When Kamatayan Falls in Love...

By FatalStudent

648K 14.4K 914

HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 IN ACTION TAG | #1 IN TEENFICTION TAG | #1 IN THRILLER TAG MUST READ: First and f... More

I N T R O D U C T I O N
T R A I L E R
O N E
T W O
T H R E E
F O U R
F I V E
S I X
S E V E N
E I G H T
N I N E
T E N
E L E V E N
T W E L V E
T H I R T E E N
F O U R T E E N
F I F T E E N
S I X T E E N
S E V E N T E E N
E I G H T E E N
N I N E T E E N
T W E N T Y
T W E N T Y - O N E
T W E N T Y - T W O
T W E N T Y - T H R E E
T W E N T Y - F O U R
T W E N T Y - F I V E
T W E N T Y - S I X
T W E N T Y - S E V E N
T W E N T Y - E I G H T
T W E N T Y - N I N E
T H I R T Y
T H I R T Y - T W O
T H I R T Y - T H R E E
T H I R T Y - F O U R
T H I R T Y - F I V E
T H I R T Y - S I X
T H I R T Y - S E V E N
T H I R T Y - E I G H T
T H I R T Y - N I N E
F O R T Y
E P I L O G U E
A U T H O R ' S L A S T W O R D S
SPECIAL 1
SPECIAL 2
SPECIAL 3
SPECIAL 4 THE WEDDING
SPECIAL 5 HONEYMOON (R-18)

T H I R T Y - O N E

8.5K 206 10
By FatalStudent

Chapter 31: Truth

Riene Allison's POV


Gabi na at humiga na ako sa aking kama upang magpahinga ng maaga.

"Hello?" tanong ko sa linya ng telepono nang may tumawag dito.

"Riene? Anak?" tanong ng tao sa kabilang linya.

"Daddy? Bakit ngayon lang kayo napatawag? Si Mommy?" sunod-sunod na tanong ko.

Ilang buwan na din kasi kaming walang communication. I just missed them so much.

"Maayos ba ang lahat diyan anak?" tanong ni Mommy na siguro'y katabi lang niya.

"Opo. Ako pa! Anak niyo ata to. By the way, kamusta na po kayo? Is our business going well over there?" 

 "Siyempre naman, we're doing great."

"I miss you both." sabik na sabi ko. "Kailan ba kayo uuwi? Ang tagal tagal niyo na diyan. May balak pa ba kayong bumalik?" dagdag ko pa.

"Anak, we called you dahil may sasabihin kaming importante that we think you should know." seryosong sabi ni Daddy kaya naging seryoso na rin ang mood ko.

"Anak, dapat sinabi na namin sa'yo to dati pa but we did our best to find a perfect timing hanggang umabot na ng ganitong katagal." sabi pa ni Mommy kaya hindi na ako nakaimik pa at inintay na lang ang isusunod nila.

"It was a dark night, umuulan. May narinig kaming malakas na iyak ng bata sa tapat ng gate ng bahay. Akala namin pusa lang noong una pero noong lumabas ako, isang sanggol ang nakita ko." pagsisimula ni Daddy kaya mas inilapit ko ang telepono sa aking tainga upang marinig ang bawat simpleng detalye na sinasabi niya.

"There was a man in a blackhood na nakatanaw sa malayo kaya pinulot ko ang bata saka nagtungo sa kaniya." Pagpapatuloy niya.

"Dad, hindi to magandang biro ha." natatawa kong sambit kahit pa may something sa akin na gustong maniwala.

"He said he's your father at hindi ka niya kayang alagaan kaya ibinigay ka niya under sa pangangalaga namin." 

"Daddy naman e! It's not a good joke. Stop!" nanginginig na rin ang boses ko at nagbabadya na ang mga luha kong tumulo palihis sa aking pisngi.

"Riene, family is not about blood. It is about the connection between people loving and caring each other." Sabat ni Mommy na halatang umiiyak na.

