The Man After His Own Heart

Af _Isabelle_

51.9K 2.8K 1.4K

A story of a man after God's heart Mere

The Man After His Own Heart (Prologue)
Chapter 2 - Known
Chapter 3 - Secret
Chapter 4 - Agreement
Chapter 5 - Sweet
Chapter 6 - Alone
Chapter 7 - Not Alone
Chapter 8 - Boaz
Chapter 9 - Smile (1)
Chapter 10 - Smile (2)
Chapter 11 - Time
Chapter 12 - Helpful
Chapter 13 - Rain of Emotions (1)
Chapter 14 - Rain of Emotions (2)
Chapter 15 - Rain of Emotions (3)
Chapter 16 - Rain of Emotions (Last Part)
Chapter 17 - His Name
Chapter 18 - Payment
Chapter 19 - Emmanuel
Chapter 20 - Kiss
Chapter 21 - Broken, but Blessed
Chapter 22 - Love blooms slowly
Chapter 23 - Out of the abundance of the Heart (1)
Chapter 24 - Out of the abundance of the Heart (2)
Chapter 25 - Out of the abundance of the Heart (last part)
Chapter 26 - God is with us (1)
Chapter 27 - God is with us (2)
Chapter 28 - God is with us (3)
Chapter 29 - God is with us (Last Part)
Note
Epilogue

Chapter 1 - Unforgettable

2.8K 108 56
Af _Isabelle_

Hacienda Rachel. Iyon ang lugar na napuntahan niya dahil sa pagtakas sa kanyang nakaraan. Sabi ni Inang Naomi na isa ito sa pagmamay-ari ng kanilang amo pero hindi ito palagiang nakakabisita rito. Mas nakatuon pa rin daw ito sa kabilang ibayo na isa rin farm ngunit mas malaki dito. Minsanan lang raw pumunta dito ang kanilang amo at sa susunod na pagpunta rito ay kailangan siyang ipakilala. Kinuha kasi siyang trabahador ni Inang Naomi dahil sa kakulangan ng tao at doon na nagsimula ang lahat. Kailangan-kailangan niya ng matutuluyan kaya tinanggap niya ang alok ng matanda ng makita niya ito sa bayan. At dahil doon ay nakatakas siya sa kanyang tinatakasan.

"Ruth!" Tawag sa kanya ni Inang Naomi. Gamit ang manggas ng kanyang mahabang damit ay nagpunas siya ng pawis. Mainit ang araw ngayon dahil tag-araw at pinagpawisan siya dahil tumulong siya sa paggagapas ng mga talahib. Lumapit siya sa matandang babae.

"Bakit po inang?" Patuloy pa niyang pagpunas ng pawis.

"Sa isang linggo na darating ang may-ari. Ipapakilala na kita." Tumango siya sa sinabi ng matanda pero natatakot siya sa posibilidad na hindi siya magustuhan ng may-ari at paalisin siya sa lugar na naging tahanan na niya sa loob ng apat na buwan. "Huwag kang mag-alala. Mabait iyon at binibigyan niya ng pagkakataon ang lahat ng tao kahit na kung ikaw ay dating nakulong. Tatanggapin ka nun." Tumango siya sa sinabi ng matanda. Isa kasing dating bilanggo ang matanda at malimit siya nitong kwentuhan tungkol sa buhay niya at sa binigay na pagkakataon ng kanilang amo.

Pero hindi lang iyon ang inaalala niya. Ang inaalala niya ay baka makilala siya. Nagkukubli siya sa lugar na ito dahil walang nakakakilala sa kanya. Hindi niya pa kayang kaharapin ang mga taong ngayon lalo na at ganito ang kalagayan niya. Hindi niya kayang protektahan ang sarili niya sa ngayon. Hindi niya kayang protektahan sila. Kailangan muna niyang magtago hanggang kaya niya. At sana makiayon naman sa kanya ang tadhana sa unang pagkakataon. At sana ang amo niya ay hindi siya kilala at ang mga taong tinatakbuhan niya.

"O sige magpatuloy ka na. Mamaya samahan mo ako sa kabilang taninam." Tumango na lang siya sa sinabi ng matanda.

...

Nakakapagod ang araw na ito pero wala siyang reklamo doon. Sa apat na buwang pagtatrabaho niya ay nasanay na rin siya sa demand ng pisikal na trabaho sa bukid. Pero mas napagod siya ngayon kesa sa nakaraan araw. Ganoon nga talaga siguro lalo na ngayon dahil sa init ng araw.

