Under His Spell

Door thatpaintedmind

11.1M 360K 114K

Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 1 Tyler Craig Smith's story "Don't trust what you see. Even... Meer

Warning!
Teaser
Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
PLEASE READ
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
...
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
...
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L.1
Kabanata L.2
Wakas
Mensahe ng Manunulat
Special Chapter
1 Million Special
2/22/22

Kabanata XXXV

145K 4.4K 1.6K
Door thatpaintedmind

The next day, I woke up with a mild headache. Napahawak ako sa ulo ko, para iyong pumipintig-pintig sa sakit. Pero bearable naman iyon ng konti kahit papaano.

Tumingin ako sa orasan na nasa side table at nakitang maga-alas otso pa lang ng umaga. Pero bumangon na ako, naghilamos, saka bumaba patungong dining. Naroon na sina mama. Kaagad nagliwanag ang mga mata niya nang makita ako.

"Darling, you're awake! Sorry we didn't call you to eat, we thought you needed a longer rest."

"Okay lang po ma,"

Umupo ako sa bakanteng upuan, sa tabi ni mama at sa tapat naman ni Dark.

"Are you alright, sweetheart? You look pale," puna ni papa.

"No papa, just a mild headache, nothing to worry about." Nginitian ko pa siya para mas maniwala siya, epektibo naman.

"We'll go to the hospital,"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dark.

"Ha? Wag na! Okay nga lang ako, kulit nito."

Tinaasan ako nito ng kilay. "Hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit tayo pupunta roon."

"Kung hindi, eh ano?"

"For my work, sasama ka sa akin pagkatapos niyong mag-mall ni mom."

"Work? Nagta-trabaho ka sa ospital? Anong trabaho?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

Si Dark? Nagta-trabaho sa isang ospital? Now that's something...

Pero imbis na sagutin niya ako ay nginisian niya lamang ako saka siya nagpatuloy sa pagkain.

"Dark! Anong trabaho?!" Pangungulit ko.

Nakaka-curious kasi talaga, ano namang klaseng trabaho ang meron si Dark sa isang ospital?

"Doctor ka ba? Surgeon? Pediatrician?"

Natawa na sina mama sa akin, pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Dark. Halos sumampa na nga ako sa mesang nakapagitan sa amin para lang makalapit pa ako sa kanya.

"Baka naman nurse? Pero diba kung nurse dapat may pleasing personality kasi sila nag-aasikaso ng mga patients? Aba! Eh hindi naman pleasing personality mo ah? Paano mo ina-approach iyong mga pasyente kung gano'n? Bihira ka pa namang ngumiti! Buti di ka pa nafa-fired?"

Natawa ulit sina mama. Si Dark naman ay tinignan na ako ng masama.

"I own that hospital that's why I will never get fired."

"Ahh, so inamin mo ring kung hindi sayo ang ospital na 'yon ay alam mong mafa-fire ka?"

"It's not like that!"

"Oh, ba't sumisigaw ka na? Defensiiive!" Pang-aasar ko pa na kinalikha ng malakas na halakhak sa buong kusina galing sa magulang namin.

"No I'm not! You'll see later! The patients are the one searching for me and craving for my service!"

Napasinghap ako kunwari. "Anong service? Naku mama oh! Ospital iyon, Dark ha! Hindi 'yon--"

Napatakbo agad ako sa likod ni papa nang tumayo si Dark at akmang lalapitan ako.

"Ang kukulit niyo," nakatawang wika ni mama. "Hayaan mo na ang kapatid mo Dark, hindi pa nga siya nakakakain. Upo ka na ulit Light, kain ka muna, darling."

Tumawa ako ng mapang-asar at binelatan pa si Dark bago ako umupo.  Nakasimangot naman siyang bumalik sa kinauupuan niya.

This is one of my favorite morning, puro kasayahan... Pero nakakaintriga. Ano ang trabaho ni Dark?

"After you finished eating, get dressed darling okay? We'll bond together! Sasama din si papa mo sa atin of course."

