Nate’s POV
Eto na nga bang sinasabi ko eh
Sobrang lamig ngayon sa Baguio
=_____________________= pero wala akong magagawa
Kailangan kong mag stay dito para hindi ako makasal sa Misty na yun
“Sir kung may kailangan po kayo sabihin nyo lang po” maid
Kanina pa nya sinasabi yan at kanina pa din sya pabalik-balik
Sinasadya lang yata nya eh
I looked at her tapos iniwas ko din agad yung tingin ko
Hindi naman sya maganda para pag aksayahan ko ng oras
“Ang suplado, gwapo sana haay”
Pabulong ba nyang sinabi yan o sadyang ipinarinig sakin?
Tsh style ng babaeng to nakakairita
Tumayo na ko at dumiretso sa kwarto
Baka sakaling makatulog na ko
*phone rings
Kyle Calling….
Kung kalian naman matutulog na ko tsaka mang iistorbo tong mga to
Sigurado ko magkakasama na naman sila tsh
Pero baka may importanteng sasabihin to kaya sige sagutin ko na nga lang
“Oh?”
[ Oh ano dude nakarating ka ba ng maayos? ]
“Oo, kamusta dyan?”
[ Eto nagkakagulo sa bahay nyo dude. Pilit pinapaamin ng daddy mo si Cyro pati ang barkada ]
“Anong sabi ni Cyro? Baka ilaglag na naman ako ng ugok na yun”
[ Ang sabi nya hindi daw nya alam kung san ka nagpunta ang akala nga daw nya nag tanan kayo ni Misty , kaya ayun pati si Misty pinapahanap nila ]
Siraulo talagang Cyro yan , daming alam
“Eh ang barkada kamusta?”
[ Eto kasama ko sila sa tambayan natin lahat sila pilit pinapaamin ng mga parents nila pati nga ako di ko na alam gagawin ko twing tatanungin ako ni Mom puro palusot kami. Dito nga muna kami mag stay sa tambayan natin hangga’t di to naayos eh ]
“Dude pasensya na kayo pati kayo nadadamay”
[ Ano ka ba naman Nate hahahaha ang Infinite walang iwanan ]
“I know, osya matutulog na ko. Napuyat ako eh”
[ Sige dude balitaan ka na lang namin ]
I ended the call
Naupo ako sa kama at napaisip ako
Ang daming nadamay sa pagtakas ko , pero di lang naman ako ang tumakas diba?
According to Kyle , wala din si Misty sa engagement party
So it means tumakas din sya dahil ayaw nyang matuloy yun
Buti na lang pala at tumakas sya, malaking kahihiyan kay Misty yun pag nagkataon
Pero di mawala sa isip ko yung ipinagkalat ni Cyro
Tsh most of the time kasi sya ang pinaniniwalaan ng family namin
Mukha kasing hindi nagsisinungaling, pero kung alam lang nila haay!
*Tok Tok Tok
“Sino yan?”ako
“Sir” maid
Sya na naman? Tsh
I opened the door and look at her na parang papatayin ko sya
“What?” ako
“S-Sir kain po muna kayo” maid
“I’m not hungry. Kung gusto mo ikaw ang kumain nyan”
Isasara ko na sana yung pinto kaso bigla nyang hinatak
Yung braso ko
Ang lakas ng loob na hawakan ako!
Hindi ako nagpapahawak sa mga babaeng tulad nya
“Get your hands off me”
“Pero sir kumain muna----
“I SAID GET YOUR HANDS OFF ME! O BAKA GUSTO MONG TAGALUGIN KO PARA SAYO? OSIGE. ANG SABI KO BITIWAN MO KO!”
She was just staring at me
Mukhang natakot naman sya , nabitiwan nya kasi ko
“Kakain ako pag gusto ko.You don’t have to serve me, may paa at kamay ako hindi ako baldado. Tatawagin kita pag kailangan kita, kaya pwede ba?”
“S-sorry po” maid
I closed the door at nahiga sa kama
Magpapahinga na nga lang ako, mag babar na lang ako mamaya
O kaya mag gagala ako
Mas masarap gumala pag gabi
Cyro’s POV
Nasaan na kaya si Nate?
Baka tama ang conclusion ko na kasama nya ngayon si Misty?
Ugali talaga nun tsh kunwari pang ayaw kay Misty eh tingnan mo’t tinanan pa ngayon haha
“Hoy Cyro” Wen
“Oh? Problema mo?” ako
“Anong iniisip mo dyan? Baka mamaya nagpaplano ka ng sunugin tong tambayan ha, malilintikan ka samin” Wen
“Ulol bakit ko naman gagawin yun adi nawalan tayo ng titirahan for 1 month” ako
“Oo nga naman” Hans
Takte medyo nagulat ako dun ah
Pasulpot sulpot kasi tong si Hans may ka weirduhan din kasi
Parang yung kambal nya hahahahaha
“Isusumbong kita kay Kyle” Hans
“Hala bakit?” ako
“Weirdo pala ha” Hans
Paano nyang nalaman yun?!
