My Bestfriend is soon-to-be M...

Av MissAngelHeart

395K 2.9K 201

Dahil sa maling akala ng Parents ni Chloe pinilit sila nito na magpakasal ng kanyang bestfriend na si Nathan... Mer

MBISTBMG?!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 15.2
Chapter 16
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 18.2
Chapter 19.2
Chapter 20
Epilogue + Authors Note
Special: KenLine Moments ♥ (Part 1)
Special: KenLine Moments ♥ (Part 2)
Special: KenLine Moments ♥ (Part 3)
Special: KenLine Moments ♥ (Part 4)
Special: KenLine Moments ♥ (Last Part)

Chapter 19

9.2K 62 1
Av MissAngelHeart

A/N: tamad na ako mag lagay POV...joke!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

 CHAPTER 19

This pass few days napapalapit nanaman kami sa isa't-isa at hindi na masyadong nagkakahiyaan..meron ba kaming ganun??

Pagkatapos namin mag simba ni Nathan ay sa isang class restaurant kami nag dinner.

At ngayon tapos na kaming mag dinner so pwede nang uminom kahit wine lang.

"CHEERS!"

"Cheers!" tinanggap ko yung binigay nyang kopita.

Nathan: "you know what, noong nasa puder pa tayo ng parents natin hindi tayo masyadong makapag dinner sa ganitong class restaurant noh?"

Chloe: "oo nga. Puro kasi tayo sa Jollibee or kahit saang mumurahin na fast food chain kumakain."

Nathan: "ikaw kasi mas type mong mag spaghetti kaysa kumain ng kanin."

Chloe: "alam mo naman na favorite ko yun." grabe hindi ako aware na makipag-usap sa kanya parang napakakaswal ng pag-uusap namin eh.

Nathan: "oo nga kaya tuwing uuwi tayo noon ay madalas na may spaghetti sauce ang gilid ng bibig mo! ahahahaha.."

Chloe: "tse! at ikaw naman palaging amoy chicken joy dahil hanggang sa loob ng kotse mo ay may baon kang manok..ahahaha."

Nathan: "masarap eh! teka sa susunod na kakain ulit tayo ay sa jollibee naman tayo ha?"

Chloe: "sige ba!" ^________^

Nathan: "siya nga pala ako na magpapaalam sayo kay Mr. Velasco ha?" si Mr. Velasco ang boss ko.

(A//N: epal na naman ako! hahaha..pasensya na wala akong maisip na ibang apelyido eh..ayan agad kasi nag sink sa utak ko..haha! Mr. Velasco! ^____^V)

Chloe: "ha? h-huwag muna. Hindi pa ako ganoon ka decided na umuwi sa amin."

Nathan: "c'mon Chloe Nicole. At kailan ka pa uuwi sa inyo? Alam mo bang malaki ang ipinayat ng papa mo mula nang umalis ka?"

Chloe: "H-ha? T-talaga?" di ako natutuwa! swear! =______=

Nathan: "oo. ang sabi ng mama mo masyado raw inabala ng papa mo ang sarili sa pamamahala sa bukirin nyo sa probinsya at kadalasan ay nakakalimutan na ang pagkain. Siguro ay nililibang ang sarili dahil nami-miss ka."

Chloe: "T-totoo?"

Nathan: "oo naman. mama mo ang may sabi niyon sakin. So paano? ipagpapaalam na kita para siguradong payagan ka ng boss mo ha?"

Chloe: "bahala ka."

**********

Pagkaraan ng ilang araw, ngayon ay magkasama kami ni Nathan sa kotse nito pauwi sa magulang ko.

Nang ipagpaalam naman ako ni Nathan sa boss ko na si Mr. Velasco ay agad naman na pumayag ito.

Nathan: "bakit ang tahimik mo?"

Chloe: "wala."

Nathan: "wala? o kinakabahan ka?"

Chloe: "ah m-medyo. hindi ko kasi alam kung paano haharapin sina papa."

Nathan: "dont worry just be yourself. alam nila na darating ka kaya naghihintay sila."