"Eh si Dark po?"

"He'll be in his hospital,"

"Ahh, magbibigay po ng service?"

Tumalim bigla ang tingin sa akin ni Dark kaya tinaasan ko siya ng isang kalay.

"Ba't ganyan ka makatingin?"

"Wala," wika niya pero nakaismid naman.

Tumawa na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos ay umakyat na ako para maligo't magbihis. Excited na ako, hindi dahil sa aalis kami, kundi dahil alam kong matinding kasiyahan ang maihahatid sa akin ng family bonding namin na 'to.

"Talaga po bang nagta-trabaho si Dark sa sarili niyang ospital?" Tanong ko kina mama't papa nang nasa sasakyan na kami. Si papa ang nagmamaneho habang nasa tabi niya si mama, ako naman ay nasa backseat.

"Oo anak," nakangiting sagot sa akin ni mama.

"Baka naman siya lang ang owner, ma? Pero hindi po talaga siya nagta-trabaho do'n?"

Tumawa si mama, "He really is working in his own hospital-- hospitals I mean. Paiba-iba kasi siya ng office, depende kung saan siya mas kailangan."

"Wow, ang yaman naman pala talaga ni kuya. Buti nandyan po kayo para tulungan siya."

"Oh no, believe me darling, he built his hospitals on his own, with his own money and with his own hardwork. Hindi siya tumanggap ng kahit anong tulong sa amin, kahit noong mga panahong nag-aaral siya. Lahat ng meron siya ngayon, ay pinaghirapan niya."

I was left speechless. I didn't know that. Pero may isa pa akong hindi ko rin alam.

"Ano pong trabaho niya?"

Hindi na nakasagot si mama nang tumigil na ang sasakyan. Pagtingin ko sa labas ay narating na namin ang isang sikat na mall. Bumaba na kami at nagsimulang magbond together.

It was indeed a wonderful day. Hindi lang kami sa mall nagpunta, kumain din kami sa isang sikat na restaurant at nagtungo sa isang park na katabi ng dagat kaya naman napaka-mesmerizing ng view. Habang naroon ay kumain kami ng mga streetfoods na talaga namang kinatuwa ko, kahit pala mayaman ang mga magulang ko ay kumakain din sila ng ganoong klaseng pagkain. Sabi pa nga ni mama ay paborito niya iyong isaw, si papa naman ay ang kwek-kwek. Nakakatuwa lang.

"There's your brother's hospital,"

Napalingon kaagad ako sa tinuro ni mama. Nakaupo kami sa isang bench dito sa park at kumakain pa rin ng streetfoods ng sinabi niya iyon.

"Gusto mong malaman ang trabaho niya, hindi ba? Punta ka roon anak, dito lang kami ng mama mo. Sumabay ka na sa kuya mo sa pag-uwi, magde-date lang kami nitong sweetie ko. Baka gumawa na kami ng panibagong kapatid niyo ni Dark-- aww!"

Natawa ako ng hampasin ni mama si papa sa dibdib. Namumula pa ang mukha ni mama, para silang mga bata.

"Sige po ma, pa, punta na po ako kay kuya."

"Sige anak, mag-iingat ka."

Humalik sila sa akin bago ko nilakad ang ospital na sinabi ni mama. Malapit lang iyon kaya madali ko lang din narating. Kaagad akong nagtungo sa reception desk.

"Uhm, may I know where Dark Vergara is?"

"Do you have an appointment with him, ma'am?"

Ay taray, kailangan pa magkaroon ng appointment ang isang pasyente bago makausap si Dark. Sigurado ay magaling talaga siya kaya naman ganoon na lang kahalaga ang oras niya.

"None, but please kindly tell him that Zafina is here."

"Alright ma'am, just a second."

May tinawagan ito saglit sa telepono bago siya muling humarap sa akin na may magandang ngiti.

"Sir Dark is on his office, that's located at the second floor, room number 212."