"Kaya ba nakaya niyo akong iwang mag-isa?" tanong ko at nagsimula nang dumaloy ang emosyon na kanina ko pang pinipigil.

"No. We are doing this for your sake. You are our only treasure, Riene. Hindi kami mabiyayaan ng anak kaya we're working hard para masuportahan ka at mabigyan ka ng magandang future dahil ikaw na ang nagsilbi naming bunso at kaisa-isang anak."pagpapaliwanag ni Mommy.

Ewan ko pero bakit ang sakit? Lumaki ako na sila ang kinikilalang magulang then everything was a lie?

18 years. No, almost 19 years ako namuhay sa kasinungalingan?

All this time nalulungkot ako dahil hindi ako mabigyan ng time ng parents ko. Tapos ngayon hindi naman pala talaga ako karapatdapat para mapag-aksayahan ng oras, ng atensiyon? Kahit ang tumira sa bahay na ito ay hindi ko karapatan. Hindi na nila dapat ako binuhay at pinag-aral.

Binaba ko na lang ang telephone dahil hindi ko na ata kakayanin pa ang mga susunod kong maririnig.

Ayoko na. Bakit ba ang gulo-gulo na ng lahat? Kaya ko pa ba? Sino ba talaga ako? Ano ang tunay kong pagkatao? Bakit ko nararanasan ang lahat ng to? Sino ang magulang ko?

"Fuck!" sigaw ko na lang at umupo sa sahig saka ginulo-gulo ang buhok.

Narinig kong may pumasok sa pinto ng kuwarto ko pero hindi ko na pinag-abalahan pang tingnan kung sino ito. Niyakap niya ako kaya niyakap ko na lang din siya. Hindi siya si Grey dahil iba ang amoy niya. Pero bakit ko siya niyakap pabalik?

Tumunghay ako at nakita ang puting maskara na suot-suot ng lalaki.

Blake?

Dahan-dahan niya itong hinubad at tumambad sa akin ang kaniyang tunay na mukha. Ang mukha sa likod ng kaniyang maskara.

Makinis ito at wala ni isang peklat. May taglay rin siyang kaguwapuhan pero bakit niya tinatago ang mukha niya?

Para hindi makilala?

Binanghay ko ang bawat parte ng mukha niya at natigilan nang mapagtanto ang isang bagay.


"Bakit mo tinggal ang maskara mo?" seryosong tanong ko dito ngunit sinuklian niya ako ng isang matamis na ngiti.

"Hayaan mong gawin ko ang responsibilidad na hindi ko dati nagawa." saad niya na halos magpataas ng balahibo sa buo kong katawan.

Tumulo ang mga luha sa aking mga mata at tila nalinawan na sa mga kaganapan.

So ito ang sinasabi niyang responsibilidad?

The reason why he knew that I studied archery, the reason kung bakit ang dami niyang alam sa pagkatao ko, the reason kung bakit siya laging nakasuot ng maskara... iyon ay dahil...

"Sorry, my little sister." 


Nabalot ng katahimikan ang buong silid at ako'y halos maging bato sa aking kinatatayuan at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

Ang mukha niya... ang dami naming features na may pagkakahawig. Ang mata niya, ang labi niya... ito ang patunay na iniluwal kami ng iisang ina.

Kaya pala feeling ko may koneksiyon kami dati pa.

"K-kuya?" nag-aalinlangan kong tanong.

Ngumiti lang siya sa akin saka tumango.

Hindi ko lubos akalain na may kapatid pala ako.

Niyakap ko pa siya ng mas mahigpit at sinulit ang pagkakataon.

Natapos na ang aming moment kaya sinulit ko na rin ang panahon na nandito pa siya para magtanong. Palagi kasi siyang wala at halos hindi ko na natatagpuan dito sa bahay.

"Kilala mo ba ang magulang natin?" 

Umiling lang siya bilang tugon.

"Hindi ko na gugustuhin pang malaman." wika niya na medyo nagpa-disappoint sa akin.

