sariling isip. Aba pati kamay ko nagsanibpwersa sila ah! Nilagay ng mga kamay ko ung iPhone ko sa bulsa ko tapos ung mga paa ko naman ay nagsimula ng tumakbo papunta sa garden. Grabe pati katawan ko 'di ko na makontrol!

"Ryan!" sigaw ko sakanya ng makita ko ang likod niya na naglalakad habang hawak parin ang cellphone niya "RYAAAAAANNNNNN!!!! BINGE! BINGE!"

'Di parin niya ako naririnig kaya tinodo ko na ang pagtatakbo at nang makalapit ako sakanya sumigaw ulit ako "RYAN!"

Sa wakas! Lumingon nadin siya saakin, "Oh? Bakit ka nandi--"

"Ryan!" niyakap ko siya ng mahigpit, miss na miss ko nang yakapin ang lalaking 'to "Sorry! Sorry na kung parati kitang sinesecond choice! Parati nalang ako nagfaflappy bird! 'Di ko na iniisip relasyon natin, Ryan! 'Wag mo kong ipagpalit dun sa tomboy nayun! Ryan, di na talaga kita icocompare sa flappy bird! Kaya 'wag mo kong hiwalayan please"

"HA?" Simpleng pasada niya na punong puno ng patama at hinanakit saakin "Anong pinagsasasabi mo?"

Napa-poker face ako ng sandali.. "Ano bang.. ginagawa mo dito? Bakit mo ba ako parating iniiwasan! Bakit parati mo nalang hawak hawak 'yang phone mo! Katext mo ba parati yung Bea??!"

Confuse na confuse ang itsura niya ngayon, "Teka teka, Ano? Katext ko si Bea? Hindi! Atsaka 'di kita iniiwasan, gusto ko lang talaga ng konting peace of mind, concentration. Masyado akong nadidistract eh."

Poker face nanaman ako "HA? Para saan?"

Nagbuntong hininga siya "Eh kasi naman, tinalo mo high score ko dito sa Flappy Bird. Ginamit mo kasi eh, gusto lang kita higitan. 'Di ako makapagconcentrate sa klase, kaya dito ako madalas tumambay dahil tahimik dito.."

Feeling ko ang sarap batukan 'tong lalaking 'to sabay mahimatay. YUN LANG??!

"Atsaka..." napatakip siya sa bunganga niya at unti unting namula, "Parati din akong nadidistract 'pag nakikita kita eh.."

WATDA! Namula kaming pareho! Ang lakas din ng tibok ng puso ko! Ung feeling na tatalon na ang puso ko sa 99th floor?

Nakakainis talaga siya! Akala ko na kung ano ang problema saamin, babawi ako.

"Alam mo, nakakainis ka! Di na tuloy ako gumagamit ng Google." inis kong sabi,

"Bakit naman?"

"Kasi simula ng nakilala kita, the search is over. waaaaaah! Joke lang! Wala kang narinig!" tumalikod ako, bumanat ako ng wala sa oras!

"Uy wag mong bawiin! Atsaka, huwag mong masyadong mahalin ang sarili mo."

"Bakit?" tanong ko,

"Eh kasi, responsibilidad ko yun. Joke!" siya naman ngayon ang tumalikod

"Uwaaa! Andaya! Ikaw ba ang kadiliman? Wala kasi akong makitang iba pag andyan ka.”

"Oy ikaw, bumaba ka nga! At pulutin mo yung puso ko, nahulog na ata sayo." nakipagyakap kami sa isa't-isa.

"Parang flappy bird? Hehe." sabi ko..

Bigla nalang niyang hinila ang braso ko papunta sakanya at bumulong sa tenga ko, nakiliti pa 'ko sa bulong nayun at ngumiti siya ng nakakaloko saakin,

"Hindi, Parang ikaw."

..TBC

follow @SacchiiLoves on twitter

Continue lendo

Você também vai gostar

48K 199 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
853K 40.7K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...