"Thank you,"

Nginitian ko siya bago ako nagpunta sa elevator at inakyat ang sumunod na palapag. Nang makita ko ang room 212 ay kaagad akong kumatok doon.

"Come in," rinig kong sabi ng boses ni Dark kaya napangiti kaagad ako.

Dali-dali akong pumasok. May binabasa siyang isang dokumento nang lumapit ako sa kanya at umupo sa upuang nasa harapan ng desk niya.

"Hi kuya kong panget,"

Tinapunan niya kaagad ako ng masamang tingin sa sinabi ko. Here comes my pikuning brother.

"Ang lakas mong asarin na ako ngayon, samantalang noong panahong hindi mo pa alam na magkapatid tayo ay ang bait-bait mo sa akin."

"Eh kasi ngayon kumportableng-kumportable na ako sayo, hindi katulad dati na takot pa ako sayo."

Napakunot ang noo niya. "Takot ka sa akin?"

"Sinong hindi matatakot sayo? Ang creepy mo kaya!"

"How did I became creepy? Wala naman akong ginagawa sayo."

"Anong wala? Meron!"

"Name it," tila nanghahamon niyang sabi.

"Noong nagpunta kayo ng mga kaibigan niyo sa bahay, grabe ka kaya kung makatitig sa akin! Kinilabutan ako, lalo na nung nagtungo ako sa kusina at sinundan mo ako. Lumapit ka sa akin no'n ng napakalapit, hindi ko alam kung may balak ka sa akin o ano eh."

"Oh, that," napatawa ito na tila naalala ang araw na iyon. "Did I scared you that much that time?"

"Oo kaya!"

"I'm sorry, that was the day when the investigator told me that you might be my long lost sister. Kaya titig na titig ako sayo no'n dahil doon ko lang napagtanto ang resemblance niyo ni mom, at lumapit ako sayo sa likod mo no'n para bunutan ka ng buhok ng hindi mo namamalayan. That is to have a DNA test of your hair. If you only knew how much I wanted to hug you at that time, kahit kasi hindi pa sigurado, ramdam ko nang ikaw na ang matagal na naming hinahanap. That you are our lost Light."

Napangiti ako at tumayo, pumunta ako sa likod ng swivel chair niya para yakapin siya mula sa likod, ipinaikot ko ang dalawang braso ko sa batok niya kaya nakabend ako ng kaunti. Naamoy ko tuloy ang natural niyang amoy na napakabango. Kaadik.

"Ngayon pwede mo na akong yakapin sa kahit na anong oras. Pero bago 'yon, ano muna trabaho mo?"

Napatawa siya. "Hindi pa sinabi sayo nina mom?"

"Tatanungin ko ba kung sinabi na nila?"

"That's good, dahil hindi ko sasabihin sayo."

"Dark!" Napaayos ako ng tayo sa sinabi niya at napapadyak pa ng paa. "Ano na kasi? Sabihin mo na!"

"Not until you behave,"

"Ano?! Behave naman ako ah!"

"Anong behave? Grabe ka nga kung mang-asar sa akin. Huwag mo akong asarin at sasabihin ko sayo."

"Hmp! Itatanong ko na lang sa mga nagta-trabaho dito."

Akmang maglalakad na ako papunta sa pinto nang magsalita ulit siya.

"Sige ka, madami pa namang pakalat-kalat na espiritu dito. Mamaya makasalubong mo pa iyong babaeng duguan--"

"Daaark!"

Napabalik ako agad sa kanya. Tawa naman siya ng tawa. Hmp. Para siyang moon. Moontanga.

Tatalikod na sana ako sa kanya nang matigilan ako. Napatitig ako sa mukha niya. Nang mapansin niya iyon ay napatigil na siya sa pagtawa saka niya ako nagtatakang tinignan.

"What are you staring at?"

"Dark..."

"Why? Is there something wrong?" Nag-aalala niyang sabi. Tumayo pa siya para lapitan ako.

"Dark... Ang cute mo!!!"

