Battles Of The Gifted Ones

By _SilentPrince_

2.6K 146 15

Never. Never risk something that you don't want to lose. More

PLEASE READ
×Prologue×
×CHAPTER I: Save The Day×
×CHAPTER 2: The Bad Hero×
Chapter 3:
Chapter 4: The Start of the Nightmare
Chapter 5: Despair
Chapter 6: The Kiss and the Trap
Chapter 7: The Killer
Special Chapter : The Story of the Puppeteer
Chapter 8: The Revelation
Chapter 9: Girl on the Rooftop
Chapter 11: Lyra Denaia
Chapter 10: Joker
Chapter 12: Class Picture
Chapter 13: Operation: Blackmail
Chapter 14: Lipsticks
Chapter 15: Infinity
Chapter 16: Library
Chapter 17: Secret's Room
Chapter 18: The Meeting
Chapter 20: The War Begun
Chapter 21: Mistakes
Chapter 22: Lies behind Him
Chapter 23: Bloodbath
Chapter 24: Liers go to hell
Chapter 25: What She Really Is
Chapter 26: The Principal's Secret
Chapter 27: Their Return and their Death
Chapter 28: Lost Memories; The Truths and the Secrets
Chapter 29
Chapter 30
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter: A Sacrifice
ANNOUNCEMENT
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter 19: Section War

35 1 0
By _SilentPrince_

Zac's P.O.V.

Nakabalik na ako sa classroom. Lahat sila ay mga nakaupo na parang malalim ang iniisip.

"Zac... Anong gagawin natin?" Tanong sa akin ni Jilbert na halatang natatakot pero hindi niya ito gaanong pinapahalata.

"Bakit sa'kin kayo nagtatanong?" Lahat sila ay nakatitig sa akin at umaasang tutulungan ko sila dahil alam kong kapag wala kaming ginawa... Iisa-isahin nila kami. "Noong humihingi ako ng tulong sa inyo, tinulungan niyo ba ako? Hindi dahil mga sarili niyo lang ang iniisip niyo!"

"Wag ka ngang mayabang! Sino bang may sabing kailangan namin ang tulong mo?! At saka papatayin ka rin nila. Mamamatay ka kung wala kami. Kaya namin ang sarili namin. Diba guys?" Sigaw ni Jilbert.

"Pero bakit parang walang sumasang-ayon sa'yo? Kaya kong protektahan ang sarili ko. Hindi ako magiging leader ng isang gang noon kung mahina ako. Bahala na kayo sa mga sarili niyo."

"Zac... Please?" Pagmamakaawa sa akin ni Ycezy. Tutulungan ko naman talaga sila... I just don't want the way Jilbert talk.

"Hindi mo kailangang magmakaawa Ycezy. Ang gusto ko lang naman, si Jilbert ang gumawa niya'n." Nakangiti kong sabi.

"Me?! Magmamakaawa? Never!" Nagmamatapang pa siya! Siya na nga ang tutulungan.

"Jilbert! Sige na!" Sigaw ni Prince sa kanya pero wala namang pakialam si Jilbert sa mga sinabi niya.

"Sige... Aalis na 'ko dahil mukang wala namang patutunguhan 'to." Sabi ko pero bago pa ako makahakbang... narinig ko na ang boses ni Jilbert.

"FINE! Please, Zac. Help us." Iimik din naman pala hindi pa kanina, nagtagal pa tuloy. Humarap ako sa kanila sabay tungo ng aking ulo.

"Sorry..." Sabi ko.

"Huh?" Nagtatakang sabi ni Ycezy.

"I just get carried away... Pasensya na sa ugali ko. Tutulungan ko naman talaga kayo. Hehe." Nakatawa kong sabi sa kanila. Matatawa talaga ako sa reaksyon ng mga muka nila kanina, masyado naman silang seryoso.

"Zac..." Tawag ni Ycezy sakin at...

"Ouch!" Napasigaw bigla ako dahil hinampas niya ako sa ulo. Ayan tuloy nahampas pa'ko. Ang sakit. "Naalog ata 'yung utak ko." Sambit ko.