"Bakit? Ayaw mo ba silang makilala?"

"Ginusto ba nilang makilala tayo?" pagbabalik niya ng tanong.

Sabagay, may point siya. Iniwan nila kami sa kung kani-kanino at walang ginawa para hanapin kami.

"Teka." saad ko.

"So ibig sabihin din ba nito... mo-mortal devil din ako?" gulat na tanong ko nang mapagtanto iyon.

Tumango lang siya bilang tugon.

"Kaya ba ako ang queen nila?"

Muli siyang tumango.

Ngayon nagiging malinaw na ang lahat.

"Pero bakit hindi mo ako katulad? Bakit hindi nagiging red ang isa sa mga mata ko?" usisa ko.

"Dahil dalawa kayong ipinanganak." sagot niya.

Dalawa? Wait, ang gulo.

"So may kakambal ako?" naguguluhang tanong ko.

Napako ang atensiyon namin nang nagluwal ng isang Death Grey ang pinto ng kuwarto ko.

"Hindi pa niya dapat malaman." ani nito at hinila ako palabas.

Teka ano to? Bakit hindi ko pa kailangang malaman?

Dinala niya ako sa garden sa may gilid ng bahay namin.

"Bakit hindi ko pa dapat malaman? Naguguluhan na ko." ani ko.

Hindi niya ako sinagot at niyakap lang ako.

"Trust me. This is for your own sake." ani niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Niyakap ko na lang din siya bilang tugon.

Sige. Dahil may tiwala ako sa'yo, iiwan ko na 'to sa kamay mo.

"Alam mo rin ba? Alam mo rin ba na kapatid ko si Blake?" 

Tumango lang siya at hinaplos-haplos ang buhok ko.

Magagalit na dapat ako sa kaniya in this state pero hindi ko magawa dahil sa inaasta niya.

"Bakit hindi mo agad sinabi?"tanong ko.

Gusto ko kasing marinig ang side niya bago magdamdam.

"Dahil ayokong pangunahan ang mga taong mahal mo." saad niya kaya mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya.

I was sobbed in his chest at naririnig ko ang tibok ng dibdib niya.

"Thank you." saad ko.

"Para saan na naman?"

"Thank you for always considering my sake." sagot ko.

Ewan ko ba kung bakit halos lagi sa ganitong sinaryo nagtatapos ang mga chapters sa kuwentong ito.

 "You don't need to... because I love you."

Ang swerte-swerte ko dahil nakilala ko siya. Siguro kung wala siya dito sa tabi ko nagmumukmok parin ako sa naka-lock kong kuwarto.

"Simula ngayon, hindi na ako magtatanong. Hindi ko na ipipilit na malaman ang mga kasagutan sa mga tanong tungkol sa pagkatao ko. Dahil I trust in you, at sana huwag mong baliin iyon. Sa'yo ko na ipagkakatiwala ang mga bagay na'to." saad ko.

Mahirap makuha ang tiwala ko pero nagawa mo. Sana huwag ka nang mawala pa sa tabi ko. Hindi ko ata kakayanin lalo pa't mas nahuhulog na ako sa malalim na patibong ng pag-ibig na'to.

"You'll never regret it." tugon niya at hinalikan ako sa noo.

At doon na natapos ang isa sa mga gabing hindi ko kailanman makakalimutan kasama siya.

Continue Reading

You'll Also Like

56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
1.1M 28.4K 70
handsome.... rich... heartless... cold... a demon.. these what describes Cythan Blake Frost... the leader of the no.1 gang in the Philippines... he...
76.8K 2.5K 51
(Agent Series 2|Part 1|| ) (Alferez Series 3) Started Writing:April 20,2020 Finish Writing:May 2,2020 Written By:Shireroseee
5.1K 308 63
Act as a nerd?? Ano bang iniisip ng nanay niya at gusto siyang pauwiin sa pilipinas at mag-disguise pa bilang isang nerd? Diana also has to change he...