Nagulat siya nang dambahin ko siya para pisilin ang kanyang pisngi. Muntik pa kaming matumba buti ay nabalanse niya kaming dalawa.

"What the fuck?!"

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pamimisil sa pisngi niya. Hindi naman matambok ang pisngi ni Dark pero nanggigigil pa rin ako sa kanya.

"Aww, that hurts,"

Hinimas ni Dark ang namumula niyang pisngi nang bitawan ko siya. I found that gesture cute. Akmang pipisilin ko na naman ang pisngi niya nang mabilis siyang lumayo sa akin.

"Hey, stop it woman, I am not a freaking puppy. What's wrong with you? Hindi ka naman ganito nung kayo pa ni Tyler."

Sa isang iglap ay nawala ang ngiti ko nang banggitin niya ang pangalang iyon. Nang mapagtanto niya ang sinabi niya ay narinig ko siyang mahinang napamura. Pero maya-maya lang ay malalim itong humugot ng hangin.

"I have to tell you something Zafina,"

Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko nang sumeryoso siya. Tumitig siya sa akin ng malalim, tila tumatagos ang mga titig na iyon sa kaluluwa ko.

"I asked a confirmation from my private investigator if Tyler is really the father of Jamaica's child or not."

Nanginig ang aking labi. Iyong kagabi...

"He said--"

Napatigil sa ere ang sasabihin niya nang may kumatok sa pinto. Sumilip doon ang isang ulo ng babae.

"Sir, Mr. Dela Cuesta is already here."

Napabuga ng hangin si Dark sa sinabi ng assistant niya siguro. Lumapit siya sa akin at sinapo ang aking mukha para halikan ako sa noo.

"We'll talk later, I'll just have a short talk with my patient. Wait for me outside."

Tumango na lang ako sa kanya bago ako lumabas ng kanyang office. Nakatulala akong umupo sa upuang nasa tapat doon.

Hindi niya nasabi sa akin ang nais niyang sabihin.

Tadhana na ba ang gumagawa ng paraan para hindi na ako masaktan pa lalo? Naaawa na ba ang tadhana sa akin?

O baka naman ayaw ipaalam sa akin ng tadhana ang dapat kong malaman— ang katotohanan?

Napapikit ako bago ko sinandal ang ulo ko sa pader na nasa aking likod.There's really a certain person in our life when just by thinking of them, they already happened to change our mood. And it's either we become the happiest person on earth, or the most devastated one.

Tumayo ako at nagpasyang magtungo sa cr. Habang naglalakad ako para hanapin iyon ay tila napagtripan na naman ng tadhana na paglaruan ako.

Tila nanigas hindi lang ang katawan ko kundi pati ang buong sistema ko nang makita sa hindi kalayuan ang dalawang taong dahilan ng matinding sakit na nararamdaman ko.

Nanikip ang dibdib ko nang makita kung paano alalayan ni Tyler si Jamaica. Sa dinami-dami ng ospital ay dito pa na-confine si Jamaica, at mukhang madi-discharge na siya ngayon base sa nakikita ko.

Parang pinagpipira-piraso ang puso ko habang nakikita ang klase ng pagkakahawak ni Tyler sa bewang ni Jamaica, na tila ba takot na takot itong matumba ang babae, na tila ba handa itong saluhin kung sakaling mahulog ito.

Napatitig ako kay Tyler. He looks like a mess. Magulo ang buhok niya at hindi pa siya nagpapalit ng damit simula nung huli ko siyang makita. Halata ang pagod sa kanyang mukha at tila ba wala pa siyang tulog.

Napangiti ako ng mapait, of course, he will look like a mess, mag-alala ba naman siya magdamag para sa kapakanan ng mag-ina niya, siguradong hindi siya nakatulog kakabantay kay Jamaica. I even doubt kung alam niyang hindi ako umuwi sa bahay namin. Mukha ngang hindi pa siya dumadaan do'n, kahit man lang tignan kung ayos lang ba ako. Wala lang ba talaga ako sa kanya?