"Dapat lang... Akala ko, muli na namang nagbalik ang dating Zac. You freak me out! Nagbago na tayong sampo, diba?!" Sabi ni Ycezy sa akin. Mali siya... Hindi lahat sa aming sampo ay nagbago na. Marami paring sekreto ang ilan sa amin na di dapat pakialaman ng iba, tulad ko. Nagbago na ba talaga ako?

Maya-maya ay isang ring ng cellphone ang kumuha ng attensyon na lahat. It's my cellphone. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Zhraine?! Nang makita ko na siya ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.

"Hello?" Sabi ko. Iniloudspeaker ko para marinig ng lahat.

"Don't even think to hang up this call, if you do, she'll die." Isang pamilyar na boses ang gumulat sa amin. Kilala ko kung sino ito. Mukang gumaganti siya at tinutulungan ang class 1-A.

"Asan si Zhraine?" Tanong ko sa kanya.

"Bihag namin siya. At bago ko patayin ang tawag na'to, gusto ko sanang sabihin na maghanda na kayong mamatay... We're declaring a Section War. 9:00 ang simula ng pag-atake namin sa inyo be ready." Sabi niya sabay patay sa tawag. Hindi ko ganoong naintindihan ang mga sinabi niya pero base sa reaksyon ng mga kaklase ko... Sigurado akong masama ito and the problem is they have Zhraine. They can use her against us. Mukang magiging mahirap ito.

"Section War?" Tanong ko kay Ycezy.

"Hindi mo alam? Once a section declare a war with another section, it's called section war."

"And?"

"At hindi matatapos ang Slaughter Party hangga't walang nananalo, hangga't meron pang nagitirang buhay. Masasabing panalo na ang isang section kapag... NAPATAY NA NILA LAHAT NG KALABAN. Surrendering is useless." Dama ko ang takot na kanyang nararamdaman. Nanginginig ang mga kamay at animo'y may papatay sa kanya dahil sa takot. Sino nga bang hindi matatakot? Hindi namin sila kilala at hindi namin alam kung anong kaya nila. Ang mas nakakatakot pa ay hindi matatapos ang Slaughter Party hangga't hindi pa natatapos ang gera. Paano iyon nangyare?"

"Bakit hindi matatapos ang Party?" Muli kong tanong sa kanya.

"Ang presedente ng isang section na nagdeclare ng war ay may pipirmahang mga papeles at isusumite sa head teacher..."

"Kay Mrs. Herra Slaughtery? Siya rin ba ang gumawa nito?"

"Oo... At matapos maibigay ang mga papeles, maririnig sa buong school ang isang anunsyo tungkol sa magaganap na Section War. Kahit abutin ito ng isang araw... o nang isang linggo o kahit pa isang buwan... Hindi matatapos ang Slaughter Party hangga't hindi pa tapos ang gera." Kahit ako ay kinikilabutan sa mga pinagsasasabi niya. Naiinis ako sa school na'to! Bakit ba hindi kami hinahanap ng mga magulang namin?! Bakit parang hindi alam ng gobyerno na may roong ganitong school?! Shit! Bullshit!!! "Zac... Wala tayong laban sa kanila. Marami silang armas! Katulad nalang nung machine gun kanina. We'll all die in no time!" Lahat kami ay natatakot... Natatakot na mamatay, pero kailangan naming lumaban at kailangan kong mailigtas si Zhraine.

"May plano ako pero masyado itong kumplikado." Sabi ko sa kanila.

"But we need a perfect plan!" Sigaw ni Jilbert sa'kin.

"It's impossible! Marami silang mga armas tulad ng mga high class na baril. Wala tayong laban. Ilabas niyo nga ang kahit anong armas na meron kayo." Gaya nga ng sinabi ko... Inilagay nila sa unahan ang mga armas na meron sila. Dalawang baril, ang isa ay nagmula sa akin na nalimot ko lamang, limang kutsilyo at isang smoke screen. Eto lang? Parasa akin marami na'to pero maaaring kakaunti lamang ito kumpara sa kalaban.