Naupo na siya sa papag na hinihigan niya matapos ay nahiga. Kung dati ay sumasakit ang likod niya sa pagtulog sa papag ngayon ay nasanay na siya. Ganoon pala kapag wala ka ng ibang pagpipilian. Pero hindi siya nagrereklamo. Masaya siya kung anuman meroon siya ngayon. Masaya siya at buhay pa siya ngayon at ligtas. Mas gugustuhin na niya ang simpleng buhay kesa mamuhay ng marangya ngunit nakakulong. Pinikit na niya ang mata at natulog.

Nagising siya kinabukasan na sobrang sama ng pakiramdam. Sinubukan niyan tumayo pero tila umikot ang paningin niya. Malimit itong mangyari sa kanya. Ang ginagawa niya ay magpapahinga siya ng kaunti at hihintayin niyang magsettle muna ang hilo bago dahan-dahan tumayo. At ganoon nga ang ginawa niya. Tumayo siya dahan-dahan at nakatayo na siya pero hindi kagaya ng dati hindi pa rin nawala ang hilo niya.

Sinubukan niya pa rin maglakad kahit nahihilo at kumuha ng maiinom. Meroon siyang kaisa-isang gamit na thermos na binigay ni Inang sa kanya. Malaking tulong iyon sa kanya lalo na paggawa niya ng inumin tuwing umaga. Kinuha na niya ang kaisa-isang mug at nagsandok ng gatas mula sa lagayan at saka naghalo at sumimsim.

Sinandal niya ang katawan at ulo sa pader. Nilibot niya ang mata sa parisukat na maliit na tinatawag niyang bahay. Dito siya pinatira ni inang noon sinabi niya na wala siyang matutuluyan. Kalapit bahay niya lang ang matanda at palagi siya nitong dinadalhan ng pagkain kapag walang trabaho. Sa trabaho naman kasi ay may libreng pagkain sa araw-araw kaya hindi niya na rin kailangan mag-abala o matuto ng pagluluto.

Naubos na niya ang gatas at tumayo ngunit hindi pa rin siya tinakasan ng hilo. Akala niya ay gutom lang ito at kulang siya sa asukal sa katawan. Napahawak siya sa maliit na mesa dahil pakiramdam niya ay nanghihina ang mga kalamnan niya. Marahan siyang naglakad para bumalik sa papag ngunit hindi na niya ito inabot at nabuwal na lang siya sa sahig.

...

"Ruth, anak." Isang malamyos na tinig ang narinig niya. Kilala niya ang boses na iyon. Nagmulat siya at nakita niya ang mukha ni inang na nakatingin sa kanya na nag-aalala.

"Inang." Nanghihina niyang tugon. Nakahiga na sa siya sa kanyang papag at naguluhan siya kung paano siya nakarating doon.

"Nawalan ka ng malay. Buti na lang at dumaan kami rito ni Marko. Ano bang nangyayari sa'yong bata ka?"

"Wala po." Umiling siya. "Napagod lang po siguro. Halika na po at pumunta na tayo sa bukid. Baka hanapin na po tayo roon." Nagpasigla siya ng boses para hindi mahalata ng matanda ang panghihina niya. Pinagmasdan lang siya ng matanda ng mataman.

"Magpahinga ka na lang." Ngumiti ang matanda at hinaplos-haplos pa ang buhok niya. May pagkain na akong dinala. Kumain ka na." Tumango naman siya sa matanda. Tinulungan siya ng matanda na kumain sa papag niya. Hindi na rin siya nito pinagalaw.

"Kaya ko na po. Nagkulang lang po siguro ako sa pagkain." Pangangatwiran niya sa matanda.

"Hindi na, Ruth. Magpahinga ka na. Nasabihan ko na sina Melencio na di ka makakapasok ngayon. Walang masyadong gagawin ngayon dahil dumating na ang amo. Ililibot lang namin siya ni Melencio. Gusto ko nga sanang makilala ka niya pero sa susunod na lang na pagbisita niya."

"Isang araw lang po ba ang pagbisita niya?"

"Iyon ang balita ko kay Melencio. Abala daw kasi ang bukid sa kabilang ibayo sa pag-aani kaya kailangan niyang bumalik agad doon." Tumango na lang ako.

"Sa susunod na lang po siguro kung ganoon." Kahit papaano ay may nagawa rin palang maganda ang pagkakasakit niya.