Tumulo ang luha ko. I was busy last night thinking if he's waiting and worrying about me to the point that I wasn't able to get enough sleep. I was busy last night crying because of him. Funny, he was busy worrying about his family.

Napatago ako sa hallway na nasa gilid ko nang makitang tatahakin nila ang daan kung nasaan ako ngayon. Sumandal ako roon at pilit pinigalan ang aking mga luha sa pagbagsak.

"Tyler, kaya ko naman ng maglakad."

"No Jamaica, you need guidance so please just let me, it's for you and the baby's sake."

Tangina, expert talagang manakit 'tong si Tyler. Ang dali niyang pabigatin ang loob ko.

Huminga ako ng malalim. No Zafina, stop those tears from falling.

"You know I don't want the baby's life to put in danger. That child is a Smith and she deserves the best protection. She will be carrying my surname, isn't she?"

Hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko.

Hindi ko na kaya. Sa bibig na mismo ni Tyler nanggaling, the child will be carrying his surname, that means siya nga talaga ang a-ama.

Mahigpit kong tinakpan ang bibig ko gamit ang aking kamay para pigilang kumawala ang mga hikbi roon. Lalo na nang makita kong dumaan na sila sa gilid ko, kaagad akong tumalikod para hindi nila ako makilala. Pero bago pa ako makatalikod, ay kitang-kita ko pa ang matamis na ngiti ni Jamaica kay Tyler.

"Of course, she will be carrying your surname."

Tinakpan ko ang tenga ko. Ayaw ko nang marinig pa ang mga sasabihin nila. Masyado nang masakit sa dibdib. Sobra na...

Humagulgol na ako. Wala na akong pakialam kung sinong makakita sa akin. Tutal alam ko namang nakaalis na sina Tyler. Hindi na nila ako makikita, hindi na nila makikita ang paghihirap na dinadanas ko.

"Light!"

Biglang sumulpot sa harap ko si Dark na alalang-alala. Kaagad ko siyang niyakap.

"D-Dark..." napahikbi ako, "N-Nakita k-ko s-sila... N-Nakita ko sila, D-Dark!"

Niyakap niya ako ng mas mahigpit. Pilit niya akong pinakalma. Pero hindi iyon nangyari, hindi ako kumalma dahil hindi ko kaya.

Napatigil lang ako nang makaramdam ng pagsidhi ng matinding kurot sa aking puson.

Napatigil ako at napangiwi. A-Ang sakit...

"L-Light?"

Unti-unti akong kumalas kay Dark. Nakatingin siya sa aking hita ng may hindi maipintang reaksyon. Dahan-dahan akong tumingin doon at tila huminto sa pag-ikot ang mundo ko nang makita ang dugo na umaagos doon.

"Ahhhh!"

Napasigaw ako bigla dahil sa napakatinding sakit na naramdaman ko sa aking puson. Ang sakit! Ang sakit-sakit!

"Shit!"

Mabilis akong binuhat ni Dark. Napaluha na ako. Hindi lang dahil sa sakit. Kundi dahil sa kaisipang maaaring mawala ang baby ko...

A-Ang baby ko! I didn't even know that I'm pregnant! Hindi siya pwedeng mawala!

No, please...

"Hold on, Light..."

Oh God, huwag niyo pong hayaang may mangyaring masama sa baby ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala ang anghel na nasa sinapupunan ko ngayon.

Napahikbi ako habang nakatingin sa dugong patuloy na umaagos sa hita ko.

M-My baby...

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1.7M 21.7K 48
[ El Paradiso Collaboration Series 1 ] WARNING: RATED SPG! Talia, a fond of perfection. Living alone, tons of money, beauty and brain. She's also kn...
32.6K 61 2
Forgotten memories, forgotten feelings, and forgotten person. Can you bear it? Being forgotten by someone you love the most?
7.1M 157K 66
Lucienne Campbell is spoiled and behaves like a brat. She always gets what she wants, and she has a particular love for the purple color. Then, there...
80.3K 5.7K 19
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...