**CONTINUATION**
Elmo: may papakita pa sana ako e
Julie: nasaan?
Elmo: uhmmm.. (hinawakan ulit yung kamay ni julie) tara! (naglakad ang dalawa)
Julie: kelan ka pa ba umuwi??
Elmo: secret!
Julie: ang daya! sguro kaya di ka masyadong nagpaparamdam kasi nandito ka na no?
Elmo: actually…. nung isang araw pa ko dito!.. gusto na nga kita puntahan e… pinigilan ko lang sarili ko.. para mamiss mo ko lalo (tumawa)
Julie: kapal mo talaga! so ikaw nga yung nakita ko nung isang gabi….
Elmo: nakita mo ko??
Julie: oo kaya! tumakbo nga ako pababa kasi hahabulin kita.. kaso ang bilis mong nawala! akala ko tuloy hindi totoo! kasabwat mo pa pala si nics at rex!! grabe hindi ko nahalata ha!
Elmo: (natawa) sobrang thankful nga ako sa kanila, kasi hindi ko naman magagawa to kung hindi nila ako tinulungan
Julie: ang gwapo mo ngayon (ngumiti)
Elmo: talaga? (nagpacute kay julie)
Julie: che!!
Elmo: pinaghandaan ko talaga tong day na to! kasi special day ng baby ko…
Julie: baby ka jan! (nakangiti lang)
Elmo: tara kain na tayo!
Julie: (natawa)
**PAGKAUPO NI JULIE**
Julie: wow. mukhang masarap ah!
Elmo: tikman mo na..
Julie: sige sige… (pagkatikim ni julie)
Elmo: ano… ok lang ba??
Julie: ok! (nakangiti) ok na ok!
Elmo: talaga?? buti naman nagustuhan mo! (super ngiti rin)
Julie: (kumakain pa rin) super sarap kaya!
Elmo: ako nagprepare niyan…
Julie: ng alin?
Elmo: niyan.. yung food (nakasmile lang kay julie)
Julie: prepare as in ikaw ang nag ayos o ikaw ang nagluto??
Elmo: both! (nakanigiti pa rin)
Julie: eto?? totoo?
Elmo: yep.. nagpaturo ako kay mama how to cook, so tnry ko. gusto ko kasi.. ako gumawa ng lahat…. para mas lalong special..
Julie: (natouch kay elmo kaya di makapagsalita)
Elmo: sige kain na ulit tayo (kumain ulit) ubusin mo yan ha?
Julie’s POV: (habang nakatitig lang kay elmo) mahal niya talaga ako… ginawa niyang lahat ng to.. eto na yata ang pinaka best birthday gift na natanggap ko.. teka.. mali yata… si elmo yung pinaka best gift na binigay ni god sakin.. (nakangiti lang)
Elmo: (napatingin kay julie) bakit? may dumi ba ako sa mukha??
Julie: ha? wa..wala.. (kumain ulit)
Elmo: (ngumiti) nadedevelop ka na talaga sakin e!
Julie: ano??!!
Elmo: wala. sabi ko kain ka lang (ngumiti ulit)
Julie: (natawa lang)
**AFTER NILA KUMAIN**
Julie: uy moe..
Elmo: yes?
Julie: thank you ha.. (ngumiti) thanks dito! sa lahat lahat!
Elmo: you’re welcome.. malakas ka sakin e
Julie: (natawa lang)
Elmo: ay baby (tumayo) teka lang ha?
Julie: saan ka pupunta?
Elmo: mabilis lang, wait (umalis at pumasok sa loob)
Julie: (nakatingin lang kay elmo) ano kaya yun… (maya maya biglang may pinatugtog na romantic song)
Elmo: (bumalik)
Julie: (tumayo)
Elmo: (lumapit kay julie) ayokong kumanta e, kaya music na lang.
Julie: (natawa lang) sira ka talaga!
Elmo: (biglang naging serious) japs…. meron akong something na gustong ibigay sayo
Julie: ano yun?
Elmo: birthday gift?
Julie: birthday gift ulet??? ang dami mo ng binigay sakin moe, sobra sobra na nga e
Elmo: (ngumiti) wala lang yung dati.. eto yung pinakaspecial gift na bibigay ko… (inabot yung small box kay julie) happy birthday..
Julie: (pagbukas niya)
Elmo: (nakatingin lang)
Julie: elmo…. (tumingin kay elmo)
Elmo: (kinuha yung hawak ni julie at nilabas yung ring na nasa loob) teka lang (kinuha yung necklace sa pocket niya at pinasok sa loob yung ring)
Julie: (nakatingin lang kay elmo)
Elmo: (sinuot kay julie ang necklace) yan…
Julie: moe…
Elmo: gaya ng sinabi ko sayo dati.. i’m still willing to wait.. ayokong ipressure ka sa situation natin.. (hold her hand)
Julie: (nakikinig sa sinasabi ni elmo)
Elmo: alam ko rin na nag-aalala ka rin, kasi iniisip mo rin yung parents mo.. and gusto ko sanang sabihin sayo, na kinausap ko sila
Julie: ano???
Elmo: sinabi ko na wala naman akong bad intention sayo, na mahal naman talaga kita.. at hindi ko kayang lokohin ka.. humingi ako ng permission na payagan nila akong manligaw sayo.. (ngumiti) sobrang thankful nga ako kasi sobrang laki ng trust ng parents mo sakin, at hindi ko naman yung sisirain
Julie: ginawa mo talaga yun? (hindi makapaniwala)
Elmo: oo.. para di ka na magworry.. at para wala ka na ring tinatago sa kanila di ba.. atleast ok na… and… yun nga… dapat lagi mong suot yan.. if ever na dumating yung day na magising ka at marealize mo na mahal mo rin ako, isuot mo lang yang binigay ko sayo. (ngumiti)
Julie: (tinignan at hawak yung ring na nakalagay sa necklace)
Elmo: kung hindi dumating yung araw na yun… itago mo nalang.. wag mo na isuot.. (ngumiti) maiintindihan ko naman
Julie: (ngumiti)
Elmo: i love you japs.. (hawak pa rin kamay ni julie) happy birthday (natawa)
Julie: (niyakap si elmo sa sobrang touch)
Elmo: (yakap din si julie) kinilig ka ba?
Julie: hindi no! (nakangiti)
Elmo: (natawa pero nakayakap pa rin sa isa’t isa) may isa pa pala..
Julie: meron pa?
Elmo: baby, may have this dance?
Julie: (natawa)
Elmo: please?
Julie: ikaw talaga!! (inabot ang kamay kay elmo)
Elmo: thank you…
**HABANG SUMASAYAW ANG DALAWA**
Elmo: (nakatingin kay julie) nadagdagan ba ko ng pogi points???
Julie: uhmmmm… konti! (natawa)
Elmo: yes!! ok na rin yun.. atleast nadagdagan (tumawa rin at tuloy tuloy sa pagsasalita)
Julie’s POV: (habang nakatitig lang kay elmo) kung alam mo lang kung gaano kita namiss.. sa totoo lang gusto na kitang sagutin, pero parang hindi pa siguro to ang tamang oras.. ang sigurado ko lang ngayon, mahal na kita.. (sabay ngiti)
to be continued…;)