...

"Nandiyan ang amo." Narinig niyang salita ng isa sa mga kasama niyang naggagapas. Halos isang linggo lang ng bumisit
a ito sa bukid at umalis din kaagad at heto ngayon ay bumalik ulit ang kanilang amo.

"Karga ng Amo si Elizabeth." Bulong pa ng isang babaeng kasama niya. "Hindi na nahiya si Luning at pinakarga niya ang bata." Tumingin siya rito.

"Sadyang mabait nga talaga si Amo. Akalain mo ngang okay lang sa kanya ang magbuhat ng anak ng trabahador niya." Salita pa ng isang kasama nila.

"Sana nga ay mamalagi dito sa atin si Amo. Ang tagal din bago siya bumalik dito sa Palawan." Salita pa ng isa.

"Halos isang taon rin siyang namalagi sa Maynila dahil meroon siyang kailangan asikasuhin. Ano kaya iyon ano?"

"Ang balita ay namatay raw ang first love ni Amo."

"Tsk. Kawawa naman. Mukhang tatandang binata na ata talaga si Amo."

"Napakaraming babae naman dito. Sigurado akong meroon siyang magugustuhan rito. Marami din naman magaganda sa atin." Nakikinig lang siya sa pag-uusap sa mga tao sa paligid niya.

"Pero siyempre iba pa rin ang ganda ng mga taga-Maynila. Doon siya lumaki kaya iyon ang babaeng tipo niya." Nanatili na lang siyang tahimik dahil may namumuong pag-aalala sa kanyang isip dahil sa nalaman. Pero pinanatag na lang din niya ang sarili. Malaki ang Maynila. Sa estado niya ngayon at itsura ay walang makakakilala sa kanya.

"Kaya nga taga roon ang kasintahan niya di ba?" Salita pa ng isa. Kaya pala hindi ito bumisita ng matagal dahil sa pagkamatay ng kasintahan niya. Napaisip naman siya kung anong itsura ng kanilang 'amo'. Sa mga tinuran ng mga ito na tatandang binata na ito ay maaring lagpas na ito sa edad siguro ng pag-aasawa.

"Nandiyan na siya. Huy tumahimik kayo." Isang pagsaway ang narinig niya. Nakatingin naman siya kung saan nakatingin ang karamihan ng kababaihan na kasama niya.

Isang matangkad na lalaki ang nakita niya sa di kalayuan. Higit na mas matangkad ito kesa sa mga kakilala niyang lalaki dito sa bukid. Papasa na nga itong basketbolista sa tangkad nito. May mahaba ito at maalon-alon na buhok na ang kalahati ay nakatali. Hindi naman niya inaasahan ang kakaibang kagustuhan ng amo sa buhok. Ang akala niya ay hindi na uso ang mahabang buhok sa kalalakihan ngayon.

Saglit itong lumingon at nakita niya ang nakatagilid nitong mukha. Doon niya lang napansin ang moreno nitong kulay at kapansin-pansin niya ang matangos nitong ilong. Pero bukod doon ang mukha nito ay napakaraming buhok. May mahaba itong balbas at bigote. Naalala naman niya ang mga sinaunang moda ng mga lalaki sa buhok. Hindi niya tuloy maaninag kung gaano na katanda ito dahil sa itsura. Pero maaring matanda na ito dahil nga sa laki ng lupain hawak niya. Hinding-hindi ito mapapalago ng bata pa.

Humarap na ito at mabilisan siyang tumungo. Nag-aalinlangan siya dahil baka makita siyang nakatitig rito at dahil siya ay bagong mukha sa bukid ay kaagad siyang mapapansin.

"Ayan na si Amo." Bulong pa ng mga kasama niya. Palihim siyang sumulyap at nakita niya ang amo na may kalayuan pa rin. Inaaninag niya ang mata nito pero natatakpan ito ng batang karga niya na palagay niya ay tuwang-tuwa sa amo.

Hindi niya napansin na nakatitig na siya rito at naghihintay ng pagkakataon na masilayan niya ang mukha ng amo ng bigla na lang tinuro siya ng batang karga nito at nagmamadali siyang nag-iwas ng tingin at umalis sa lugar na pinaggagapasan niya.