Chloe: "g-ganoon ba? l-lalo naman ata akong kinabahan."

Nathan: "huwag mo nang isipin yon. mga magulang mo parin sila at anak ka nila. mas malapot ang dugo kaysa sa anumang pagkakamali ng anak."

Chloe: "may gusto sana akong itanong sayo?"

Nathan:" ano yon?"

Chloe: "yang ginagawa mo. bakit ganyan ka parin makitungo sa akin? bakit kapakanan ko parin ang gusto mo? kahit minsan ba ay hindi ka nagtanim ng sama ng loob sa akin dahil sa ginawa kong pagtakas at sa mga salitang nabigkas ko noon? i know its to harsh?"

Nathan: "to be honest with you sa simula ay nasaktan hindi lang pride ko pero maging ang damdamin ko. Magkaibigan tayo naging mabait ako sayo. paano mo nagawa sa akin ang bagay na yon? paano mo ako napagsabihan ng mga ganoong klaseng salita na talaga namang nakakasugat ng kalooban. but later on i've realized that you did the right thing. hindi naman talaga tayo dapat magpakasal dahil lang sa maling akala ng papa mo at nagpapasalamat ako na ginawa mo yon dahil kung hindi, hindi ko na sana natagpuan ang babaeng talagang para sa akin."

Chloe: "ha? anong ibig mong sabihin?"

Nathan: "i've met this girl recently. Well, maganda siya, sexy, kahit simple lang manamit. Galing din sya sa may kayang pamilya at nagtapos ng Masscom and to top it all napakabait nya. Alam mo siguro sya na talaga ang babaeng hinahanap ko. hindi ba noon ay nasabi ko na sa iyo na kaya ako papalit-palit ng nobya ay dahil may hinahanap ako sa isang babae?"

Chloe: "o-oo."

Nathan: "so ngayon natagpuan ko na iyon kay Eloisa."

Chloe: "T-talaga?" ano ba yon? parang tila may tadyak yon sa aking dibdib? -____-

Nathan: "yeah ^____^ akala ko nga noon hindi ko na matatagpuan ang babaeng nais kong pakasalan. Anyway, kaya wala ka ng dapat ipag-alala hindi na talaga ako mapipilit nina papa na pakasalan ka dahil ipaglalaban ko ang pag-iibigan namin ni Eloisa."

Chloe: "dapat lang naman ^_____^" fake smile! "k-kumusta naman ang parents mo? hindi ba sila galit sa akin dahil sa pagtakas ko?"

Nathan: "hindi naman sila nagalit sayo noon ang totoo sila ang nag-aalala na baka madamay sila sa galit mo dahil hindi manlang sila tumutol sa balak ng papa mo."

Chloe: "T-talga? kung ganon edi wala na talagang problema sa pag-uwi ko nito."

Nathan: "oo naman! ^____^"

**********

"Mabuti naman at bumalik kana anak."

"namiss ko kayo ma." niyakap ko ng mahigpit si mama habang tumutulo na ang luha ko, namiss ko talaga ang yakap ni mama. "nasaan po si papa?"

"nagpunta sa manggahan, harvest ngayon."

"pumunta tayo roon Ma." sabik na ko makakain ng fresh mango yung bagong pitas kasi sa lungsod di ako masyadong makakain dahil mahal.

"kayo nalang ni Nathan. tutulungan ko si Mending sa pagprepare ng lunch dito kakain ang mga nagha-harvest ng mangga. nagpa-letson ang papa mo. may salu-salo rito mamayang tanghali."

"alam po ba ni papa na darating ako?"

"alam niya at excited sya na makita ka." lumingon ako kay Nathan

"sabi ko naman sayo Chloe Nicole ^____^ paano? pupunta ba tayo sa manggahan?"

"baka may iba ka pang gagawin. nakakahiya naman na magpa-escort pa ko sayo."

"what are friends are for? magkaibigan na ulit tayo diba?"

"oo naman sige salamat."

"youre welcome."

Nang makarating kami sa manggahan tuwang-tuwa si papa na makita akong muli..

