TURNING PAGES

Od freespiritdamsel

80.8K 2.9K 501

In the middle of destiny, chances and secrecy, Kathryn Bernardo was given a cardboard box and inside it is ca... Více

p r o l o g u e
Overstressed(?)
In perpetuum
Impaired
Kiss away those tears
temporarily
here
i'm fine
worries
flowers
invitation
scared
beautiful
unsure
promise
kathryn
daniel
memories
comfort
familiar
absence
is it really?
his side
great love
if you are happy
one fine morning
by your side
time
crush
friends
perfect time
Epilogue

eyes

1.6K 68 3
Od freespiritdamsel

**
PRESENT

DUMATING na nga ang araw ng kasal ni Pamu at Kevin. Kaninang umaga pag gising na pag gising ko parang nakukuryente na agad ako. Nandito pa lang ako sa airport dahil ngayon pa rin ang flight ko dahil sa beach gaganapin ang kasal nila. Ngayon lang ako aalis dahil galing pa kong training at may kailangan pang asikasuhin sa District 8. Habang naghihintay nag-uusap lang kami nila Pat, Marco at Diego na nasa Cebu na. Ang iba raw naming kaibigan ay busy naman sa paghahanda.
Sabi nga nila Patrick sakin, andoon na raw si Kathryn. Mas lalo akong kinabahan at parang namilipit ang buong pagkatao ko.
Ganito pala yung pakiramdam no? Sa hinaba-haba kasi ng panahong di ko siya nakita, kinakabahan ako tuwing naiisip kong makikita ko na siya. I've waited long enough. I will make sure na after ng wedding ay makakapag-usap kami. I already constructed kung anong sasabihin ko sakanya at sabi nga ng mga kaibigan ko ay hindi ko rin daw masusunod 'yong nasa isip ko pag nasa moment na. Baka pa nga raw matae ako makita ko lang siya.

Tinanong ko rin sakanila kung kumusta naman si Kathryn. Sinagot naman nila ako ng, "Bro, ang laki ng pinagbago niya." Parang lahat daw ng aspects nagbago sakanya. Ako nalang daw bahala magdescribe pag nakita ko na. Nalungkot tuloy ako. Iyon kasi yung tipo na parang may negative side yung change niya. Alam ko namang naging depressive si Kathryn. Pero grabe, hanggang ngayon? Limang taon na siyang ganon at wala man lang akong nagagawa. Sana pag nakita niya ko, maging okay lang sakanya. Sana hindi siya umalis, tumakbo o matakot sakin.

Narinig ko na ang pagtawag sa flight ko. Huminga ako nang malalim bago pumila.

--

"DJ," Salubong sakin ni Kevin at Pamu. Sila nalang ang tinext ko dahil nag-aayos pa pala sila Patrick. Kala mo mga babae eh. Sila Pamu naman, nakapag-ayos na. Wala lang naman sakanila yung pamahiin na bawal magkita dahil beach wedding naman daw. Napaisip tuloy ako. Sa simbahan lang pala applicable 'yon o sadyang wala lang pake sila Pamu?

"Ayos ah. Talagang kayo talaga sumalubong sakin. Pwede namang magutos nalang kayo." Sabi ko. Nakakahiya rin kasi nakaayos na sila oh.

"Wala 'yon, 'no! Tara, hatid ka namin sa room niyo nila Marco. Atsaka nagayos na kami para retouch-retouch nalang ako mamaya." Sabi ni Pamu at naglakad na kami. 5pm daw magsstart. 1pm palang ngayon.

Habang naglalakad papunta sa lugar namin nila Diego nadaan namin yung room kung asaan nasa labas si Trina. She smiled at me and waved. "Hi Gilas!!!" Ever since nagsimula ang basketball career ko, 'yan na ang tawag niya sakin most of the time.

Ngumiti naman ako at tumango lang sakanya. Nasa same place ba sila ni Kathryn? Di ko mapigilang mapaisip.

"Wala siya diyan. Dun siya sa kabila, katabi nung inyo. Kasama niya sa room si Kiray at Alora." Biglang sagot nalang ni Pamu sa iniisip ko. Nginitian ko siya at nginitian niya naman ako.
"Naku, Deej, kung makikita mo lang siya."

"Makikita ko naman siya mamaya ah?"

"Ay oo nga pala. Hehe."
Napatingin ako sa beach room nadaanan namin bago yung samin nila Pat. Naririnig ko yung tawa ni Alora. Pakalakas.
"Oh ayan na yung room niyo." This time, it's Kevin. "See you mamaya, bro. Parang mas kabado to the max ka pa kesa sa groom, ah." Biro niya sakin.