Inayos pa niya ang salakot sa ulo at inayos niya ang piraso ng tela na nakatakip sa kanyang mukha. Pakiramdam niya ay tinitingnan siya ng amo at hindi siya mapakali. Nagitla naman siya na marinig ang masaganang halakhak nito na tila papalapit. Ang boses nito ay malalim at lalaking-lalaki. Gusto niya itong sulyapan sa huling pagkakataon ngunit ng maiangat na niya ang paningin ay nakita niya na nakatalikod na ito at naglalakad na palayo sa kanya.

...

"Amo." Bati sa kanya ng matandang katiwala niya sa lupain na ito na si Tatay Melencio.

"Maganda hapon, Tay. Huwag na pong amo. Ilang ulit ko na pong sinabi sa inyo. Boaz na lang po."

"Ay sige po." Nangamot pa ng ulo ng matanda. "Boaz, dito ka ba magpapagabi? Para mapahanda kita ng matutulugan."

"Dito po muna ako titigil ng ilang araw." Tumango ang matanda sa kanya. "Gusto ko pong masubaybayan ang pagbubungkal ng lupa at paghahanda para sa taniman. Atsaka gusto ko pong makilala ang mga tao ko." Tumango-tango pa ang matanda sa sinabi niya.

"Amo!" Napalingon naman siya sa likod at nakita niya si Inang Naomi. Kaagad siyang ngumiti rito.

"Inang, hindi ba sinabi ko na po na Boaz na lang." Ngumiti sa kanya ang matandang babae at yumakap. Naging malapit talaga sa kanya ang matandang babae.

"Pasensiya na, anak." Ngumiti ito sa kanya at nagtanggal ng salakot. Napangiti siya sa bagong tina nitong buhok na itim na itim.

"Pinaghandaan niyo po ata ang pagdating ko." Pagbibiro pa niya. Bumungisngis ang matanda.

"Aba siyempre." Kinindatan pa siya nito.

"Inang, bukas nga pala gusto kong makilala ang mga kasama natin. At hindi po ba nabanggit niyo na may bago kayong kasama."

"Ay oo. Sige, sige bukas. Matutuwa ka. Isang napakagandang dalaga." Pagbibida pa ni inang. Napangiti na lang siya. Ilang beses na rin kasi ang matanda na ipagtambal siya nito sa mga babaeng magaganda na nagtatrabaho sa kanya o kahit na sinong kakilala nito. "Hindi ako nagbibiro. Makikita mo. Magandang dalaga. Kaya nga lang tahimik na bata. Pero mabait." Dagdag pa nito. "Malay mo naman ay siya na talaga hindi ba?"

"Inang." Ngumiti na lang siya rito. "Hindi ko na po naiisip iyan. Matanda na po ako. At palagay ko po kung plano po ng Diyos na mag-asawa ako siguro po noon bata pa po ako. Sa ngayon po, masaya na ako sa bukid at sa inyo na mga kasama ko."

"Boaz, nakalimutan mo na ata ang sinabi sa bibliya. Ang isang tao ay maraming iniisip, maraming binabalak ngunit ang kalooban din ng Diyos ang siyang mananaig." Napangiti siya sa sinabi ng matanda.

"Harinawa." Sagot naman ni Tatay Melencio.

"Kung anuman po ang kalooban ng Diyos." Ngumiti na lamang siya at tumingin sa kalangitan.

...

Dapithapon na at naglalakad siya sa kahabaan ng kakahuyan ng kanyang bukid. Tapos na siyang magpasalamat sa araw na ito sa Diyos at ngayon nga ay oras niya para magmasid sa paligid.

Napansin niya ang grupong mga kadalagahan na nagkukwentuhan sa di kalayuan. Kilala niya ang mga ito at kasama niya ito sa bukid. Masayang nagkukwentuhan ang mga ito at kilala niya ang babaeng namumuno rito na akala mo ay payaso sa pagpapatawa. Si Isay. Napangiti siya. Napakamasayahin nito at hindi pa rin ito nagbabago. Minsanan niya na rin kasi itong nakausap at masasabi niyang hindi man siya kailan nawala sa atensyon dito. Ganoon ito nakakaaliw. Napailing na lang siya sa naiisip. Kapag malaman ito ni Inang Naomi ay ipagtatambal silang dalawa ni Isay. At ayaw niya ng ganoon. Oo at sinasabi nila na maaring matutunan ang pagmamahal pero hindi niya iyon gusto. Ayaw niya ng pilit. Hindi siya tatanda ng ganito kung hindi ganoon ang pamantayan niya.