"Zac, sa tingin ko... Makakatulong ako." Sabi ni Emerald sa akin. "I can make a bomb and I have enough parts in my dorm to make atleast 3." Muli nitong sabi.

"Gaano ito kalakas?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ito gaanong kalakas but two is enough to blow our whole classroom.

"Gaano ito katagal gawin?" Muli kong tanong.

"1 hour each but I already made two at kung mamadaliin ko talaga... It could take less that 50 mins."

"Prince, pwede mo bang samahan si Emerald pabalik sa dorm niya? Iwasan niyo'ng makabunggo ng estudyante ng class 1-A."

"Ok." Sagot ni Prince. Naglakad na silang dalawa palabas ng classroom. Kung magagawa agad ni Emerald ang bomba na 'yon, makakatulong talaga ito. Maganda ang planong nasa isip ko pero gagana lamang ito kung magtutulungan kami. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader sa aking tabi. 7:59 na pala meron pa kaming isang oras at isang minuto. Sana umabot ang mga bomba ni Emerald dahil kung hindi... Mamamatay kaming lahat. Natatakot akong mamuno dahil ayokong may may mapapahamak dahil sa mga plano ko. Malalim ang aking iniisip ng biglang nagbukas ang pinto ng classroom akala ko sina Prince at Emerald 'yon kaya napaimik ako ng...

"Parang ang bilis niyo naman...." Nanlaki ang aking mga mata at natulala sa babaeng pumasok ng aming classroom. "Haize?" Hindi lamang ako ang nagulat kundi kaming lahat. Bigla nalang tumahimik ang paligid na kanina lamang ay ang ingay-ingay. Andito ba siya para wakasan na ang grupo naming sampo? (10 Secret Keepers) Hindi ko maitatangging natatakot ako dahil sa mga mata niyang 'yon.

"So ikaw pala si Haize... Ang Puppeteer of Death." Sambit ni Jilbert.

Agad kong kinuha ang baril sa lamesa sa aking tabi at itinutok sa kanya. Handa ko siyang barilin anumang oras pero ni hindi man lamang siya kumurap o natakot bagkos ay lumabas ang nakangiti nitong labi. She's really a demon.

"Sige... Barilin mo 'ko, Zac!" Sigaw niya sa akin dahilan para mas tumindi ang takot na aking nadarama. Bakit ako natatakot? Saan na napunta ang demonyong Zac?

"Zac barilin mo na siya!" Sigaw ni Ycezy. Oo... Nakatutok ang hawak kong baril sa kanya pero... Bakit di'ko siya magawang barilin? Nanginginig ang mga kamay ko hindi dahil sa takot kundi dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan... hindi ko kaya... hindi ko siya kayang patayin... Ibinaba ko na ang aking kamay... bigong patayin ang taong papatay din sa akin.

"Wag mo sanang pagsisihan sa huli na hindi mo 'ko napatay ngayong nasa harapan mo na ako. Alam ko namang hindi mo kaya anyway... We're friends right? O nakalimutan mo na?" Muling sabi ni Haize. Alam kong pinapaikot niya lang naman kami sa mga salita niya. I'll never believe a single word from her because those words made some of us kill each other.

"Zac... Kung hindi mo kaya... Ako na ang gagawa, ako na ang tatapos nito." Sabi ni Dave nang tumatakbo palapit kay Haize habang hawak ang isang patalim pero... Wala siyang laban sa Puppeteer.

Halos hindi ko nakita ang pangyayare dahil sa sobrang bilis... Nakahandusay nalang bigla si Dave na may sugat sa balikat habang si Haize ay hindi man lamang naibo sa kanyang kinatatayuan at hawak-hawak ang patalim na kanila lang ay si Dave ang may hawak.

"Hindi ko kayo sasaktan kung 'di niyo ako sasaktan. Im here to help." Sabi ni Haize sabay bitaw sa patalim na hawak niya.