I chuckled and nodded. "Oo nga eh. Sige salamat ah." Sabi ko sakanila at naglakad na paakyat. Hindi na ko kumatok. Pumasok agad ako dahil di rin naman nakalock. "Ma mann!!!!" Sigaw agad ni Diego nang makita ako.

"Apat tayo dito?" Tanong ko. Apat naman yung kama siguro nga oo.

"Oo bro. Sila Khalil tas sila Dom sa kabila na sila. Apat din sila dun, eh." Sagot sakin ni Marco habang inaayos yung neck tie niya.
Inilapag ko yung bag ko. "Asan na yung suit ko?" Pinadala ko na kasi kila Patrick para di na magusot sakin.

"Ayan sa cabinet oh." Turo niya. Kinuha ko na at nagbihis na rin. Narinig ko silang nag-aasaran sa labas. Ewan, ingay talaga ng mga 'yon.

Paglabas, dun na ko nagayos ng buhok. Maaga kami nag-ayos dahil may picture taking pa raw before the wedding. Parang nanikip yung dibdib ko sa kaba. Mas maaga ko siyang makikita.
Ako ba yung ikakasal? Puta, kabado bente dos.

Umupo ako sa kama habang sila nagce-cellphone at naguusap. "Alam mo tol bakit si Alora at Kiray yung pinasama kay Kathryn?" Napatingala ako kay Deigo na kasalukuyang kumukuha ng litrato sa may bintana. "Bakit?"

"Kasi sabi ni Tita Min hanggang sa maari raw palibutan si Kath ng good vibes. Hahaha."
Hindi ako sumagot pero nagpatuloy naman siya. "Nung dumating daw si Kathryn, nagkukulong lang daw sa condo. Pumupunta lagi sila Tita tas sinama niya sila Alora baka sakaling mahawa si Kath sa saya. Haha. Ang hirap nga raw patawanin eh."

I sighed. Dati kahit konti at maliliit na bagay lang napapangiti at napapatawa na siya.

"Buti nalang umepekto kabaliwan nila Kiray at ayan medyo tumatawa na siya at umo-okay na." Sabi ni Patrick at inabutan ako ng mountain dew in can.

"Buti naman."

"Bro, magdala ka ng panyo ah." Sabi sakin ni Marco. "Bakit?"

"Baka maiyak ka sa ganda ni Kathryn eh. Napapaisip nga ako, depressed ba 'yong ganon ka ganda?"

At 3PM, lahat kami pinalabas na. Pagbaba ko palang ng hagdan, nakita ko na si Kiray sa baba, si Alora naman pababa. "Ay teh!! Nasa iyo yung matte ko ah! Para laters!" Sigaw ni Alora. "Oo friend! Dali na, tawagin mo na si Kathryn, may picture-taking pa raw na ganap." Sabi nito. Napalingon siya samin at nanlaki ang mata. "Hoy!!! Ang pogi naman niyan!" Ngumiti lang ako at sila Diego. Ewan ko nga bat huminto kami dito malapit sakanila, eh.

"Tara na?" Tapik ko sa may gilid ni Marco at nagsimula nang maglakad. Naglakad na kami pero based on my peripheral vision, may babaeng pababa mula sa kwarto nila. Ayan na naman, naninikip na naman dibdib ko. Tangina.

"Pre.."

"Act normal, Patrick. Tangina mo."

"Ikaw yung mukhang naninigas diyan eh."

"Lintek, maglakad na nga lang kayo." Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Nasa likod lang naman natin sila eh." Natatawang sabi ni Diego.

Hindi pa rin ako lumilingon dahil pakiramdam ko ikamamatay ko nang maaga pag nakita ko siya. Woooh. Kinuha ko ang sunglasses ko at sinuot 'yon.

"Oh dito! Hali na kayo guys!" Tawag samin nila Trina.

Pumwesto lang naman ako sa tabi nila Marco na patuloy akong inaasar. "Tigilan niyo nga."

"Ayan na siya..."

Napatingin nalang ako sa babaeng dumaan samin kasabayan si Kiray at Alora. Hindi yata ako humihinga ngayon.

Nakadress siyang since yon ang motiff nila Pamu. Naka lugay ang buhok at sobrang ganda niya lang talaga. Napaawang ang bibig ko at nabalik lang ako sa tamang pagiisip nang isara iyon ni Marco. "Act normal diba? Anyare?" Lumunok ako at huminga.

"Oh formation na." Sabi ng photographer. Di ko mapigilang di mapatingin sa kabilang side kung asan sila. Katabi niya si Trina at Kiray.

"1,2,—Mr Ford, tingin po sa cam!"
Nagtawanan naman ang mga tropa ko at agad napatingin ang girl sakin na may nakakalokong ngiti. Si Kathryn naman, she just looked down before smiling again. Yes, I saw that.