Iaalis na sana niya ang paningin ng dumako ang mg mata niya sa isang babae sa may dulo ng umpukan na ngiming nakangiti. Maganda ang babae sa paningin niya kahit malayo. Hindi niya ito kilala pero bakit pakiramdam niya ay pamilyar ito. Kakaiba ang pakiramdam niyang familiarity dito. Pinagmasdan pa niya ito dahil nahihiya naman siyang lumapit sa kumpulan ng mga kababaihan. Nakita ko na ba ito? Pero imposible. Kung dito sa bukid ay sana ay napansin na niya ito. Pero saan? Sino ang babae na iyon?

"Sino ang tinitingnan mo, Boaz?" Napalingon siya at nakita niya si Tatay Melencio.

"Nakita ko lang po iyon grupo ng kababaihan." Ngumiti ng malawig sa kanya ang matanda.

"Aba, may kursunada ka na ba?" Tila nagbibiro pang tanong ng matanda sa kanya. "Sino ba roon? Si Isay ba? Alam mo naman kasi iyan si Isay pansinin iyan dahil sa ugali at lakas ng bibig. Pero napakabait na bata, Boaz. Kilala mo na siya hindi ba?" Tumango na lang siya sa sinabi nito. "Pero hindi ka nakatingin kay Isay. Sinong tinitingnan mo?"

"Wala po." Umiwas na siya ng tingin.

"Hindi nga, Boaz. Sinong kursunada mo?"

"Hindi po sa kursunada, tay." Naiiling niyang tugon rito. "May bago po sa paningin ko." Pahayag niya. "Hindi ba po may bago tayo sa bukid? Siya po ba iyon tinutukoy niyo. Iyo nasa dulo ng upuan." Tumingin ang matanda at niliitan pa ang mga mata. Mukhang hindi nito nakikita ang tinuturo.

"Ah iyon. Oo, bago siya rito. Mga tatlo o apat na buwan na rin." Ngiti ng matanda. "Kinupkop iyan ni Naomi dahil walang bahay at walang pera at pinasok na nga rito sa bukid. Masipag na bata naman kahit noon una ay medyo mahirap turuan. Pero ngayon naman ay gamay na niya ang trabaho sa bukid." Tumango naman siya sa sinabi ng matanda.

"Ano pong pangalan niya?" Interesado niyang tanong. Ngumiti ng malaki ang matanda sa kanya.

"Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagtanong ka ng pangalan ng babae na trabahador dito sa bukid." Pagbibiro pa nito. Ngumiti na lang siya. "Ruth. Ruth ang pangalan niya."

"Ruth..." bigkas niya. Nag-isip siya kung narinig niya na ba ang pangalan na iyon pero wala siyang maalala. Pero may kakaiba siyang pakiramdam sa babae na di niya malaman na dahilan. "Ruth." Ulit pa niya.

"Halika at ipapakilala kita." Yakag pa ni Tatay Melencio. Sumulyap siya sa huling pagkakataon sa babae at nakita niyang nakatingin rin ito sa kanya pero saglit lang iyon. Hindi nga ata siya napuna nito.

"Hindi na po. Bukas naman ay makikilala ko na siya." Salita niya. Bukas ay makikita niya ng malapitan ang babae at siguro sa malapitan pakikisalamuha niya rito ay matatama ang sapantaha niya na nakilala niya ito kung saan. Hindi siya kasi madaling makalimot ng mukha. At mas lalong hindi niya makakalimot ang ganoon kagandang mukha. Iisa pa lamang mukha ng babae ang hindi niya makalimutan dahil sa angkin nitong kagandahan. Pero heto siya ngayon at hindi  mapakali kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman sa isang magandang bagong mukha sa bukid niya.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

1.4M 4.6K 6
Minsan umasa kang maabot siya at makasama kahit saglit lang ngunit binalewala ka.... Minsan darating siya sa panahong hindi mo na kailangan... Par...
36K 774 11
Lasenggero ang ama ni Maria Angeles kaya napilitan siyang lumayas sa kanilang bahay. Hindi na niya kaya ang kahihiyang ibinibigay nito sa kanya. Dahi...
12.1M 13.5K 5
She loves Dominic and he has no idea at all. Stephanie grew up loving her brother's best buddy, Dominic Saadvera. Despite his status in society and n...
5.2K 1.7K 37
My sight became blurry as he slowly leaves. All I can see is the darkness he brought. He was the one who gave me light, and now, I'm in the end where...