"Wag kami Haize! Andito ka para patayin kami right?!" Sigaw ni Ycezy sa kanya.

"Don't worry, hindi niyo pa oras."

"Kung ganon nga... bakit mo kami tutulungan." Tanong ko.

"Dahil gusto kong ako mismo ang pumatay sa inyo... Gusto kong ang mga kamay kong 'to mismo ang kumitil ng buhay niyo..." Sagot niya. Tutulungan ba talaga niya kami? Mukang hindi naman siya nagsisinungaling dahil sa seryoso niyang mukha.

"You mean pati kami dama'y sa mga ginawa nila sayo?" Tanong ni Jilbert sa kanya.

"Ycezy, Yumi, Charlotte, Zac, Dave, Prince, Emeremald, Jk, Monique at Reena... Silang sampo lang ang habol ko. Patay na ang tatlo sa kanila kaya anim na buhay pa ang kukunin ko at matatapos narin ang paghihiganti ko."

"Pero...pero Haize....hindi ba't...humingi na kami ng.....ng tawad sayo?" Nauutal na sabi ni Charlotte. Matatakutin na talaga siya ngayon, di tulad ng dati na siya ang kinatatakutan hindi lamang dahil parte siya ng 10 Secret Keepers kundi dahil sa yaman niya. Si Charlotte Hirasawa... Di man halata sa itsura niya... Dati siyang kinatatakutan di lamang ng mga studyante kundi pati narin ng mga guro dito dahil sa taglay niyang kayaman. Kayang-kaya niyang kunin ang lahat ng gustuhin niya ng walang kahirap-hirap so for her money is everything. Nakakatakot talaga ang kayang gawin ng pera. Naging bali-balita rin noon na kaya nakapasok sa school na'to ay dahil rin sa pera. Ngayon... Ano na ang nangyare sa kanya? Ang nakikita ko nalang ngayon ay isang duwag at matatakuting Charlotte.

"Apology isn't enough but your life is more than enough and I just want to say that... You look so pathetic! What happened to the rich and evil Charlotte? Tingnan mo 'tong mga pilat sa leeg ko, hindi ba't ikaw ang may gawa nito? Gusto mo bang gawin ko rin 'to sayo para magkatulad tayo?" Mukang natakot ng husto si Charlotte sa mga pinagsasabi ni Haize kaya ayan na naman siya... Napapraning. Sino nga bang hindi matatakot kapag kinausap ka ng taong papatay sayo. "Answer me, you big dummy!" Muli nitong sabi.

"Tama na Haize! Inuubos mo lang ang oras namin. We don't need help, we don't need anything from you kaya naman umalis kana." Sabi ko.

"Fine. Wag sana kayong mamatay." Sabi niya at naglakad na palabas ng classroom. "

"So ano nang plano Zac?" Tanong ni Ycezy.

Ipinaliwanag ko sa kanila ang planong nasa isip ko at sa tingin naman nila ay epiktibo ito. Wala kaming laban kapag kinalaban namin sila ng harapan dahil sa mga armas na meron sila kaya naman patalinuhan lamang 'to.

Makalipas ang halos isang oras ay nakabalik na sina Emerald at Prince dala-dala ang tatlong bomba na ipantatapat namin sa mga armas nila. Mukhang ito ay magiging madugong laban pero gagawin ko ang lahat makaligtas lamang kami at mailigtas ko lamang si Zhraine. Nagkamali sila ng kinalaban... They're messing with the wrong persons.... They're messing with the demons.

Time check, 8:47. Handa na kami.

Continue Reading

You'll Also Like

10.5K 388 39
This is Malaika Escalante signing on... Hindi daw natin alam kung kelan tayo mapapansin ni Mr. Kupido. Magugulat ka na lang isang araw at in love ka...
154K 5.5K 52
HOURGLASS SERIES #1 If you had been given a chance to go back in time and change someone's life, would you go back? Would you change her or his life...
14.3K 115 36
Can You love a Vampire? Could You? Would you?
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!