"Mamaya mo na titigin kasi."

"1,2,3!"

Naka ilang shots pa yung official photographer hanggang sa nagkanya-kanya na. "Oh bro, tara picture tayo!" Tinaas ni Khalil yung camera niya para masakop kaming lahat.

Lumapit samin sila Trina. "Uy tara picture!!" Hawak-hawak niya si Kathryn na hindi naman samin nakatingin. Umiiwas siya ng tingin at minsan nama'y yumuyuko.

Napansin kong gumanda nga siya lalo. Ang katawan niya sakto lang, mas lalong sumexy pero hindi naman masyadong tumaba. Halata rin ang eyebags niya kahit na naka make up siya. Light lang naman kasi an make up niya. Has she been losing sleep? What do you expect, DJ?

Napansin ko namang tinatap niya yung sarili niya na parang di siya mapakali.

"Oh picture na! Kath, here!" Tawag sakanya nila Arisse. Lumapit lang siya habang pokerface pa rin. Ang kaso, nasa front ko lang siya kasi dito siya malapit.

"Oh, 1,2,3! Isa pa, isa pa! Smileeee!" Si Marco ang may hawak non.

I can't help but look at her. Di niya naman siguro napapansin kasi naka sunglasses ako.

After nun, nakita kong lumapit si Diego kay Kathryn. Pero bago 'yon, kinindatan niya muna ako dahil kita niya siguro napatingin ako sakanya at napakunot ang noo ko.

"Hi Kath." I heard him say.

"Hello." She greeted him plainly.

"How are you?"

"I'm good."

Hindi talaga ako lumayo para marinig ko ang pinag-uusapan nila. Mamaya biglang pakasalan to ni Diego eh.

"Are you staying here for good?"

"No," iling niya. "I have work back there." Iyon na yata ang pinakamahaba niyang sagot.

"Wow, that's good. Kumusta naman sa Belgium? Is it nice there? Marami bang chocolates?" He tried to laugh dahil sa huling sinabi niya. I can sense din na medyo kinakabahan si Diego habang kausapin si Kathryn.

Napabalik tingin nalang ako sa kanila nang narinig kong tumawa si Kathryn nang marahan. "Yes, I needed chocolates. Para maiwas sa stress."

"Wala ka bang dala diyan?"

"Meron. But nabigay ko na lahat sa mga pamangkin ko."

"I see, uy, pwede picture tayo?" He asked at uminit ang ulo ko. Mamaya ka lang sakin Loyzaga!

Nag picture sila at napairap nalang ako. Tapos biglang nakisali pa sila Marco at Patrick.

"Uy ano yan, ano yan! Kami rin!"

"Grabe Kath, si Diego lang talaga?"

"Siya lang naman kasi lumapit." Paliwanag ng Kathryn ko.

"Oh andito na kami. Pwede ba?"

"Okay lang naman."

Nanood lang ako sakanila.

"Buti nga medyo umo-okay na siya eh." Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Kiray. "Alam mo hirap na hirap kaming patawanin siya ngayon. Buti nalang medyo nagloloosen up na siya." Ngiti niya habang nakatingin kay Kathryn.

"Thank you, Kiray."

"Oh, DJ! Sali ka naman!" Nagulat ako nang tawagin ako ni Dom. "Okay lang ba, Kath?" Natatawang tanong ni Khalil.

Tinignan ko lang ang reaction niya. Parang wala lang naman. "Ayos lang."

"Yown! Tara dito, Ford!"

Naglakad ako papunta sa kanila at pumwesto. Nakipagpalit naman sakin si Marco at nung ayaw ako hinila ba naman ako! Gago to. Buti nalang di ako natulak kay Kathryn. Tinignan ko siya at nakatingin siya sa camera na hawak ngayon ni Trina dahil siya yung nagpipicture. Tinanggal ko ang sunglasses ko.

Nanlamig ako at napamura ako sa isip ko. Lahat na yata nang mura nasabi ko na nang tumingin siya sakin. At hindi lang basta napatingin. Tinitigan niya talaga ako. At nakipagtitigan naman ako.

"Hi Kath." Is what I managed to say. Sinubukan kong di mautal o matae nang sabihin ko 'yon. It makes me sadder when I remember how I call her before with all the endearments that I have for her. Bal, Bali, Tangi, Love, Mahal...

"Hi DJ." She said and looked away.

I can see through those eyes all her pain.

Oh darling, I know you've seen my eyes are full of regrets.

**

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
228K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
18.9K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
102K 7.6K 32
Fiction. English/Filipino Dialogue