Nagpasalamat nalang ako kay Nathan sa paghatid sakin at dahil hindi na sya mapipilit na kumain sa amin..

"alam ko naman na sabik na sabik ang parents mo na masolo ka."

"yeah ako man ay nasasabik din na makasama sila. salamat nalang ha?"

"wala iyon. sige see you tomorrow."

"bakit pupunta ka ba rito bukas?"

"oo naman. one week ang bakasyon ko sa office, maiinip naman ako rito kung hindi ako nag-iikot-ikot at samahan mo akong mamasyal."

"sige ba! ^___^"

Somehow ayon naman talaga ang inaasahan kong gagawin ni Nathan at para na rin maibalik sa dati ang pagtitinginan namin bilang magkaibigan.

Sa paglipas ng mga araw namamasyal kaming magkasama ni Nathan at naging masaya ulit ang lahat.

Nagagawa ko nang makipagbiruan, harutan, kahit na magkadikit ang mga kamay namin dahil minsan napapahawak na ko..

Pero minsan naiisip ko rin na may isang Eloisa na sa buhay niya.

"Nathan kailan ko makikilala si Eloisa?"

"bakit gusto mo na ba syang makita at makilala? baka next week pagbalik natin sa maynila makikilala mo na sya at ipapakilala ko na sya sa parents ko."

"talaga?"

"oo panay nga ang text at tawag nya sa kin pag gabi naiinip na raw sya sa pagbabalik ko sa maynila at miss na miss na raw nya ko."

"talaga? ang sweet naman nya."

"well isa iyon sa mga hinahanap kong katangian ng isang babae."

Katahimikan..............

naiisip ko parin kung bakit ganito ang nararamdaman ko bakit parang nasasaktan ako na malaman na may isang Eloisa na si Nathan?

Gaano kaya kaganda si Eloisa? Hmp! Bakit ba ako nasasaktan ng ganito sa isiping mukhang totohanin na ni Nathan ang babaeng iyon? dati naman kapag nagkukwento sya sa akin about sa mga girlfriends nya balewala lang sa akin. Totoo kaya ang sinabi sa akin ni Deniesse na kaya ayokong magpakasal sa lalaking ito noon ay dahil nasasaktan ako sa isiping hindi pag-ibig ang talagang dahilan kaya kami magiging mag-asawa?

"May iniisip ka ba?"

"ha? ah eh wala may naiisip lang ako." nightdreaming ba ako dito? gabi na eh kaya night..LOL!

"iniisip mo pa bang bumalik sa lungsod para magtrabaho kahit bati na kayo ng mga magulang mo?"

"medyo, nakakainip din naman kasi rito sa probinsya. isa pa hindi pa ako nakakapag resign kay Mr. Velasco bilang sekretarya nya."

"kung gusto mo sumabay ka nalang sakin umuwi?"

"ha? ah hindi pa naman ako ganoon ka-decided."

"kahit na. hindi bay may mga gamit ka pa sa boarding house mo? sumabay kana sa akin para kapag nakapag-decide kana magtrabaho parin doon ay hindi kana bibyaheng mag-isa."

"sige try kong magpaalam kina papa. baka kasi hindi nila ako payagan."

"papayagan ka ng mga yon hindi bat tanggap na nila na may karapatan kang magpasya sa sarili mo."

"oo nga."

"kung ganoon, sumabay ka nalang sa akin sa linggo ng hapon ha?"

"sige." oo nalang kahit hindi pa ako sigurado kung babalik ako agad ng lungsod.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

80.6K 1.7K 28
Till death do us apart. Yan yung mga katagang madalas nating naririnig sa mga pelikula sa TV. Pinatutunayan nilang, kamatayan lang daw ang makapaghih...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
123K 1.9K 47
LOVE CAFE SERIES **Presents** # 5: My Great So-Cold Wife :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Andrei Ventura. Una pa lang, gustong-gusto niya nang...
14.5K 214 18
This is the book 2 of " Mr.Heartthrob fell for a Nerd " ! Please still support this! :D