Peste may pagka mind reader nga pala si Hans minsan!
Weird diba?
“Anong isusumbong mo?” Kyle
“Patay” ako
Pabulong kong sinabi
“Sasabihin ko naba Cyro?” Hans
Alam ko na ending nito eh
Kailangan may suhol para manahimik sya
Nakakatakot kasing magalit si Kyle kaya hindi nya pwedeng malaman yun, may pag ka pikon kasi yun
“Ano ba yang sinasabi mo Kyle walang sasabihin tong si Hans. Diba Hans? Halika na lilibre kita ng ice cream. Bye Kyle” ako
At dali dali kong hanatak palabas si Hans
Peste mapapagastos na naman ako ng sobra nito eh
Ang takaw kaya nito sa ice cream tsk
Pagpasok na pagpasok namin ng ice cream parlor
Tumakbo agad si Hans sa counter at umorder na
Binigay ko na sakanya yung credit card ko. Bahala na sya kung magkano gusto nya
Naupo ako sa upuan near the glass window
Kaya kitang-kita ko yung mga nagdadaan
Ang ganda ng view , ang daming chix sa labas wohoo!
Pero panira ng moment tong pantog ko
Naiihi kasi ako
Tumayo ako at dali daling naglakad pero bago ako makapasok sa
C.R.
*Booogsh!
“Ouch”
“Aray”
Sabay na sabi namin nung babaeng nabangga ko
Ang sakit ng pwet ko pero nagawa kong tumingin sa babae sa harap ko
Ang ganda nya … para akong nakakita ng anghel
“M-miss ok ka lang? S-sorry ha?” ako
Biglang kumalma ang pantog ko at napaurong ang ihi ko
Amazing hahahahaha
“Uhmm medyo masakit pero ok lang”
Nilahad ko yung kamay ko sa harap nya para tulungan sya
Hinawakan naman nya yun
Parang may kuryenteng dumaloy sa kamay ko nung hawakan nya ko
Medyo humigpit tuloy ang pagkakahawak ko sa kanya
“Thanks”
“W-welcome ahh sa’yo yata to?” ako
At inabot ko yung wallet at book na dala nya
“Thanks ulit hmm nextime ingat ka ha?”
Ang caring naman nya!
Kinikilig ako! Shems so gay !
“S-sorry ulit hmm by the way pwede bang malaman ang name mo?” ako
She looked at me na parang nagtatanong sya kung bakit
Damn. Bakit ba kasi yun ang nasabi ko?!
“Hmm I’m Alyssa Arenas, Aly na lang. Eh ikaw?”
“A-ako?” ako
“Yes you” Aly
“Ahh hehe I’m Cyro Fernandez, Cyro na lang. Nice meeting you Aly” ako
“Ang cute ng name mo hehe” Aly
Uy cute daw name ko….. 1 pogi points na!
Ang ganda talaga nya!
“Thanks hehehe Uhmm sana makita pa kita ulit” ako
“Ha?” Aly
“A-ano? Anong sinabi ko? Ano nga ba? Ah eh ano” ako
“Hahahahahahaha nakakatawa ka Cyro” Aly
Oh nakakatawa daw! 2 points na!
Waahahahahah
“Ah hehehehe pasensya na ang ganda mo kasi masyado kaya nawawala ako sa sarili ko” ako
“Bolero ka pala hehehehe pero thank you na din. Ay sorry I have to go, may naghihintay kasi sakin sa labas. Sana makita din kita ulit. Goodbye” Aly
“Ingat ka. Bye Aly” ako
At ayun lumabas na nga sya
Pero bago sya makalabas tiningnan pa nya ko at ngumiti
Shemay pwede na kong mamatay!
Pero wag muna pala
Mamahalin ko pa si Aly eh hahaha
Bumalik ako sa table namin ni Hans ng nakangiti
Kaya eto si Hans todo titig sakin
“Naka drugs ka ba?” Hans
“Ha? Medyo” ako
“Hala ulol ka talaga susumbong kita sa barkada” Hans
“Ay hindi ano ka ba! Ang ganda kasi ni Aly kaya parang naka drugs ako. I can’t get her out of my mind” ako
“Naka drugs ka nga. Oh ice cream baka sakaling kumalma yang utak mo” Hans
Kinuha ko naman yung ice cream
Kaso para padin akong tanga
Nakatulala ako habang kumakain ng ice cream
Hindi ko nga namalayan na naubos ko na eh
Ganito ba ang feeling ng na love at first sight?
Ang sarap sa pakiramdam ^___________________________^
HEAVEN!!!
~~~~~~
INLABABO ang Cyro ahahahaha
:D
Ano na kayang mangyayari sa dalawang pumuga?
si Nate at Misty po yun hahaha
<3 Ladytempo